Showing posts with label Philippine Top 100 Female Young Stars. Show all posts
Showing posts with label Philippine Top 100 Female Young Stars. Show all posts

Wednesday, March 11, 2009

GPTV Updates: Nadine Samonte, Nalaglag sa Top 10 dahil sa Pagpasok ni Sarah Geronimo

GPTV Updates: Aba, mukha yatang natauhan ang mga fans ni Sarah Geronimo sa title ng aking post kahapon, "GPTV Updates: Sarah Geronimo at Ruffa Mae Quinto, Nalaglag na sa Top 10". Simula kahapon ay dumagsa ang boto para sa dalagang mang-aawit at hindi lang nakapasok sa Top 10 kundi pumuwesto kaagad siya sa number 2 spot. Ngayon ang popularidad ni Sarah ay nakikita na sa kanyang boto sa poll natin for the Goddess of Philippine TV pero mapantayan kaya ng sipag ng fans ni Sarah ang dedikasyon ng mga fans ng isang pang mang-aawit na si Maricris Garcia na siyang nangunguna sa ngayon? Tignan natin dahil 3 araw na lang ang natitira sa weekly elimination na ito.

Sa pagpasok ni Sarah sa Top 10 ay nagsaripisyo naman si Nadine Samonte dahil nahulog na siya sa Lowest 10. Maibabalik kaya ng mga fans ni Nadine ang aktres?

Mataas din ang bilang ng mga boto nina Iza Calzado at Shaina Magdayao kahapon. Naungusan ni Iza si Kristine Hermosa na bumaba ng pwesto dahil humina ang suporta ng mga fans ng dating asawa ni Diether Ocampo.

Sa kabilang poll naman sa Mister Poll, naalarma yata ang mga fans ni Laarni Lozada at bigla uli dumagsa ang boto ng dalaga. Konti na lang uli ang agwat sa boto ng kasalukuyang nangungunang si Marian Rivera. Pero magpapatalo kaya ang mga solid Marian fans? Pero sa dedikasyon ng mga Laarnians, nakita na natin noong unang linggo ng elimination natin na hindi imposibleng manguna uli si Laarni.

Uulitin namin na kapag naiboto na ang Top 50 sa Top 100 Female Young Stars of the Philippines para Goddess of Philippine TV, lilinisin namin ang Mister Poll para tanggalin na ang mga Lowest 50. Ang mga Lowest 50 naman ay ira-rank namin from 51st - 100th positions at ia-announce namin dito ng limang pwesto kada isang araw.

Kaya hiling namin na magpadala kayo ng pinakagusto ninyo photo ng mga idols ninyo at iyon ang gagamitin namin sa aming blog entry. Kung masyado maraming photo ang aming matatanggap para sa isang artista, pipiliin namin ang sa tingin namin na pinakamaganda.

Salamat muli sa suporta at bumoto lang kayo. Bisitahin niyo kami sa blog namin araw-araw for the updates.

READ MORE >>

Saturday, February 14, 2009

Aicelle Santos Currently Leads GPTV

Maligayang Araw ng mga Puso para sa inyong regular readers ng aming blog.

Sa unang oras ng Siete Contra Dos para sa unang elimination ng Goddess of Philippine TV, nagpakita agad ng puwersa ang Kapamilya network nang gawing leader si Laarni Lozada out of 20 female stars. Pero ilang oras lang ang nakalipas, nakaungos ang Kapuso.

Sa partial result ng aming poll as of 6 pm Philippine time, 5 Kapuso ang pasok sa Top 6. Si Laarni lamang ang nag-iisang Kapamilya. Pero unpredictable ang ating resulta dahil sa bottom 4 ay puro rin Kapuso.

Ano ang ibig sabihin nito? Extreme ang mga Kapuso fans. Merong mga talents from their network na malawak talaga ang fan base at meron ding konti lang. Samantala sa Kapamilya naman ay halos pantay ang distribution. Marami ang mga posibleng dahilan pero unti-unti natin sila mababanggit as we go along with this contest.

Kasalukuyan nangunguna ngayon si Aicelle Santos ng Kapuso with 416 votes. 44 votes ang lamang nito kay Marian Rivera na pumangalawa lamang. Mukhang mga singers ang nagbibigay ng sorpresa sa batch na ito. Pagkatapos umariba si Laarni ay si Aicelle naman ang nanguna. For sure, hindi magpapatalo dito ang mga fans ni Marian dahil malayo pa naman ang laban.

Aside from Aicelle, Marian and Laarni sa Top 10, kasama rin nila sina Jonalyn Viray, Jackie Rice, Bianca King, Kim Chiu, Anne Curtis, Karylle Tatlonghari at Melissa Ricks.

Nanganganib naman mawala sa listahan at tuluyan nang ma-eliminate sina Chynna Ortaleza, Gaby dela Merced, Cristine Reyes, Cathy Gonzaga, Sheryn Regis, Mariel Rodriguez, Carlene Aguilar, Krissa Mae Arrieta, Pauleen Luna at Sunshine Dizon dahil sila ang nasa bottom 10 so far.

Nakakagulat na hindi masyado lumalaban sina Pauleen Luna, Sunshine Dizon, Cristine Reyes at Mariel Rodriguez dahil isa sila sa mga kino-consider na front runners.

Natutuwa kami dahil successful ang aming Search for Goddess of Philippine TV. Wala pa itong 24 hours simula ilunsad namin ay nakapag-generate na kami ng more 2 thousand votes from all parts of the world. Africa at South America na lang yata ang hindi pa represented sa aming poll. LOL.

Anyways, keep on voting guys at sabihin niyo rin sa mga iba pang fans to support their idols. Narito ang partial result ng ating contest as of 6 pm ng February 14, 2009 (Philippine time)

Aicelle Santos - 416
Marian Rivera - 372
Jonalyn Viray - 367
Laarni Lozada - 149
Jackie Rice - 141
Bianca King - 95
Kim Chiu - 93
Anne Curtis - 78
Karylle Tatlonghari - 54
Melissa Ricks - 40


Chynna Ortaleza - 29
Gaby dela Merced 27
Cristine Reyes - 27
Cathy Gonzaga - 20
Sheryn Regis - 17
Mariel Rodriguez - 17
Carlene Aguilar - 16
Krissa Mae Arrieta - 11
Pauleen Luna - 9
Sunshine Dizon - 5


Nabanggit namin sa mechanics ng contest na aside from weekly voting para sa face off or elimination process, pwede rin kayo bumoto by clicking the icon at the menu tab - Vote for GPTV. Kung sakali yung idol niyo ay makapasok sa Final Top 10, yung score niya from that separate poll makes 15% of her total scores in the final stage.

Kung naguguluhan kayo, feel free to leave a comment at sasagutin namin sa lahat ng makakaya namin.

Bukas, hintayin niyo rin ang post ng isa kong co-author sa blog na ito. He made a survey sa mga non-Pinoys, mostly British and Americans, about the stars they would like to date ngayong Valentines if they are given the chance. Of course ang mga choices ay ang mga Top 100 Female Stars natin dito.

Abangan niyo iyan dahil masaya ito. Ang susunod naman na update ng GPTV (Goddess of Philipppine TV) ay after 2 days - Monday.

READ MORE >>

First Elimination ng GPTV, Nagsimula na: Laarni Lozada Nangunguna sa First 2 Hours

Nagsimula na ang unang bugso ng elimination para sa contest nating Goddess of Philippine TV. Inilunsad ito kaninang 12 am (14 February) sa time zone ng Pilipinas. Isang rebelasyon ang pangunguna ni Laarni Lozada sa unang 2 oras ng kontes.

Ang mga front-runners na inaasahang magdadala sa Channel 7 ay sina Marian Rivera, Pauleen Luna, Sunshine Dizon at Bianca King kung dami ng palabas sa telebisyon ang pag-uusapan.

Sa side naman ng Channel 2 ay mukhang mas marami ang malalakas nilang pambato. Nandyan sina Anne Curtis, Kim Chiu, Cristine Reyes, Mariel Rodriguez at Karylle. Tulad ng nasabi ko na nangunguna si Laarni Lozada - walang takot na tinatalo ang mga inaasahang mangunguna sa labanang ito. Isa lang ang ibig sabihin nito, meron din malawakang fan base ang dalagang meron isang magandang boses at nanalo sa Pinoy Dream Academy. Her recent stint at PDA is definitely helping her.

Tulad ng inaasahan, nangunguna sa ngayon si Marian Rivera sa panig ng Kapuso na pumapangalawa kay Laarni Lozada sa overall votes. Pero malayo pa ang lalakbayin ng ating contest dahil 'tong resultang aking binanggit ay sa first 2 hours lang pagkatapos buksan ang poll sa mga readers ng Siete Contra Dos. Marami pa ang pwede magbago pero malalaman natin sa 20 February kung sino ang magpapatuloy sa Top 50.

Uulitin ko na meron lang tayong isang linggo, 14-20 February para bumoto sa batch na ito. Sa 21 February, sampu sa kanila ang magpapaalam at mawawalan na ng pagkakataong manalo sa titulong Goddess of Philippine TV for 2009.

Maganda rin ang mga feedbacks na aming natanggap mula sa mga voters from other countries na hindi mga Filipino. Tama po kayo sa inyong nabasa dahil binuksan din namin ang poll na ito sa kahit anong nationalities. Sila yung mga may account sa website na nagho-host ng ating poll. Meron from Canada, Spain, Taiwan at pinakamarami sa USA.

Ilan sa magandang comment ay galing sa isang Amerikano at isang Canadian.

"This is tough. I don't know who to choose. They're so beautiful. Where is Pauleen Luna now? Hands down to Cristine Reyes," sabi ng isang Amerikano.

"They're all beautiful,"naibulalas naman ng isang Canadian.

Marami ang nagagawa ng mga popularity contest tulad nito sa career ng isang artista. Isang batayan sa kasikatan ng isang tao ang volume or comments na natatanggap niya mula sa mga forums or internet, radyo o pahayagan. A friend of mine is trying to write an article about this at inaasahan ko siyang magiging kasama natin dito sa site natin sa mga susunod na araw.

Ipagpatuloy lamang po ang pagboto at pag-endorse sa ating contest. Utang namin sa inyo ang success nito kaya ngayong Valentines Day ay binabati namin kayo. Sana ay maging masaya lahat tayo sa araw na ito.

READ MORE >>

Friday, February 13, 2009

Anong Meron sa Cellphone na Ninakaw kay Marian Rivera?

Nakatanggap ako ng isang e-mail mula sa isang kaibigan at die hard fan na rin ng sikat na aktres ngayon na si Marian Rivera. Nabasa daw niya ang isang pangyayari sa shooting ng teleserye nila ni Dingdong Dantes na Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang. Ito raw ay isinulat ng isang identified sa Channel 2 na si Ogie Diaz. Pinik-up ito ng isa pang fan ng aktres and the person posted the article on a popular forum.

Ayon sa balita, nag-iiyak daw si Marian Rivera dahil nawawala daw ang kanyang cellphone sa shooting ng kanilang teleserye sa Tagaytay. Hindi raw mapatigil sa pag-iyak ang aktres dahil more than an hour na raw sila naghahanap pero hindi pa rin makita. Lahat na raw ng staff sa nasabing show ay tumulong na rin pero hindi pa rin daw sapat para matagpuan ito.

More than a hundred thousand pesos na rin daw ang ibibigay sa kung sino man ang makakapagpabalik sa cellphone. Sobra namang mahal ang value ng cellphone na ito kung sakali man totoo.

Ang agad na naisip ko ay una nang ibinalita ito ng isang taong identified sa Channel 2. Hindi na nakakagulat.

Meron siguro mga iniingatang mahahalagang impormasyon na nakatago sa cellphone ni Marian dahil hindi naman siguro mag-iiyak ang magandang dalaga ng todo-todo kung nawala lang ang cellphone dahil kayang-kaya naman niyang bumili ng kapalit. Ang balitang pabuya na isandaang libong piso ay maaring exaggeration lamang. Pero nakakakaba nga naman kung sakali man may mahahalagang impormasyong anytime ay pwede gawing issue against sa dalaga.

Isa lang ang naiisip ko. Hindi ko maiiwasang isipin na may intensiyong nakawin ang naturang cellphone dahil lamang sa kagustuhan ng ilan na mapabagsak ang isang tao. Sinasabi ko ito dahil ito ay realidad sa ating entertainment industry. Marami ang gumagawa ng lahat ng paraan dahil sa kagustuhan sila ang manguna or magtagumpay. Speaking here of crab mentality.

Hindi ko pinaparatangan ang sinuman na galit kay Marian na ito nga ang mismong nangyari pero posible. Sa isang imbestigasyon, isa-isahin mo ang lahat ng mga anggulo ng isang kaso o subject at saka mag-undergo ng process of elimination. Ang anggulong aking nabanggit ay isa sa pwede ng tutukan lalo na at realidad ito na nangyari na sa mga sikat at papasikat ng mga artista natin simula pa 1970's or mas matagal pa.

Kaya kung maglitawan na ang mga masasamang press releases against Marian Rivera, huwag na tayo magulat. Posibleng naplano na ang lahat. Sino ngayon ang hindi mag-aakalang walang demolition job laban sa isang magandang dalaga na wala naman inaapakang tao kundi may hangarin lang matupad ang kanyang pangarap?

Ang pagnanakaw ng mga personal na bagay ng isang tao at gamitin ito laban sa kanya ay isang gawaing barbarian. Lagi natin tandaan na ang karma ay nandyan lang, nakaantabay, handang maningil kapag oras na ng singilan.

Isa pala si Marian Rivera sa mga unang 20 Top Female Young Stars ng Pilipinas na maglalaban-laban sa pamamagitan ng boto ng publiko para sa titulong Goddess of Philippine TV na ipoproklama sa August ng taong ito. Ito ay proyekto ng site na ito at inaasahan naming susuportahan ninyo.

Si Marian at ang 19 pang kasama niya ay kailangan makapasok sa Top 10 sa linggong ito simula bukas para makapagpatuloy sa contest. Ang lowest 10 ay tuluyan nang mai-eliminate.

Magsisimula na bukas ang botohan at meron lang kayo hanggang February 20 para masalba ang mga paborito ninyong artista. Sa February 21 naman hanggang 28 ay iba namang set ang maglalaban-laban.

Ang mga kasama ni Marian sa linggong ito ay sina Anne Curtis, Sunshine Dizon, Karylle, Pauleen Luna, Kim Chiu, Carlene Aguilar, Mariel Rodriguez, Cristine Reyes, Jackie Rice, Gaby dela Merced, Chynna Ortaleza, Sheryn Regis, Melissa Ricks, Jonalyn Viray, Aicelle Santos, Krissa Mae Arrieta, Laarni Lozada at Cathy Gonzaga.

READ MORE >>

Thursday, February 12, 2009

Top 100 Female Young Stars of the Philippines


We are now officially declaring the Top 100 Female Young Stars of the Philippines who are going to compete for the sole title of Goddess of Philippine TV. There will only be one Goddess so vote wisely.

Masyado kami excited dito sa Siete Contra Dos kasama ang mga sampung judges na namili sa mga Top 100 kaya napaaga ang aming announcement ng Official List. We mentioned in this post that announcement would be on the 13th of February but because of your request, we are doing it now - 2 days earlier. Still the first day of voting will be on the 14th. Tamang-tama para sa ating Valentines Day.

Bago namin ihayag ang official Top 100, gusto lang namin i-wasto ang pagkakamali namin. Noong nagbigay kami ng Unofficial List dito sa post na ito ay nasobrahan kami ng 10 candidates dahil sa error sa numbering. 50 entries for each Kapuso and Kapamilya ang sinabi namin. Tama na 50 ang isinulat namin for Kapamilya pero nasobrahan kami ng 10 entries for the Kapuso.

Ang pagkakamali ay na-trace namin sa numbering. While we were enumerating the names of the Kapuso talents, nagkamali kami sa number 36. Pwede niyo i-check iyong post na iyon to compare. Tama 'yung bilang namin from 1-35 pero pagdating ng 36 (Rochelle Pangilinan) ay 26 ang naisulat namin imbes na 36. Ang nangyari ay naulit namin ang 26-36.

Dahil 50 entries lang ang manggaling sa Kapuso, we retrieved our score cards at inalis namin yung last 10. Dahil dito ay nawala sina Kyla, Izzy Trazona, Tanya Garcia, Lougee Basabas, Vanessa del Moral, Ailyn Luna, Jade Lopez, Jana Roxas, Sarah Larson at Rhea Nakpil.

Pero may konti pa ring changes sa list namin dahil noong bigyan namin ng scores sina Carlene Aguilar for Kapuso and Rachelle Ann Go for Kapamilya, sapat yung scores nila to move the 50th person in each group to 51st na nagresulta to their eliminations.

Tinadyakan ni Carlene Aguilar si Diana Menezes ng Kapuso. Si Rachelle Ann go naman ay pinaalis si Malaya Lewandowski sa 50th place.

Heto na ang OFFICIAL LIST ng Top 100 Philippine Female Young Stars in random order:

Kapuso:
1. Marian Rivera
2. Heart Evangelista
3. Rhian Ramos
4. Pauleen Luna
5. Yasmine Kurdi
6. Jennelyn Mercado
7. Glaiza De Castro
8. Katrina Halili
9. Lovi Poe
10. Jennica Garcia
11. Jewel Mische
12. Ehra Madrigal
13. Michelle Madrigal
14. Nadine Samonte
15. Camille Pratts
16. Diana Zubiri
17. Francine Prieto
18. Ruffa Mae Quinto
19. Sheena Halili
20. Iza Calzado
21. Sunshine Dizon
22. Jolina Magdangal
23. Bianca King
24. Angelika Dela Cruz
25. Chynna Ortaleza
26. Jackie Rice
27. Isabel Oli
28. Iwa Moto
29. Kris Bernal
30. LJ Reyes
31. Rochelle Pangilinan
32. Maxene Magalona
33. Maureen Larazabal
34. Rich Asuncion
35. Ryza Cenon
36. Steff Prescott
37. Aicell Santos
38. Maricris Garcia
39. Jonalyn Viray
40. Carla Abellana
41. Maggie Wilson
42. Alyssa Alano
43. Karel Marquez
44. Arci Munoz
45. Krissa Mae Arrieta
46. Julia Clarete
47. Say Alonzo
48. Nikki Dacullo
49. Angelu de Leon
50. Carlene Aguilar

Kapamilya:
1. Angel Locsin
2. Sarah Geronimo
3. KC Concepcion
4. Kim Chui
5. Anne Curtis
6. Maja Salvador
7. Judy Ann Santos
8. Claudine Baretto
9. Kristine Hermosa
10. Toni Gonzaga
11. Roxanne Guinoo
12. Bea Alonzo
13. Shaina Magdayao
14. Angelica Panganiban
15. Bianca Gonzales
16. Mariel Rodriguez
17. Gee-ann Abraham
18. Iya Villana
19. Valerie Concepcion
20. Nikki Gil
21. Rica Peralejo
22. Alessandra de Rosi
23. Meagan Young
24. Riza Santos
25. Karylle Tatlonghari
26. Cristine Reyes
27. Gaby dela Merced
28. Erich Gonzales
29. Wendy Valdez
30. Kaye Abad
31. Kristel Moreno
32. Nina Jose
33. Eda Nolan
34. Janelle Quintana
35. Sheryn Regis
36. Melissa Ricks
37. Jodi Santamaria
38. Beatriz Saw
39. Neri Naig
40. Lauren Young
41. Cassandra Ponti
42. Desiree Del Valle
43. Dimples Romana
44. Saicy Aguila
45. Laarni Lozada
46. Irish Fullerton
47. Jamilla Obispo
48. Carla Humphries
49. Cathy Gonzaga
50. Rachelle Ann Go

READ MORE >>

Wednesday, February 11, 2009

Top 100 Female Young Stars of the Philippines Unofficial List


The First Search on the GODDESS of Philippine TV starts on Valentines Day here at Siete Contra Dos.

Bawat linggo, sampung artistang babae ng Kapuso at sampu rin sa Kapamilya ang maglalaban-laban para sa Top 10 na magpapatuloy sa loob ng limang linggo. Dito natin malalaman kung anong network ang may pinakasikat at pinakapaboritong artistang babae sa ngayon. Ito ang katumbas ng King of Philippine TV na malapit na rin simulan dito pa rin sa paborito ninyong blog. Tungkol naman ito sa mga pinakasikat na lalaking actor natin sa ngayon.

Nakapili na ang ating sampung hurado ng mga pinaka-sikat na mga artistang babae sa Philippine TV.

Here is the UNOFFICIAL list of Philippine Top 100 Female Young Stars mula sa dalawang networks.

Ang mga galing sa GMA Kapuso 7 ay sina:

1. Marian Rivera
2. Heart Evangelista
3. Rhian Ramos
4. Pauleen Luna
5. Yasmine Kurdi
6. Jennelyn Mercado
7. Glaiza De Castro
8. Katrina Halili
9. Lovi Poe
10. Jennica Garcia
11. Jewel Mische
12. Ehra Madrigal
13. Michelle Madrigal
14. Nadine Samonte
15. Camille Pratts
16.Diana Zubiri
17. Francine Prieto
18. Ruffa Mae Quinto
19. Sheena Halili
20. Iza Calzado
21. Sunshine Dizon
22. Jolina Magdangal
23. Bianca King
24. Angelika Dela Cruz
25. Chynna Ortaleza
26. Jackie Rice
27. Isabel Oli
28. Iwa Moto
29. Kris Bernal
30. LJ Reyes
31. Kyla
32. Maxene Magalona
33. Maureen Larazabal
34. Rich Asuncion
35. Ryza Cenon
26. Rochelle Pangilinan
27. Izzy Terona
28. Steff Prescott
29. Aicelle Santos
30. Maricris Garcia
31. Jonalyn Viray
32. Carla Abellana
33. Maggie Wilson
34. Tanya Garcia
35.Alyssa Alano
36. Karel Marquez
37. Jade Lopez
38. Aileen Luna
39. Jana Roxas
40. Arci Munoz
41. Sarah Larson
42. Vanessa del Moral
43. Rhea Nakpil
44. Krissa Mae Arrieta
45. Julia Clarete
46. Lougee Basabas
47. Diana Menezes
48. Say Alonzo
49. Nikki Dacullo
50. Angelu de Leon


Heto naman ang mga napiling artista ng Kapamilya network:

1. Angel Locsin
2. Sarah Geronimo
3. KC Concepcion
4. Kim Chui
5. Anne Curtis
6. Maja Salvador
7. Judy Ann Santos
8. Claudine Baretto
9. Kristine Hermosa
10. Toni Gonzaga
11. Roxanne Guinoo
12. Bea Alonzo
13. Shaina Magdayao
14. Angelica Panganiban
15. Bianca Gonzales
16. Mariel Rodriguez
17. Gee-ann Abraham
18. Iya Villana
19. Valerie Concepcion
20. Nikki Gil
21. Rica Peralejo
22. Alessandra de Rosi
23. Meagan Young
24. Riza Santos
25. Karylle Tatlonghari
26. Cristine Reyes
27. Gaby dela Merced
28. Erich Gonzales
29. Wendy Valdez
30. Kaye Abad
31. Kristel Moreno
32. Nina Jose
33. Eda Nolan
34. Janelle Quintana
35. Sheryn Regis
36. Melissa Ricks
37. Jodi Santamaria
38. Beatriz Saw
39. Neri Naig
40. Lauren Young
41. Cassandra Ponti
42. Desiree Del Valle
43. Dimples Romana
44. Saicy Aguila
45. Malaya Lewandowski
46. Laarni Lozada
47. Irish Fullerton
48. Jamilla Obispo
49. Carla Humphries
50. Cathy Gonzaga

Tinawag namin itong UNOFFICIAL LIST dahil sa 13 February 2009 mismo namin ia-announce ang OFFICIAL list. Maari ang ilan na nasa listahan ay mawala kapag sila'y naungusan sa score ng mga artistang wala pa sa aming database. Ang mga hurado ay nakatira sa labas ng Pilipinas kaya hindi namin masyado pa kilala ang mga ilang baguhang or bagong sulpot na mga talents.

Kaya kung sa tingin ninyo ay wala sa listahan ang iyong idolo, ipagbigay alam kaagad dito sa pamamagitan ng comment form after this write up upang sila'y masuri namin at kung ang scores nila ay pasok sa Top 50 ng channel na kinabibilangan nila ay agad namin silang isasama sa official list.

Mabuhay kayo at suportahan natin ang contest na ito.

CLICK HERE to read the full mechanics of the contest.

READ MORE >>

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO