Showing posts with label Kapamilya Channel. Show all posts
Showing posts with label Kapamilya Channel. Show all posts

Thursday, March 12, 2009

Epekto ng Pagiging Agresibo ng Dos

Isang sensitibong paksa ang ating susubukang gawan ng opinyon sa blog entry natin sa ngayon. Sensitibo ito para sa mga tinatawag na loyalists ng Siete at Dos pero wala lang o "pakialam ko dyan" attitude naman para sa mga walang kinikilingan in the service of the Filipino people. O di ba, ma-incorporate lang ang taglines ng dalawang istasyong magkaribal kaya kahit ano na lang ang maisulat ko? Huh!

Anyways, nabalitaan niyo na siguro ang tensiyon na namagitan sa dalawang magkalaban na showbiz talkshows tuwing Linggo sa burol ni Francis Magalona. Ang Showbiz Central at The Buzz ay nagpang-abot sa Christ The King Chapel ng Green Meadows noong 8 March 2009 na maaring nasaksihan ninyo sa TV screen niyo habang pinapanood ang The Buzz. Habang ini-interview ni Kris Aquino ng live ang na-biyuda ni Francis M. na si Pia Magalona, makikita ang staff ng Showbiz Central sa likod nila. Si Pia Guanio naman ng Showbiz Central ang naunang nag-interview ng live kay Pia M.

Matatandaan na habang nakasalang si Pia M. at Pia G. sa show na SC, biglang dumating daw ang staff ng The Buzz sa pangunguna ni Kris Aquino. Nagulat ang pamilya Magalona sa kanilang pagdating dahil maaga pa raw ay tinanggihan na nila ang interview sa naturang show. At para maiwasan ng SC na mag-krus ang landas nila with Kris and The Buzz, natagalan tuloy ang interview kay Pia M. ni Pia G. pero pinakiharapan pa rin daw ng asawa ni Kiko si Kris sa pakiusap ng anak niyang si Maxene na una nang kinulit ng staff ng Dos para ma-interview.

Ang tanong, bakit pa rin nagpunta ang staff ng Dos kung tinanggihan na pala sila ng pamilya ng namatayan?

Malinaw na minumulto ang Dos ng sarili nitong multo.

Kung babalikan natin ang mga kaganapan sa showbiz, ang Dos ang nagpasimula ng exclusivity sa mga coverage ng mga events ng mga talents nila. Sila rin ang nag-umpisa na ang isang artista ay maging exclusive para sa network lang nila.

Noong namatay si Rico Yan noong 2001, naalala ko pa na ginawa talaga ng Dos na exclusive ang coverage sa kanila lamang at binantayan talaga ang burol ni Rico. Meron pa ticket noon para malimitahan o maharang ang dapat maharang noong panahon na iyon. Walang nagawa ang Siyete kundi irespeto ito.

Ngayon naman na talents ng Siete ang namatay sa katauhan nina Marky Cielo at Francis Magalona, nakita natin ang pagkakaiba. Hindi ginawa ng Siete ang ginawa ng Dos. Hindi nila ginawang exclusive ang coverage at hinayaan nilang makakuha rin ng footage ang Dos. Though, natural na priority ang Siete.

Ngayon dahil mas marami ang mga kaganapan involving the talents of Siete, nagiging aggressive ang Dos para mapantayan o maunahan sa coverage ang kalaban. Hindi lang sa pagkamatay nina Marky at Francis kundi sa coverage na rin kay Manny Pacquiao kung saan naging kontrobersiyal si Dyan Castillejos.

Natural lang na layunin ng Dos ang makakuha ng istorya sa mga kaganapan na ito dahil maiiwan sila sa ratings kung hindi sila magpalabas ng balita tungkol sa pinaka-mainit na isyu. Naiintindihan ko iyan dahil nagtrabaho rin ako sa ganitong environment. Dahil hindi nila talents ang mga involved, dito na sila minumulto sa sariling multo na ginawa nila.

"Whatever it takes" na raw yata ang batas ngayon sa lahat ng programa ng Dos ayon sa isang kaibigan na nagtatrabaho sa media. Walang dudang mas aggressive ang Dos kaysa sa Siete dahil iba nga naman daw kapag nauuna ka sa isang balita. Nakakadagdag daw iyan ng popularity at followers ng isang show. I totally agree and all of these are in the name of ratings.

Pero dahil sa pagiging aggressive, maraming bagay ang nakakaligtaan na obserbahan - ito ang mga maliliit na bagay na dapat igalang. Dahil sa pagiging aggressive masyado ay nakakalimutan na natin ang salitang respeto.

Sa kaso ng Dos, alin ang mga bagay na ito? Una na dyan ang hindi pag-intindi ni Dyan na dapat iniiwan din sa Manny Pacquioa na mag-isa para makapagpahinga mula sa laban sa boxing. Ang ginawa ni Dyan ay talagang binantayan niya ang mga pagkakataon para makalapit siya kay Manny.

Pangalawa na dito ang pagkuha at pagpapalabas sa mukha ni Marky habang nasa kabaong sa kabila ng paki-usap ng ina. Nandyan din ang kaso sa Aquafest sa Camarines Sur kung saan nakuhanan ng Dos ang kissing scene nina Carla Humphries at Raymond Gutierrez. Bawal na raw noon ang camera sa oras na iyon sa lugar na iyon pero nagpumilit daw ang Dos. Hindi sila sumunod sa patakaran. At ang huli nga ay ang pagsugod pa rin ni Kris Aquino sa burol ni Francis kahit wala na silang appoinment.

Sa The Buzz, sinabi ni Kris on air nang tanungin siya ni Ruffa kung nakausap na ba niya ang asawa ni Francis na "hindi pa at idinugtong nga niya na kailangan daw nila i-respeto o intindihin ang katotohanan na si Kiko ay nagtrabaho sa Siete kaya nasa kanila ang istorya at exclusivity."

Pero bakit pa rin sila nagpunta sa burol kung ganun pala ang sitwasyon at nasabihan naman na sila in advance?

Isang lang ang gusto namin tumbukin dito, hindi masama na maging aggressive ang Dos sa pagkuha ng balita pero dapat sa kabila nito ay igalang pa rin nila ang mga maliliit na bagay na dapat igalang. Walang masama sa pagiging aggressive pero alam din dapat ng Dos na mag-preno kapag kailangan.

Noong umpisahan ng Dos na ipatupad ang exclusivity ng isang bagay, hindi yata nila na-foresee ang epektong ito. At para maresolba itong negative effect na nito sa kanila, natuto silang maglaro aggressively pero isang problema na naman ang naisilang - iyang ang pagkawala ng salitang respeto sa gitna ng laro.

I want to hear your piece here.

READ MORE >>

Wednesday, February 25, 2009

GPTV UPDATES: Angel Locsin is Our New Leader

GPTV UPDATES: Tulad nga ng una naming inakala, naging number one na si Angel Locsin sa ating poll this week para sa Goddess of Philippine TV. May 87 votes (as of 4 pm of 25 February 2009 Philippine time) na lamang na siya sa dating number one na si Rhian Ramos na nasa pangalawang pwesto naman.

Mukhang na-challenge yata ang mga Angel fans at mga loyal viewers ng Kapamilya network dahil puro artista uli nila ang mga nagpakita ng tremendous improvements sa bilang ng mga boto.

Triple ang boto ng mga Kapamilya kumpara sa mga Kapuso ngayong araw na ito. Tatlong Kapamilya artists na ang pasok sa Top 10 pero kung patuloy naman na hindi kikibo ang mga Kapuso loyal viewers ay malamang mas dadami pa ang mga taga-Dos na makapasok sa Top 10 sa pagtatapos ng botohan para sa batch na ito.

Maganda rin ang ipinakitang suporta ng mga taga-hanga ni Toni Gonzaga dahil mula sa pangsampung puwesto ay umakyat siya sa panlima. Ganundin ang nangyari kay Rachelle Ann Go na nasa pampitong puwesto na pagkatapos nasa lowest 10 simula umpisa ng botohan.

Medyo dumarami na ang mga Kapamilya avid fans ang nagpapakita ng kanilang suporta sa mga artista nilang kasali sa search for the Goddess of Philippine TV pero parang kabaligtaran naman ito sa sitwasyon ng mga Kapuso. Mukhang hindi yata pwede magsabay ang dalawang pinakamalaking fan bases ng mga TV networks, huh. Kapag active yung isa dapat yung isa ay passive naman and vice versa yata ang drama. Nagtataka ako?

Para sa mga Kapuso artists, nalaglag na si Arci Munoz sa Top 10 at nanganganib ma-eliminate comes Saturday night. Ang pang-sampung position ni Iwa Moto ay delikado rin dahil malapit na rin itong maagaw ni Roxannae Guinoo.

Tandaan na meron na lang kayong 2 araw para bumoto sa batch na ito. Kaya kung gusto ninyo magpatuloy sa laban ang iyong paboritong artista kailangan mailagay ninyo sila sa Top 10 this week. Sa 11:59 pm ng Sabado (Philippine time) o 27 February, malalaman na natin kung sino ang mga sampung maswerteng aabante sa Top 50 at ang mga hindi papalarin.

Ang kumpletong listahan ay nasa second column ng ating blog o site. Ang last update para sa linggong ito ay bukas na lang. Kaya ipagpatuloy ang pagsuporta sa inyong mga artista.

READ MORE >>

Tuesday, February 17, 2009

Janna Dominguez is Pinoy Fear factor First Winner?

Kasabay ng pag-uso ng mga realities shows ang mga iba't ibang websites na nagbibigay rin ng mga spoilers o paglalantad sa mga future events sa isang reality show. Itong mga spoilers na ito ay meron mga basis kaya kadalasan ay tama sila. Meron din mga sinasabing "spoilers" ngunit itoý mga haka-haka lamang at walang batayan. Gawa-gawa lang ng mga fans na pinik-up ng marami.

Noong nagsisimula pa lamang ang Survivor Philippines, kumalat sa mga websites na ang winner ay si JC Tiuseco at nagkataong tama nga naman. Nalaman daw ito sa mga empleyado ng GMA na nag-uusap sa isang coffe shop.

Ngayon naman, ang dating katapat ng reality show ng Siyete na Pinoy Fear Factor ang may kumakalat na spoilers. Si Janna Dominguez daw ang siyang nanalo at hindi ang inaasahan na si Manuel Chua ng Cabanatuan City.

Nalaman daw ito nang madulas si Cristine Reyes na kasamahan ni Janna sa teleseryeng Eva Fonda. Nasabi daw ni Cristine na dapat si Janna ang manlibre dahil sa pagkakapanalo niya sa Fear Factor. Ngumiti na lamang daw ang dalagang may makinis na balat sa insidenteng iyon habang binibiro daw ng press si Cristine na manlibre.

Si Janna na lang nag natitirang babae na lumalaban para sa 2 milyon pesos na premyo kasama ang house and lot. Kung tutuusin ay hindi mo iisiping tatagal pa si Janna dahil lubhang malalakas ang mga kalaban nitong mga lalake gaya na lang ni Manuel na ilang beses na rin naka-break ng Fear Factor records. Isama mo na rin dyan si Jommy Teotico na humahabol din kay Manuel.

Pero hwag natin maliitin ang kakayahan ni Janna dahil minsan kung sino yung mga hindi natin inaasahang mananalo ay ang mga ipinuproklamang winner. Depende rin kasi iyan sa swerte pagdating sa uri ng challenge na susuungin ng mga participants pagdating ng finals. Since meron pang babae sa final 4, si Janna nga, asahan natin gagawin nila ang challenge na may equal opportunity for both sexes na manguna. Dahil dito, hindi nga imposibleng baka si Janna ang tatanghaling First Pinoy Fear Factor winner.

Si Janna ay dating Wowowee girl o yung mga back up dancers sa noontime show na Wowowee. Ang kanyang ama nag nagtattrabaho sa Japan ang dahilang ni Janna sa pagsali sa reality show na ito. Gusto na raw niyang pauwiin ang ama kung sakaling siya ang manalo.

Ang isa pa sa final 4 ay ang binatang lumaki sa Austria, si Marion dela Cruz.

READ MORE >>

Saturday, February 14, 2009

Aicelle Santos Currently Leads GPTV

Maligayang Araw ng mga Puso para sa inyong regular readers ng aming blog.

Sa unang oras ng Siete Contra Dos para sa unang elimination ng Goddess of Philippine TV, nagpakita agad ng puwersa ang Kapamilya network nang gawing leader si Laarni Lozada out of 20 female stars. Pero ilang oras lang ang nakalipas, nakaungos ang Kapuso.

Sa partial result ng aming poll as of 6 pm Philippine time, 5 Kapuso ang pasok sa Top 6. Si Laarni lamang ang nag-iisang Kapamilya. Pero unpredictable ang ating resulta dahil sa bottom 4 ay puro rin Kapuso.

Ano ang ibig sabihin nito? Extreme ang mga Kapuso fans. Merong mga talents from their network na malawak talaga ang fan base at meron ding konti lang. Samantala sa Kapamilya naman ay halos pantay ang distribution. Marami ang mga posibleng dahilan pero unti-unti natin sila mababanggit as we go along with this contest.

Kasalukuyan nangunguna ngayon si Aicelle Santos ng Kapuso with 416 votes. 44 votes ang lamang nito kay Marian Rivera na pumangalawa lamang. Mukhang mga singers ang nagbibigay ng sorpresa sa batch na ito. Pagkatapos umariba si Laarni ay si Aicelle naman ang nanguna. For sure, hindi magpapatalo dito ang mga fans ni Marian dahil malayo pa naman ang laban.

Aside from Aicelle, Marian and Laarni sa Top 10, kasama rin nila sina Jonalyn Viray, Jackie Rice, Bianca King, Kim Chiu, Anne Curtis, Karylle Tatlonghari at Melissa Ricks.

Nanganganib naman mawala sa listahan at tuluyan nang ma-eliminate sina Chynna Ortaleza, Gaby dela Merced, Cristine Reyes, Cathy Gonzaga, Sheryn Regis, Mariel Rodriguez, Carlene Aguilar, Krissa Mae Arrieta, Pauleen Luna at Sunshine Dizon dahil sila ang nasa bottom 10 so far.

Nakakagulat na hindi masyado lumalaban sina Pauleen Luna, Sunshine Dizon, Cristine Reyes at Mariel Rodriguez dahil isa sila sa mga kino-consider na front runners.

Natutuwa kami dahil successful ang aming Search for Goddess of Philippine TV. Wala pa itong 24 hours simula ilunsad namin ay nakapag-generate na kami ng more 2 thousand votes from all parts of the world. Africa at South America na lang yata ang hindi pa represented sa aming poll. LOL.

Anyways, keep on voting guys at sabihin niyo rin sa mga iba pang fans to support their idols. Narito ang partial result ng ating contest as of 6 pm ng February 14, 2009 (Philippine time)

Aicelle Santos - 416
Marian Rivera - 372
Jonalyn Viray - 367
Laarni Lozada - 149
Jackie Rice - 141
Bianca King - 95
Kim Chiu - 93
Anne Curtis - 78
Karylle Tatlonghari - 54
Melissa Ricks - 40


Chynna Ortaleza - 29
Gaby dela Merced 27
Cristine Reyes - 27
Cathy Gonzaga - 20
Sheryn Regis - 17
Mariel Rodriguez - 17
Carlene Aguilar - 16
Krissa Mae Arrieta - 11
Pauleen Luna - 9
Sunshine Dizon - 5


Nabanggit namin sa mechanics ng contest na aside from weekly voting para sa face off or elimination process, pwede rin kayo bumoto by clicking the icon at the menu tab - Vote for GPTV. Kung sakali yung idol niyo ay makapasok sa Final Top 10, yung score niya from that separate poll makes 15% of her total scores in the final stage.

Kung naguguluhan kayo, feel free to leave a comment at sasagutin namin sa lahat ng makakaya namin.

Bukas, hintayin niyo rin ang post ng isa kong co-author sa blog na ito. He made a survey sa mga non-Pinoys, mostly British and Americans, about the stars they would like to date ngayong Valentines if they are given the chance. Of course ang mga choices ay ang mga Top 100 Female Stars natin dito.

Abangan niyo iyan dahil masaya ito. Ang susunod naman na update ng GPTV (Goddess of Philipppine TV) ay after 2 days - Monday.

READ MORE >>

Saturday, February 7, 2009

Demolition Job ng ABS-CBN kay Jewel Mische

Isa si Jewel Mische sa mga talent ng GMA Channel 7 ang may pinakamagandang mukha sa mga nagsusulputang mga bagong artista. Malakas ang appeal ni Jewle lalo na sa mga kalalakihan at meorn siyang potential na maging premyadong aktres kung mabigyan siya ng tamang push mula sa kanyang mother studio.

Jewel is indeed a jewel.

Dahil sa kadahilanang ito, hindi lingid sa kaalaman ng ABS-CBN ang bagay na ito na matagal nang binabalak i-pirate ang dalaga mula sa Bulacan. Pero dahil ang Ultimate Sweetheart ng Starstruck 4 ay may kontrata pa sa Channel 7 na nagbibigay pa sa kanya ng mas maraming taon sa Kapuso channel, nawalan ng pag-asa ang Kapamilya network na makuha ang dalaga.

At dahil na rin isa si Jewel sa mga ipu-push ng GMA para sumikat ngayong taon, naalarma daw ngayon ang kabila knowing that Jewel has the capacity to make it big in the entertainment industry.

Ngayon, Jewel is in the midst of a controversy - isang issue na pilit pinapalaki ng ilang manunulat ng ABS-CBN to discredit KC Concepcion's look-alike. Mas maganda nga lang si Jewel ng kaunti.

Sinasabi ng ilan sa Kapamilya na nagtatago si Jewel sa atraso nitong talbog na tseke. Pilit nilang inilalarawan ang bata bilang estapadora o mangungutang ng hindi nagbabayad. Iyan daw si Jewel na napakabata pa sa edad na 18.

Hindi maiiwasang makilala ang ABS-CBN sa ilan nitong "marumi" taktika para muling makuha ang pinakamalaking porsiyento ng mga manood sa Kamaynilaan na pinanghahawakan sa ngayon ng karibal nitong istasyon ng halos 5 taon na.

So, ang pagpapalaki sa "isyu" ni Jewel ay isa na namang malinaw na "demolition job" ng ilang manunulat na sobrang loyal sa Channel 2. Maaga pa lang ay sinisira na nila ang kredibilidad ng bata para wala itong tsansang sumikat. Meron silang demolition job kay Marian Rivera at accomplice dito si Boy Abunda ayon sa aking kakilala sa showbiz. Nag-imbento na rin sila ng mga false witnesses para kunyari paratangan ang GMA na tina-tamper ang ratings sa Bacolod - isang bagay na ibinasura na ng korte. Kung isa-isahin natin ang mga ito ay aabutin tayo ng isang dekada sa pagsusulat kaya mas mabuti na lang babanggitin natin ito habang tumatagal ang site natin.

Balikan natin si Jewel Mische.

Pinabulaanan na ng dalaga na nag-issue siya ng tsekeng tumalbog dahil ayon sa kanya ay never pa raw siyang nagkaroon ng checking account sa kahit anong bangko. Inamin niya na ang nanay niya ang may kasong ganito pero ayon sa kanya ay hindi raw nila tinatakbuhan ang bagay na ito. Nangyari lamang daw ito ng hindi sinasadya at talagang dumarating ito sa buhay ng kahit sino. Pero nabayaran na raw ng lola ni Jewel ang taong pinag-isyuhan nila ng tseke.

Kawawang Jewel dahil pilit siyang hinihila ng ilan sa Kapamilya sa isyung ito kahit malinaw pa sa sikat ng araw na walang kinalaman ang bata sa kaso.

Bilang pagsarado ko sa post kong ito, sasabihin kong gumagana na naman ang kaswapangan ng ilang manunulat sa Channel 2.

READ MORE >>

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO