Showing posts with label Aljur Abrenica. Show all posts
Showing posts with label Aljur Abrenica. Show all posts

Wednesday, April 1, 2009

Kuya Germs, Pinangaralan ang Dos; Aljur Abrenica, Lilipat na sa Kabila?

Kung loyalty rin lang sa home network ang pag-uusapan, wala ng makakatalo pa kay Kuya German Moreno. Sa ganang amin, the word loyalty is somehow synonymous to Kuya Germs. Ganyan katindi ang ipinapakitang pagmamahal ng mentor ng maraming artista na dumaan sa That's Entertainment sa network na nagbigay sa kanya ng oportunidad. Wish namin na marami ang gumaya sa kanya.

At dahil sa loyalty na ito, nakapagbigay ng isang pangaral ang Master Showman sa ABS CBN at inilathalla niya ito sa kanyang column sa PSN.

Nabalitaan kasi ni Kuya Germs ang balak ng Dos na piratahin si Aljur Abrenica dahil hindi naman natin maipagkakaila na si Aljur na nga ang susunod na pinakamalaking lalaking bituin na meron tayo sa ngayon. Kami rin dito sa Siete Contra Dos ay makikipagpustahan na maaabot ni Aljur ang ang mga naabot na nina Piolo Pascual, Richard Gutierrez, Dingdong Dantes at John Lloyd Cruz. Baka posible pang mahigitan ito ng binatang Kapampangan dahil isa si Aljur sa laging hot topics sa mga discussions and forums. Lalaking-lalaki kasi ang hitsura ng binata na may pagka-astig at suplado.

Nagtatanong si Kuya Germs kung bakit kailangan pang piratahin ng Dos si Aljur dahil marami naman daw ang sikat na lalaking artista sa bakuran nila. Dagdag pa niya na sila na lang ang pagtuunan ng pansin ng management. Naibulalas rin niya na kung kailan napasikat na at na-build up ng Siete ang mga artista ay saka naman aalukin ng kabila para lumipat. Hindi tuloy napigilan ni Kuya Germs na tanungin ang motibo ng kabila. Tanong niya kung kailangan ba talaga ng Dos ang mga artistang ito o talaga lang gusto nilang pilayan ang GMA  sa pamamagitan ng pagkuha sa mga top artists nila.

Ang pangaral niya sa ABS CBN ay lumaban naman daw sila ng patas.

Ang tanong, lilipat na ba si Aljur sa kabilang istasyon?

Sinigurado naman ni Kuya Germs na alam daw ng binata ang magpahalaga ng loyalty at mananatili siya bilang Kapuso.

Sikat ka na talaga Aljur.

Pero hanggang kailan ang katapatan ni Aljur? Masisilaw din kaya siya ng salapi at mga pangako. Iyan ang dapat natin abangan ng susunod na kabanata.

Pero sandali, curious lang kami dito sa Siete Contra Dos. Kung sakaling lumipat nga si Aljur sa Dos, sino naman sa tingin niyo ang pinakabagay na kapareha niya sa mga magagandang Kapamilya young stars natin?

READ MORE >>

Monday, March 2, 2009

Sino ang Mga Binibini Candidates na may Dyowang Actors?

Dahil malapit na ang Binibining Pilipinas, I am now finalizing my prediction on who will barge to the prestigious Final 12. Hindi ko alam kung 12 ba ang semi-finalists ngayong taon or 10 lamang pero since there are 24 lovely ladies who are competing, I might just get the top and the bottom halves.

Matinik pala itong si Joross Gamboa na artista ng Dos. Akalain mo naging dyowa niya pala ang isa sa front-runner ng kompetisyon na ito. Ang tinutukoy ko ay ang candidate number 2 na si Carishiela May Kuijpers.

Maganda ang registration ni Carisheila sa camera at mga pictures at meron siyang background sa modelling kaya siya ay napapansin. In fact, sa mga beauty fanatics na hindi Pinoy ay si Carisheila ang napapansin nila at wish nilang manalo bilang Binibining Pilipinas-Universe. Ang magiging problema lang ng dalaga ay ang kanyang height dahil 5'6" lamanng ito. Sabagay, si Pornthip Nakhirunkanok nga ng Thailand ay 5'3"lamang noong manalo siyang Miss Universe noong 1965.

Isa pa si Polo Ravales ang meron nobyang kasali sa kumpetisyon. Siya naman ang candidate number 6 na si Ma. Paula Bianca Paz na kinakatawan ng Baguio City. Lumaki ng US ang dalaga at pumunta lamang dito sa Pilipinas para matupad ang kanyang pangarap na makasali sa paligsahang ito. Siguro halos isang taon na rin siya dito dahil sa patakaran ng Binibining Pilipinas na kailangan tumira ka sa Pilipinas ng 6 months before the registration para hindi questionable ang iyong citizenship. Ito ang naging problema noon nina Anjanette Abayari, Tisha Silang at Janelle Bautista.

Ayon sa mga nakakasaksi sa mga activities ng mga candidates, malakas din daw ang laban ni Ma. Paula Bianca pero kung hindi man siya palarin na hindi manalo sana hwag siyang mawalan ng gana na sumali uli sa susunod na taon. Pero malakas din ang kutob ko na papasukin niya ang mundo ng showbiz kapag maglagi pa siya dito sa Pilipinas.

Speaking of Binibini candidates na may mga dyowang celebrities, of course mawawala ba sa listahan si Abbegail Lesley Cruz na ipinakilala sa soap ni Richard na Lupin? Si Abbegail ang nobya ngayon ng magaling na host ng Philippine Survivor na si Paolo Bediones. Sumali na noon si Abby sa Binibining Pilipinas noong 2007 at siya ang naging second runner up. Noong taon din iyon ay nag-try siya sa showbiz sa pamamagitan nga ng Lupin pero wala ng sumunod na soap after that. Talagang pangarap niya na makasali sa mga international pageants kaya siya sumali uli ngayong taon. Si Abby ang candidate number 24.

Si Richell Angalot naman o Rich Asuncion ay napapabalitang girlfriend pa rin sa ngayon ng isa pang Kapuso artist na si Aljur Abrenica. Hindi pa raw naghihiwalay ang dalawa pero hindi nila inaamin ito sa mga press dahil pinoprotektahan nila ang loveteam nina Aljur at Kris Bernal na ipinapakilala sa bagong pang-hapong soap ng Siete na Dapat Ka Bang Mahalin? Malakas din ang laban ni Rich at namamangha talaga ang mga taong nakasubaybay sa kanya simula Starstruck dahil ibang-iba na raw ngayon si Rich. Ang laki raw ng ipinagbago niya. Siya ang candidate number 3.

READ MORE >>

Thursday, February 19, 2009

Aljur Abrenica at Kris Bernal, Next Dingdong-Marian ng Siyete?

Sina Kris Bernal at Aljur Abrenica na ba ang susunod na pinaka-popular na loveteam ng Siyete after Dingdong Dantes at Marian Rivera?

Handa na nga ang GMA 7 na ilunsad ang tambalan nina Aljur at Kris na kapwa nanalo ng award sa huling season ng Starstruck. Si Aljur ang tinanghal na Ultimate Hunk at si Kris naman ang babae sa Ultimate Loveteam kasama si Mart Escudero.

Gagawin nina Kris at Aljur ang teleserye na remake ng dating pelikula nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion noong 1984 na Dapat Ka Bang Mahalin? Ito ay mapapanood sa hapon or daytime block para sa Sinenovela ng Kapuso network.

Kahit natagalan na ilunsad ang dalawa bilang loveteam ay hindi pa huli. Sana nga maging successful ito dahil meron potential ang dalawang bagets na maging susunod na Dingdong at Marian. Lalo sana pagtibayin ng dalawa to improve their acting abilities para sila ay magtagal sa industriyang ito.

Sana nga ay maging right vehicle na para sa kanila ito for more main roles in their future projects. Sana ito na rin ang magsilbing daan nila for stardom.

Magandang balita ito para sa mga taga-subaybay ng mga Starstruck alumni. Ito ang unang pagtatambalan nina Kris at Aljur bilang pangunahing bida sa isang telenobela.

Ang ilan pang makakasama sa seryeng ito ay sina Ara Mina, Mike Tan, Paulo Avelino, Kiko Junio, Maritoni Fernandez, Mariz, Kristal Reyes, Carlo Aquino at Lloyd Samartino.

Nagbabalik GMA si Ara Mina pagkatapos gumawa ng ilang projects sa Channel 2. Aside from this soap, Ara will be seen also in Totoy Bato, soap of Robin Padilla and Regine Velasquez.

Magkakaroon daw ng isang sizzling scene with Aljur and Ara bilang the other woman. Sa status ni Aljur bilang hunk, sigurado ako na marami ang nag-aabang sa eksenang ito. Hindi na maikakaila na isa nga si Aljur sa mga batang aktor natin sa ngayon ang may katawang pwedeng pagpantasyahan. Pero ang siste, sobrang ninenerbyos daw ang binatang Kapampangan sa gagawin niyang ito. Doing it with Ara is what's making him nervous.

NOTE: Hindi ito ang original post namin. Tungkol ito sa naudlot na "soap nina Heart Evangelista at Dennis Trillo na napunta kina Kris at Aljur." Tinawagan kami ng kaibigan namin para ipaalam na ang project sana ni Heart at Dennis ay hindi ang Dapat Ka Bang Mahalin kundi ang Muling Buksan ang Puso. Kaya binago na lang namin ang sinulat namin.

READ MORE >>

Monday, February 16, 2009

Aljur abrenica at Rich Asuncion, Nagkaroon ng Relasyon; Ronnie Carrasco, Umamin Balak nga Siyang Idemanda

Pinangalanan natin dito ang dalawang reporters na balak idemanda ni John Lapus dahil diumano sa paninira sa kanya. Click here for the the story. Isa si Ronnie Carrasco na staff ng Startalk ang ating binanggit at hindi nga tayo nagkamali. Umamin na raw si Ronnie sa kanyang column sa PSN na balak nga raw siyang idemanda ni John. Ang depensa ni Ronnie ay pinoprotekhana lamang daw niya si Boy Abunda na sinisiraan daw ni Sweet.

Napa-lame na excuse iyan para sa akin. Nabasa ko na rin ang ibang sinabi ni Ronnie against John Lapus pero ang iba dito ay hindi tungkol sa kung anumang away meron si Boy kay Sweet. Meron mga article siyang ang pagkatao ni Sweet ang kanyang tinitira tulad ng pagsasabi na na siya raw ay hindi naman magaling na host at ang alam lang ay ang manapaw ng iba pang host sa programang Showbiz Cebtral at dinadaan daw niya sa palakasan ng boses. Ayon pa kay Ronnie, hindi naman magaling na host si Sweet dahil napakatinis daw ang boses at isang host din daw ng GMA Kapuso ang galit na galit sa kanya.

Ngayon, Ronnie, sabihin mo sa amin na iyan ba ay pagdepensa kay Boy Abunda? Hindi ba ang inaatake mo ay ang kanyang pagkato? Kaya yung rason ay walang katuturan. Tell that to the marines.

Kapwa mo Kapuso ang tinitira mo at hindi maganda iyan sa imahe ng inyong network.

=0=0=0=0=0=0=0=

Inamin naman daw ng batikang reporter na si Nitz Miralles na nagkaroon ng relasyon ang dalawang alumni ng Starstruck at talents ng Kapuso network na sina Aljur Abrenica at Rich Asuncion. Ayon kay Nitz, break na raw ang dalawa na magka-batch sa fourth season ng malawakang talent search.

Ibig sabihin nito, habang bali-balita na si Aljur Abrenica ay in-love kay Jewel Mische na siyang dahilan nang awayang Aljur at Richard Gutierrez, si Rich Asuncion pala ang mahal ni Aljur. Hindi ba mas matangkad si Rich kay Aljur? Hindi kaya nailang ang binata kapag magkatabi sila ng dalagang taga-Bohol?

Incidentally, isa si Rich sa mga official candidates ng Binibining Pilipinas na gaganapin ngayong Marso sa taong ito. Dito pipiliin ang mga kinatawan ng Pilipinas para sa Miss Universe, Miss World at Miss International. Sana nga palarin si Rich at hindi magaya sa tulad niyang Startruck alumna na si Ailyn Luna na hindi nakapasok sa Top 10 man lang.

READ MORE >>

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO