Showing posts with label Katrina Halili. Show all posts
Showing posts with label Katrina Halili. Show all posts

Sunday, April 5, 2009

Ipinakikilala ang Third Batch ng GPTV Second Face Off

Kasabay ng Semana Santa ay ang eliminasyon ng pangatlong grupo ng mga artista nating babae sa ngayon kung saan pipilitin nilang makapasok sa Top 25 ng Top Female Young Stars of the Philippines at kung saan  manggagaling din ang sole title na Goddess of Philippine TV.

Pagpatak ng alas-siete ng gabi ng Lunes Santo (6 April 2009) ay ang pagsisimula ng botohan upang alamin kung sino kina Marian Rivera, Toni Gonzaga, Jewel Mische, Maja Salvador, Jennylyn Mercado, Iza Calzado, Erich Gonzales, Katrina Halili, Ryza Cenon at Ehra Madrigal ang papasok sa prestigious Top 25.
Magtatapos ang isang linggong botohan na ito sa ganap na alas-siete uli ng gabi sa susunod na Lunes, 13 April 2009. Sa oras na ito malalaman natin kung sino ang lima sa kanila ang mapalad na aabante sa ating search at kung sino naman ang lima na hindi na mabibigyan pa ng pagkakataong maging Goddess of Philippine TV sa taong ito.

Kaya hwag ninyo silang kalimutan iboto lalo na kung kayo ay isang fan o supporter ng kahit sinong artistang nabanggit sa itaas. Mahalaga ang botohan ngayon linggo na ito dahil dito natin malalaman kung sino sa mga artistang ito ang hindi masasayang ang boto nila sa Poll Daddy.

Kung sino rin ang papasok sa Top 25 ay magbabalik sa 29 April 2009 para naman sa Top 10.

READ MORE >>

Wednesday, March 18, 2009

Katrina Halili, Matindi ang Depression dahil kay Hayden Kho

Nakakaawa naman ang "depression" na nararamdaman sa ngayon ni Katrina Halili ayon sa ibinulong sa amin ng isang kaibigan dahil sa kontrobersiyang kinasangkutan nito noong mga nagdaang buwan. Isa si Katrina sa mga third parties sa hiwalayan nina Dr. Vicki Belo at Hayden Kho. Ang pinakamasakit siguro na nagawa ni Katrina ay ang pagpatol sa nobyo ng taong itinuring siyang malapit na kaibigan at paboritong endorser. Nasaktan niya si Vicki. Naging tanga si Katrina sa pag-ibig at inamin naman niya ito.

Sobra daw kinamumuhian sa ngayon ni Katrina si Hayden dahil sinira nito ang kanyang pagkatao sa publiko. Ito daw ang matagal nang kinatatakutan ng dalaga. Ang pag-amin ni Hayden na naging sila ni Katrina habang may nobya siya ang nagtulak sa mga tao para kamuhian siya. Malinaw na hindi nagustuhan ng mga tao ang pagpatol ni Katrina sa isang lalaki na pag-mamay-ari na ng iba.

Pinipilit daw tanggapin ni Katrina na unti-unti na siyang lumulubog bilang isang TV and movie actress.  Kumbaga, nasa dapit-hapon ang kanyang career. Aminado raw siyang nasayang ang effort niya at ang GMA na gawin siyang malaking pangalan. Kung kailan kasi nagsisimulang maging bida na siya sa mga palabas ay doon pa pumutok ang iskandalo kung saan siya ang pinaka-apektado sa laht ng involved.

Para kay Katrina, sana naman daw kasi ay prinotekhan din siya ni Hayden. Alam naman daw ni Hayden na may pangalan siyang inaalagaan at parehas naman daw silang nagkamali kaya sana naman daw ay hindi na binanggit pa ang kanyang pangalan sa telebisyon. Kung hindi daw kasi binanggit ni Hayden ang kanyang pangalan. posible sanang nasalba daw siya dahil hindi naman daw nagsasalita si Vicki kung sino ang mga babaing naging dahilan ng hiwalayan nila.

Ito ang daw ang hindi matanggap ni Katrina dahil ipinahamak siya ng lalaking minahal naman daw niya. Dahil sa kagustuhan daw ni Hayden na mapa-ibig muli si Vicki ay bakit kailangan pa raw siyang kaladkarin. Hindi man lang daw inisip ni Hayden ang kanyang status sa showbiz.

Dito sa Siete Contra Dos, aminado kaming nagkasala talaga si Katrina. Mali ang kanyang ginawa na pagpatol sa isang taong alam naman niyang may dyowa ng iba. Pumayag siyang maging other woman.Walang tama doon. Aminado diyan si Katrina. Nagsisisi daw siya pero sana naman ay maging aral talaga ito sa kanya at hwag ng gawin pa sa hinaharap.

Pero meron pa rin naman kaming concern kay Katrina kahit nagkasala siya. Sasang-ayunan namin na sana hindi na lang binanggit pa ni Hayden ang pangalan ng dalaga. Alam naman siguro ni Hayden na masisira talaga ang celebrity status ni Katrina kapag nalalaman ng publiko na nanloko ang isang tao sa kapwa. Sana ay pinag-usapan na lang nilang pribado ang lahat ng ito.

Dahil dito ay napatunayan namin ang obserbasyon ng marami sa showbiz na nalunog sa isang baso ng tubig si Hayden. Masyado siyang nasilaw sa konting kasikatan dahil sa pagkapasok niya sa showbiz. Masyado siyang naging bilib sa kanyang sarili at inakalang siya na yata ang pinaka-gwapong lalaki sa mundo.

Dahil sa mentalidad na iyan na na-develop ni Hayden sa sarili, sumubok siyang magpa-ibig ng maraming  sikat na babae sa kabila ng pagkakaroon niya ng kasintahan. Nang naging okay ang una niyang pagsubok ay lalo siyang naging hyper at nagpursige na ituloy ito. Nahibang ang loko. Pero huli na nang siya ay mapaso.

Bakit hindi pwedeng sabihin na hindi nalunod si Hayden sa konting kasikatan? Dahil noong nagpasya siyang kitilin ang kanyang buhay, nagulat daw siya kung bakit hindi pa raw lumalabas sa mga balita ang kanyang ginawang pagpapakamatay. Dismayado daw siya kinabukasan nang gabing mag- overdose siya ng gamot dahil nalaman na hindi pa raw napa-publish ang kanyang ginawang paglaklak ng gamot. Sinubukan talagang maging artista ni Hayden, huh.

Well, classic example si Hayden ng mga taong nangarap at biglang nakalimot pero bigla din bumulusok pababa para maturuan ng leksiyon. Sana naging aral ito para sa kanya at sana maging better person siya dahil sa nangyaring ito. Mahirap kung wala siyang mapulot na aral dito.

At para kay Katrina, kung sakali man na makabangon siya, matuto na rin sana siyang magpahalaga ng mga munting bagay tulad ng pag-respeto sa isang relasyon. Hwag mo ng masyado sisihin si Hayden dahil parehas kayong may mali. Habang sinisisi mo siya ay lalo lamang nagiging mabigat sa dibdib mo. Tanggapin mo na lang na iyan ang consequence ng pagkakamali ninyo.
Get free website for your blog

READ MORE >>

Saturday, February 28, 2009

GPTV Batch 2 Elimination, Sino ang Pasok sa Top 10?

Isang linggo na naman ng elimination para sa ating search for the Goddess of Philippine TV ang natapos kagabi sa ganap na 11:59 pm. Nanguna dito ang pambato ng Kapamilya network na si Angel Locsin na sinundan ng isang pang Kapamilya talent na si Rachelle Ann Go. Isa pang Kapamilya na nasa Top 4 ay si Toni Gonzaga.

Isang obserbasyon ng kasamahan namin dito sa blog na ang nangunguna ngayong actress para sa Dos ay mga galing ng GMA. Si Rachelle ay produkto ng isang singing competition ng Siyete samantala nakilala at nagkapangalan si Angel sa Siyete. Si Toni naman ay nakilala sa Eat Bulaga at iba pang programa ng Siyete.

Si Rhian Ramos ang may pinakamataas ng pwesto sa hanay ng mga Kapuso artists. Siya ang nasa ikatlong pwesto pagkatapos manguna ng halos limang araw. Si Diana Zubiri ang pumuno sa Top 5.

Ang ilan pang nasa Top 10 na umabante para sa Top 50 ay sina Jennica Garcia, Lovi Poe, Gee Ann Abraham, Roxanne Guinoo at Katrina Halili.

Hindi naman pinalad sina Bianca Gonzales, Maggie Wilson, Iwa Moto, Arci Munoz, LJ Reyes, Kaye Abad, Lauren Young, Cassandra Ponti, Karel Marquez at Irish Fullerton na makapasok sa Top 10 na naging dahilan ng tuluyan na nilang pagkakatanggal sa ating search. Wala na silang pagkakataon pa na maging Goddess of Philippine TV para sa taong ito.

Kumpara sa figures ng mga boto para sa mga artistang kasali sa first batch of elimination, hindi masyado successful ang batch na ito dahil mas konti ang mga suportang fans. Kung nakatanggap kami ng halos 23,000 na boto last week, ngayon ay wala pa sa kalahati dahil ito ay nasa 4,580 lamang. Kung may halos 45,000 pageviews para sa boto lang last week, ngayon ay nasa 7,816 lamang.

At dahil Siete contra Dos ang pangalan ng ating blog, ngayong linggo ay Dos naman ang nanalo kahit parehas na tiga-lima ng Kapuso at Kapamilya artists sa Top 10. Mas marami kasi ang mga Kapamilya ang may mas mataas n pwesto.

Samantala, nag-umpisa na ang botohan para sa Batch 3 at isa sa mga prominent names dito ay sina Heart Evangelista, Jennylyn Mercado, Bea Alonzo, Maja Salvador, Angelica Panganiban, Kris Bernal, Camille Pratts, Jodi Santamaria at Glaiza de Castro.

Hiling pa rin namin na suportahan natin lahat sila. Kaya bumoto na muli.

READ MORE >>

Sunday, February 15, 2009

Katrina Halili at Angel Locsin, Gusto Maka-Date ng mga Europeans at Americans Ngayong Valentines


Magandang umaga sa inyong lahat dyan sa Pilipinas at sa lahat na rin ng aming mambabasa sa lahat ng panig ng mundo. Happy Valentines to all of us.

When Karl asked me to join as a co-author for this blog, I immediately accepted since I really miss our country and its entertainment industry that I used to love. As part of my first assignment for, I interviewed non-Pinoys who they would like to date on Valentines day if they were given the chance to meet our local female stars.

Mostly Europeans, Americans and 3 Asians answered my survey. Some of them are my friends, co-workers, friend of a friend and acquinatances. I asked them to see the pictures of our Top 100 Female Young Stars competing for the Goddess of Philippine TV and here is the result.

The question was: "Assuming you don't have a date this Valentines and you are given the chance to choose one from our Top 100 Female Young Stars in the Philippines, who would you like to spend the holiday with?"

Katrina Halili - 9 votes
Angel Locsin - 9 votes
Marian Rivera - 7 votes
Pauleen Luna - 5 votes
Cristine Reyes - 3 votes
Jonalyn Viray - 3 votes
Iza Calzado - 3 votes
Laarni Lozada - 2 votes
Anne Curtis - 2 votes

Clearly, Katrina Halili and Angel Locsin topped the list in a tie followed by Marian Rivera, Pauleen Luna and Cristine Reyes. There is also a point we can derived from this, the taste or preference of the Europeans and Americans are the brown beauties or those ladies who are very Pinay in colour.

Hindi nakapagtataka, di ba? Dahil kung tayo sa Pilipinas ay gusto natin yung mga mapuputi, dito sa Europe ay iba. Hands down sila kina Katrina Halili and Angel Locsin dahil gandang-ganda sila sa kanilang kulay.

Sabi nila ay nahirapan sila pumili dahil lahat daw na nasa listahan ay sobrang naggagandahan. 44 lahat ang mga respondents ko at 11 dito ay French nationals; 8 British; 6 Spanish; 5 Americans; and 3 each from Netherlands, Germany and India. Meron din 2 Belgians, 2 Swiss and 1 Lebanese.

Isa pa sa napansin ko, iyong apat na Asians (3 Indians and 1 Lebanese) ang pinili nila ay sina Marian Rivera at Anne Curtis. Maputi daw at maganda sila ang rason nila noong tanungin ko kung bakit sila.

Ang purpose ko sa survey na ito ay para malaman natin kung sino sa mga actors natin ang preferred ng ibang lahi. Remember, na bawat kultura at bansa, iba-iba ang pananaw natin o concept ng kagandahan o beauty. Maari ang isang tao ay maganda sa atin pero sa iba ay hindi or yung maganda sa kanila ay hindi para sa atin.

Pero dahil Siete Contra Dos itong blog natin, nakalamang ang Kapuso sa Kapamilya. Lima ang napili sa Channel 7 at 4 naman sa Channel 2.

Hanggang dito at kita uli tayo sa susunod.

READ MORE >>

Wednesday, February 11, 2009

Drug Test Para kay Mark Herras

Napakalaking issue ang nangyaring pagkakahuli ng mga drug pushers mula sa mga mayayamang angkan sa Pilipinas at kalaunan ay palayain sila. Oo, nga naman. Nasaan ang hustisya? Naku, lalo ako tumatanda kapag ito ang naalala ko.

Sa showbiz ay para na rin itong sumpa sa lahat ng mga artista natin. Marami na tayong nasaksihan na bumagsak ang mga career dahil sa bawal na gamot. Wala kaya sila natutunan sa pelikula ng Seiko films noon na pinagbidahan nina Romnick Sarmienta at Aiko Melendez?

Hindi rin sikreto sa akin na talagang malapit ka sa tukso ng droga kapag ikaw ay nasa showbiz. Ang isa sa mga target kasi ng mg drug pushers ay iyong mga may pera at isa na dito yung mga artists natin. Kumbaga mas malakas ang tukso sa mundong ito kaysa sa mundo ng mga ordinary citizens na kapos din sa pambili. Tapos yung kondisyon din ng mga artista na laging depressed kapag walang projects or kailangan laging gising ay nakakapag-push din sa isang tao para tumikim dito.

Pero sandali, hwag niyo isipin na ako ang may experience nito ha. May kakilala lang kasi ako na dumaan din sa ganitong pagsubok. Promise, sa buong buhay ko ay never ako nakatikim niyan.

Isa si Mark Herras sa mga inaakusahan simula pa nang tumuntong siya sa showbiz dahil sa kapayatan nito. At dahil na rin sa isang panukalang naglalayon na ipasailalim ang lahat ng mga estudyante sa drug test na ito ng DILG, isa na si Mark sa may matapang na loob para itoý pangunahan. Walang takot ang alaga ni Lolit Solis dahil meron itong patunayan sa kanyang mga detractors. Hindi si Mark Anthony Fernandez ito ha.

Ang GMA Artists Center ang may idea nito na i-boluntaryo ang mga Kapuso talents for this project. Wala akong nakikitang masama at bilib nga ako sa initiative na ito ng Channel 7. Dapat lang na alam ng publiko na malinis ang mga iniidolo nila para lalo pa sila pamarisan at maging inspirasyon sa lahat ng mga taga-hanga na karamihan ay mga bata. Well, ito lang naman ay sa aking pananaw.

Sana ang Kapamilya talents din ay pamarisan ang ginawa na ito ng kanilang kalaban na istasyon upang sa ganun ay mas marami pang artista ang makakahikayat sa mga kabataan.

Hindi lang si Mark ang magpapadrug test dahil kasama rin niya sina Rainier Castillo, Prince Estefan, Ryza Cenon at Katrina Halili. Bakit wala yata representative ng Starstruck 3?

Ang head ng DILG na si Reynaldo Puno ang mismong aalalay sa mga artistang nabanggit para sa kanilang kampanya against forbidden drugs.

Ibig ba sabihin nito yung mga ayaw sumailalaim sa test ay guilty? Naku, sige na nga magpa-drug test na rin ako! LOL

READ MORE >>

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO