Showing posts with label KC COncepcion. Show all posts
Showing posts with label KC COncepcion. Show all posts

Saturday, March 21, 2009

Marian Rivera at Dingdong Dantes, Muling Gagawa ng Pelikula

SAMU'T SARI: Ito'y koleksiyon ng mga balita sa Philippine showbiz sa nagdaang linggo.
  • Siguradong ikatutuwa ng mga fans nina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang balitang niluluto ng GMA Films ang isa na namang pelikula na pagtatambalan nila ngayong taon. 
  • Nag-show ang Bubble Gang sa Dubai, United Arab Emirates at ginanap ito sa Zabeel Park, ang park na kung saan gaganapin sana ang concert ni Charice Pempengco na hindi natuloy dahil hindi nakakuha ang producer ng permit. Pero ang Bubble Gang ay matagumpay sa pagkuha ng kaukulang papeles. Hintayin natin ang ating Palakang Kokak kung meron siyang balita.
  • Balik tayo kay Marian Rivera, ayon sa statics na nakalap ng aming blog, si Marian ang MOST SEARCHED sa lahat ng mga celebrities sa Pilipinas. Pero mukhang "pervert" lahat yata ang mga ito dahil ang hinahanap nila ay ang boob slip nito sa SOP o di kaya nude pictures niya. Sorry po dahil hindi niyo makikita ito dito sa blog namin. Biro din lang yung pagtukoy namin sa salitang pervert. Peace tayo.
  • Ang balitang kinukuha rin si Willie Revillame para mag-endorse ng isang presindentiables. Mukhang hindi magandang ideya ito dahil may problema si Willie sa kanyang image.
  • Sobrang gwapo naman yata ni Aljon Jimenez dahil may isang babae na naghahabol sa kanya at naanakan daw niya. Pinabulaanan ito ni Aljon.
  • Ang unprofessionalism ni Ruffa Mae Quinto dahil sa madalas niyang pagpapa-interview sa mga programa ng Dos kahit talent siya Siete. Pero hindi naman nagpapa-interview si Ruffa Mae sa Siete. Marami na rin ang nakakapansin ang kanyang pag-iinarte at kawalan ng ganang magtrabaho.
  • Magbabalik pelikula sina Camille Pratts at Eric Fructouso sa pelikulang T2 ng Star Cinema at pinagbibidahan ni Maricel Soriano.
  • Mukhang uso ang mga artista natin na dinadala sa hospital. Pagkatapos nina Pauleen Luna at Angel Locsin, dinala rin sa ospital sina Ai Ai de las Alas at Angelica Panganiban.
  • Impressive ang ginawang press presentation sa bagong soap ni Richard Gutierrez na Zorro. Mukhang hindi mangyayari ang gusto ng ilang fans na i-boycott ito bilang protesta kay Annabel Rama.
  • Speaking of Zorro, si Wilma Galvante pala ang nakipaglaban para makuha lang ang rights ng soap na ito at maibigay kay Richard. Pero sa kabila nito ay pinararatangan pa rin ni Annabel si Wilma na pinababayaan niya si Richard. Hindi lang iyan, inaaway pa rin niya ang lady executive.
  • Hindi pwedeng i-market na nagkakamabutihan sina KC Concepcion at Piolo Pascual para ibenta ang soap nilang Lovers in Paris dahil open si KC na hindi sila close ni Piolo.
Get free website for your blog

READ MORE >>

Wednesday, March 18, 2009

KC Concepcion, Nawala na sa Top 10; Alamin ang mga Pagbabago sa Botohan sa Mister Poll

GPTV Updates: Malapit na uli magwakas ang ating eliminasyon para sa panglima at huling grupo ng mga babaing artista natin sa ngayon at meron na lamang halos tatlong araw para bumoto dahil magsasara na ito sa ganap na 11:59 PM sa Biyernes.

Mukhang mabibigo kami sa aming unang akala na malakas ang grupo na ito ng mga Kapamilya artists at mukhang pinapatunayan din ng mga Kapuso fans ang isang hamon na gawin itong landslide victory for all the artists of GMA. Dahil Siete Contra Dos ang tema ng ating search, talong-talo na nga ng mga mas masisipag na fans ng Siete ang mga medyo reluctant pa na fans ng Kapamilya. Sa 20 na bilang ng mga artista natin na naglalaban-laban, ang upper 10 ay okupado ng mga Kapuso contract stars samantala ang lowest bracket naman ay puro Kapamilya artists.

Ang pagkakalaglag ni KC Concepcion sa Top 10 ang nagbigay-daan upang ma-okupa ng mga Kapuso ang lahat ng pwesto sa Top 10. Si KC ay nasa pangatlong pwesto kahapon pero bigla siyang bumulusok ngayon at nasa panglabing-isang pwesto na lamang siya.

At dahil halos tatlong araw na lamang ang natitira sa ating eliminasyon, posibleng lahat ng talent ng Dos sa grupong ito ay tuluyan ng mae-eliminate at mawalan na ng tsansang matawag na Goddess of Philippine TV. Kung hindi maalarma ang mga Kapamilya loyalists at kapag tuluyan namang magpakita ng aggresiveness at determination ang mga Kapuso loyalists, sigurado na ang Top 10 sa araw na ito ang siya rin aabante sa Top 50 ng ating Top Female Young Stars of the Philippines sa Biyernes ng gabi.

**********
Pagdating din ng Sabado, 21 March 2009, sa ganap na alas-dose ng madaling araw, malalaman na rin natin ang kung sino ang mga artista ang makakasama sa Top 50 Female Young Stars in the Philippines. Kasabay nito ay makikilala na rin natin kung sino naman ang mga artista na nasa bottom 50 o 'yung Top 51-100 Female Young Stars of the Philippines.

Yung mga makakapasok sa Top 50 ay magpapatuloy sa isa na namang face off o elimination round para malaman natin kung sino ang papasok sa Top 25 Female Young Stars of the Philippines. Magu-grupo uli sila sa limang grupo at bawat grupo ay isasalang ng isang linggo uli para hingin ang inyong suporta. Kukunin natin ang Top 5 bawat linggo at sila ang bubuo sa Top 25 Female Young Stars of the Philippines. Yung lowest 25 sa limang linggong ito ang magiging Top 26-50 Female Young Stars.

Simula Lunes naman ay ipapakilala namin kung sino ang mga artistang nasa Top 51-100.

**********
Sa iba pang mga balita, patuloy pa rin ang pamamayagpag kung sino ang talagang sikat sa ating botohan sa Mister Poll. Malinaw na kung sino ang may malalawak na fan base at mga dedicated na mga taga-hanga ang nangunguna dito. Sila yung mga artista na ang paghanga nila sa kanilang idolo ay talaga namang ipinapakita rin nila sa gawa at hindi sa salita lamang.

Sa mga nagdaang mga araw, nakita ko na naguna si Marian Rivera pero naungusan siya ni Rachelle Ann Go. Sa ngayon ay si Laarni Lozada uli ang nasa taas ng totem pole. May botong 13,247 si Laarni. Ang nasa pangalawang pwesto ay si Rachelle Ann na may botong 13,015. Pangatlo si Marian Rivera na may 11,183.

Ang dalawa pa na nasa Top 5 ay sina Aicelle Santos na may botong 5,800 at si Gee-Ann Abraham na may botong 5,469.

Ang iba pa na bumubuo sa Top 10 ay sina  Bea Alonzo - 3,380; Maricris Garcia - 3,369 votes; Jonalyn Viray - 1,094 votes; Angel Locsin - 798 votes at si Jewel Mische - 670 votes.

Ang botohan na ito ay ang magiging basehan ng 15% ng overall scores ng mga artistang mapalad na makakapasok sa Final 10.

Para sa mga fans na sumusuporta sa kanilang idolo sa Mister Poll, gusto lang namin na ipaalam na pansamantalang isasara namin ang botohan sa Sabado ( 21 March 2009) sa ganap na alas-dose rin ng madaling araw. Magbubukas uli siya sa Lunes (23 March 2009), hindi na sa Mister Poll kundi sa THIRD COLUMN na ng blog namin sa baba lang ng weekly elimination. Ang layunin naming kung bakit pansamantala naming isasara ang botohan at ililipat sa isang widget sa blog namin ay para linisin ito at tanggalin ang mga artistang nasa bottom 50 dahil hindi naman na sila pwedeng iboto pa. Ang tanging maiiwan na lamang ay ang mga nasa Top 50 na siyang magpapatuloy ng laban. Sobrang malaki na rin kasi ang bilang ng botong natanggap namin kaya bago mag-crash ang site ay gagawan na namin ng solusyon. Sa ngayon ay may 54,838 votes na simula 14 February.

Pero kung anuman ang botong nakuha ng mga artista natin sa Mister Poll ay siguradong documented iyan at isasama namin sa mga botong makukuha nila sa bago nitong bahay.

Batid namin na marami sa inyo ang nag-post ng URL ng botohan natin sa Mister Poll sa inyong mga forums at social-networking accounts sa kagustuhang mangampanya, pinapayuhan namin kayo na baguhin niyo na lamang ito.

Maaari niyo kaming sulatan dito sa Siete Contra Dos kung may gusto kayong itanong o maliwanagan. Maraming salamat sa inyong suporta at walang sawang pagmamahal hindi lang sa mga paborito ninyong mga artista kundi para na rin sa amin dito sa Siete Contra Dos.

Mabuhay tayong lahat.
Get free website for your blog

READ MORE >>

Monday, March 16, 2009

Jewel Mische, Nagunguna sa Botohan; Nasaan ang mga Fans nina Judy Ann Santos at Claudine Barreto?

GPTV Updates: Simula nang ilunsad ang fifth and final batch of our Top 100 Female Young Stars in the Philippines para sa prestigious na Top 50 noong Sabado sa ganap na 12 AM, nanguna na sa botohan ang Kapuso artist na si Jewel Mische. Kahapon habang isa-isa kong pinag-aaralan ang mga links o websites kung saan nanggagaling ang mga boto sa linggong ito, napansin ko na si Jewel ang subject ng karamihan sa mga threads or discussions. The fans of Jewel are trying to pair her up with almost all the Kapuso male stars. Kaya hindi nakakagulat kung manguna man si Jewel ngayong linggo na ito sa ating search. Isang bagay lang ang nakakagulat, mukhang pinababayaan siya ng kanyang home network. Hindi nila ito nama-maximize.

Maliban kay Jewel Mische, walo pang Kapuso artists ang nasa Top 10 as of 3pm kanina. Tanging si KC Concepcion lamang ang Kapamilya ang nakapasok. Ang tanong namin, kailan kaya magiging masipag sa pagboto ang mga fans nina Judy Ann Santos, Claudine Barreto, Nikki Gil at Rica Peralejo na inaasahan naming manguna ngayong linggo?

Tanging si Stef Prescott lamang ang Kapuso artist na nasa bottom 10. Ang tanong namin ay kung kakayanin kaya ng mga loyalists o fans ng Siete na gawing landslide victory para sa kanila ang linggong ito. Pero papayag din kaya ang mga Kapamilya fans na matalo sila?

Ang mga nasa Top 10, maliban kay Jewel, ay sina Jolina Magdangal, Julia Clarete (puro J ang mga nanguna, huh!), Yasmin Kurdi, Sheena Halili, Ryza Cenon, Carla Abellana, Ehra Madrigal, KC Concepcion at si Francine Prieto.

Ipinapaalala namin na magtatapos ang botohan sa eliminasyon na ito sa Biyernes sa ganap na 11:59 PM. Kaya sa mga Kapamilya, marami pang oras para isalba natin ang ating mga paboritong artista.
Get free website for your blog

READ MORE >>

Thursday, March 12, 2009

Ipinakikilala ang Huling Batch para sa Goddess of Philippine TV

Sa Sabado (14 March 2009) sa oras na 12 midnight - 12:10 am (Philippine time) magsisimula pa ang fifth and last week of elimination for the Top 50 of our search for the Goddess of Philippine TV pero maaga pa lang ay ipinapakilala namin muli ang mga 20 female young stars na maglalaban-laban sa grupong ito.

Tatakbo ang huling linggo ng eliminasyon para sa Top 50 mula sa Sabado hanggang sa susunod ng Biyernes, 20 March 2009, sa ganap na 11:59 ng gabi (Philippine time). Pagdating ng Biyernes, ang Top 10 sa grupong ito ang bubuo sa Top 50 ng ating Top Female Young Stars of the Philippines na kung saan manggagaling ang nag-iisang Goddess of Philippine TV. Tuluyan ng magpapaalam ang mga mapupunta sa lowest 10.
Ang mga artista ng Kapamilya na kasali sa huling batch na ito ay sina Alessandra de Rossi, Beatriz Saw, Dimples Romana, Eda Nolan, Wendy Valdez, Claudine Barreto, Judy Ann Santos, KC Concepcion, Nikki Gil at Rica Peralejo.

Ang mga Kapuso artists naman na kasali ay sina Carla Abellana, Julia Clarete, Stef Prescott, Ehra Madrigal, Yasmin Kurdi, Francine Prieto, Jewel Mische, Jolina Magdangal, Ryza Cenon at Sheena Halili.

Mukhang napakalakas ang line up ng mga Kapamilya ngayon at inaasahan naming mangingibabaw sila sa susunod na linggo. Inaasahan namin na mangunguna dito sina Judy Ann Santos, Claudine Barreto, KC Concepcion, Nikki Gil at Rica Peralejo. Pero malaki rin ang laban nina Jolina Magdangal, Jewel Mische, Yasmin Kurdi, Francine Prieto at Ryza Cenon. Malalaman natin ang lahat na ito - kung sino ang mas maraming boto - simula sa Sabado.

Maaga uli namin sila ipinapakilala upang magkaroon kayo ng pagkakataon na ibalita ito sa iba pang mga fans. You can start campaigning for them.

Sa March 21 ay malalaman na natin kung sino ang Top 50 Female Young Stars of the Philippines.

Maraming salamat sa inyo at hiling namin ang patuloy ninyong suporta.

Get free website for your blog

READ MORE >>

Tuesday, March 3, 2009

Hot Seat: Richard Gutierrez and Mo Twister

Nagpahayag ng komento si Mo Twister sa naging reaksiyon ni Boy Abunda sa biro ni Vicki Belo. Matatandaan ng nagdayalog ang may-ari ng Belo Group na "if you want to look like Boy, go to Calayan. If you want to look like Dingdong Dantes or Piolo Pascual, come to Belo." Nasabi ito ni Vicki sa programa ni Mo sa GMA na Showbiz Central.

Sabi ni Mo sa kanyang programa, “You’re overreacting with the crying, why are you crying?” Patungkol niya iyan kay Boy na halos umiyak sa programa rin niya sa Dos na Showbiz News Ngayon.

Si Mo na nga ang lalaking Kris Aquino. Taklesa at dere-deretso ang walang prenong bibig. Hindi na dapat pa nagsalita ng ganito si Mo at hinayaan na lang niya sanang mamatay ang isyu. Hindi ito makakatulong para pakalmahin ang loob lalo na si Boy.

Pero kung iisipin mo nga naman ng mabuti, meron naman katotohanan ang sinabi ni Mo. Naging OA talaga si Boy dahil sa pag-aakalang makakatulong ang isyu para paangatin ang ratings ng SNN. Pero dahil siguro nakita niya na wala itong epekto, nagsabi na siya na hinding-hindi na raw siya magsasalita tungkol sa tampuhan nila ni Vicki.

********
Ano naman itong pinag-uusapan tungkol sa pag-iinarte ni Richard Gutierrez sa taping ng Zorro sa Bataan? Masyado na umakyat sa ulo ni Richard ang konting tagumpay at kapag nagpatuloy siya sa ganito ay hindi malayong babagsak na lang siya bigla.

Dinayo daw ng staff ng isang showbiz talk show ang shooting ng aktor para ito ay ma-interview. Meron daw basbas ang naturang interview mula sa mga executives ng programa. Naghintay sila ng ilang oras para lang ma-interview si Richard. Dahil isa raw sa requirement lagi ni Richard na kailangan malaman niya in advance ang lahat ng itatanong sa kanya, ibinigay ng staff ng talk show ang listahan ng katanungan nila. Pero laking gulat na lang daw nila noong ayaw na raw magpa-interview ang anak ni Annabel Rama dahil meron daw katanungan doon na pilit pa rin nag-uugnay sa kanya at kay KC Concepcion.

Ayaw na raw niya pag-usapan pa ang dalaga dahil naipalabas na raw at kumita ang pelikula niyang When I met You.

O di ba, nagtataray ang lolo Richard natin? Maliwanag pa sa sikat ng araw na cheap publicity lang ang mga pinaggagawa nila noon ni KC sa TV. Talagang pinalabas nila na nagkakamabutihan sila at may mga regalo pa sila sa isa't isa. Lahat ng ito ginawa nila para lang panoorin ang kanilang pelikula.

Bakit pa kasi hindi na lang gawing loveteam ang Jewel Mische-Richard? Baka naman ito ang ikakasaya ni Richard. Bakit kasi ayaw ni Bisaya?

READ MORE >>

Wednesday, February 11, 2009

Top 100 Female Young Stars of the Philippines Unofficial List


The First Search on the GODDESS of Philippine TV starts on Valentines Day here at Siete Contra Dos.

Bawat linggo, sampung artistang babae ng Kapuso at sampu rin sa Kapamilya ang maglalaban-laban para sa Top 10 na magpapatuloy sa loob ng limang linggo. Dito natin malalaman kung anong network ang may pinakasikat at pinakapaboritong artistang babae sa ngayon. Ito ang katumbas ng King of Philippine TV na malapit na rin simulan dito pa rin sa paborito ninyong blog. Tungkol naman ito sa mga pinakasikat na lalaking actor natin sa ngayon.

Nakapili na ang ating sampung hurado ng mga pinaka-sikat na mga artistang babae sa Philippine TV.

Here is the UNOFFICIAL list of Philippine Top 100 Female Young Stars mula sa dalawang networks.

Ang mga galing sa GMA Kapuso 7 ay sina:

1. Marian Rivera
2. Heart Evangelista
3. Rhian Ramos
4. Pauleen Luna
5. Yasmine Kurdi
6. Jennelyn Mercado
7. Glaiza De Castro
8. Katrina Halili
9. Lovi Poe
10. Jennica Garcia
11. Jewel Mische
12. Ehra Madrigal
13. Michelle Madrigal
14. Nadine Samonte
15. Camille Pratts
16.Diana Zubiri
17. Francine Prieto
18. Ruffa Mae Quinto
19. Sheena Halili
20. Iza Calzado
21. Sunshine Dizon
22. Jolina Magdangal
23. Bianca King
24. Angelika Dela Cruz
25. Chynna Ortaleza
26. Jackie Rice
27. Isabel Oli
28. Iwa Moto
29. Kris Bernal
30. LJ Reyes
31. Kyla
32. Maxene Magalona
33. Maureen Larazabal
34. Rich Asuncion
35. Ryza Cenon
26. Rochelle Pangilinan
27. Izzy Terona
28. Steff Prescott
29. Aicelle Santos
30. Maricris Garcia
31. Jonalyn Viray
32. Carla Abellana
33. Maggie Wilson
34. Tanya Garcia
35.Alyssa Alano
36. Karel Marquez
37. Jade Lopez
38. Aileen Luna
39. Jana Roxas
40. Arci Munoz
41. Sarah Larson
42. Vanessa del Moral
43. Rhea Nakpil
44. Krissa Mae Arrieta
45. Julia Clarete
46. Lougee Basabas
47. Diana Menezes
48. Say Alonzo
49. Nikki Dacullo
50. Angelu de Leon


Heto naman ang mga napiling artista ng Kapamilya network:

1. Angel Locsin
2. Sarah Geronimo
3. KC Concepcion
4. Kim Chui
5. Anne Curtis
6. Maja Salvador
7. Judy Ann Santos
8. Claudine Baretto
9. Kristine Hermosa
10. Toni Gonzaga
11. Roxanne Guinoo
12. Bea Alonzo
13. Shaina Magdayao
14. Angelica Panganiban
15. Bianca Gonzales
16. Mariel Rodriguez
17. Gee-ann Abraham
18. Iya Villana
19. Valerie Concepcion
20. Nikki Gil
21. Rica Peralejo
22. Alessandra de Rosi
23. Meagan Young
24. Riza Santos
25. Karylle Tatlonghari
26. Cristine Reyes
27. Gaby dela Merced
28. Erich Gonzales
29. Wendy Valdez
30. Kaye Abad
31. Kristel Moreno
32. Nina Jose
33. Eda Nolan
34. Janelle Quintana
35. Sheryn Regis
36. Melissa Ricks
37. Jodi Santamaria
38. Beatriz Saw
39. Neri Naig
40. Lauren Young
41. Cassandra Ponti
42. Desiree Del Valle
43. Dimples Romana
44. Saicy Aguila
45. Malaya Lewandowski
46. Laarni Lozada
47. Irish Fullerton
48. Jamilla Obispo
49. Carla Humphries
50. Cathy Gonzaga

Tinawag namin itong UNOFFICIAL LIST dahil sa 13 February 2009 mismo namin ia-announce ang OFFICIAL list. Maari ang ilan na nasa listahan ay mawala kapag sila'y naungusan sa score ng mga artistang wala pa sa aming database. Ang mga hurado ay nakatira sa labas ng Pilipinas kaya hindi namin masyado pa kilala ang mga ilang baguhang or bagong sulpot na mga talents.

Kaya kung sa tingin ninyo ay wala sa listahan ang iyong idolo, ipagbigay alam kaagad dito sa pamamagitan ng comment form after this write up upang sila'y masuri namin at kung ang scores nila ay pasok sa Top 50 ng channel na kinabibilangan nila ay agad namin silang isasama sa official list.

Mabuhay kayo at suportahan natin ang contest na ito.

CLICK HERE to read the full mechanics of the contest.

READ MORE >>

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO