Tinanggihan nga ba ni JC de Vera ang Soap na Rosalinda?
Ang sikat na Mexican soap opera na Rosalinda ay siya sanang gagawin nina JC de Vera at Rhian Ramos bilang follow-up sa successful nilang La Lola. Pero hindi ito natuloy at napunta na nga sa baguhang si Carla Abellana ang soap na ito.
Marami ang nagtataka kung bakit tinanggihan nina JC at Rhian ang naturang palabas dahil sigurado namang sure hit ito kapag ipalabas na dahil sabik siyempre ang mga manonood na makita ang telenobelang ito in its Pinoy adaptation.
Ang siste kagagawan na naman daw ito ni Annabel Rama na siya ring manager ni JC. Malakas ang bulung-bulungan na ayaw masapawan ni JC ang kasikatan ng anak niyang si Richard Gutierrez. Kung itatanong niyo sa akin kung paano nangyari ito dahil alaga rin naman ni Bisaya si JC, ang masasabi ko lang ay blood is thicker than water.
Dahil nga sure hit na ang Rosalinda sa mga manonood baka lalo na raw bubulusok ang kasikatan ni Richard dahil maaaring mas marami na ang kikiligin kay JC once na mapanood ito sa Rosalinda.
Ang batayan daw ni Bisaya sa kanyang kinatatakutan na ito ay ang pansamantalang pagkatalo ng soap ni Richard na Codename: Asero ng La Lola. Matatandaan na noong malapit nang magtapos ang Asero at nagsisimula naman ang La Lola, nauungusan ng huli ang una. Isa itong indikasyon na mas sumisikat na nga si JC.
Kaya bilang isang nanay na gustong protektahan ang interes ng anak kahit sa anong paraan, ito'y inayawan ng manager ni JC at naghintay sila ng iba pang projects.
Ayon naman sa sitsit ng iba pang mga kaibigan, desidido daw kasi na ipahiram ni Bisaya si JC para kay Judy Ann Santos sa bago nitong teleserye sa Dos kaya nagkaroon siya ng dahilan para hindi tanggapin itong project na ito.
Gustong-gusto raw ni JC na gawin ang Rosalinda pero dahil takot daw siya sa kanyang manager wala siyang magagawa. Kaya wala daw karapatan si Bisaya na magtampo sa Siyete dahil kahit na raw magtatapos na ang kontrata ng binata sa Kapuso network sa 15 March ay hindi pa rin siya pinababayaan.