Showing posts with label Rhian Ramos. Show all posts
Showing posts with label Rhian Ramos. Show all posts

Saturday, February 28, 2009

GPTV Batch 2 Elimination, Sino ang Pasok sa Top 10?

Isang linggo na naman ng elimination para sa ating search for the Goddess of Philippine TV ang natapos kagabi sa ganap na 11:59 pm. Nanguna dito ang pambato ng Kapamilya network na si Angel Locsin na sinundan ng isang pang Kapamilya talent na si Rachelle Ann Go. Isa pang Kapamilya na nasa Top 4 ay si Toni Gonzaga.

Isang obserbasyon ng kasamahan namin dito sa blog na ang nangunguna ngayong actress para sa Dos ay mga galing ng GMA. Si Rachelle ay produkto ng isang singing competition ng Siyete samantala nakilala at nagkapangalan si Angel sa Siyete. Si Toni naman ay nakilala sa Eat Bulaga at iba pang programa ng Siyete.

Si Rhian Ramos ang may pinakamataas ng pwesto sa hanay ng mga Kapuso artists. Siya ang nasa ikatlong pwesto pagkatapos manguna ng halos limang araw. Si Diana Zubiri ang pumuno sa Top 5.

Ang ilan pang nasa Top 10 na umabante para sa Top 50 ay sina Jennica Garcia, Lovi Poe, Gee Ann Abraham, Roxanne Guinoo at Katrina Halili.

Hindi naman pinalad sina Bianca Gonzales, Maggie Wilson, Iwa Moto, Arci Munoz, LJ Reyes, Kaye Abad, Lauren Young, Cassandra Ponti, Karel Marquez at Irish Fullerton na makapasok sa Top 10 na naging dahilan ng tuluyan na nilang pagkakatanggal sa ating search. Wala na silang pagkakataon pa na maging Goddess of Philippine TV para sa taong ito.

Kumpara sa figures ng mga boto para sa mga artistang kasali sa first batch of elimination, hindi masyado successful ang batch na ito dahil mas konti ang mga suportang fans. Kung nakatanggap kami ng halos 23,000 na boto last week, ngayon ay wala pa sa kalahati dahil ito ay nasa 4,580 lamang. Kung may halos 45,000 pageviews para sa boto lang last week, ngayon ay nasa 7,816 lamang.

At dahil Siete contra Dos ang pangalan ng ating blog, ngayong linggo ay Dos naman ang nanalo kahit parehas na tiga-lima ng Kapuso at Kapamilya artists sa Top 10. Mas marami kasi ang mga Kapamilya ang may mas mataas n pwesto.

Samantala, nag-umpisa na ang botohan para sa Batch 3 at isa sa mga prominent names dito ay sina Heart Evangelista, Jennylyn Mercado, Bea Alonzo, Maja Salvador, Angelica Panganiban, Kris Bernal, Camille Pratts, Jodi Santamaria at Glaiza de Castro.

Hiling pa rin namin na suportahan natin lahat sila. Kaya bumoto na muli.

READ MORE >>

Wednesday, February 25, 2009

GPTV UPDATES: Angel Locsin is Our New Leader

GPTV UPDATES: Tulad nga ng una naming inakala, naging number one na si Angel Locsin sa ating poll this week para sa Goddess of Philippine TV. May 87 votes (as of 4 pm of 25 February 2009 Philippine time) na lamang na siya sa dating number one na si Rhian Ramos na nasa pangalawang pwesto naman.

Mukhang na-challenge yata ang mga Angel fans at mga loyal viewers ng Kapamilya network dahil puro artista uli nila ang mga nagpakita ng tremendous improvements sa bilang ng mga boto.

Triple ang boto ng mga Kapamilya kumpara sa mga Kapuso ngayong araw na ito. Tatlong Kapamilya artists na ang pasok sa Top 10 pero kung patuloy naman na hindi kikibo ang mga Kapuso loyal viewers ay malamang mas dadami pa ang mga taga-Dos na makapasok sa Top 10 sa pagtatapos ng botohan para sa batch na ito.

Maganda rin ang ipinakitang suporta ng mga taga-hanga ni Toni Gonzaga dahil mula sa pangsampung puwesto ay umakyat siya sa panlima. Ganundin ang nangyari kay Rachelle Ann Go na nasa pampitong puwesto na pagkatapos nasa lowest 10 simula umpisa ng botohan.

Medyo dumarami na ang mga Kapamilya avid fans ang nagpapakita ng kanilang suporta sa mga artista nilang kasali sa search for the Goddess of Philippine TV pero parang kabaligtaran naman ito sa sitwasyon ng mga Kapuso. Mukhang hindi yata pwede magsabay ang dalawang pinakamalaking fan bases ng mga TV networks, huh. Kapag active yung isa dapat yung isa ay passive naman and vice versa yata ang drama. Nagtataka ako?

Para sa mga Kapuso artists, nalaglag na si Arci Munoz sa Top 10 at nanganganib ma-eliminate comes Saturday night. Ang pang-sampung position ni Iwa Moto ay delikado rin dahil malapit na rin itong maagaw ni Roxannae Guinoo.

Tandaan na meron na lang kayong 2 araw para bumoto sa batch na ito. Kaya kung gusto ninyo magpatuloy sa laban ang iyong paboritong artista kailangan mailagay ninyo sila sa Top 10 this week. Sa 11:59 pm ng Sabado (Philippine time) o 27 February, malalaman na natin kung sino ang mga sampung maswerteng aabante sa Top 50 at ang mga hindi papalarin.

Ang kumpletong listahan ay nasa second column ng ating blog o site. Ang last update para sa linggong ito ay bukas na lang. Kaya ipagpatuloy ang pagsuporta sa inyong mga artista.

READ MORE >>

Tuesday, February 24, 2009

GPTV UPDATES: Kapamilya Fans, mas Nagpakita ng Suporta Ngayon Araw na ito

GPTV UPDATES: Mahina pa rin ang suporta ng mga fans ng mga artistang kalahok sa second elimination ng ating search for Goddess of Philippine TV. As of this writing, hindi pa rin napapantayan ang record natin last week sa unang elimination. Sobrang solid ang mga supporters nina Laarni Lozada, Aicelle Santos, Marian Rivera at Jonalyn Viray - ang apat na nanguna - at talaga naman kahanga-hanga ang kanilang ipinakitang suporta.

Nangunguna pa rin si Rhian Ramos sa ating poll pero bumaba ang turn-out ng mga votes niya at kabilang na rin dito ang lahat ng mga Kapuso stars na nasa competition ngayong linggo.

Kung humina ang votes ng mga Kapuso fans, kabaligtaran naman ang nangyari sa Kapamilya dahil dumami ang kanilang votes kumpara sa mga nagdaang araw. Mas malaki ang naidagdag sa mga votes ng karamihan sa mga artista ng Dos pero hindi pa rin ito ganap para i-occupy nila ang top positions.

Sa lahat ng mga Kapamilya stars, sina Angel Locsin, Toni Gonzaga at Gee-Ann Abraham ang may pinakamaraming botong naidagdag.

Nailapit ni Angel ang kanyang boto sa boto ng mga tatlong GMA 7 stars na nasa Top 3. Lumiit ang gap nila at kung magpapatuloy na magpakita ang mga loyal Angel fans ay hindi imposibleng manguna si Angel sa poll na ito tulad ng una naming inakala. Pero among Kapamilya stars in this batch, si Angel pa rin ang pinakpopular so far.

Si Toni Gonzaga naman ay umakyat ng tatlong puwesto at naungusan niya ang ilang Kapuso stars na dating nasa unahan niya. Tulad ni Angel, kung patuloy itong suportang ito ng fans para sa dalaga, hindi rin imposibleng matapos ang botohan na ito na nasa Top 5 siya.

Sa kabilang banda, si Gee-Ann naman ay nananatili pa rin sa Lowest 10 kahit dumami ang votes niya kahapon. Hindi pa rin ligtas ang dalagang produkto ng Pinoy Big Brother sa elimination.

In general, kung walang malaking pagbabago sa mga votes sa loob ng 3 araw, nanganganib na mas marami na naman ang Kapamilya stars ang matatanggal. Baka dalawa lang sa kanila ang aabante sa Top 50 - sina Angel at Toni lamang na ironically ay parehas pang galing ng GMA 7.

Noong nakaraang linggo o elimination ng first batch, isang Kapamilya star lang ang nakapasok sa Top 10, ang nanguna sa botohan na si Laarni Lozada.

Pero meron pa tayong 3 araw na natitira para sa second elimination na ito. Magtatapos ang botohan sa 27 February sa ganap na 11:59 ng gabi.

Patuloy pa rin natin suportahan ang mga artista natin at hwag silang kalimutan iboto. Kung hindi sila makakapasok sa Top 10 ay balewala ang mga botong nakuha nila sa Mister Poll.

READ MORE >>

Tinanggihan nga ba ni JC de Vera ang Soap na Rosalinda?

Ang sikat na Mexican soap opera na Rosalinda ay siya sanang gagawin nina JC de Vera at Rhian Ramos bilang follow-up sa successful nilang La Lola. Pero hindi ito natuloy at napunta na nga sa baguhang si Carla Abellana ang soap na ito.

Marami ang nagtataka kung bakit tinanggihan nina JC at Rhian ang naturang palabas dahil sigurado namang sure hit ito kapag ipalabas na dahil sabik siyempre ang mga manonood na makita ang telenobelang ito in its Pinoy adaptation.

Ang siste kagagawan na naman daw ito ni Annabel Rama na siya ring manager ni JC. Malakas ang bulung-bulungan na ayaw masapawan ni JC ang kasikatan ng anak niyang si Richard Gutierrez. Kung itatanong niyo sa akin kung paano nangyari ito dahil alaga rin naman ni Bisaya si JC, ang masasabi ko lang ay blood is thicker than water.

Dahil nga sure hit na ang Rosalinda sa mga manonood baka lalo na raw bubulusok ang kasikatan ni Richard dahil maaaring mas marami na ang kikiligin kay JC once na mapanood ito sa Rosalinda.

Ang batayan daw ni Bisaya sa kanyang kinatatakutan na ito ay ang pansamantalang pagkatalo ng soap ni Richard na Codename: Asero ng La Lola. Matatandaan na noong malapit nang magtapos ang Asero at nagsisimula naman ang La Lola, nauungusan ng huli ang una. Isa itong indikasyon na mas sumisikat na nga si JC.

Kaya bilang isang nanay na gustong protektahan ang interes ng anak kahit sa anong paraan, ito'y inayawan ng manager ni JC at naghintay sila ng iba pang projects.

Ayon naman sa sitsit ng iba pang mga kaibigan, desidido daw kasi na ipahiram ni Bisaya si JC para kay Judy Ann Santos sa bago nitong teleserye sa Dos kaya nagkaroon siya ng dahilan para hindi tanggapin itong project na ito.

Gustong-gusto raw ni JC na gawin ang Rosalinda pero dahil takot daw siya sa kanyang manager wala siyang magagawa. Kaya wala daw karapatan si Bisaya na magtampo sa Siyete dahil kahit na raw magtatapos na ang kontrata ng binata sa Kapuso network sa 15 March ay hindi pa rin siya pinababayaan.

READ MORE >>

Monday, February 23, 2009

GPTV Updates: Rhian Ramos Nangunguna

Mahina ang suporta sa mga female artists natin na naglalaban-laban para sa second elimination ng search for our Goddess of Philippine TV kumpara last week o noong first elimination.

As of 3 pm kahapon (22 February 2009) nakatanggap lang kami ng 981 votes at 1927 pageviews para sa poll natin sa second elimination alone. Hindi kasama dito yung poll natin sa Mister Poll. Ang figures na ito ay wala pa sa kalahati ng natanggap nating result for last week sa ganito rin time frame.

Si Angel Locsin ang inaasahan naming mangunguna dito pero tinatalo siya ni Rhian Ramos. Para sa amin, nakakapagtaka ito dahil isa si Rhian sa hindi tinatantanan ng mga bad publicities dati at mga hate messages pero mukhang nalampasan na yata ito ng dalaga simula nang magbida sa La Lola. Sa kasalukuyan si Rhian ang leading sa lahat ng 20 female young stars natin na kasali sa poll.

Sa ngayon, muling nagpapakita ng pagiging solid ng mga Kapuso fans dahil walo sa Top 10 ay puro Kapuso stars. Ang tanging Kapamilya stars na nasa Top 10 ay sina Angel Locsin at Toni Gonzaga. Nakakatuwa pa dahil sina Angel at Toni ay nakilala sa Channel 7 na lumipat ng bakod.

Ang tanging dalawang Kapuso stars na wala sa Top 10 ay sina Arci Munoz at Karel Marquez.

Kung magpapatuloy ang trend na ito at hindi magpakita ng solid votes ang mga Kapamilya fans tulad ng ipinakita ng mag Laarnians, posibleng majority of the Kapamilya stars ay mae-eliminate muli sa second face off.

Pero malayo pa naman ang araw bago magsara itong poll natin for this week. Inaasahan namin na magpakita rin ng concern ang mga loyal Kapamilya fans at iboto ang kanilang mga talents.

READ MORE >>

Friday, February 20, 2009

Second Elimination ng Goddess of Philippine TV: Angel Locsin, Isa sa Inaasahang Mangunguna

Magsisimula na ang second elimination ng ating search for the Goddess of Philippine TV mamaya na pagkatapos ng 7 hours and 15 minutes (Philippine time). Iyan ay sa ganap na alas-dose mamayang hating-gabi. Panibagong 20 na female young stars uli mula GMA at ABS-CBN ang mananawagan sa inyong mga boto sa loob ng isang linggo. Ito ay magtatapos sa 27 February.

Kasabay nito ay ang pagsarado naman sa botohan ng first batch ng 20 female young stars from both Kapuso and Kapamilya networks. Mamaya 11:59 ngayong gabi ay isasara na natin ang unang face off at malalaman na natin ang mga sampung talents na aabante sa Top 50. Pero 10 rin sa kanila ang magpapaalam na. Nakakalungkot, ano?

Bukas na rin ng hapon sa Pilipinas namin ia-announce kung sino ang mga unang sampung papasok sa Top 50. Sinadya namin hwag i-update ang poll counts namin kahapon at ngayon para may konti naman suspense.

Balik tayo dito sa Second Face Off for this week. Ang inaasahan na mangunguna dito ay sina Angel Locsin, Toni Gonzaga, Rhian Ramos, Roxanne Guinoo, Bianca Gonzales, Katrina Halili, Diana Zubiri, Iwa Moto at Lovi Poe.

Ang iba pang Kapamilya talents ay sina Kaye Abad, Cassandra Ponti, Gee-ann Abraham, Rachelle Ann Go, Irish Fullerton at Lauren Young.

Ang mga ibang Kapuso naman ay sina LJ Reyes, Jennica Garcia, Maggie Wilson, Arci Munoz at karel Marquez.

Kung silang mga nabanggit na artista ay iyong idolo, gustong manalo, o dahil sinusuportahan ninyo ang network nila, bumoto uli kayo bukas dito sa second elimination. Pwede rin ninyo sila ikampanya tulad ng ginawa ng mga fans ng mga artistang kasali sa unang batch. Ilan dito ay ang mga masisipag na fans nina Laarni Lozada, Aicelle Santos, Marian Rivera at Jonalyn Viray.

READ MORE >>

Wednesday, February 11, 2009

Top 100 Female Young Stars of the Philippines Unofficial List


The First Search on the GODDESS of Philippine TV starts on Valentines Day here at Siete Contra Dos.

Bawat linggo, sampung artistang babae ng Kapuso at sampu rin sa Kapamilya ang maglalaban-laban para sa Top 10 na magpapatuloy sa loob ng limang linggo. Dito natin malalaman kung anong network ang may pinakasikat at pinakapaboritong artistang babae sa ngayon. Ito ang katumbas ng King of Philippine TV na malapit na rin simulan dito pa rin sa paborito ninyong blog. Tungkol naman ito sa mga pinakasikat na lalaking actor natin sa ngayon.

Nakapili na ang ating sampung hurado ng mga pinaka-sikat na mga artistang babae sa Philippine TV.

Here is the UNOFFICIAL list of Philippine Top 100 Female Young Stars mula sa dalawang networks.

Ang mga galing sa GMA Kapuso 7 ay sina:

1. Marian Rivera
2. Heart Evangelista
3. Rhian Ramos
4. Pauleen Luna
5. Yasmine Kurdi
6. Jennelyn Mercado
7. Glaiza De Castro
8. Katrina Halili
9. Lovi Poe
10. Jennica Garcia
11. Jewel Mische
12. Ehra Madrigal
13. Michelle Madrigal
14. Nadine Samonte
15. Camille Pratts
16.Diana Zubiri
17. Francine Prieto
18. Ruffa Mae Quinto
19. Sheena Halili
20. Iza Calzado
21. Sunshine Dizon
22. Jolina Magdangal
23. Bianca King
24. Angelika Dela Cruz
25. Chynna Ortaleza
26. Jackie Rice
27. Isabel Oli
28. Iwa Moto
29. Kris Bernal
30. LJ Reyes
31. Kyla
32. Maxene Magalona
33. Maureen Larazabal
34. Rich Asuncion
35. Ryza Cenon
26. Rochelle Pangilinan
27. Izzy Terona
28. Steff Prescott
29. Aicelle Santos
30. Maricris Garcia
31. Jonalyn Viray
32. Carla Abellana
33. Maggie Wilson
34. Tanya Garcia
35.Alyssa Alano
36. Karel Marquez
37. Jade Lopez
38. Aileen Luna
39. Jana Roxas
40. Arci Munoz
41. Sarah Larson
42. Vanessa del Moral
43. Rhea Nakpil
44. Krissa Mae Arrieta
45. Julia Clarete
46. Lougee Basabas
47. Diana Menezes
48. Say Alonzo
49. Nikki Dacullo
50. Angelu de Leon


Heto naman ang mga napiling artista ng Kapamilya network:

1. Angel Locsin
2. Sarah Geronimo
3. KC Concepcion
4. Kim Chui
5. Anne Curtis
6. Maja Salvador
7. Judy Ann Santos
8. Claudine Baretto
9. Kristine Hermosa
10. Toni Gonzaga
11. Roxanne Guinoo
12. Bea Alonzo
13. Shaina Magdayao
14. Angelica Panganiban
15. Bianca Gonzales
16. Mariel Rodriguez
17. Gee-ann Abraham
18. Iya Villana
19. Valerie Concepcion
20. Nikki Gil
21. Rica Peralejo
22. Alessandra de Rosi
23. Meagan Young
24. Riza Santos
25. Karylle Tatlonghari
26. Cristine Reyes
27. Gaby dela Merced
28. Erich Gonzales
29. Wendy Valdez
30. Kaye Abad
31. Kristel Moreno
32. Nina Jose
33. Eda Nolan
34. Janelle Quintana
35. Sheryn Regis
36. Melissa Ricks
37. Jodi Santamaria
38. Beatriz Saw
39. Neri Naig
40. Lauren Young
41. Cassandra Ponti
42. Desiree Del Valle
43. Dimples Romana
44. Saicy Aguila
45. Malaya Lewandowski
46. Laarni Lozada
47. Irish Fullerton
48. Jamilla Obispo
49. Carla Humphries
50. Cathy Gonzaga

Tinawag namin itong UNOFFICIAL LIST dahil sa 13 February 2009 mismo namin ia-announce ang OFFICIAL list. Maari ang ilan na nasa listahan ay mawala kapag sila'y naungusan sa score ng mga artistang wala pa sa aming database. Ang mga hurado ay nakatira sa labas ng Pilipinas kaya hindi namin masyado pa kilala ang mga ilang baguhang or bagong sulpot na mga talents.

Kaya kung sa tingin ninyo ay wala sa listahan ang iyong idolo, ipagbigay alam kaagad dito sa pamamagitan ng comment form after this write up upang sila'y masuri namin at kung ang scores nila ay pasok sa Top 50 ng channel na kinabibilangan nila ay agad namin silang isasama sa official list.

Mabuhay kayo at suportahan natin ang contest na ito.

CLICK HERE to read the full mechanics of the contest.

READ MORE >>

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO