Showing posts with label Heart Evangelista. Show all posts
Showing posts with label Heart Evangelista. Show all posts

Tuesday, April 7, 2009

Kilalanin ang Second Batch ng mga Artistang Pasok sa Top 25 ng GPTV

Tatlong Kapamilya artists at dalawang Kapuso artists ang umabante sa ating Top 25 Female Young Stars of the Philippines kung saan manggagaling ang sole winner na Goddess of Philippine TV.

Hindi ang unang batch sa second face off ang aming tinutukoy kundi ang second batch sa elimination round na ito. Ganito rin kasi ang eksena noong unang face off ng second elimination ng ating search.

Mapalad na nakaligtas sa eliminasyon na ito sina Rachelle Ann Go, Kristine Hermosa, Roxanne Guinoo, Heart Evangelista at Carla Abellana pagkatapos ang makapigil-hiningang labanan na ating nasaksihan. Matatandaan na maliban kay Rachelle Ann, lulubog-lilitaw ang mga artistang nasa grupong ito sa araw-araw na update ng Top 5.
Pero sa pagtatapos ng ating botohan kahapon ng gabi, nanaig nga sa official Top 5 ang isa na namang mang-aawit, dalawa uling soap princesses, anak na naman ng dating matinee idol noong 80's at isang produkto uli ng isang talent search. Kung titignan natin ng mabuti, mukhang ganitong-ganito rin noong nakaraang linggo.

Nakakalungkot namang makita ang pagtatapos ng laban ng limang Kapuso artists na tuluyan ng na-eliminate. Ito ay kinabibilangan nina Glaiza de Castro, Maricris Garcia, Francine Prieto, Rich Asuncion at Kris Bernal.

Sa lahat ng botong aming natanggap, 79.5% o 9,348 votes ang nakuha ni Rachelle Ann. Malayo ang kanyang agwat sa second placer na si Kristine na may 69.6% lamang o 8,184 votes. Pangatlo naman si Roxanne na may 38.2% o 4,492 votes.

Sina Heart na may 17.5% o 2,058 votes at Carla na may 17.2% o 2,022 ang nasa pang-apat at panglimang puwesto ayon sa pagkasunod-sunod.

Sa ating lowest bracket si Glaiza ang may pinakamataas na boto na may 17.1% o 2,010. Sigurado akong malulungkot ang mga fans ni Glaiza dahil 10 boto lang ang baba niya kay Carla na nasa panlimang puwesto.

Sumunod dito sina Francine - 16,6% o 1,952 votes; Maricris - 16% o 1,881 votes; Rich - 15.8% o 1,858; at, Kris - 14.3% o 1,681 votes.

Magbabalik ang limang artistang umabante sa round na ito sa April 29, 2009 para hingin muli ang boto ninyo sa kanilang laban sa Final Top 10.

Samantala, bumoto pa rin kayo sa mga artistang nasa pangatlong grupo ng ating eliminasyon. Kasalukuyan na silang nakasalang.

READ MORE >>

Saturday, March 7, 2009

GPTV Updates: Ang Top 10 ng Batch 3 ng Ating Search for the Goddess of Philippine TV

Pagkatapos ng isang linggong botohan para sa third batch ng ating elimination on our search for the Goddess of Philippine TV, ikinagagalak naming ibalita sa inyo ang sampung mapapalad na mga female young stars natin sa ngayon ang lumusot sa Top 50.

Sila ay sina Bea Alonzo, Heart Evangelista, Maja Salvador, Kris Bernal, Riza Santos, Glaiza de Castro, Rich Asuncion, Angelica Panganiban, Jennylyn Mercado at Erich Gonzales.

Malayo pa ang lalakbayin ng mga sampung sikat na young stars na ito para sa Goddess of Philippine TV dahil haharap pa sila sa isa na namang elimination para alamin kung sino ang mga karapat-dapat na mapabilang sa Top 25. Magsisimula ito sa March 21 ng taong kasalukuyan.

Pero gusto lang namin ulitin na hindi dito nagtatapos ang paghingi nila ng boto dahil kung sakali man na mapasama sila sa Top 10 ay kailangan nila ang resulta ng mga boto niyo sa Mister Poll. Sa final score nila sa Top 10 ay 15% ang manggagaling sa separate poll na ito.

Balik tayo sa nangyaring elimination last week, mayroon lamang 2,734 views at 1,590 votes ang natanggap namin sa loob ng pitong araw. Malayo ang resultang ito sa naitalang record noong unang linggo ng elimination ng Goddess of Philippine TV pero masaya kami dito sa Siete Contra Dos dahil matagumpay na nairaos namin ang pangatlong eliminasyon.

At dahil Siete Contra Dos ang tema ng ating blog, sa linggong ito, bahagyang nakaungos ng konti ang Kapuso network para agawin sa Kapamilya ang titulo. Parehas lang uli na 5 artists from both networks ang pumasok sa Top 10 this week pero dahil mas marami ang Kapuso ang nasa higher slots, sila ang nanalo sa linggong ito.

Matatandaan na ganito rin ang nangyari last week nang magtabla sa bilang ang Kapuso at Kapamilya sa mga pasok sa Top 10 pero mas marami naman ang Kapamilya ang nakakuha ng higher positions kaya sila ang panalo. Noong unang linggo naman ay landslide victory for Siete. Kaya sa pagkakataon na ito ay mas nakakalamang na ang Kapuso. Inaasahan naman namin na babawi ngayon ang mga Kapamilya.

Ang mga hindi pinalad na makapasok sa Top 10 ngayong linggo ay sina Jodi Santamaria, Rochelle Pangilinan, Maureen Larazabal, Maegan Young, Alyssa Alano, Camille Pratts, Carla Humphries, Michelle Madrigal, Sacy Aguila at Janelle Quintana.

Nakakalungkot na hanggang dito na lamang ang kanilang laban at wala na silang tsansa pang maging kauna-unahang Goddess of Philippine TV ngayong taon.

Samantala, nagsimula na ang 4th batch ng ating elimination at hangad pa rin namin na suportahan ninyo sila. Ang batch na ito ang second to the last bago natin umpisahan ang tanggalan para sa Top 25 sa March 21.

Maraming salamat muli.

READ MORE >>

Thursday, February 26, 2009

DON'T READ: Posibleng Rason Kung Bakit Ganun na lang Mura-murahin ni Annabel Rama si Wilma Galvante; Ano si Annabel sa Career ni Heart Evangelista?

Since mainit pa ang mga issues tungkol kay Annabel Rama at sa mga talents nito, makikisawsaw muna ako kasi nangangati akong mag-comment sa bagong development ng kaso ni Heart Evangelista.

Nakipag-usap na nga raw ang parents ni Heart ng personal sa presidente at CEO ng GMA network na si Atty. Felipe Gozon. Hiniling daw nila ang meeting para ayusin ang mga gulong kinasasangkutan ni Heart. Sa huli ay naayos daw ang lahat at ang dalawang partido ay parehong masaya sa kinalabasan ng kanilang pag-uusap.

Aba, nararapat lamang na umaksiyon na ang kampo ni Heart bago pa hilahin ang kanyang bagong-buhay na career ng mga negative reactions from the viewers. Ang hindi nila alam ay malakas sa mga internet discussions ang pagkadismaya nila kay Heart dahil sa pagtanggi sa isang pang-hapong palabas. Isa na ako dyan.

At mula sa naging pag-uusap nila lalong nadiin na ang lahat ng ito ay kagagawan ni Bisaya. Tuloy, nahubaran siya sa publiko na posibleng gumagawa lamang siya ng istorya para makapag-power play maisiksik lang ang gusto niya. Si Bisaya kasi ay malakas ang paniniwala na what Annabel wants is what Annabel gets. Opinyon ko lang naman pero iyan ang nakikita kong karakter niya. Agree ba kayo dito?

Isa-isahin natin ang mga salient points sa records of the minutes ng pag-uusap between Heart's parents and the big boss of GMA.

1. It is clear that the meeting was requested by the parents of Heart Evangelista. Ibig sabihin ay mayroon dapat ayusin from their side kasi sila na mismo ang lumapit.

2. Mr. and Mrs. Ongpauco (Heart's parents) apologized to the president for the mess that is happening now between Heart and the network. This is self-explanatory. You don't ask apology if you did no good. Take note on the word - BASURA. Sino kaya ang tinutukoy dyan? Hmmm.

3. Mr. Rey Ongpauco also stands as her primary manager. So, what is Annabel's role in Heart's career? Bakit hindi muna kinunsulta ni Bisaya ang parents ng dalaga bago sinagot ang letter ng legal team ng GMA kay Heart? Hindi raw alam ng mga magulang ni Heart ang mga nangyari dahil nasa abroad sila at kakarating lang nila ng Pilipinas.

4. The parents of Heart had nothing to do with the legal letter sent to GMA by Rivera Santos and Maranan Law Offices. Tahasang panasinungalingan. Ibig sabihin agad na nag-utos si Annabel na sagutin yung letter without consulting Heart's parents.

5. Sabi ng GMA, personal concerns from talents should ALWAYS be discussed and adjustments are made accordingly. Iyon naman pala eh. Nakalagay iyan sa kontrata ni Heart. Eh bakit kasi hindi humingi rin si Bisaya ng oras with GMA where she could have been aired her grievances? Bakit pinipili pa rin niyang magdadakdak at magmumura? For Annabel's information, iba na ang panahon ngayon, hindi katulad noong panahon ng Kastila na nakukuha lahat sa takutan. We are living in a civilized world now.

6. The network (GMA) is willing to compromise but not to the extent of violating those contracts. Mahalaga ang contract sa isang negosyo at iyan ang SOP sa lahat ng transactions kahit saan ka pumunta. Dito sa ibang bansa ay ino-observe talaga ang bawat kontrata. Ibig sabihin ay ura-urada si Annabel na sumagot sa legal team without studying the contract. Hayan, nagpadala na naman kasi siya sa bugso ng kanyang damdamin na madaling mag-react sa mga bagay-bagay. Talo pa yata kasi ang bilis ng isang cheetah kapag umaakyat ang galit sa ulo niya.

7. Mr. Rey Ongpauco expressed to Atty Gozon that Heart is too willing to work because acting is really her passion. Both parents understood that it is the network's decision where and in what timeslot to air the programs assigned to their talents. Iyon naman pala, eh. Gusto pala ni Heart mag-work so ibig sabihin si Bisaya lang talaga ang may ayaw na sa panghapon siya ilagay. So, gumawa siya ng kwento para ma-justify na hwag lang siya sa hapon lalabas. These are all in the expense of Heart. Pobreng bata na nabigyan na ng image na nag-iinarte.

Oh, 7 salient points yan ha at swak na swak para sa Kapuso network.

Well ngayong okay na ang parents ni Heart at ang GMA, ano kaya ang mangyayari rin between Annabel and Heart's camp? Will they move on with their separate lives now? Hindi kaya publicist lang si Annabel sa buhay ni Heart?

Heto ang opinyon ko kung bakit pangil at maskara ang ipinapakita ni Annabel Rama sa GMA network lalong-lalo na kay Wilma Galvante na minumura-mura lang niya. Masyadong lumaki at umakyat na sa ulo ni Bisaya ang confidence. Iniisip niya siguro na sila ang bumuhay sa GMA network dahil sa anak niyang si Richard Gutierrez.


Nagkataon kasi na noong magsimulang sumikat ang GMA si Richard at Angel Locsin ang top actors nila. Di ba, usap-usapan noon na inoperan ng Dos si Richard bago at after Mulawin na lumipat sa kanila at "name your prize" ang alok? Since Richard was (yes, that's past tense) the prime actor of GMA then, posibleng ginawa lahat ni Wilma bilang presidente ng entertainment division para manatili lang si Richard sa Kapuso. Posibleng nagmakaawa pa si Wilma kay Bisaya.

Hindi nga natuloy si Richard sa Dos at ang kabayaran nito ay lahat ng hilingin ng kampo niya ay dapat ibigay sa kanya katulad ng klase ng palabas niya, anong timeslot, hanggang anong oras ng taping and talent fee. Malinaw na lahat ng hilingin nila noon sa GMA ay ibinibigay.

Dahil siguro dito ay lumaki ang ulo ni Bisaya at nakatatak sa isip niya na kahit anong sabihin niya ay ibibigay sa kanya. Since feeling niya na hawak niya ang tagumpay ng GMA, dapat masunod ang lahat ng gustuhin niya kaya ganun na lang ang trato niya kay Wilma. Kaya ganun na lang siya magmura dahil akala niya she is the Goddess of Philippine TV. Hahaha. Maisingit lang ang search namin. Bumoto kayo araw-araw ha.

This I have to say to Annabel, unsolicited advice from nobody lamang po. Hindi na katulad ang panahon ngayon sa panahon noon. You have to wake up in your bad dreams that Richard is still the greatest asset of GMA. Palaos na po si Richard. Masakit man aminin para sa inang katulad niyo pero iyan ang unti-unti nangyayari. Kumbaga, he has already reached the zenith of his career and there's no more way to move on but to go down. Nasa stage na po si Richard na bumababa. And do you know who caused him all these? It's sad to say but it's the mother and that is YOU. Dahil sa bad attitude mong ipinakita mo sa publiko at sa sobrang aggresiveness mo, pinalayo mo ang damdamin ng manonood para kay Richard. If you don't stop now, you will realize it is too late when the iron is too hot to handle. That's why while the kitchen is not yet too hot, get out and take a deep breath outside.

Payo lang iyan ng isang estrangherong gusto lang mapanumbalik ang kasikatan ni Richard dahil sayang siya. Gwapo pa naman niya. Just take a look at our poll at the second column of our blog. We ask who the people think the hottest actor is. Richard is near the bottom of the totem pole. Kaya, Annabel, you need to open your eyes and get out of your world of fantasies.

Pero nagbabalak daw si Annabel na magkaroon ng press conference at meron daw siyang pasasabugin bomba. I could only wish that doesn't mean literally. Hehehe. Sasagutin daw niya lahat ang mga isyu sa kanya.

I have to tell you this again. If the press loves you, the people don't. I guess 95% of all messages about you in almost all internet forums contains negative reactions from the public. Kaya suicidal ang gagawin mo sa press conference mo. That could be the end of everything for you. Have you not learned from Cristy Fermin when she thought she could ruin Nadia Montenegro's life by fabricating stories on national television? Posible pong mangyari rin sa iyo iyan.

Well, to close this, I wish you luck.

Eto na yata ang pinakamahaba kong isinulat. Nagulat din ako sa haba niya. I would love to get your comments my dear readers on this post. Leave them here and I try also to learn from them. Thanks.

READ MORE >>

Wednesday, February 25, 2009

Re-introducing the Third Batch for the Search of the Goddess of Philippine TV

Hi everyone. Our second week of elimination for our search for the Goddess of Philippine TV is closing two days from now. That is on Saturday at exactly 11:59 almost midnight. The date is 27 February 2009. Thus, as early as now, we are re-introducing the third batch of another young and beautiful female young stars we have in the entertainment industry. Of these 20 artists, 10 are Kapusos and the other 10 are Kapamilyas.

Friends, this new set of 20 artists are asking your support, prayers and votes once again as they are vying for the sole title of the Goddess of Philippine TV. Their popularity and charisma are being tested for a week as they try to win your votes. So, if you like them, don't hesitate to cast your vote here in our site everytime you wish. You can find the poll at the third column or at the right side of this page.

 
The 10 Kapuso in no particular order are Heart Evangelista, Jennylyn Mercado, Kris Bernal, Glaiza de Castro, Rochelle Pangilinan, Camille Pratts, Rich Asuncion, Michelle Madrigal, Maureen Larazabal and Alyssa Alano.

On the other hand, the 10 Kapamilya in random are Angelica Panganiban, Bea Alonzo, Carla Humphries, Riza Santos, Jodi Santamaria, Maegan Young, Erich Gonzales, Maja Salvador, Sacy Aguila and Janelle Quintana.

The lucky young stars who will make to the Top 10 after a week move on with the competition. They will be included in the Top 50. While those young stars who will fail to advance to the highest 10 spots will be eliminated and it would be the end of the road for them.

Their luck is absolutely in your hands. Don't be shy to click your votes. Don't be shy to visit our site. Speak up your mind.

We are re-introducing them as early as now so that you will have enough time to campaign for them. By 12 midnight of 28 January 2009, you can start voting for them. Mark your calendars now.

Just to add this, the supporters of those artists who survived our first week of elimination and those artists who are waiting for their scheduled face off, you can vote them here. The result of this SEPARATE POLL will come into play during the Final 10.

We thank everyone who are religiously supporting our poll. We love you and we hope to hear comments from you guys. Let's enjoy this.

Salamat. Merci Beaucoup, Thank You, Gracias, Shokran, Arigato, Shokria.

READ MORE >>

Boy Abunda vs Vicki Belo; Annabel Rama vs GMA 7

Maraming maiinit na isyu sa ngayon ang pinag-uusapan sa loob ng showbiz kaya sisikapin din namin na ihatid sa inyo ang mga developments nito kahit ang purpose lang namin noong una is to give our opinionated story on some issues. Since we are not really that busy these days kakayanin pa namin magsulat ng kahit anong isyu or kontrobersiya.

Lalong nangangamoy gimik lang ang isyu kina Boy Abunda at Vicki Belo para panoorin ang bagong show nina Boy at Kris Aquino na Showbiz News Ngayon. Mangiyak-iyak pa nga raw na sinagot ni Boy sa kanyang bagong programa ang itinuring na foul joke ni Vicki tungkol sa kanya bilang endorser ng Calayan Surgicentre.

Sabi daw ni Boy na "wala siyang ginagawang masama" kay Vicki para ganunin daw siya. Nasaktan daw siya dahil nagtatanong na rin daw ang kanyang nanay.

Nakakapagtaka lang na hindi na hinintay pa ni Boy ang Linggo para sa The Buzz sana siya magbigay ng reaksiyon. At hindi ganyan ang tunay na Boy ayon na rin sa kanyang interviews. Ilang beses ko sasabihin na nasa record na natin ang paulit-ulit na sinasabi ng host na hindi siya agad-agad pumapatol sa mga isyu laban sa kanya.

Sa sinabi na rin ni Boy sa sagot niya, matagal na niyang kaibigan si Vicki so bakit kailangan pa niyang sagutin ito sa SNN kung si Vicki ay nagtatawag naman pala sa mga common friends nila to explain na na-misunderstood lang siya sa kanyang biro.

At nakikisawsaw naman daw si Manny Calayan sa isyung ito sa pagbibigay ng kanyang panig o pagkampi sa kanilang endorser. Natural lang na gagawin mo kahit sino man sa kaibigan ang ginawa ni Manny pero sa puntong ito, naghintay muna dapat siya ng tamang oras kapag hindi na agresibo ang lahat na involved.

Aminin natin na lahat ng ito ay swak na swak na publicity para sa mga shows or businesses nila.

0-0-0

Sinagot na rin ng GMA 7 ang sulat at reklamo ni Heart Evangelista at ang kanyang manager sa pamamagitan ng kanilang mga lawyers. Na-established naman ng todo ng GMA legal team na walang basis ang dahilan nina Annabel Rama at Heart na tanggihan ang remake ng Muling Buksan ang Puso. Lalo tuloy nadidiin na ayaw lang ng manager ni Heart na sa panghapong teleserye ilagay ito.

Ayon sa sitsit, gusto raw ni Bisaya na primetime lang ang magiging show ni Heart at ipinaglalaban daw na ang dalaga ang gaganap na lead actress para sa remake ng GMA sa koreanovelang Full House.

Ang naging rason nila para tanggihan ang Muling Buksan ang Puso (MBAP) ay makakasira daw sa wholesome image ni Heart ang naturang soap. Ang sabi ng GMA, bakit daw nag-conclude agad sina Bisaya na makakasira sa image nito ang show kung wala pang script na nasisimulan? Alam daw ng GMA na hindi sila gagawa ng mga eksena na bastos dahil sumusunod sila sa guidelines ng MTRCB. Yung bedscene at halikan para MBAP ay nagawa na raw ni Heart sa Codename: Asero so ano ang dapat pang ipagbawal? At ang mga kissing at bedscenes na iyon sa Asero ay hindi naman daw nakasira sa image ni Heart dahil after Asero na tinangkilik ng manonood ay lalo pa siyang tinangkilik sa Luna Mystika. Kung naapektuhan daw ang image ni Heart dapat hindi na nag-rate ang show niya na Luna Mystika.

Tama nga naman ang Siyete tungkol dito. Maliwanag na nag-conclude agad si Bisaya. Ang galing talaga ng rebuttal ng abugado ng Siyete at sigurado sapok na sapok ang mukha ni Annabel dito. Ano pa kaya ang susunod niyang iimbentuhing rason?

Speaking of this, unti-unti na nga inililihis ni Bisaya ang isyu dahil kasama sa sagot nila sa GMA ay ang hinaing naman daw nila na hindi raw tinutupad ng GMA ang kasunduan nilang hanggang 3 am lang ng umaga pwede mag-taping si Heart at kailangan bayaran daw siya sa mga overtime na ito.

Ang tanong, bakit ngayon lang nagdadakdak itong si Bisaya eh noon pang kapanahunan ng Mulawin na soap opera ng anak niyang si Richard Gutierrez na alam niyang inaabot ng hanggang umaga ang mga taping ng mga soap operas. Nagreklamo ba siya noon sa anak niya? Si Heart pa kaya na alaga lang niya. At bakit ngayon lang siya nagsasalita ng ganito? Dahil ba sa wala na siyang ibang maisip na dahilan?

Annabel, you are playing dirty again by making some issues. It's like making a mountain out of a hill.

READ MORE >>

Tuesday, February 24, 2009

Geoff Eigenman, Balik Siyete; Only You ng Dos Kukunan sa South Korea?

Nagbabalik GMA 7 pala ang gwapo pero medyo chubby na anak nina Gina Alajar at Michael de Mesa na si Geoff Eigenman. Ang naalala kong last TV show nito ay sa ABS-CBN pa sa primetime soap na Hiram na kung saan siya ang naging ka-love triangle nina Anne Curtis at Heart Evangelista. Batid ko rin na kasama siya sa unang show ni Angel Locsin sa Dos, ang Lobo, pero hindi ko ito nasubaybayan dahil sa dami ng trabaho.

Pinag-usapan noon ang kanyang scenes sa Lobo kung saan nakasuot lamang siya ng trunks. Gwapo ang binata at kung magbawas pa siya ng mga unwanted fats ay hindi malayong maging isa siyang sex symbol.

Si Geoff ang papalit sa Obra na inayawan ng kampo ni JC de Vera. Magiging kasama siya dito nina Marvin Agustin, Maxene Magalona, Bianca King at iba pang talents ng Siyete.

0-0-0

Speaking of Heart Evangelista, ano kaya ang mangyayari sa bagong show ng Siyete na in-offer sa kanya pagkatapos tanggihan ang Muling Buksan ang Puso? Tatanggapin kaya ito ng manager niya dahil sa panghapong series pa rin ito katulad ng MBP. Matataandaan na isa sa dahilan ng kampo ni Heart kung bakit inayawan nila ang MBP ay dahil hindi ito pang-prime time. Ano kaya ang maging rason ulit nila kung sakaling ayaw talaga nila si Heart sa isang afternoon soap?

Si JC de Vera daw na kapatid ni Heart sa manager ang magiging ka-partner niya rito. Katulad ni Heart, parehas sila ni JC na tumanggi ng show sa mother studio nila. Parehas din sila na nasa sentro ng kontrobersiya sa ngayon dahil sa manager nilang si Annabel Rama na binansagan ni Wilma Galvante na foul mouth.

If I were these two artists, bago pa tuluyan maging nega ang pangalan ko sa mga manonood ay gagawin ko na ang show para hindi mapagbintangang gumigimik at nag-iinarte. Si Dennis Trillo nga na malayong mas sikat kaysa kay JC ay walang problema kapag panghapon o pang-gabi man ang kanyang palabas. Ganundin ang beauty ni Yasmin Kurdi.

Ang isang tunay na artista ay hindi namimili ng timeslot para sa show niya dahil kung lahat ng artista ay ganyan ang mentalidad, eh, paano na lang mabubuhay ang TV industry ng Pilipinas. Kung magaling ka at sikat, kahit saan ipadpad meron na meron fans na susubaybay sa iyo.

0-0-0

Since nabanggit na rin natin ang Lobo, ang susunod palang TV show ni Angel Locsin sa Dos ay ang Pinoy adaptation ng isang sikat na Koreanovela, ang Only You. Makakasama ng dalaga dito sina Sam Milby at Deither Ocampo.

Ang Only You ay ang nag-iisang Korea dram-comedy-romance show na kinunan sa Italy. Tungkol dito ito sa cooking. Kukunan din kaya ang Pinoy version nito somewhere outside the Philippines? Pupunta kaya sila ng Korea?

Ang Only You ang second Koreanovela na ginawan ng adaptation ng Dos after My Girl. Nagkaroon ng cast pictorial ito last 17 Febraury. Sa mga nakita kong mga pictures, si Diether ang una kong napansin. Ang gwapo-gwapo ng binata dito at mukhang siyang bumata. Ang annullment ng kasal nila ni Kristine Hermosa kaya ang dahilan nito?

READ MORE >>

Monday, February 23, 2009

Heart Evangelista, Nag-iinarte

Nasa gitna ngayon ng kontrobersiya si Heart Evangelista dahil na rin sa kanyang manager na may masamang ugali, si Annabel Rama. Tinanggihan nila ang isang panghapong soap opera in the last minute kung kailan naayos na ang casting. Ito ay ang remake ng Muling Buksan ang Puso.

Annabel pulled her out in that project for some reasons. Una, ay makakasira daw sa wholesome image ni Heart ang gumanap bilang nanay o manganganak sa soap. Pangalawa, bawal daw sa kontrata ni Heart para sa isang advertisement nito ang role na gagampanan. Pangatlo, ayaw ni Annabel na ilagay si Heart sa isang panghapong show dahil nasa primetime na nga raw ang Luna Mystica na kasalukuyang show ni Heart.

Kung tutuusin, napakabago ni Heart sa GMA 7 para mag-inarte. Talo pa niya ang mga homegrown talents na walang projects pero heto siya na nagmamaasim considering na binuhay ng GMA ang kanyang naghihingalong career pagkatapos maging matigas ang kanyang ulo sa ABS-CBN kung saan siya galing.

Hindi ko lang maintindihan ang kanyang rason na makakasira ang show sa kanyang wholesome image dahil nagawa na niya ito lalo na noong makipag-live in siya kay Jericho Rosales. Ano pa ba ang gusto niya patunayan?

Kung inyong natatandaan, nagkaroon ng issue si Heart noon sa ABS-CBN kung kaya't nawalan siya ng projects sa Kapamilya. Dumami ang kanyang mga requests and demands katulad ng bawal pagsusuot ng mga damit na kita ang kanyang cleavage or mga kissing scenes. Ngayon ba ay gagawin uli niya ito sa bago niyang tahanan na kumupkop sa kanya?

Pero naniniwala ako na kagagawan lahat ng ito ni Annabel pero hindi natin maiiwasang mag-back fire ito kay Heart lalo na at ganun ang mga nakasaad na rason nila. Masyado nagpo-power trip si Bisaya dahil ang akala niya ay mga alaga niya ang nagdadala sa GMA. Dapat nga magpasalamat siya dahil halos lahat na yata ng alaga niya ay may show dito. Paano na lang kung tuloy-tuloy na ang pagkamuhi ng mga loyal sa GMA at tuluyan nang i-boycott ang mga show ng mga anak niya at mga alaga?

READ MORE >>

Thursday, February 19, 2009

Sakit sa Ulo ng GMA 7 si Annabel Rama

Bago kayo magulat kung sino ang nasa picture, iyan ay ang kontrobersyal ngayon na manager na si Annabel Rama.

Isa ako sa mga naniniwala na sakit ng pamunuan ng Channel 7 itong nanay na ito nina Ruffa at Richard Gutierrez. Para sa akin isa siyang anay na unti-unti sumisira sa reputasyon ng Kapuso network.

Nasa gitna na naman nang kontobersiya si Annabel dahil sa mga alaga niya sa showbiz. She pulled out Heart Evangelista sa isa sanang telenobela nito kasama si Dennis Trillo. Ang kanyang rason ay dapat primetime lang ang show nito.

Ngayon naman ay si JC de Vera ang nasasangkot sa isyu dahil gusto siyang ilipat sa ABS-CBN para maka-partner ni Judy Ann Santos sa kanyang gagawing soap sa Kapamilya. Ayaw ni JC ang lumipat sa kabila dahil masaya siya sa Kapuso. Ilang beses na ito sinabi ni JC sa kanyang mga nakaraang interviews. Pero ayaw siyang pakinggan ni Annabel.

Ngayon minura-mura daw ni Annabel ang Vice-President for Entertainment ng Siyete na si Wilma Galvante sa pamamagitan ng text dahil sa isyung ito. Muli na naman ipinapakita ni Annabel ang kanyang kawalan ng breeding. Masyado na malaki ang sungay ng manager na ito. Masyado na malaki ang kanyang ulo at kailangan na siyang bigyan ng leksiyon para matuto siya sa diplomasyang paraan ng pakikipag-usap.

Lagi na lang idinadahilan ni Annabel sa mga interviews niya na siya ay palaban, matapang at ayaw inaapi ang kanyang mga alaga. Pero lumalampas na siya sa pedestal at ang kanyang sinasabing pagkamatapang o pagiging palaban ay pagpapakita na ng pagkaagresibo at kawalan ng tamang asal.

Ang tanong kailangan matuto si Annabel ng leksiyon? Kailan liliit ang kanyang malaking ulo at kailan mawawala ang kanyang pangil at sungay?

Kung ako ang presidente ng GMA network, sisimulan ko nang i-develop ang mga home grown talents at sila ang bigyan ko ng mga projects hanggang sa makilala na sila ng tuluyan. Sisimulan ko na rin limitahan ang mga projects ng alaga niya upang sa ganun ay matuto siya ng kanyang leksiyon.

Alisin natin ang mga alaga ni Annabel na sina Richard, Raymond, JC, Heart at iba pa. Palitan natin sila nina Jewel Mische, Aljur Abrenica, Kris Bernal, Paulo Avelino, Steff Prescott, Vivo Ouano, etc. Hindi ba pwede?

GMA, napakaraming pwedeng i-develop sa inyong kwadra. Mabigyan lang ang mga batang ito ng mabibigat na projects ay siguradong mawawala sa anino ninyo ang mga alaga ni Annabel Rama. Darating agad ang araw na hindi niyo na kailangan pang kunin ang serbisyo ni Annabel na obvious naman walang utang na loob at walang modo.

Si Annabel ang problema ninyo sa ngayon at siya rin ang unti-unting sumisira sa inyong reputasyon.

Ang masamang ugali na ito ni Annabel ang unti-unting nagpapabagsak sa kanyang anak na si Richard Gutierrez. Hindi kaya niya napansin na bumababa na ang popularidad ng kanyang anak na masyado niyang ipinagmamalaki? Isang example na lang itong poll namin dito sa third column ng aming blog. Sa lahat ng sumagot sa tanong na kung sino ang pinaka-mainit na actor sa ngayon, 9% lamang ang may gusto sa anak niya. Ito ay 79 na boto lamang kumpara sa 474 na boto para sa nangungunang si Dingdong Dantes.

READ MORE >>

Aljur Abrenica at Kris Bernal, Next Dingdong-Marian ng Siyete?

Sina Kris Bernal at Aljur Abrenica na ba ang susunod na pinaka-popular na loveteam ng Siyete after Dingdong Dantes at Marian Rivera?

Handa na nga ang GMA 7 na ilunsad ang tambalan nina Aljur at Kris na kapwa nanalo ng award sa huling season ng Starstruck. Si Aljur ang tinanghal na Ultimate Hunk at si Kris naman ang babae sa Ultimate Loveteam kasama si Mart Escudero.

Gagawin nina Kris at Aljur ang teleserye na remake ng dating pelikula nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion noong 1984 na Dapat Ka Bang Mahalin? Ito ay mapapanood sa hapon or daytime block para sa Sinenovela ng Kapuso network.

Kahit natagalan na ilunsad ang dalawa bilang loveteam ay hindi pa huli. Sana nga maging successful ito dahil meron potential ang dalawang bagets na maging susunod na Dingdong at Marian. Lalo sana pagtibayin ng dalawa to improve their acting abilities para sila ay magtagal sa industriyang ito.

Sana nga ay maging right vehicle na para sa kanila ito for more main roles in their future projects. Sana ito na rin ang magsilbing daan nila for stardom.

Magandang balita ito para sa mga taga-subaybay ng mga Starstruck alumni. Ito ang unang pagtatambalan nina Kris at Aljur bilang pangunahing bida sa isang telenobela.

Ang ilan pang makakasama sa seryeng ito ay sina Ara Mina, Mike Tan, Paulo Avelino, Kiko Junio, Maritoni Fernandez, Mariz, Kristal Reyes, Carlo Aquino at Lloyd Samartino.

Nagbabalik GMA si Ara Mina pagkatapos gumawa ng ilang projects sa Channel 2. Aside from this soap, Ara will be seen also in Totoy Bato, soap of Robin Padilla and Regine Velasquez.

Magkakaroon daw ng isang sizzling scene with Aljur and Ara bilang the other woman. Sa status ni Aljur bilang hunk, sigurado ako na marami ang nag-aabang sa eksenang ito. Hindi na maikakaila na isa nga si Aljur sa mga batang aktor natin sa ngayon ang may katawang pwedeng pagpantasyahan. Pero ang siste, sobrang ninenerbyos daw ang binatang Kapampangan sa gagawin niyang ito. Doing it with Ara is what's making him nervous.

NOTE: Hindi ito ang original post namin. Tungkol ito sa naudlot na "soap nina Heart Evangelista at Dennis Trillo na napunta kina Kris at Aljur." Tinawagan kami ng kaibigan namin para ipaalam na ang project sana ni Heart at Dennis ay hindi ang Dapat Ka Bang Mahalin kundi ang Muling Buksan ang Puso. Kaya binago na lang namin ang sinulat namin.

READ MORE >>

Thursday, February 12, 2009

Marian Rivera and Angel Locsin, Hindi Magsasagupa sa Unang Elimination ng Goddess of Philippine TV

Since voting starts on the 14th of February, it's just reasonable to announce the 20 talents who will be fitted against each other for 5 weeks. They are grouped into 5. Each group is composed of 20 female talents equally divided from Kapuso and Kapamilya. Each week the Top 10 will be assured of slots in the Top 50. Here they are:


FIRST WEEK FACE OFF - 14 February to 20 February



SECOND WEEK FACE OFF - 21 February to 27 February



THIRD WEEK FACE OFF - 28 February to 6 March



FOURTH WEEK FACE OFF - 7 March to 13 March



FIFTH WEEK FACE OFF - 14 March to 20 March


Iyan po ang ang limang group na maglalaban-laban sa limang linggo ng First Elimination. Ang kanilang pagkakagrupo ay kinuha by random sa tulong ng isang improvised tambyulo. Ganito ba spelling nun? Basta alam niyo na ang ibig ko sabihin.

It's Marian Rivera's group contra Anne Curtis' Group and Angel Locsin's group contra Rhian Ramos' group! Sino ang magwawagi?

Tandaan na sa bawat linggo, ang Top 10 sa kanilang grupo ay ang magpapatuloy sa Top 50. Yung lowest 10 ay eliminated na at wala na sila chance for the title of Goddess of Philippine TV.

Kaya suportahan ninyo ang mga idols ninyo. Bumoto kayo ng todo lalo na sa week kung kailan sila isasalang. Imbitahin niyo rin ang mga iba pang fans nila to support them. Malay ninyo, nababasa ito ng mga paborito ninyong artista. Sasabihin ko sa inyo kapag meron nga.

Salamat sa inyo. Magsisimula ang voting sa 14 February 2009.

Para lalo ninyo malaman ang Contest na ito, makakatulong na basahin niyo rin itong sumusunod IN ORDER:

READ MORE >>

Wednesday, February 11, 2009

Top 100 Female Young Stars of the Philippines Unofficial List


The First Search on the GODDESS of Philippine TV starts on Valentines Day here at Siete Contra Dos.

Bawat linggo, sampung artistang babae ng Kapuso at sampu rin sa Kapamilya ang maglalaban-laban para sa Top 10 na magpapatuloy sa loob ng limang linggo. Dito natin malalaman kung anong network ang may pinakasikat at pinakapaboritong artistang babae sa ngayon. Ito ang katumbas ng King of Philippine TV na malapit na rin simulan dito pa rin sa paborito ninyong blog. Tungkol naman ito sa mga pinakasikat na lalaking actor natin sa ngayon.

Nakapili na ang ating sampung hurado ng mga pinaka-sikat na mga artistang babae sa Philippine TV.

Here is the UNOFFICIAL list of Philippine Top 100 Female Young Stars mula sa dalawang networks.

Ang mga galing sa GMA Kapuso 7 ay sina:

1. Marian Rivera
2. Heart Evangelista
3. Rhian Ramos
4. Pauleen Luna
5. Yasmine Kurdi
6. Jennelyn Mercado
7. Glaiza De Castro
8. Katrina Halili
9. Lovi Poe
10. Jennica Garcia
11. Jewel Mische
12. Ehra Madrigal
13. Michelle Madrigal
14. Nadine Samonte
15. Camille Pratts
16.Diana Zubiri
17. Francine Prieto
18. Ruffa Mae Quinto
19. Sheena Halili
20. Iza Calzado
21. Sunshine Dizon
22. Jolina Magdangal
23. Bianca King
24. Angelika Dela Cruz
25. Chynna Ortaleza
26. Jackie Rice
27. Isabel Oli
28. Iwa Moto
29. Kris Bernal
30. LJ Reyes
31. Kyla
32. Maxene Magalona
33. Maureen Larazabal
34. Rich Asuncion
35. Ryza Cenon
26. Rochelle Pangilinan
27. Izzy Terona
28. Steff Prescott
29. Aicelle Santos
30. Maricris Garcia
31. Jonalyn Viray
32. Carla Abellana
33. Maggie Wilson
34. Tanya Garcia
35.Alyssa Alano
36. Karel Marquez
37. Jade Lopez
38. Aileen Luna
39. Jana Roxas
40. Arci Munoz
41. Sarah Larson
42. Vanessa del Moral
43. Rhea Nakpil
44. Krissa Mae Arrieta
45. Julia Clarete
46. Lougee Basabas
47. Diana Menezes
48. Say Alonzo
49. Nikki Dacullo
50. Angelu de Leon


Heto naman ang mga napiling artista ng Kapamilya network:

1. Angel Locsin
2. Sarah Geronimo
3. KC Concepcion
4. Kim Chui
5. Anne Curtis
6. Maja Salvador
7. Judy Ann Santos
8. Claudine Baretto
9. Kristine Hermosa
10. Toni Gonzaga
11. Roxanne Guinoo
12. Bea Alonzo
13. Shaina Magdayao
14. Angelica Panganiban
15. Bianca Gonzales
16. Mariel Rodriguez
17. Gee-ann Abraham
18. Iya Villana
19. Valerie Concepcion
20. Nikki Gil
21. Rica Peralejo
22. Alessandra de Rosi
23. Meagan Young
24. Riza Santos
25. Karylle Tatlonghari
26. Cristine Reyes
27. Gaby dela Merced
28. Erich Gonzales
29. Wendy Valdez
30. Kaye Abad
31. Kristel Moreno
32. Nina Jose
33. Eda Nolan
34. Janelle Quintana
35. Sheryn Regis
36. Melissa Ricks
37. Jodi Santamaria
38. Beatriz Saw
39. Neri Naig
40. Lauren Young
41. Cassandra Ponti
42. Desiree Del Valle
43. Dimples Romana
44. Saicy Aguila
45. Malaya Lewandowski
46. Laarni Lozada
47. Irish Fullerton
48. Jamilla Obispo
49. Carla Humphries
50. Cathy Gonzaga

Tinawag namin itong UNOFFICIAL LIST dahil sa 13 February 2009 mismo namin ia-announce ang OFFICIAL list. Maari ang ilan na nasa listahan ay mawala kapag sila'y naungusan sa score ng mga artistang wala pa sa aming database. Ang mga hurado ay nakatira sa labas ng Pilipinas kaya hindi namin masyado pa kilala ang mga ilang baguhang or bagong sulpot na mga talents.

Kaya kung sa tingin ninyo ay wala sa listahan ang iyong idolo, ipagbigay alam kaagad dito sa pamamagitan ng comment form after this write up upang sila'y masuri namin at kung ang scores nila ay pasok sa Top 50 ng channel na kinabibilangan nila ay agad namin silang isasama sa official list.

Mabuhay kayo at suportahan natin ang contest na ito.

CLICK HERE to read the full mechanics of the contest.

READ MORE >>

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO