Showing posts with label most popular Philippine star. Show all posts
Showing posts with label most popular Philippine star. Show all posts

Tuesday, April 7, 2009

Updates sa Goddess of Philippine TV at Adonis Award

Narito na uli ang aming regular updates sa nangyayaring botohan sa ating site, dalawa ang sa Goddess of Philippine TV at isa naman para sa Adonis Award - Philippines Most Handsome and Sexiest Actor.

WEEKLY ELIMINATION:  Kahapon ay isinalang natin ang pangatlong batch ng second face off o second round ng ating search na Goddess of Philippine TV. Tatlong Kapamilya at pitong Kapuso muli ang naglalaban-laban para sa Top 5 ngayong linggo na magtatapos sa 20 April 2009.

Sa unang oras ng ating botohan ay nagpakita na agad ang mga fans ni Marian Rivera ng puwersa dahil malayo na ang lamang niya bilang nasa unahan ng poll. Sa 5,605 na botong aming natanggap para sa weekly elimination na ito, 31% o 2,037 boto na ang para kay Marian. Ang second placer na si Toni Gonzaga ay may 19% o 1,081.

Nasa second column ng ating blog ang buong resulta.

Pero sa mga oras na ito, mabagal uli ang pagdating ng mga boto ng mga Kapuso kumpara sa mga boto ng Kapamilya. 3-1 ang ratio nito at hindi malayong tatlong Kapamilya uli ang mailalagay sa Top 5 sa pagtatapos ng botohan kung magpatuloy na walang masyadong suporta sa mga fans ng Siete.

POLL DADDY: At para naman sa ating botohan na nasa Poll Daddy pa rin, para sa 15% ng magiging final score ng sinumang makakapasok sa Top 10, patuloy pa rin ang tug-of-war o seesaw ng mga artistang nasa Top 3 positions sa mga nagdaan araw.

Nagpapalitan lang sina Jewel Mische, Rachelle Ann Go at Laarni Lozada sa number one spot samantala inokupa na ni Marian ang number 4 spot.

Ang mga ilan pa sa sa Top 10 maliban sa apat ng nabanggit ay sina Jennylyn Mercado, Jonalyn Viray, Toni Gonzaga, Jackie Rice, Iza calzado at Lovi Poe.

Ang mga nasa Top 11-20 naman ay sina Jennica Garcia, Aicelle Santos, Gee Ann Abraham, Jolina Magdangal, Katrina Halili, Maricris Garcia, Julia Clarete, Angelu de Leon, Maja Salvador at Angel Locsin.

Nakakalungkot lang dahil eliminated na sina Jolina at Maricris kaya hindi na counted ang botong natanggap nila dito. Ipaalala lang namin na siguraduhin ninyo makalusot sa weekly elimination ang inyong idolo.

ADONIS AWARD - PHILIPPINE'S MOST HANDSOME AND SEXIEST ACTOR:  Maliban sa mga pangalan na aming nabanggit dito, pumasok na rin sa listahan ng mga nominado sina TJ Trinidad, Derek Ramsay, Geoff Eigenman, Luis Manzano, Jake Cuenca, Chris Cayzer, Carlos Morales at JC de Vera.

Kasama rin sina Diether Ocampo, Rainier Castillo, Aga Muhlach, Troy Montero, Victor Basa, Jon Avila, John Estrada, Rayver Cruz, Enchong Dee, Coco Martin at Carlos Agassi.

Hindi rin nagpahuli sina Gabby Concepcion, Christian Bautista, Alfred Vargas, Marc Nelson, Richard Gomez, Anton dela Paz, Dexter Quindoza, Vivo Ouanio at Wendell Ramos.

Kabilang din sina Kiko Junio, Kevin santos, Marvin Raymundo, Mike Tan at Chuck Allie.

Sa aming unofficial list, si Dingdong Dantes pa rin ang most nominated sa ngayon kasama si Ejay Falcon.

Ipagpatuloy lang ang nomination at magtatapos ito pagkatapos mai-proklama ang winner ng Goddess of Philippine TV.

READ MORE >>

Kilalanin ang Second Batch ng mga Artistang Pasok sa Top 25 ng GPTV

Tatlong Kapamilya artists at dalawang Kapuso artists ang umabante sa ating Top 25 Female Young Stars of the Philippines kung saan manggagaling ang sole winner na Goddess of Philippine TV.

Hindi ang unang batch sa second face off ang aming tinutukoy kundi ang second batch sa elimination round na ito. Ganito rin kasi ang eksena noong unang face off ng second elimination ng ating search.

Mapalad na nakaligtas sa eliminasyon na ito sina Rachelle Ann Go, Kristine Hermosa, Roxanne Guinoo, Heart Evangelista at Carla Abellana pagkatapos ang makapigil-hiningang labanan na ating nasaksihan. Matatandaan na maliban kay Rachelle Ann, lulubog-lilitaw ang mga artistang nasa grupong ito sa araw-araw na update ng Top 5.
Pero sa pagtatapos ng ating botohan kahapon ng gabi, nanaig nga sa official Top 5 ang isa na namang mang-aawit, dalawa uling soap princesses, anak na naman ng dating matinee idol noong 80's at isang produkto uli ng isang talent search. Kung titignan natin ng mabuti, mukhang ganitong-ganito rin noong nakaraang linggo.

Nakakalungkot namang makita ang pagtatapos ng laban ng limang Kapuso artists na tuluyan ng na-eliminate. Ito ay kinabibilangan nina Glaiza de Castro, Maricris Garcia, Francine Prieto, Rich Asuncion at Kris Bernal.

Sa lahat ng botong aming natanggap, 79.5% o 9,348 votes ang nakuha ni Rachelle Ann. Malayo ang kanyang agwat sa second placer na si Kristine na may 69.6% lamang o 8,184 votes. Pangatlo naman si Roxanne na may 38.2% o 4,492 votes.

Sina Heart na may 17.5% o 2,058 votes at Carla na may 17.2% o 2,022 ang nasa pang-apat at panglimang puwesto ayon sa pagkasunod-sunod.

Sa ating lowest bracket si Glaiza ang may pinakamataas na boto na may 17.1% o 2,010. Sigurado akong malulungkot ang mga fans ni Glaiza dahil 10 boto lang ang baba niya kay Carla na nasa panlimang puwesto.

Sumunod dito sina Francine - 16,6% o 1,952 votes; Maricris - 16% o 1,881 votes; Rich - 15.8% o 1,858; at, Kris - 14.3% o 1,681 votes.

Magbabalik ang limang artistang umabante sa round na ito sa April 29, 2009 para hingin muli ang boto ninyo sa kanilang laban sa Final Top 10.

Samantala, bumoto pa rin kayo sa mga artistang nasa pangatlong grupo ng ating eliminasyon. Kasalukuyan na silang nakasalang.

READ MORE >>

Wednesday, April 1, 2009

Mga Artistang Naglalaro ng Seesaw sa ating Botohan, Kilalanin Kung sino na ang mga Nominated sa Adonis Award

Poll Updates: Iba ang ipinapakitang determinasyon ng mga Kapamilya loyalists sa kanilang mga brightest stars sa Second Face Off ng ating search for Goddess of Philippine TV. Kung sa First Face Off ay hindi sila masyadong nakitaan ng aggresiveness kumpara sa mga fans ng Kapuso, ibahin natin sila ngayon dahil mukhang desidido silang mailagay lahat ng mga Kapamilya artists na nasa kasalukuyang Top 50 sa ating prestigious Top 25.

Noong unang round kung saan pinipili natin ang Top 25 Female Young Stars of the Philippines from 100 artists of both networks, 14 lang na Kapamilya ang nakapasok samantala 36 naman ang sa Kapuso.

Pero batay sa aming nao-obserbahan, determinado sila ngayon na mailagay ang 14 na ito sa Top 25 at kung ganun nga ang mangyayari, kung saka-sakali, 11 lang ang manggagaling sa Siete.

Para sa kaalaman ng bagong dating sa ating site, sa limang sigurado ng nasa Top 25, tatlo ay mula sa Kapamilya at 2 lang sa Kapuso. Sina Laarni Lozada, Bea Alonzo at Shaina Magdayao ang sa Dos. Sina Jackie Rice at Lovi Poe naman ang sa Siete. Napili sila sa eliminasyon noong nakaraang linggo.

Weekly Elimination: Nagsimula noong Lunes ng 7pm (Iyan ang araw at oras lagi ng pagsisimula ng weekly face off.) ang elimination ng second batch. Kasalukuyang nakasalang ngayon ang 3 na artista ng Dos at 7 uli sa Siete.

Ang mga Kapamilya ay sina Kristine Hermosa, Rachell Ann Go at Roxanne Guinoo. Ang mga Kapuso naman ay sina Heart Evangelista, Maricris Garcia, Rich Asuncion, Carla Abellana, Kris Bernal, Glaiza de Castro at Francine Prieto.

Muling rumaragasa ang mga Kapamilyanatics dahil pagkatapos ng dalawang araw ng botohan ay nailuklok na naman nila ang tatlong Kapamilya artists sa 3 top positions. Dahil dito ay 2 lang uli ang Kapuso artists na nasa Top 5.

Ang mga nangnganib na tuluyan ng ma-eliminate sa ating search ay sina Heart Evangelista, Glaiza de Castro, Kris Bernal, Rich Asuncion at si Maricris Garcia.

May limang araw na lang ang natitira pa para maisalba ninyo ang inyong paboritong mga artista. Marami pa ang pwedeng mangyari at naka-antabay kami sa mga twists ng suporta ng mga fans.

Ipinapaalala lang namin na sa botohan sa weekly elimination, pwede kayo pumili ng sampung artista sa isang botohan. One IP address is one vote pa rin ang ating drama.

Poll Daddy Updates: Sa ating separate poll naman sa Poll Daddy (matatagpuan sa right side corner ng ating blog sa baba lamang ng poll ng weekly elimination), may nangyayaring laro ng seesaw sa ating mga artista doon.

Huh, hindi sila literal na naglalaro. LOL. Ang ibig namin sabihin ay hindi napipirmi ang isang artista sa isang position lamang at madalas ang turn over ng nasa number one spot. Katulad na lamang noong nagdaang mga araw, nasa number 1 si Laarni na ninakaw ni Marian Rivera na ninakaw naman ni Rachelle Ann na ninakaw naman ni Jewel na ninakaw uli ni Laarni na ninakaw na naman ni Jewel. And the nakawan of the top spot goes on and on. Mamaya, merry-go-round na ang laro nila. LOL

Pero nagbabadya naman ang hamon na ipinapakita nina Jennylyn Mercado, Jonalyn Viray, Jackie Rice, Iza Calzado, Katrina Halili, Jennica Garcia, Lovi Poe at Aicelle Santos. Anytime ay nakahanda silang manggulat sa mga naglalaro ng seesaw o merry-go-round kapag sila ay nahilo na. Baka bigla na lang sila makipaglaro kapag nagpatuloy ang lumalakas nilang suporta mula sa mga fans.

Muli namin sasabihin na ang botohan na ito ay 15% lamang sa final score ng sinumang mapalad na makakasama sa Final Top 10.  Kung hindi makapasok ang iyong idolo sa Top 10 ay masasayang ang mga boto nila dito. Kaya importante pa rin ang ating weekly elimination kung saan dapat ninyong alagaan.

Adonis Award Updates: Dalawang oras pa lang yata simula ng ilunsad namin ang male counterpart ng Goddess of Philippine TV na Adonis Award kung saan hinahanap natin ang Most Handsome at Sexiest Actors of the Philippines. Sila ang mga most desirable and most popular actors natin sa ngayon.

Ito ay isang survey at ang mga most nominated ang aabante sa laban o kompetisyon pagkatapos ng GPTV.

Sa unang oras ng ating survey ang mga lumitaw na mga pangalan na ay sina Dingdong Dantes, Dennis Trillo, Gerald Anderson, Will Devaughn, Aljur Abrenica, Micky Perz, Richard Gutierrez, Ejay Falcon, Sam Milby, Zanjoe Marudo, John Lloyd Cruz, Manuel Chua, AJ Dee, Jericho Rosales at Piolo Pascual.

Kasama rin sina Paulo Avelino, Rafael Rosell, Marvin Agustin, JC Tiuseco, Mark Anthony Fernandez, Mark Herras at Robi Domingo.

Kasalukuyan Most Nominated sa ngayon si Dingdong Dantes at Dennis Trillo.

Ipagpatuloy po ninyo ang pag-nominate sa inyong mga paboritong artistang lalake.

Maraming salamat sa inyong lahat.

READ MORE >>

Tuesday, March 31, 2009

First Batch Moves on to Top 25 of GPTV

A grand winner of a singing competition, a grand winner of a talent search, a soap opera princess, a sister of an actress cum singer and a daughter of the late King of Philippine Cinema are the winners of our first weekly elimination of our search for the Goddess of Philippine TV.

The theme is Siete contra Dos. The latter emerged as the winner this time since all of their 3 entries in this week landed in the elusive Top 5. These artists make up the first batch to reach Top 25 of our Top Female Young Stars of the Philipines where the sole title of Goddess of Philippine TV will come from.

Laarni Lozada, Jackie Rice, Bea Alonzo, Shaina Magdayao and Lovi Poe defeated Sunshine Dizon, Diana Zubiri, Pauleen Luna, Stef Prescott and Jolina Magdangal in this popularity contest that started last 23 March and ended yesterday at 7 pm.

The five winners will again come back on the 29th of April to ask for your votes once more for the Final Top 10. On the other hand, Sunshine, Diana, Pauleen, Stef and Jolina have just ended their quest and they have been eliminated. They will be subjected for evaluation from our 10 judges for their ranking in the Top 26 - 50 for our Top Female Young Stars of the Philippines.

Of all the votes we have recieved, Laarni took the biggest share with 58.9%. Jackie came out second with a big difference. She got 16% only but it was enough to put her on second place. Third is Bea with 15.6%. She is followed by Shaina with 15.2% and Lovi Poe with 14%.

Next on the ranking are Sunshine with 13.6%, Diana with 13.2%, Pauleen with 12.7%, Stef with 12.6% and Jolina with 10.8%.

Let me introduce again our winners of the first elimination of the Second Face Off. Here are their pictures.

READ MORE >>

Monday, March 30, 2009

PEP, Nag-sorry sa Paglalathala sa Kwento ng Away nina Richard at Michael

Nagbigay ng PEP ng isang apology letter para sa kanyang mga readers tungkol sa nai-report nilang away nina Richard Gutierrez at Michael Flores sa isang restaurant sa Pasay City. Isa ang Siete Contra Dos sa pumik-ap ng istoryang ito at nagbigay din agad ng unang reaction o judgement.

Ayon kay Jo-Ann Maglipon, ang editor-in-chief ng PEP, humihingi sila ng paumanhin dahil sa paglalathala sa isang artikulo na hindi pa nai-imbestigahan ang tunay na nangyari. Iyon lang ang naging dahilan ng lady executive.

Pero sa kanyang apology letter, hindi rin niya pinabulaanan o inamin kung sangkot nga ba sa gulong ito sina Richard at Michael. Hindi rin nila pinabulaanan o kinumpirma kung may gulo nga ba na nangyari.

Basta ang inihihingi nila ng paumanhin ay ang paglalathala sa isang nabalitaan na wala pang kaukulang imbestigasyon.

Hindi kaya ito ay isang attempt para sa isang news black-out? Totoo kaya ito sa panig ng PEP o posible lang na na-pressure sila from an outside force? May kinalaman ba dito ang GMA 7, Annabel Rama at ilan pa sa kampo ni Richard? Pero knowing Jo-Ann Maglipon, isa siyang matapang na writer at isa sa mga may crediblity sa showbizlandia.

Hopefully, makakuha tayo ng mga inside informations.


**********
Mamaya ay malalaman na natin ang unang limang artistang babae natin ang papasok sa prestigious Top 25 ng ating Search for the Goddess of Philippine TV.

Nalulungkot kami sa mga limang matatanggal dahil nakitaan rin namin ang effort ng mga fans nila para sila ay matulungan pero ganyan talaga ang laban sa isang popularity contest. Meron may mas determinado at meron naman kulang. Pero alam naman na natin na it's universal na kung sino ang mas determinado ang karaniwang nananalo.

Nagpapasalamat kami sa lahat.

Ito'y pakiusap na rin sa mga fans na nag-iiwan ng mga comments. Please let's all be civil in giving our opinions. We all agreee to disagree but please say it in a nice word. Refrain from name calling and using foul words.

Kung hindi niyo man makita ang inyong comments sa blog entry kung saan niyo sinulat, ibig sabihin ay hindi siya approved dahil sa hindi siya umaayon sa aming pakiusap.

READ MORE >>

Sunday, March 29, 2009

Laarni, Marian, Rachelle Ann at Jewel, Nanguna sa Poll Daddy; Sino ang mga nanganganib matanggal sa Top 25?

GPTV Updates: Mainit at exciting ang  mga kaganapan sa ating dalawang botohan para sa ating search for the Goddess of Philippine TV kahapon at ngayon. Malinaw na walang taga-hanga ang hindi gustong mailuklok sa pinakamataas na posisyon ang kani-kanilang idolo.

Sa weekly elimination, kahapon ay umabante ang mga Kapuso nang magawa nilang ilaglag ang isa sa mga Kapamilya artist na si Shaina Magdayao sa Top 5. Sa mga nagdaang mga araw kasi, ang tatlong Kapamilya artists na sina Bea Alonzo at Laarni Lozada kasama si Shaina ay hindi natitinag sa Top 5. Dahil dito ay puro Kapuso artists ang nanganib na matanggal.

Nagawa rin nilang hilahin ang mga percentage scores ng mga Kapamilya stars at i-angat naman ang mga boto ng mga Kapuso. Pero bumawi ang mga Dos loyalists at sila ay nag-rally ngayon araw na ito para ibalik ang tatlo nilang artista sa Top 5.

Dahil isang araw na lang ang natitira sa ating weekly elimination, makakahabol pa kaya uli ang mga Siete loyalists? Kung hindi magbabago ang ating resulta sigurado na limang Kapuso ang malalaglag sa Unang Face Off ng ating second round of elimination.

**********
Sa ating botohan naman sa Poll Daddy kung saan kukunin ang 15% ng final score ng mga bubuo sa Final Top 10, wala rin malinaw na leader sa ngayon dahil 4 na iba't ibang idolo natin ang nakita namin sa top position.

Noong umaga kahapon, si Laarni ang siyang nanguguna pero sa bandang tanghali ay pinalitan siya ni Rachelle Ann Go. Pagdating ng hapon ay nanguna naman si Marian Rivera. Nang muli namin tignan ang updates kaninang madaling araw ay si Jewel Mische naman ang nasa unahan hanggang sa ngayon.

Mag-iisang linggo pa lamang ang ating botohan sa Poll Daddy pero malapit na natin makuha ang mark na 1 Million votes.

Ipinapaalala lang namin na ang mga boto ninyo sa Poll Daddy ay mababalewala lamang kung hindi makapasok sa Top 25 at Final Top 10 ang inyong idolo. Magagamit lamang ang mga botong ito sa Final Top 10 kaya bago kayo bumotodito  ay unahin niyo munang isalba ang idolo ninyo sa weekly elimination.

Ngayong linggo, ang mga nasa weekly elimination na magtatapos bukas ay sina Pauleen Luna, Jolina Magdangal, Stef Prescott, Laarni, Jackie Rice, Sunshine Dizon, Diana Zubiri, Lovi Poe, Bea at Shaina.

Ang mga maglalaban naman sa second week, mula 7 pm bukas hanggang 7pm ng 06 April 2009 ay sina Rachelle Ann Go, Carla Abellana, Maricris Garcia, Kristine Hermosa, Roxanne Guinoo, Kris Bernal, Glaiza de Castro, Heart Evangelista, Rich Asuncion at Francine Prieto.

Kaya sa mga fans ng mga artista na nasa second week ng elimination, kailangan masiguro niyo muna na makaka-abante sa Top 5 sa susunod na linggo ang inyong mga idolo para hindi masayang ang mga boto niyo sa Poll Daddy.

Narito ang list ng Top 10 (as of writing) sa Poll Daddy:

1. Jewel Mische - 102,370
2. Laarni Lozada - 100,313
3. Marian Rivera - 90,762
4. Rachelle ann Go - 84398
5. Toni Gonzaga - 44735
6. Jonalyn Viray - 44429
7. Aicelle Santos - 37382
8. Maricris Garcia - 33673
9. Jackie Rice - 31466
10. Iza Calzado - 30001
11. Jolina Magdangal - 28431
12. Gee Ann Abraham - 26521
Get free website for your blog

READ MORE >>

Friday, March 27, 2009

Sino ang nasa Unahan sa Botohan sa Poll Daddy??

GPTV Updates: Kahanga-hanga ang suportang ipinapakita ng bawat fans sa kanilang idolo na kasalakuyang nasa listahan ng Top 50 Female Young Stars of the Philippines. Apat na araw pa lang ang nakakalipas nang ito ay amin buksan sa publiko pero sa ngayon ay meron na tayong nakalap na 410, 096 sa humigit kumulang na 15,000 na fans na nakakalat sa iba't ibang panig ng mundo.

Isang daang libong boto ang average ng pumapasok araw-araw at may average 4,000 unique visitors naman ang bumoboto bawat araw ayon sa aming statistics na nakalap ng Statcounter.

Wala rin malinaw na nangunguna sa ating botohan sa Poll Daddy dahil bawat araw ay iba-ibang artista ang nakikita namin sa unahan ng botohan. Minsan ay nanguna sina Aicelle Santos, Maricris Garcia at Rachelle Ann Go. Pero sa ngayon ay nasa unahan naman si Laarni Lozada.

Narito ang listahan ng Top 19 sa Poll Daddy.


Ang mga sumunod sa listahan ay sina:

Bea Alonzo - 3336
Kristine Hermosa 2708
Nadine Samonte 2455
Lovi Poe 2359
Sheena Halili 2268
Jennica Garcia 2072
Julia Clarete 2048
Yasmin Kurdi 1787
Kris Bernal 1681
Nikki Dacullo 1583
Maxene Magalona 1566
Heart Evangelista 1489
Rhian Ramos 1318
Sunshine Dizon 1145
Angelu de Leon 1142
Bianca King 1078
Isabel Oli 909
Angelica Panganiban 877
Erich Gonzales 709
Glaiza de Castro 688
Roxanne Guinoo 666
Pauleen Luna 601
Carlene Aguilar 560
Francine Prieto 548
Carla Abellana 406
Stef Prescott 305
Riza Santos 273
Chynna Ortaleza 203
Ehra Madrigal 192
Diana Zubiri 178
Rich Asuncion 148

Isa sa napansin namin ay ang mataas na boto ni Jolina Magdangal pero nanganganib siya na matanggal ngayon linggo sa ating weekly elimination dahil kasalukuyan siyang nasa ilalim ng listahan. Sayang naman ang boto niya dito sa Poll Daddy kung siya ay ma-eliminate na ng tuluyan. Pero hindi rin dapat nagpapabaya ang mga artista na nasa Top 5 ng week na ito.

Inuulit namin na ang botohan na ito ay 15% lamang sa magiging final score ng sinuman ang makakasama sa prestigious Final Top 10.

Gusto rin namin ipaalam na kasalukuyan pa namin hinahanapan ng mga magagandang larawan ang mga artista natin na hindi umabante sa Top 50. Sila yung mga naunang natanggal sa First Face Off. Sa susunod na linggo ay ipapakilala namin kung ano ang exact position nila sa Top 51-100. Tapos na po namin bilangin ang mga boto na natanggap nila mula sa publiko.

Samantala, na-finalize na rin namin ang counterpart ng Goddess of Philippine TV na ang Adonis Award. Hahanapin naman natin kung sino sa mga artista nating lalaki ang pinaka-popular at pinaka-desirable sa kanila ngayon.

Lahat ng ito ay sa susunod na linggo. Maraming salamat uli sa inyong lahat. Tulad ng lagi namin sinasabi, taos po iyan sa puso namin.
Get free website for your blog

READ MORE >>

Thursday, March 26, 2009

Kilalanin ang mga Early Favourites sa Second Face Off ngayong Linggo

GPTV Updates: Nakikitaan namin ng mas matinding pagnanais ang mga taga-hanga ng bawat artistang kasali sa ating Goddess of Philippine TV na mailagay sa unahan ng botohan ang kanilang idolo sa pagpasok ng Second Face Off/Elimination na nagsimula noong Lunes sa ganap na 7 pm.

Kritikal ang weekly elimination natin sa ngayon dahil unti-unti na lumilinaw kung sino talaga sa mga artista natin ang may tinatawag na solid fan base dahil Top 25 Female Young Stars na ang kanilang pinaglalabanan. Mula sa original na 100, nabawasan ng 50 female young stars ang ating listahan sa pagtatapos ng First Face Off noong 20 March. Ngayon 50 na lamang silang natitira, kalahati uli sa kanila ang malalaglag para sa susunod na round of elimination.

Sa unang dalawang araw ng eliminasyon ngayong linggo, nagpakita kaagad ng pwersa ang mga Kapamilya fans at nagawa nilang iluklok sa unahan ang mga Kapamilya artists. Nahirapan silang habulin ng mga fans ng Kapuso.

Nag-iba ang ihip ng hangin ngayon araw na ito dahil unti-unti na muli nagpapakita ng determinasyon ang mga Kapuso para mailagay sa top positions ang mga Siete talents. Pero sa kabila nito ay nanatili pa rin matatag ang depensa ng Dos kahit nasa bottom 5 na ang isa sa mga talent nila na si Shaina Magdayao na sa loob ng dalawang araw ay nasa Top 5.

Katulad ni Shaina, si Jolina Magdangal lamang ang artista ng Siete na hindi natinag sa Top 5 sa nagdaang araw pero mukhang nagpahinga ang kanyang mga taga-hanga dahil siya na ngayon ang nasa panghuling pwesto. Makakabawi pa kaya si Jolina? Iyan ang ating abangan.

Walang dudang si Laarni Lozada ang isa sa ating mga artista ang may maswerteng mga taga-hanga na sobra ang kanilang dedikasyon. Hindi lahat ng artista natin ay may mga ganyang klaseng mga fans, huh. Ang mang-aawit ang nasa unahan ng botohan at mukhang secured na siya sa kanyang pwesto.

As of 6:30 pm ngayon, nanganganib mawala sa Top 25 sina Jolina, Shaina, Diana Zubiri, Pauleen Luna at Stef Prescott.

Posibleng umabante naman sina Laarni, Jakie Rice, Bea Alonzo, Sunshine Dizon at Lovi Poe. Pero hindi dapat magpabaya ang mga fans nila dahil marami pa ang pwedeng mangyari sa loob ng apat na araw na siyang pagtatapos ng weekly elimination na ito.

Magtatapos ito sa Lunes, 30 March 2009 sa oras na 7pm PST. Makikita sa second column ng ating blog ang updated result ng botohan araw-araw.
Get free website for your blog

READ MORE >>

Wednesday, March 25, 2009

Re-Introducing the Second Batch of the Second Face Off of our Search for the Goddess of Philippine TV

 
Tatlong Kapamilya at pitong Kapuso muli ang mga artista nating susunod na isasalang sa Second Batch ng Second Face Off/Elimination para sa Top 25 ng ating search for the Goddess of Philippine TV.

Maaga pa lamang ay ipinakikilala na namin sila upang mamarkahan na ninyo ang inyong kalendaryo. Kritikal ang nangyayaring weekly face off/elimination sa ngayon dahil mas mahigpit na ang ating botohan at dahil na rin sinasala na natin ng maayos ang mga artistang matatawag talaga nating popular hindi lang sa Pilipinas kundi na rin sa mga Filipino communities sa iba't ibang sulok ng mundo.

Magsisimula sa Lunes, 30 March 2009, sa ganap na7 pm (PST) ang botohan para sa mga sampung artistang ito. Meron lang tayong isang linggo para iligtas ang sinuman sa kanila sa posibleng eliminasyon dahil magtatapos ito sa susunod pang Lunes, 06 April 2009 sa oras na 7 PM (PST).

Ang mga artistang ito ay sina Rachelle Ann Go, Kristine Hermosa at Roxanne Guinoo para sa Kapamilya. Ang mga Kapuso naman ay sina Maricris Garcia, Kris Bernal, Glaiza de Castro, Heart Evangelista, Rich Asuncion, Francine Prieto at Carla Abellana.

Dalawa ang galing sa Batch 2 ng Unang Face Off - sina Rachelle Ann at Roxanne. Apat naman ang galing sa Batch 3 - sina Glaiza, Heart, Kris at Rich. Dalawa uli ang galing sa Batch 4 - sina Maricris at Kristine. Sina Francine at Carla naman ang galing sa Batch 5. Samantala, wala ni isa ang napili ang sa Batch 1.

Random kasi sa pamamagitan ng bunutan ang ginawa naming pagpili. Isinulat namin sa papel ang pangalan ng bawat artista, pinaghiwalay ang Kapuso at Kapamilya, saka kami bumunot ng 3 mula sa Kapamilya at 7 naman mula sa Kapuso.

Inuulit namin na bago kayo bumoto sa Poll Daddy ay siguraduhin niyo muna na makakaligtas ang mga idolo niyo sa weekly face off/elimination dito sila mahuhusgahan kung magpapatuloy sila ng laban o hindi.

Sa mga nagtatanong kung bakit dalawa ang poll natin for Goddess of Philippine TV, gusto lang namin gawin fair ang laban. Ang layunin namin ay para i-distribute ang pang-gagalingan ng mga boto at hindi concentrated lamang. Dito ay napag-aaralan namin mismo ng pahapyaw ang lawak ng fan base at behaviours ng mga taga-hanga na katulad natin.

Para naman sa mga taga-hanga ng iba pang artista na nasa Top 50 pero wala pa sa Batch 1 ng Second Face Off (Kasalukuyan nakasalang) at Batch 2 (Susunod na isasalang), dumaan lang kayo araw-araw sa blog natin para sa mga detalye.

Maraming salamat muli sa inyong lahat at Mabuhay tayo kahit lumalala ang pandaigdigang krisis sa ekonomiya. Hangad namin na maging matiwasay pa rin ang ating pamumuhay.Magpakatatag tayo sa mga panahong ganito at hwag nating hayaan na mawalan tayo ng bait sa sarili kahit sobra na tayong naaapektuhan. Isipin lang natin na matatapos din ito, hindi man sa lalong madaling panahon pero darating din ang araw na iyon. (Para na kami nangangampanya dito, huh!)

Get free website for your blog

READ MORE >>

Mister Poll Complete and Final Results; Sino ang Nanganganib sa First Batch ng Second Face Off para sa GPTV?

GPTV Updates: Marami kaming natanggap na katanungan tungkol sa botohan na nangyari sa Mister Poll. Gusto lang namin ulitin na VALID pa rin po ang mga boto ninyo doon dahil idadagdag namin ito sa magiging resulta ng botohan sa Poll Daddy na matatagpuan sa right column/side ng ating blog.

Kinailangan lang naming ilipat ang botohan (from Mister Poll nga to Poll Daddy) dahil natakot kami na mag-crash yung account namin doon at tuluyang mawalan ng evidence ang mga boto niyo. Ang sisipag niyo kasi. LOL. Kahit nire-record namin every now and then yung poll result, mas mainam pa rin ang meron tayong available hard copies kung sakali man may mag-contest sa ating result.

Isa pa sa naging dahilan namin ay upang linisin ito at tanggalin na ang mga artistang hindi nakapasok sa Top 50 upang sa gayon ay mas madali niyo ng hanapin ang pangalan ng mga artistang inyong sinusuportahan.

Pero gusto rin naming emphasize muli na ang botohan na ito ay 15% lamang sa final score ng kung sinuman ang makapasok sa prestigious Final Top 10. Masasayang ito kung pinabayaan ninyong matalo ang inyong idolo sa nangyayaring weekly face off o elimination. Kaya siguraduhin niyo lang na iboto muna sila sa weekly eliminations dahil alam namin ang sakripisyong ginawa ninyo sa Mister Poll at ginagawa sa ngayon sa Poll Daddy.

Just to give you an idea, sa kasalukuyang face off ng first batch, nanganganib mawala sa Top 25 sina Stef Prescott, Pauleen Luna, Diana Zubiri, Sunshine Dizon at Lovi Poe dahil sila ang kasalukuyang nasa Bottom 5. Namamayagpag ang mga Kapamilya artists natin na sina Laarni Lozada, Bea Alonzo at Shaina Magdayao kasama na rin si Jolina Magdangal ng Siete dahil sila ang kasalukuyang nangunguna. Pero hindi dapat magpabaya ang mga fans dahil hanggang Lunes pa ang botohan, may limang araw pa para sila ay habulin.

Samantala, si Jackie Rice ang nasa gitna na parang naglalaro ng teeter-totter o seesaw dahil minsan nasa Top 5 at minsan naman ay nasa Bottom 5. Kalaro niya ang kapwa Kapuso na si Sunshine Dizon.

Dahil ang Top 10 lang ang binanggit namin dito sa nangyaring botohan sa Mister Poll, narito na ang bilang ng mga boto ng mga artistang nakapasok sa ating Top 50 Female Young Stars of the Philippines.


1.  Rachelle Ann Go - 19, 985
2.  Laarni Lozada - 19, 158
3.  Marian Rivera - 11, 790
4.  Gee Ann Abraham - 7, 111
5.  Aicelle Santos - 6, 359

6.  Bea Alonzo - 3, 842
7.  Maricris Garcia - 3, 531
8.  Jonalyn Viray - 1, 253
9.  Angel Locsin - 830
10.Jewel Mische - 781

11. Sarah Geronimo - 371
12. Toni Gonzaga - 217
13. Riza Santos - 161
14. Jolina Magdangal - 135
15. Chynna Ortaleza - 82

16. Jackie Rice - 71
17. Iza Calzado - 69
18. Yasmin Kurdi - 69
19. Rhian Ramos - 69
20 Lovi Poe - 66

21. Jennica Garcia - 59
22. Jennylyn Mercado - 57
23. Roxanne Guinoo - 55
24. Kristine Hermosa - 54
25. Heart Evangelista - 53

26. Angelica Panganiban - 53
27. Shaina Magdayao - 50
28. Sheena Halili - 48
29. Diana Zubiri - 46
30. Maxene Magalona - 45

31. Nadine Samonte - 45
32. Isabel Oli - 44
33. Bianca King - 43
34. Pauleen Luna - 42
35. Glaiza de Castro - 40

36. Katrina Halili - 40
37. Maja Salvador - 40
38. Sunshine Dizon - 40
39. Carla Abellana - 39
40. Julia Clarete - 37

41. Kris Bernal - 35
42. Rich Asuncion - 34
43. Ryza Cenon - 34
44. Stef Prescott - 34
45. Angelu de Leon - 30

46. Nikki Dacullo - 30
47. Francine Prieto - 29
48. Carlene Aguilar - 27
49. Ehra Madrigal - 27
50. Erich Gonzales - 14

Ang mga bilang ng boto sa tabi ng pangalan ng inyong idolo ay ang nakuha lamang nila sa Mister Poll. Idadagdag pa dyan kung anuman ang makukuha niya sa Poll Daddy. Sa kasalukuyan, kakalunsad lang namin ng Poll Daddy noong isang araw - 2 araw pa lang ang nakakaraan - ngunit nasa 102,993  votes na ang natatanggap namin as of this writing.
Maraming salamat sa inyong lahat. Taos sa puso namin iyan.
Get free website for your blog

READ MORE >>

Tuesday, March 24, 2009

Introducing the First Batch of our Second Face Off


One IP address, One vote. 

Iyan na ngayon ang bago nating botohan para sa mga weekly face off or elimination natin. Dati-rati ay pwede tayo bumoto ng maramihan sa nakaraang unang face off noong hosted pa ito ng POLLSB. Ngayon, dito sa bago nating VIZU, isang boto na lang bawat computer. Mas mahigpit na sa ngayon dahil Top 25 na ang pinaglalabanan. Sampung artista na lang ang nakasalang bawat linggo. Mas marami dati sa bilang na 20.

Pero sa isang botohan ay pwede kayo pumili ng hanggang sampu o pwede niyo sila pilihin lahat.Pero kung gusto ninyo na isa lang ang iboboto para mas malaki ang chance ng paborito niyo na makapasok sa Top 5 this week, ay walang problema.

Ang Top 5 ngayong linggo ang masuwerteng aabante sa Top 25 kung saan kukunin ang Final Top 10 at saka ang Goddess of Philippine TV na siyang Grand title ng pinakasikat o popular na artistang babae natin sa ngayon.

Muli namin ipinakikilala ang mga sampung artista na humihiling sa inyong mga boto. Sila ay sina Laarni Lozada, Shaina Magdayao at Bea Alonzo ng Dos. Ang mga kinatawan naman ng Siete ay sina Sunshine Dizon, Pauleen Luna, Jolina Magdangal, Stef Prescott, Jackie Rice, Diana Zubiri at Lovi Poe.

Sina Laarni, Sunshine, Pauleen at Jackie ay nanalo sa first batch ng first face off. Sina Diana at Lovi ay umabante naman sa second batch ng first elimination. Si Bea ang nag-iisa mula sa third batch at si Shaina naman ang galing lang sa fourth batch ng unang face off. Samantala, sina Jolina at Stef naman ang kinatawan ng fifth batch ng unang face off.

Nagsimula kahapon ng gabi sa Pilipinas ang botohan sa linggong ito at meron lang kayo hanggang 7 pm ng gabi (Pacific Time) sa March 30 upang iligtas ang mga artista na gusto ninyong mapunta sa Top ng linggo na ito.

Hiling lang namin na bago kayo bumoto sa Poll Daddy, yung pumalit sa Mister Poll, na matatagpuan sa right column ng blog namin ay kailangan maisalba niyo muna ang ibinoboto niyo dito sa weekly elimination ng second face off para sa Top 25. Kung hindi sila makapasok sa Top 5 every week ay masasayang lang ang mga boto nila sa Poll Daddy.

Gusto rin namin linawin na ang mga botong itinala ninyo sa Mister Poll ay carry over sa makukuha nilang boto sa Poll Daddy. Ito ay magagamit sa Final Top 10 kapag pinalad na mapasama sa elusive rank na ito ang paborito ninyo.

Maraming salamat sa patuloy ninyong suporta. Taos-puso po iyan.

READ MORE >>

Sunday, March 22, 2009

Who Tops Mister Poll?

We are pleased to inform our readers and supporters that the  poll on Mister Poll will resume tomorrow, 23 March 2009, NOT on Mister Poll anymore but with another widget to be found at the third column of our blog. The poll will only include the current Top 50 Female Young Stars.

After receiving massive votes of 71,229 from 14 February to 21 March 2009, the Top 10 (not yet final) are:

1.  Rachelle Ann Go - 19, 985
2.  Laarni Lozada - 19, 158
3.  Marian Rivera - 11, 790
4.  Gee Ann Abraham - 7, 111
5.  Aicelle Santos - 6, 359
6.  Bea Alonzo - 3, 842
7.  Maricris Garcia - 3, 531
8.  Jonalyn Viray - 1, 253
9.  Angel Locsin - 830
10.Jewel Mische - 781

These scores they have garnered here will make up 15% of their final scores if they will reach the Top 10. So, make sure you elect your favourite star to Top 25 first and then to the final Top 10.

NOTE: Bukas na po ang pagpapatuloy ng botohan sa Mister Poll pero hindi na sa Mister Poll mismo dahil nilinisan na namin ito. Matatagpuan ito sa right side o right column ng aming blog. Ito ay hosted ng Poll Daddy. Anuman ang boto nila sa Mister Poll ay idadagdag  sa makukuha nilang boto sa Poll Daddy.

Magtatapos itong botohan na ito sa 29 April 2009.
Get free website for your blog

READ MORE >>

INTRODUCING: Top 50 Female Young Stars of the Philippines

After 39,367 votes and 62,528 pageviews on the poll alone for 35 days, we are now introducing the Top 50 Female Young Stars of the Philippines where the Goddess of Philippine TV will come from. This list of the most popular young actresses of the country was chosen by the public in a 5-week face off that started on Valentines Day - 14 February, and was concluded last Friday, 20 March. Twenty Kapuso and Kapamilya artists were fitted against each other every week and the Top 10 on each week moved on to complete the Top 50.
In no particular order, the Top 50 Female Young Stars are:

1. Laarni Lozada
2. Aicelle Santos
3. Marian Rivera
4. Jonalyn Viray
5. Sunshine Dizon
6. Chynna Ortaleza
7.Jackie Rice
8. Bianca King
9. Pauleen Luna
10. Carlene Aguilar
11. Angel Locsin
12. Rachelle Ann Go
13. Rhian Ramos
14. Toni Gonzaga
15. Diana Zubiri
16. Jennica Garcia
17. Lovi Poe
18. Gee Ann Abraham
19. Roxanne Guinoo
20. Katrina Halili
21. Bea Alonzo
22. Heart Evangelista
23. Maja Salvador
24. Kris Bernal
25. Riza Santos
26. Glaiza de Castro
27. Rich Asuncion
28. Angelica Panganiban
29. Jennylyn Mercado
30. Erich Gonzales
31. Maricris Garcia
32. Sarah Geronimo
33. Iza Calzado
34. Nadine Samonte
35. Maxene Magalona
36. Isabel Oli
37. Nikki Dacullo
38. Angelu de Leon
39. Kristine Hermosa
40. Shaina Magdayao
41. Jewel Mische
42. Jolina Magdangal
43. Julia Clarete
44. Ryza Cenon
45. Yasmin Kurdi
46. Sheena Halili
47. Stef Prescott
48. Francine Prieto
49. Carla Abellana
50. Ehra Madrigal

But the fight is not yet over as these 50 young stars will face another five weekly eliminations to determine who will make the elusive Top 25 Female Young Stars of the Philippines.

There will be 10 female young stars who will  battle to the Top 5 each week. They will be chosen by random.
Voting starts tomorrow and check out who will be the first 10 young stars from our Top 50 who will take the first test. All these by tomorrow, 23 March 2008, at night (Philippine time).
Get free website for your blog

READ MORE >>

Kilalanin Ang Last Batch ng Ating Top 50 Female young Stars of the Philippines

Landslide victory para sa mga dedicated na fans ng Kapuso network ang nangyari sa ating panlima at huling batch ng mga female young stars para sa ating search for the Goddess of Philippine TV.

Sampung artista ng Siete ang pumasok sa Top 10 at sampu naman ang artista ng Dos ang nasa lowest 10. Ibig sabihin nito ay pasok lahat ang mga Siete talents at laglag naman ang mga Dos talents.

Noong una ay akala namin na mas masisipag sa pagboto at may passion ang mga fans ng Kapamilya dahil mas matagal na sa showbiz ang nasa line up nila katulad nina Judy Ann Santos, Claudine Baretto, Rica Peralejo, Nikki Gil at KC Concepcion. Inakala ng Siete Contra Dos na sila ang mga mangunguna pero mukhang kampante ang mga fans ng mga nasabing artista tungkol sa kasikatan ng kanilang idolo.

Kasalukuyan namin pinag-aaralan ang mga behaviours ng mga fans na bumoto at para na rin ma-explain namin ang hangarin ng aming poll.

Ang mga pumasok sa Top 10 at bubuo sa Top 50 Female Young Stars of the Philippines ay sina Jewel Mische, Jolina Magdangal, Julia Clarete, Ryza Cenon, Yasmin Kurdi, Sheena Halili, Stef Prescott, Francine Prieto, Carla Abellana at Ehra Madrigal.

Ang mga iba pa sa mga natanggal maliban sa mga nabanggit sa itaas ay sina Alessandra de Rossi, Wendy Valdez, Dimples Romana, Beatriz Saw at Eda Nolan.

Magpapatuloy ang second face off para sa nanalo sa Top 50 sa Lunes ng gabi (Philippine time) upang malaman kung sino ang mga papasok sa Top 25.

On the other hand, the Lowest 50 Female Young Stars will be ranked by our judges and the votes they have accumulated to determine their positions from 51st to 100th. Simula this week ay ia-announce namin sila sa mga blog entries namin, limang position per day at magsisimula sa bottom rank.

Samantala, pansamantala rin nagsara ang ating botohan sa Mister Poll dahil grabe ang mga votes na natanggap namin. Kailangan namin tanggalin na ang mga lowest 50.

Ang mga fans na sobra ang dedication at pagmamahal sa mga idols nila ay mga fans nina Rachelle Ann Go, Laarni Lozada, Marian Rivera, Aicelle Santos, Maricris Garcia, Jonalyn Viray, Bea Alonzo, Angel Locsin, Toni Gonzaga, Gee Ann Abraham, Sarah Geronimo, etc.

Nais lang namin iparating ang taos-puso naming pasasalamat sa inyong lahat na bumoto at sa effort ninyo na suportahan kami. Utang namin ang lahat ng aming natatamasang success ng aming blog sa inyong lahat. Mula po sa puso namin iyan.
Get free website for your blog

READ MORE >>

Wednesday, March 18, 2009

KC Concepcion, Nawala na sa Top 10; Alamin ang mga Pagbabago sa Botohan sa Mister Poll

GPTV Updates: Malapit na uli magwakas ang ating eliminasyon para sa panglima at huling grupo ng mga babaing artista natin sa ngayon at meron na lamang halos tatlong araw para bumoto dahil magsasara na ito sa ganap na 11:59 PM sa Biyernes.

Mukhang mabibigo kami sa aming unang akala na malakas ang grupo na ito ng mga Kapamilya artists at mukhang pinapatunayan din ng mga Kapuso fans ang isang hamon na gawin itong landslide victory for all the artists of GMA. Dahil Siete Contra Dos ang tema ng ating search, talong-talo na nga ng mga mas masisipag na fans ng Siete ang mga medyo reluctant pa na fans ng Kapamilya. Sa 20 na bilang ng mga artista natin na naglalaban-laban, ang upper 10 ay okupado ng mga Kapuso contract stars samantala ang lowest bracket naman ay puro Kapamilya artists.

Ang pagkakalaglag ni KC Concepcion sa Top 10 ang nagbigay-daan upang ma-okupa ng mga Kapuso ang lahat ng pwesto sa Top 10. Si KC ay nasa pangatlong pwesto kahapon pero bigla siyang bumulusok ngayon at nasa panglabing-isang pwesto na lamang siya.

At dahil halos tatlong araw na lamang ang natitira sa ating eliminasyon, posibleng lahat ng talent ng Dos sa grupong ito ay tuluyan ng mae-eliminate at mawalan na ng tsansang matawag na Goddess of Philippine TV. Kung hindi maalarma ang mga Kapamilya loyalists at kapag tuluyan namang magpakita ng aggresiveness at determination ang mga Kapuso loyalists, sigurado na ang Top 10 sa araw na ito ang siya rin aabante sa Top 50 ng ating Top Female Young Stars of the Philippines sa Biyernes ng gabi.

**********
Pagdating din ng Sabado, 21 March 2009, sa ganap na alas-dose ng madaling araw, malalaman na rin natin ang kung sino ang mga artista ang makakasama sa Top 50 Female Young Stars in the Philippines. Kasabay nito ay makikilala na rin natin kung sino naman ang mga artista na nasa bottom 50 o 'yung Top 51-100 Female Young Stars of the Philippines.

Yung mga makakapasok sa Top 50 ay magpapatuloy sa isa na namang face off o elimination round para malaman natin kung sino ang papasok sa Top 25 Female Young Stars of the Philippines. Magu-grupo uli sila sa limang grupo at bawat grupo ay isasalang ng isang linggo uli para hingin ang inyong suporta. Kukunin natin ang Top 5 bawat linggo at sila ang bubuo sa Top 25 Female Young Stars of the Philippines. Yung lowest 25 sa limang linggong ito ang magiging Top 26-50 Female Young Stars.

Simula Lunes naman ay ipapakilala namin kung sino ang mga artistang nasa Top 51-100.

**********
Sa iba pang mga balita, patuloy pa rin ang pamamayagpag kung sino ang talagang sikat sa ating botohan sa Mister Poll. Malinaw na kung sino ang may malalawak na fan base at mga dedicated na mga taga-hanga ang nangunguna dito. Sila yung mga artista na ang paghanga nila sa kanilang idolo ay talaga namang ipinapakita rin nila sa gawa at hindi sa salita lamang.

Sa mga nagdaang mga araw, nakita ko na naguna si Marian Rivera pero naungusan siya ni Rachelle Ann Go. Sa ngayon ay si Laarni Lozada uli ang nasa taas ng totem pole. May botong 13,247 si Laarni. Ang nasa pangalawang pwesto ay si Rachelle Ann na may botong 13,015. Pangatlo si Marian Rivera na may 11,183.

Ang dalawa pa na nasa Top 5 ay sina Aicelle Santos na may botong 5,800 at si Gee-Ann Abraham na may botong 5,469.

Ang iba pa na bumubuo sa Top 10 ay sina  Bea Alonzo - 3,380; Maricris Garcia - 3,369 votes; Jonalyn Viray - 1,094 votes; Angel Locsin - 798 votes at si Jewel Mische - 670 votes.

Ang botohan na ito ay ang magiging basehan ng 15% ng overall scores ng mga artistang mapalad na makakapasok sa Final 10.

Para sa mga fans na sumusuporta sa kanilang idolo sa Mister Poll, gusto lang namin na ipaalam na pansamantalang isasara namin ang botohan sa Sabado ( 21 March 2009) sa ganap na alas-dose rin ng madaling araw. Magbubukas uli siya sa Lunes (23 March 2009), hindi na sa Mister Poll kundi sa THIRD COLUMN na ng blog namin sa baba lang ng weekly elimination. Ang layunin naming kung bakit pansamantala naming isasara ang botohan at ililipat sa isang widget sa blog namin ay para linisin ito at tanggalin ang mga artistang nasa bottom 50 dahil hindi naman na sila pwedeng iboto pa. Ang tanging maiiwan na lamang ay ang mga nasa Top 50 na siyang magpapatuloy ng laban. Sobrang malaki na rin kasi ang bilang ng botong natanggap namin kaya bago mag-crash ang site ay gagawan na namin ng solusyon. Sa ngayon ay may 54,838 votes na simula 14 February.

Pero kung anuman ang botong nakuha ng mga artista natin sa Mister Poll ay siguradong documented iyan at isasama namin sa mga botong makukuha nila sa bago nitong bahay.

Batid namin na marami sa inyo ang nag-post ng URL ng botohan natin sa Mister Poll sa inyong mga forums at social-networking accounts sa kagustuhang mangampanya, pinapayuhan namin kayo na baguhin niyo na lamang ito.

Maaari niyo kaming sulatan dito sa Siete Contra Dos kung may gusto kayong itanong o maliwanagan. Maraming salamat sa inyong suporta at walang sawang pagmamahal hindi lang sa mga paborito ninyong mga artista kundi para na rin sa amin dito sa Siete Contra Dos.

Mabuhay tayong lahat.
Get free website for your blog

READ MORE >>

Monday, March 16, 2009

Jewel Mische, Nagunguna sa Botohan; Nasaan ang mga Fans nina Judy Ann Santos at Claudine Barreto?

GPTV Updates: Simula nang ilunsad ang fifth and final batch of our Top 100 Female Young Stars in the Philippines para sa prestigious na Top 50 noong Sabado sa ganap na 12 AM, nanguna na sa botohan ang Kapuso artist na si Jewel Mische. Kahapon habang isa-isa kong pinag-aaralan ang mga links o websites kung saan nanggagaling ang mga boto sa linggong ito, napansin ko na si Jewel ang subject ng karamihan sa mga threads or discussions. The fans of Jewel are trying to pair her up with almost all the Kapuso male stars. Kaya hindi nakakagulat kung manguna man si Jewel ngayong linggo na ito sa ating search. Isang bagay lang ang nakakagulat, mukhang pinababayaan siya ng kanyang home network. Hindi nila ito nama-maximize.

Maliban kay Jewel Mische, walo pang Kapuso artists ang nasa Top 10 as of 3pm kanina. Tanging si KC Concepcion lamang ang Kapamilya ang nakapasok. Ang tanong namin, kailan kaya magiging masipag sa pagboto ang mga fans nina Judy Ann Santos, Claudine Barreto, Nikki Gil at Rica Peralejo na inaasahan naming manguna ngayong linggo?

Tanging si Stef Prescott lamang ang Kapuso artist na nasa bottom 10. Ang tanong namin ay kung kakayanin kaya ng mga loyalists o fans ng Siete na gawing landslide victory para sa kanila ang linggong ito. Pero papayag din kaya ang mga Kapamilya fans na matalo sila?

Ang mga nasa Top 10, maliban kay Jewel, ay sina Jolina Magdangal, Julia Clarete (puro J ang mga nanguna, huh!), Yasmin Kurdi, Sheena Halili, Ryza Cenon, Carla Abellana, Ehra Madrigal, KC Concepcion at si Francine Prieto.

Ipinapaalala namin na magtatapos ang botohan sa eliminasyon na ito sa Biyernes sa ganap na 11:59 PM. Kaya sa mga Kapamilya, marami pang oras para isalba natin ang ating mga paboritong artista.
Get free website for your blog

READ MORE >>

Saturday, March 14, 2009

Kilalanin ang mga Pasok sa 4th Batch ng Goddess of Philippine TV


Pagkatapos ng pagpasok ng 3,279 votes at 5,591 pageviews on the poll alone sa loob ng isang linggo mula 7 March hanggang 13 March, sampung pinakasikat na artistang babae natin sa ngayon ang muling naidagdag sa ating Top 50 ng ating Top Female Young Stars of the Philippines na siyang maglalaban-laban para sa solong titulo na Goddess of Philippine TV.

Pitong Kapuso artists at tatlo namang Kapamilya ang napabilang sa ating Top 10 sa linggong ito. Kahit mas marami ang artista ng Siete ang nakasama ngayon, itong grupong ito lang nanguna sa botohan ang isang artista ng Siete sa katauhan ni Maricris Garcia na walang sawang sinuportahan ng mga taga-hanga ng La Diva, ang grupo ng mga mang-aawit na kinabibilangan ni Maricris. Para sa kaalaman ng lahat, sa nagdaang tatlong linggo ng eliminasyon, pawang mga Kapamilya ang nanguna sa botohan. Si Laarni Lozada noong unang linggo, si Angel Locsin naman sa pangalawa at si Bea Alonzo naman sa pangatlong linggo.

Maliban kay Maricris, ang siyam pang nakapasok sa Top 10 sa linggo na ito ay sina Sarah Geronimo, Iza Calzado, Nadine Samonte, Maxene Magalona, Isabel Oli, Nikki Dacullo, Angelu de Leon, Kristine Hermosa at Shaina Magdayao.

Sina Sarah, Kristine at Shaina ang mga tatlong Kapamilya na nakapasok at Kapuso na ang iba. Muntik nang hindi makalusot si Shaina sa grupong ito dahil sa huling oras ng botohan ay hinabol siya ng mga fans ni Ruffa Mae Quinto pero masuwerteng nalamangan ni Shaina ng 2 boto lamang ang komedyana. Matatandaan din sa unang araw ng botohan ay nangunguna si Kristine pero nagpabaya ang kanyang taga-hanga kaya siya nalagay sa pang-siyam na puwesto. Kabaligtaran naman ang nangyari kay Sarah Geronimo na sa umpisa ay nasa bottom 10 pero sa mga sumunod na araw ay hindi na nagpabaya pa ang kanyang mga fans.

Ang mga siyam na artistang babae na kasama ni Ruffa Mae na hindi pinalad makapasok sa Top 10 ngayong linggo at tuluyan ng na-eliminate sa ating competition for the sole title of Goddess of Philippine TV ay sina Angelika dela Cruz, Iya Villania, Nina Jose, Valerie Concepcion, Say Alonzo, Jamila Obispo, Desiree del Valle, Kristel Moreno at Neri Naig.

Samantala, nakasalang na ang huling batch ng ating mga artistang naglalaban-laban para malaman natin kung sino ang bubuo sa Top 50. Nagsimula ang botohan noong Sabado at magtatapos sa Biyernes sa ganap na 11:59 pm. Hinihiling uli namin na suportahan ninyo uli sila at maraming salamat sa inyong pagtangkilik.
Get free website for your blog

READ MORE >>

Thursday, March 12, 2009

GPTV Updates: Bumalik si Nadine sa Top 10; Kapamilya Stars Unti-unting Bumababa; Singers, Ayaw Magpatalo

GPTV Updates: Interesting ang nangyayari sa ating second to the last weekly elimination ng ating search for the Goddess of Philippine TV na magtatapos bukas sa ganap na 11:59 ng gabi. Mas aktibo ang mga fans ng Siete dahil mas maraming Kapuso female artists ang umakyat ng pwesto. Sa mga biggest movers ay puro Kapuso rin at sila ay sina Nadine Samonte, Maxene Magalona, Nikki Dacullo, Angelu de Leon, Maricris Garcia, Isabel Oli at Iza Calzado. Ten times ang taas ng boto nila kumpara sa itinaas ng mga boto ng mga Kapamilya female stars.

Naalarma siguro ang mga fans ni Nadine Samonte at sinipag sila kahapon para ibalik ang dalaga sa Top 10 pagkatapos siyang ilaglag ni Sarah Geronimo. Kabaligtaran naman ang nangyari kay Sarah na imbes na umakyat at talunin si Maricris ay nagpabaya ang mga fans niya. Naabutan siya tuloy ni Maxene Magalona na siya na ngayong number 2. Number 3 na lamang si Sarah.

Habang tumataas ang mga boto nina Nikki, Angelu, Isabel at Iza pababa ng pababa naman ang dating ng suporta nina Shaina Magdayao at Kristine Hermosa. Kung magpapatuloy ang trend na ito ay posibleng mawala sa Top 10 sina Shaina at Kristine sa pagtatapos ng botohan bukas. Kapag mangyari iyon ay mawawalan na ng chance ang dalawang magandang dalaga na contract stars ng Dos na mapabilang sa Top 50 at sa solong titulo na Goddess of Philippine TV sa taong ito.

Sa kabilang banda naman, sa separate poll natin sa Mister Poll, muling sumigla ang mga taga-hanga ni Laarni Lozada dahil naibalik nila sa pagiging Primera ng mang-aawit sa listahan ng mga nangunguna.

Nakakatuwa rin ang mabilis na paghahabol ng mga fans ni Rachelle Ann Go at tinatakot na niya na ilaglag si Marian Rivera sa number 2 spots.

Mukhang ang mga may solid votes sa ating botohan ay ang grupo ng mga mang-aawit na kinabibilangan nina Laarni, Aicelle, Rachell Ann, Maricris, Jonalyn at Sarah. Si Marian lang ang hindi mang-aawit ng may solid votes din. Pinapatunayan nito ang matagal na nating alam na ang mga Pilipino ay talagang likas na mahilig sa kanta at pagkanta. Sabi nila, we are natural born singers and lovers of music. Ang tanong, pwede kaya magsama-sama ang mga mang-aawit na nabanggit sa isang concert? Sigurado ako yayanig ang Pilipinas kapag mangyari iyan.

Paging to all producers who are interested. Bring Laarni, Aicelle, Rachell Ann, Maricris, Jonalyn and Sarah in one concert. Agree ba kayo?

READ MORE >>

Tuesday, March 10, 2009

GPTV Updates: Sarah Geronimo at Ruffa Mae Quinto, Nalaglag na sa Top 10

GPTV Updates: Hindi mapigilan ang pag-arangkada ni Maricris Garcia. Nalaglag sina Sarah Geronimo at Ruffa Mae Quinto sa Top 10 sa eliminasyon ng linggong ito at nanganganib na tuluyan nang hindi sila makakapasok sa Top 50 kapag patuloy ang hindi pagdating ng kanilang mga boto. Maxene Magalona, patuloy ang pagtaas ng kanyang pwesto.

Iyan ang mga signifant changes sa ating weekly elimination sa ating search for the Goddess of Philippine TV. Ipinapaalala namin na magtatapos ang elimination ng batch na ito sa ganap na 11:59 pm (Philippine time) sa Sabado. Ang Top 10 ay papasok sa Top 50 at ang Lowest 10 ay tuluyan ng mawawalan ng pag-asa para sa solong titulo ng Goddess of Philippine TV sa taong ito.

Ang mga kasalukuyang nasa Top 10 ay sina Maricris Garcia, Kristine Hermosa, Iza Calzado, Maxene Magalona, Isabel Oli, Angelika dela Cruz, Shaina Magdayao, Nikki Dacullo, Angelu de Leon at Nadine Samonte.

Ang mga nanganganib ma-eliminate ay sina Ruffa Mae Quinto, Sarah Geronimo, Iya Villania, Nina Jose, Valerie Concepcion, Say Alonzo, Jamila Obispo, Desiree del Valle, Neri Naig at Kristel Moreno.

Sa kabilang poll naman sa Mister Poll, nangunguna na uli si Marian Rivera pagkatapos mag-reyna ng ilang araw din ni Laarni Lozada.

Gusto lang namin na ipaalam na ang botohan sa Mister Poll ay independent sa weekly elimination natin na makikita sa third column ng ating blog. Ang botohan sa Mister Poll ay magagamit lamang sa Final Top 10. Kung sino man na artistang babae ang makakapasok sa Final Top 10 ang magiging valid ang votes nila sa separate poll na ito. 15% ng kanilang final score ay manggagaling sa Mister Poll.

Ang current Top 10 ay sina (in order) Marian Rivera - 4,375 votes, Laarni Lozada - 3,774 votes, Rachelle Ann Go - 2,463 votes, Aicelle Santos - 1,113 votes, Gee Ann Abraham - 1,100 votes, Jewel Mische - 601 votes, Angel Locsin - 593 votes, Kim Chiu - 512 votes, Maricris Garcia - 432 votes at Toni Gonzaga - 189 votes.

Dahil hindi nakalusot sa weekly elimination si Kim Chiu na nasa Top 10, ang 12th placer na si Riza Santos ang magiging 10th placer technically dahil nakapasok siya sa Top 50 last week. Ang 11th placer sa Mister Poll na si Anne Curtis - 157 votes, ay eliminated din katulad ni Kim Chiu na hindi nakalusot sa kanilang weekly elimination.

Asahan ninyo na sa 21 March 2009 ay aayusin namin ang Mister Poll para tanggalin na ang mga eliminated female youngstars at itira lamang ang Top 50.

Sa araw din na iyon ay aming huhusgahan ang mga na-eliminate o Lowest 50 sa listahan natin ng 100 Top Female Young Stars. Ia-announce namin ang pwesto kung saan sila sa 51st - 100th positions batay sa number ng votes na nakuha nila during their elimination week combined with their votes at Mister Poll. Abangan po ninyo iyan.

READ MORE >>

Saturday, March 7, 2009

GPTV Updates: Ang Top 10 ng Batch 3 ng Ating Search for the Goddess of Philippine TV

Pagkatapos ng isang linggong botohan para sa third batch ng ating elimination on our search for the Goddess of Philippine TV, ikinagagalak naming ibalita sa inyo ang sampung mapapalad na mga female young stars natin sa ngayon ang lumusot sa Top 50.

Sila ay sina Bea Alonzo, Heart Evangelista, Maja Salvador, Kris Bernal, Riza Santos, Glaiza de Castro, Rich Asuncion, Angelica Panganiban, Jennylyn Mercado at Erich Gonzales.

Malayo pa ang lalakbayin ng mga sampung sikat na young stars na ito para sa Goddess of Philippine TV dahil haharap pa sila sa isa na namang elimination para alamin kung sino ang mga karapat-dapat na mapabilang sa Top 25. Magsisimula ito sa March 21 ng taong kasalukuyan.

Pero gusto lang namin ulitin na hindi dito nagtatapos ang paghingi nila ng boto dahil kung sakali man na mapasama sila sa Top 10 ay kailangan nila ang resulta ng mga boto niyo sa Mister Poll. Sa final score nila sa Top 10 ay 15% ang manggagaling sa separate poll na ito.

Balik tayo sa nangyaring elimination last week, mayroon lamang 2,734 views at 1,590 votes ang natanggap namin sa loob ng pitong araw. Malayo ang resultang ito sa naitalang record noong unang linggo ng elimination ng Goddess of Philippine TV pero masaya kami dito sa Siete Contra Dos dahil matagumpay na nairaos namin ang pangatlong eliminasyon.

At dahil Siete Contra Dos ang tema ng ating blog, sa linggong ito, bahagyang nakaungos ng konti ang Kapuso network para agawin sa Kapamilya ang titulo. Parehas lang uli na 5 artists from both networks ang pumasok sa Top 10 this week pero dahil mas marami ang Kapuso ang nasa higher slots, sila ang nanalo sa linggong ito.

Matatandaan na ganito rin ang nangyari last week nang magtabla sa bilang ang Kapuso at Kapamilya sa mga pasok sa Top 10 pero mas marami naman ang Kapamilya ang nakakuha ng higher positions kaya sila ang panalo. Noong unang linggo naman ay landslide victory for Siete. Kaya sa pagkakataon na ito ay mas nakakalamang na ang Kapuso. Inaasahan naman namin na babawi ngayon ang mga Kapamilya.

Ang mga hindi pinalad na makapasok sa Top 10 ngayong linggo ay sina Jodi Santamaria, Rochelle Pangilinan, Maureen Larazabal, Maegan Young, Alyssa Alano, Camille Pratts, Carla Humphries, Michelle Madrigal, Sacy Aguila at Janelle Quintana.

Nakakalungkot na hanggang dito na lamang ang kanilang laban at wala na silang tsansa pang maging kauna-unahang Goddess of Philippine TV ngayong taon.

Samantala, nagsimula na ang 4th batch ng ating elimination at hangad pa rin namin na suportahan ninyo sila. Ang batch na ito ang second to the last bago natin umpisahan ang tanggalan para sa Top 25 sa March 21.

Maraming salamat muli.

READ MORE >>

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO