Showing posts with label Carla Abellana. Show all posts
Showing posts with label Carla Abellana. Show all posts

Thursday, May 14, 2009

Dingdong Dantes at Mark Anthony Fernandez, Sino ang mas Karapat-Dapat?

Formal ng na-announce ng mga executives ng Kapuso network ang mga soap opera na susunod na gawin ng dalawang sa leading actors nila na sina Dingdong Dantes at Mark Anthony Fernandez.

Dingdong will star in the Pinoy adaptation of the hit Koreanovela, Stairway to Heaven, as Cholo. Mark Anthony, on the other hand, will be Carla Abellana's screen partner for the remake of the popular Mexican soap, Rosalinda. He will play the role of Fernando Jose.


Pero mukhang mas marami yata ang hindi satisfied dito kaysa sa mga fans na natutuwa. Ayon sa mga nagpo-protesta, mismatch daw ang dalawa sa kanilang assigned roles at dapat may switching na mangyari. Mas bagay daw si Mark Anthony as Cholo dahil may pagka-tsinito ito at mas malalim ang kanyang akting kumpara kay Dingdong.(Ganun? Hmmm, papayag kaya ang mga fans ni Dingong dito?)

Ang Stairway to Heaven daw kasi ay sobrang heavy na facial expressions ang paghuhugutan ng emotion para sa soap. Lamang daw si Mark kaysa kay Dingdong sa aspetong ito.

Samantala, sobrang bagay naman daw kay Dingdong ang papel na Fernando Jose dahil mestiso siya at may pagka-coño na siyang papel ng bidang lalaki ng Rosalinda. Isa pa ay mas may chemistry ang Dingdong-Carla Abellana kaysa Mark Anthony-Carla. Mukhang wala daw kilig ang Mark at Carla. (Papayag din kaya ang mga fans ni Mark dito? Hmmm)

Aminado ba kayo dito? Sang-ayon ba kayo?

Mula pa sa mga fans, dapat i-consider ito ng maayos ng GMA network para naman mas lalong gaganda ang kanilang palabas na tinatalo na raw lately ng mga soaps ng Dos. Kaya daw konti na lang ang lamang ng mga soaps ng Siete sa ratings dahil mukhang wala daw kasi bago sa Kapuso channel.

READ MORE >>

Tuesday, April 7, 2009

Kilalanin ang Second Batch ng mga Artistang Pasok sa Top 25 ng GPTV

Tatlong Kapamilya artists at dalawang Kapuso artists ang umabante sa ating Top 25 Female Young Stars of the Philippines kung saan manggagaling ang sole winner na Goddess of Philippine TV.

Hindi ang unang batch sa second face off ang aming tinutukoy kundi ang second batch sa elimination round na ito. Ganito rin kasi ang eksena noong unang face off ng second elimination ng ating search.

Mapalad na nakaligtas sa eliminasyon na ito sina Rachelle Ann Go, Kristine Hermosa, Roxanne Guinoo, Heart Evangelista at Carla Abellana pagkatapos ang makapigil-hiningang labanan na ating nasaksihan. Matatandaan na maliban kay Rachelle Ann, lulubog-lilitaw ang mga artistang nasa grupong ito sa araw-araw na update ng Top 5.
Pero sa pagtatapos ng ating botohan kahapon ng gabi, nanaig nga sa official Top 5 ang isa na namang mang-aawit, dalawa uling soap princesses, anak na naman ng dating matinee idol noong 80's at isang produkto uli ng isang talent search. Kung titignan natin ng mabuti, mukhang ganitong-ganito rin noong nakaraang linggo.

Nakakalungkot namang makita ang pagtatapos ng laban ng limang Kapuso artists na tuluyan ng na-eliminate. Ito ay kinabibilangan nina Glaiza de Castro, Maricris Garcia, Francine Prieto, Rich Asuncion at Kris Bernal.

Sa lahat ng botong aming natanggap, 79.5% o 9,348 votes ang nakuha ni Rachelle Ann. Malayo ang kanyang agwat sa second placer na si Kristine na may 69.6% lamang o 8,184 votes. Pangatlo naman si Roxanne na may 38.2% o 4,492 votes.

Sina Heart na may 17.5% o 2,058 votes at Carla na may 17.2% o 2,022 ang nasa pang-apat at panglimang puwesto ayon sa pagkasunod-sunod.

Sa ating lowest bracket si Glaiza ang may pinakamataas na boto na may 17.1% o 2,010. Sigurado akong malulungkot ang mga fans ni Glaiza dahil 10 boto lang ang baba niya kay Carla na nasa panlimang puwesto.

Sumunod dito sina Francine - 16,6% o 1,952 votes; Maricris - 16% o 1,881 votes; Rich - 15.8% o 1,858; at, Kris - 14.3% o 1,681 votes.

Magbabalik ang limang artistang umabante sa round na ito sa April 29, 2009 para hingin muli ang boto ninyo sa kanilang laban sa Final Top 10.

Samantala, bumoto pa rin kayo sa mga artistang nasa pangatlong grupo ng ating eliminasyon. Kasalukuyan na silang nakasalang.

READ MORE >>

Wednesday, April 1, 2009

Dingdong Dantes, Gaganap na Fernando Jose ng Rosalinda?

Posibleng ang sikat at lalaking-lalaki ang dating na si Dingdong Dantes ang gaganap na Fernando Jose sa gagawing remake ng GMA 7 sa sikat din na Mexican soap na Rosalinda. Kung magkatotoo man ay si Dingdong ang unang-unang leading man ng gaganap na bida na si Carla Abellana, anak ng dating 80's star na si Rey PJ Abellana.

Ito ang tsika sa amin dito sa Siete Contra Dos ng aming kaibigan na nagsisilbing isa sa aming Pusang Gala. Ayon sa kanya, isa daw si Dingdong sa mga pinagpilian at posibleng sa kanya din daw ipagkakatiwala ang naturang role dahil balak daw muna ng network na pagpahingain pansamantala ang loveteam nina Dingdong at Marian Rivera.

Nabalita na nga na pansamantalang ibabalik si Marian sa isang soap na may temang pambata dahil aminado naman daw ang network na mas marami ang following ng aktres na mga young viewers kaya hwag na raw tayong magtaka kung ibigay din kay Marian ang role na Darna sa gagawin na Captain Barbell Meets Darna. Dahil dito kailangan mai-partner muna si Dingdong sa iba at ang best option nga raw ay ang Rosalinda.

"Kahit noon pa man ay isa naman si Dingdong sa mga male stars ng Siete na nagbinbinyag sa mga bagong alaga nilang babae. Hindi ba si Dingdong ang unang leading man ni Tanya Garcia nang lumipat ang dalaga mula sa Dos? Noong time ni Marian ay si Dingdong din ang kinuha kaya hindi malayo na si siya pa rin ang magiging first leading man ni Carla," sabi sa amin ng aming kausap.

Dahil bulung-bulungan pa lang sa pinagtatrabahuan ng aming Pusang Gala ang posibilidad na ito, tinanong din namin kung sino sa tingin niya ang bagay na Alex, ang lalaking kukupkop kay Rosalinda at ka-love triangle ng dalawang bida.

"Si Dennis Trillo!" Ito ang walang kaabog-abog na tinuran sa amin.

Gusto rin linawin ng aming kausap ang isyu na pilit ipinagkakalat daw ng mga kalaban na flop ang soap nina Marian at Dingdong na Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang. Aminado naman daw sila na mas mababa ang rating ng ABSHAT kaysa sa naunang soap ng dalawa na Dyesebel at Marimar pero hindi raw nangangahulugan na flop ito.

Ayon sa kanya, ang flop daw ay yung hindi na kumikita ang isang palabas at mas mataas pa ang expenses kaysa sa pumapasok na pera na never naman daw nangyari sa ABSHAT.

"Pakisabi na rin sa mga readers niyo na hwag masyadong abusuhin ang salitang flop," pagtataray pa niya. "Hindi naman nagkakalayo ang rating ng ABSHAT sa Tayong Dalawa na ibinabandera nilang pinakamalakas nilang soap sa ngayon. Kung halos pantay lang naman ang ratings ng dalawa, paano nila sasabihin na malakas ang sa kanila at ang ABSHAT naman ay flop, eh, parehas naman ang rating? Mas mataas pa nga ang ratings ng ABSHAT kaya hindi raw tama na gamitin itong taktika para ma-promote ang show nila."

Iyan ay hindi galing sa amin, huh, kundi galing sa isang taong nagsisilbi naming Pusang Gala.

Pero mukhang magandang tambalan nga kung gagawin ng Kapuso network ang Carla -Dingdong-Dennis love triangle. Pero hindi kaya sila maubusan din ng leading man dahil nasa iisang show lang ang dalawang pambato ng network kung magkatotoo ito?

Ano sa tingin niyo?

NOTE: Isa rin si Dingdong sa hindi madamot na nagpahayag ng kanyang nalalaman sa naisulat ng PEP na umano'y gulo nina Richard Gutierrez at Michael Flores. Ayon kay Dingdong, imposible daw may mangyaring gulo na sangkot si Richard kasi kasama niya ang bida ng Zorro ng gabing iyon. Nauna daw umuwi sina Michael na naging kasamahan niya sa TGIS at naiwan pa sila nina Richard.

READ MORE >>

Tuesday, February 24, 2009

Tinanggihan nga ba ni JC de Vera ang Soap na Rosalinda?

Ang sikat na Mexican soap opera na Rosalinda ay siya sanang gagawin nina JC de Vera at Rhian Ramos bilang follow-up sa successful nilang La Lola. Pero hindi ito natuloy at napunta na nga sa baguhang si Carla Abellana ang soap na ito.

Marami ang nagtataka kung bakit tinanggihan nina JC at Rhian ang naturang palabas dahil sigurado namang sure hit ito kapag ipalabas na dahil sabik siyempre ang mga manonood na makita ang telenobelang ito in its Pinoy adaptation.

Ang siste kagagawan na naman daw ito ni Annabel Rama na siya ring manager ni JC. Malakas ang bulung-bulungan na ayaw masapawan ni JC ang kasikatan ng anak niyang si Richard Gutierrez. Kung itatanong niyo sa akin kung paano nangyari ito dahil alaga rin naman ni Bisaya si JC, ang masasabi ko lang ay blood is thicker than water.

Dahil nga sure hit na ang Rosalinda sa mga manonood baka lalo na raw bubulusok ang kasikatan ni Richard dahil maaaring mas marami na ang kikiligin kay JC once na mapanood ito sa Rosalinda.

Ang batayan daw ni Bisaya sa kanyang kinatatakutan na ito ay ang pansamantalang pagkatalo ng soap ni Richard na Codename: Asero ng La Lola. Matatandaan na noong malapit nang magtapos ang Asero at nagsisimula naman ang La Lola, nauungusan ng huli ang una. Isa itong indikasyon na mas sumisikat na nga si JC.

Kaya bilang isang nanay na gustong protektahan ang interes ng anak kahit sa anong paraan, ito'y inayawan ng manager ni JC at naghintay sila ng iba pang projects.

Ayon naman sa sitsit ng iba pang mga kaibigan, desidido daw kasi na ipahiram ni Bisaya si JC para kay Judy Ann Santos sa bago nitong teleserye sa Dos kaya nagkaroon siya ng dahilan para hindi tanggapin itong project na ito.

Gustong-gusto raw ni JC na gawin ang Rosalinda pero dahil takot daw siya sa kanyang manager wala siyang magagawa. Kaya wala daw karapatan si Bisaya na magtampo sa Siyete dahil kahit na raw magtatapos na ang kontrata ng binata sa Kapuso network sa 15 March ay hindi pa rin siya pinababayaan.

READ MORE >>

Wednesday, February 11, 2009

Carla Abellana, Nakuha na ang Interest ng mga Advertisers

Hindi pa man sikat at nagsisimula sa kanyang unang proyekto sa telebisyon ay mukhang nakuha na ni Carla Abellana ang curiosity ng mga manonood at ang importante ay ang mga advertisers.

This is another goldmine for the Kapuso network.

I just observed that GMA 7 is experimenting on how they introduce their newest talents and/or soap operas. During the launching of Marian Rivera as Marimar, the media talked much about the audition process. Yung Darna noon ni Angel Locsin, nagtagumpay sila sa pagtatago ng identity ng gaganap. Na-curious ang mga tao. This time with Carla, agad naman nilang ipinakilala sa public.

GMA is indeed doing a great job. Hindi sila natatakot mag-experiment at talaga namang may variation sa kanilang promotion and marketing. At naging tagumpay sila sa lahat nito. Sana nga ay maging another big star in the making itong si Carla.

Hindi na lingid sa inyo kung sino si Carla Abellana. Nabasa niyo na ito sa lahat ng entertainment columns. At kung kayo ay nanonood noong late 80's to early 90's, hindi kayo magkakamaling isipin na hawig siya kay Rey PJ Abellana dahil siya mismo ang tatay niya. Carla is a carbon copy of his father.

Maganda si Carla na hawig din kay Marian Rivera. Minsan meron siyang anggulong parang si Dawn Zulueta, Gretchen Barreto at Cristina Gonzales. Bagay siyang gumanap bilang si Rosalinda, ang pangunahing karakter ng sikat na Mexican soap opera na gagawin ng GMA. Marami ang nagpapahayag ng kanilang interest sa bagong Rosalinda at swerte ang Kapuso dahil nakuha na naman nila ang attention ng mga advertisers.

Hindi masama kung mag-try ng ibang talent ang GMA for Rosalinda kahit marami rin ang may gustong si Marian Rivera pa rin dapat ang gumanap nito. Malaki ang potensiyal ng bata at madadagdagan uli ng isa namang bankable female star ang Channel 7. Lalo titibay ang kanilang pangunguna sa ratings game.

As for the fans of Marian Rivera, hindi rin masama na hindi siya ang gaganap as Rosalinda dahil mas malaki na ang chance na sa kanya mapupunta ang role ng Darna kapag ginawa na ng mother studio nito ang Darna Meets Captain Barbell. Bagay sila ni Richard Gutierrez dito. Siguradong giyera na naman ito sa ratings game.

Tama ba ako sa aking pananaw? Just leave a comment after this write up.

Just to add this, like Marian Rivera, Carla Abellana is a graduate of PSychology in Dela Salle University. Magkaiba nga lang sila ng campus. Si Carla ay sa Taft at si Marian ay sa Cavite. Carla is the girlfriend of a basketball player, JC Intal. Hmmm, another JC? How about CJ?

Incidentally, Carla Abellana is one included in the Top 100 Female Young Star of the Philippines. Isa siya sa magiging pambato ng Channel 7 contra sa Channel 2. Kaya suportahan natin siya sa pamamagitan ng inyong mga boto. Read here on how to help her win.

READ MORE >>

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO