Thursday, February 12, 2009

Lolit Solis at Ronnie Carrasco, Idedemanda nga ba ni John Lapus?

Nabalitaan ko ang balak ni John Lapus na pagdedemanda laban sa dalawang reporters na ayon sa kanya ay patuloy siyang sinisiraan kahit nanahimik naman siya or dine-deadma na lang niya in his own terms.

At dahil isa si John sa mga tao sa showbiz na gusto ko ang personalidad dahil sa pagiging honest nito at mapagmahal sa ina, naging interasado akong alamin kung sino nga ba ang mga reporters na naninira sa kanya. Pasensiya na po kasi medyo huli na ako sa balita dahil nasa ibang bansa ako.

As usual na ginagawa ko ay tanungin ang mga kaibigan sa Pilipinas at nagulat naman ako sa mga sagot nila.

"Hindi ko alam kung sino mga iyon (naninirang reporters)," sabi ng isa kong kaibigan. "Pero dalawang tao lang naman ang alam kung nagsasalita against him in their columns sa Pilipino Star. Kung hindi ako nagkakamali si Ronnie Carrasco at Lolit Solis. Pero di ako sure. Bakit hindi mo imbestigahan at basahin ang archives nila dito sa link na ito"

Sina Lolit Solis nga ba at Ronnie Carrasco ang ang idedemanda ni John Lapus? Ang dalawa nga bang reporters ang naninira kay Sweet?

Nakakalungkot naman isipin na kung sino pa ang kasamahan mo sa isang istasyon ang siya ring sumisira sa iyong pagkatao. Isipin mo na lang na ang mismo mong kapatid ang sumisira sa iyo. Di ba, napakasakit iyon? Kaya naiintindihan ko sa puntong ito si John Lapus.

Ronnie and Lolit are both staff of Startalk.

Naalala ko si Ronnie kasi sa kanya ko nabasa ang blind items about Kirby de Jesus and Kewin Santos na nagpapa-booking sa mga matrona. I backread yung mga columns niya at mayroon akong nabasa nga about an article against John. Pero wala ako makita sa column ni Lolit.

Mukhang nabaligtad yata ang mundo uli ng showbiz. Matagal nang bulong-bulungan sa showbiz na idedemanda ni Boy Abunda si John Lapus pero mukhang ang idedemanda ang mauuna pang magdedemanda sa iba naman. Ano ba yan?

Kung sakali nga na isa si Lolit Solis sa kakasuhan, naku, reyna na talaga siya ng mga libel cases. Paano na lang kung mahatulan siya? Ibig ba sabihin ay makukulong na forever ang Manay?

Pero linawin ko lang na walang kasiguraduhan na sina Lolit at Ronnie ang idedemanda ni John. Pero for sure, malalaman din natin ito sa madaling panahon.

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO