Showing posts with label ABS-CBN. Show all posts
Showing posts with label ABS-CBN. Show all posts

Friday, March 27, 2009

Manny Pacquiao, Hindi Masaya sa Siete; Inside Stories sa Isyu ni Manny sa ABS CBN

Mukhang hindi yata tayo matatapos sa usaping Manny Pacquiao - ABS CBN o Solar Sports at GMA 7. Meron kaming nakalap na balita mula sa isa naming Pusang Gala tungkol sa drama sa likod ng nababalitaan natin sa ngayon.

Bilang umpisa, tatanungin ko kayo? Naniniwala ba kayo sa sinabi ni Manny na diniktahan siya ng mga abogado ng Dos kung ano ang sasabihin sa interview niya na napanood natin sa TV Patrol World?

Ayon sa aming Pusang Gala na nagbalita dito sa Siete Contra Dos, walang dudang si Manny daw ang nagsinungaling at talagang inilaglag niya ang ABS CBN sa usaping ito. Totoo daw na may nangyaring negosasyon at  sinubok din ng Dos na masulot si Manny pero bigla na lang daw nagbago ang isip ni Manny at bumaligtad nga nang hindi inaasahan.

Hindi raw masaya si Manny sa kanyang home network na GMA 7.  Marami siyang hinaing o reklamo sa Siete. Nakuhanan daw sa camera ang lahat ng ito pero unethical naman daw kung ipapalabas. Isa sa ikinakasama ni Manny ay parang "kulang ang suporta ng Siete sa pagpo-promote ng kanyang laban". Sa katunayan ay mas nagbibigay pa raw ng importansiya ang Dos sa laban na ito.

Kung ang akala ng publiko at ang Siete Contra Dos ay nagulat na lamang ang Solar Sports at GMA 7 nang ilabas ang interview ni Manny sa TV Patrol, hindi raw ito totoo dahil nagpaalam o nagpasabi na raw si Manny sa kanila bago pa man lumabas ang video.

Nag-umpisa ang lahat bago tumulak si Manny sa London at Manchester sa UK. Nagpadala ang kampo ng boksingero sa pamamagitan ng kanyang mga abogado ng feelers para sa kagustuhan nilang lumipat ng network. Sa katunayan daw ay nag-provide ang abogado ni Manny ng kopya ng kontrata nito sa Solar Sports at GMA 7. Gusto daw kasi ng kampo ni Manny na pag-aralan ng mga abogado ng Dos ang mga nasabing kontrata. Gusto nilang malaman kung may mga butas ba ito na pwedeng ground para i-terminate ang mga kontratang ito  upang sa gayon ay makalipat sila ng network.

Ang usapang ito ay sa pagitan lang ng Solar Sports at si Manny dahil hindi naman hawak ng GMA 7 ang kanyang boxing career.

Habang nasa UK si Manny ay napagdesisyunan nga raw niya na sa Dos na ipapalabas ang laban niya kay Ricky Hatton. In fact, nauna raw ang HBO na kinunsider ng kampo ng boksingero.

Ayon sa aming Pusang Gala, wala raw nakita ang mga abogado ng Dos upang ipasawalang bisa ang kontrata ni Manny sa Solar Sports. Dahil si Manny nga naman daw ang lumipat sa Dos at alam naman ng pamunuan na malaking pera din ang iaakyat ni Manny sa istasyon, sino naman daw sila para tumanggi sa grasya lalo na at panahon ngayon ng krisis?

Dahil walang grounds for termination, iminungkahi nga raw kay Pacquiao na bilhin na lang ang kontrata sa Solar. Legally, pwede itong i-buy out  basta magkasundo sila sa presyo. As expected, nagpaalam ang kampo ni Pacquiao sa Solar at sa GMA pero nagulat sila na malaki pala ang babayaran ni Manny para ma-buy out ang kontrata. Sa katunayan, mas malaki pa ang ibabayad niya kaysa kikitain sa laban. Idagdag pa daw dito ang mga babayaran niya sa GMA kapag sila naman ang maghabol sa pinirmahan niyang kontrata.

Sinigurado daw ng Dos na desidido talaga si Manny na lumipat sa kanila kaya nag-offer din sila ng porsiyentong babayaran para sa mangyayaring buy out. Willing daw ang Lopez-owned network na makihati sa bayarin. Ilang beses daw nilang tinanong  si Manny at nakita nila na talagang desidido ito kaya sila nagtiwala. Kaya naman daw pinadalhan siya ng script sa sasabihin nga niya sa kanyang interview. Ilang beses daw nagpabalik-balik ang script kay Manny, sa lawyer niya, at sa Dos dahil marami daw binago ang kampo ng una.

Ibig sabihin ay may consent si Manny sa sinabi niya sa TV Patrol. Sa katunayan, parang sariling salita na rin daw ng boksingero dahil yung original nilang script ay hindi na nasunod pa.

Pero dahil sa laki ng halaga na babayaran nina Manny sa Solar, napag-isipan daw nito na bakit pa siya magbabayad ng malaking halaga kung hindi niya naman kikitain. Kaya minabuti na lamang daw niya na ituloy ang kanyang kontrata sa Solar dahil kikita naman daw siya na hindi pa nagpapalabas ng kahit singko.

Nirespeto daw ito ng Dos kahit sabihin pa natin na napurnada ang kanilang pagsubok na masulot nga si Pacquiao. Ang rason na lang daw nila ay hindi naman daw sila ang lumapit kundi ang boksingero.

Ang ikinasama lang daw talaga ng loob nila ng husto ay ang pagsisinungaling nga ni Manny na diniktahan siya ng Dos sa mga sasabihin sa interview. Disappointed daw ang maraming personalities na malapit sa ABS CBN tulad na lang nina Noli de Castro, Lito atienza, Cojuangco at ilan pa na nag-pramis ng tulong para ikampanya si Pacquiao kapag tatakbo itong Congressman sa Saranggani.

Totoo din daw na nakapangako ang Dos na ipapahiram ang lahat ng mga artista nila kay Manny kapag tumakbo nga siya sa susunod na eleksiyon.

Bilang dagdag na balita, sa kontrata daw ni Manny sa GMA network may nakitang loophole ang mga abogado ng Dos at balak nga raw yata i-capitalize itong pag-uwi ni Manny mula sa kanyang laban.

Ano kaya ito? Hindi rin alam pa ng Siete Contra Dos kung ano nga iyon.
Get free website for your blog

READ MORE >>

Friday, March 20, 2009

ABS CBN Should not Be Blamed by Manny Pacquiao's Decision

First and foremost, please be reminded that the writer of this article is Kuh Chara and not Karl Zada. If yo have read Karl's article on Manny just below my post, you will understand why I am cautioning everybody. Thank you. You may now proceed on reading.

I ended my last entry in this blog by enumerating those celebrities on television and movies who are gunning for public positions comes national election. I forgot to include the latest personality who is the hottest topic so far in discussion boards and forums, Manny Pacquiao. And since I've told you already about my stand on these people who are seeking for public positions, definitely, Manny will never ever get my support on that aspect.

Lumabas na nga ang tunay na dahilan ng pang-iinsulto ni Manny sa Solar Sports and GMA 7. Kaya pala inilipat niya ang coverage ng kanyang laban kay Ricky Hatton sa ABS CBN ay dahil na rin sa pangarap niyang kumandidato uli sa susunod na eleksiyon. Mas pinapanood ang ABS CBN sa South Cotabato kung saan niya balak tumakbo bilang Congressman kaya wise move nga naman na kailangan na mapanood siya sa ABS CBN para mas tatatak ang kanyang pangalan sa mga tao sa South Cotabato. Kung mananalo nga naman siya kay Hatton, sigurado ang tingin sa kanya ng mga tao ay HERO at pagdating ng halalan ay sigurado na siya na nga ang isusulat sa balota.

Pero MALI si Pacquiao dahil inilipat niya ang coverage na hindi niya muna inayos ang magiging problema. Imbes na bumango ang kanyang pangalan, nalagyan tuloy ito ng mansta. Now, what he did is not excellent. Wala naman problema kung pipiliin niya ang Dos dahil iyon ang makakatulong sa kanya pero may kontrata pala siya sa Solar Sports at GMA 7 na still in effect.

Akala siguro ni Manny ay ganun na lang kadali ang mag-revoke ng isang kontrata. Your advisers did not do their jobs well bago ka pinayuhan, Manny.

But let's not blame ABS CBN on this issue (Right, Karl?) kasi para rin lang naman isang businessman ang Dos na ang layunin ay kumita ng pera. Sino naman sila para tanggihan si Pacquiao kung mag-aakyat nga naman siya ng limpak-limpak na salapi sa kaban ng istasyon? Business is business afterall.

Sa palagay ko, kung saang bagay nagkulang lang ang ABS CBN  ay ang aspetong payuhan si Manny na ayusin muna ang gusot bago sila makipag-transact sa kanya ng business. O hindi kaya, na-overwhelmed din lang ang Dos at agad na silang nakipagkasundo?

Pero ganun man ang nangyari, this brouhaha is still between Manny and Solar Sports and GMA 7. Nagba-backfire tuloy ito kay Manny at nakikitaan na siya ng kahinaan ng publiko. Nakikita nila na may mali sa ginawa niyang approach. Now, how would Manny convince the people of South Cotabato that he is the right choice now that people are beginning to think that Manny just wanted media mileage? Ang tingin na sa kanya ay atat at pabugso-bugso, bagay na hindi magandang katangian ng isang pulitiko.

Do you guys who are reading this agree with what I have just presented? What do you think?
Get free website for your blog

READ MORE >>

Thursday, March 12, 2009

Epekto ng Pagiging Agresibo ng Dos

Isang sensitibong paksa ang ating susubukang gawan ng opinyon sa blog entry natin sa ngayon. Sensitibo ito para sa mga tinatawag na loyalists ng Siete at Dos pero wala lang o "pakialam ko dyan" attitude naman para sa mga walang kinikilingan in the service of the Filipino people. O di ba, ma-incorporate lang ang taglines ng dalawang istasyong magkaribal kaya kahit ano na lang ang maisulat ko? Huh!

Anyways, nabalitaan niyo na siguro ang tensiyon na namagitan sa dalawang magkalaban na showbiz talkshows tuwing Linggo sa burol ni Francis Magalona. Ang Showbiz Central at The Buzz ay nagpang-abot sa Christ The King Chapel ng Green Meadows noong 8 March 2009 na maaring nasaksihan ninyo sa TV screen niyo habang pinapanood ang The Buzz. Habang ini-interview ni Kris Aquino ng live ang na-biyuda ni Francis M. na si Pia Magalona, makikita ang staff ng Showbiz Central sa likod nila. Si Pia Guanio naman ng Showbiz Central ang naunang nag-interview ng live kay Pia M.

Matatandaan na habang nakasalang si Pia M. at Pia G. sa show na SC, biglang dumating daw ang staff ng The Buzz sa pangunguna ni Kris Aquino. Nagulat ang pamilya Magalona sa kanilang pagdating dahil maaga pa raw ay tinanggihan na nila ang interview sa naturang show. At para maiwasan ng SC na mag-krus ang landas nila with Kris and The Buzz, natagalan tuloy ang interview kay Pia M. ni Pia G. pero pinakiharapan pa rin daw ng asawa ni Kiko si Kris sa pakiusap ng anak niyang si Maxene na una nang kinulit ng staff ng Dos para ma-interview.

Ang tanong, bakit pa rin nagpunta ang staff ng Dos kung tinanggihan na pala sila ng pamilya ng namatayan?

Malinaw na minumulto ang Dos ng sarili nitong multo.

Kung babalikan natin ang mga kaganapan sa showbiz, ang Dos ang nagpasimula ng exclusivity sa mga coverage ng mga events ng mga talents nila. Sila rin ang nag-umpisa na ang isang artista ay maging exclusive para sa network lang nila.

Noong namatay si Rico Yan noong 2001, naalala ko pa na ginawa talaga ng Dos na exclusive ang coverage sa kanila lamang at binantayan talaga ang burol ni Rico. Meron pa ticket noon para malimitahan o maharang ang dapat maharang noong panahon na iyon. Walang nagawa ang Siyete kundi irespeto ito.

Ngayon naman na talents ng Siete ang namatay sa katauhan nina Marky Cielo at Francis Magalona, nakita natin ang pagkakaiba. Hindi ginawa ng Siete ang ginawa ng Dos. Hindi nila ginawang exclusive ang coverage at hinayaan nilang makakuha rin ng footage ang Dos. Though, natural na priority ang Siete.

Ngayon dahil mas marami ang mga kaganapan involving the talents of Siete, nagiging aggressive ang Dos para mapantayan o maunahan sa coverage ang kalaban. Hindi lang sa pagkamatay nina Marky at Francis kundi sa coverage na rin kay Manny Pacquiao kung saan naging kontrobersiyal si Dyan Castillejos.

Natural lang na layunin ng Dos ang makakuha ng istorya sa mga kaganapan na ito dahil maiiwan sila sa ratings kung hindi sila magpalabas ng balita tungkol sa pinaka-mainit na isyu. Naiintindihan ko iyan dahil nagtrabaho rin ako sa ganitong environment. Dahil hindi nila talents ang mga involved, dito na sila minumulto sa sariling multo na ginawa nila.

"Whatever it takes" na raw yata ang batas ngayon sa lahat ng programa ng Dos ayon sa isang kaibigan na nagtatrabaho sa media. Walang dudang mas aggressive ang Dos kaysa sa Siete dahil iba nga naman daw kapag nauuna ka sa isang balita. Nakakadagdag daw iyan ng popularity at followers ng isang show. I totally agree and all of these are in the name of ratings.

Pero dahil sa pagiging aggressive, maraming bagay ang nakakaligtaan na obserbahan - ito ang mga maliliit na bagay na dapat igalang. Dahil sa pagiging aggressive masyado ay nakakalimutan na natin ang salitang respeto.

Sa kaso ng Dos, alin ang mga bagay na ito? Una na dyan ang hindi pag-intindi ni Dyan na dapat iniiwan din sa Manny Pacquioa na mag-isa para makapagpahinga mula sa laban sa boxing. Ang ginawa ni Dyan ay talagang binantayan niya ang mga pagkakataon para makalapit siya kay Manny.

Pangalawa na dito ang pagkuha at pagpapalabas sa mukha ni Marky habang nasa kabaong sa kabila ng paki-usap ng ina. Nandyan din ang kaso sa Aquafest sa Camarines Sur kung saan nakuhanan ng Dos ang kissing scene nina Carla Humphries at Raymond Gutierrez. Bawal na raw noon ang camera sa oras na iyon sa lugar na iyon pero nagpumilit daw ang Dos. Hindi sila sumunod sa patakaran. At ang huli nga ay ang pagsugod pa rin ni Kris Aquino sa burol ni Francis kahit wala na silang appoinment.

Sa The Buzz, sinabi ni Kris on air nang tanungin siya ni Ruffa kung nakausap na ba niya ang asawa ni Francis na "hindi pa at idinugtong nga niya na kailangan daw nila i-respeto o intindihin ang katotohanan na si Kiko ay nagtrabaho sa Siete kaya nasa kanila ang istorya at exclusivity."

Pero bakit pa rin sila nagpunta sa burol kung ganun pala ang sitwasyon at nasabihan naman na sila in advance?

Isang lang ang gusto namin tumbukin dito, hindi masama na maging aggressive ang Dos sa pagkuha ng balita pero dapat sa kabila nito ay igalang pa rin nila ang mga maliliit na bagay na dapat igalang. Walang masama sa pagiging aggressive pero alam din dapat ng Dos na mag-preno kapag kailangan.

Noong umpisahan ng Dos na ipatupad ang exclusivity ng isang bagay, hindi yata nila na-foresee ang epektong ito. At para maresolba itong negative effect na nito sa kanila, natuto silang maglaro aggressively pero isang problema na naman ang naisilang - iyang ang pagkawala ng salitang respeto sa gitna ng laro.

I want to hear your piece here.

READ MORE >>

Sunday, February 22, 2009

Marvin Agustin, Paborito ng Siyete; Kulang ang GMA 7 ng Diskarte to Push Their Homegrown Talents

Marami na ang mga nagtatanong o nagtataka sa bagiging bankable ni Marvin Agustin sa Siyete simula ng siya ay lumipat ng istasyon mula Dos. Isa sa ipinagtataka ng mga kasamahan niya sa bago niyang tahanan ay hindi siya nababakante ng mga projects simula nang lumipat siya. Kapag nagtapos ang isa ay meron na namang susunod. Kaya tuloy nagtatanong na ang mga iba pang Kapuso talents kung gaano ba siya kalakas sa management. Kaso nga lang ay wala pa ni isang nag-o-open up sa kasong ito sa mga executives.

Oo nga naman, kahit siguro ako ay magtataka rin lalo na kung ako ay home grown talent. Tila mas pinapaboran pa ng network ang mga artistang lumipat lang sa kanila or yung mga artistang hindi hawak ng GMA Artist Centre. Just take the case of Heart Evangelista, JC de Vera, Jennylyn Mercado (kahit nagsimula siya sa Starstruck ay hawak pa rin siya ni Becky Aguila), Paolo Contis, Alfred Vargas, Dennis Trillo, etc.

Paano naman ang mga loyal sa GMA na meron naman potensiyal like Aljur Abrenica, Kris Bernal, Jewel Mische, Paulo Avelino, Steff Prescott, etc?

Sa aking palagay, ito ang magiging problema ng Channel 7 kung hindi nila ito mapapansin. Sige sila sa pagbi-build up ng talent pero kapag sumikat naman ay nagkakaroon na ng demands o di kaya lumilipat sa kabila. Hindi lang iyan, problema rin nila ang mga managers ng mga artistang ito lalo na kung may masamang pag-uugali katulad ni Annabel Rama. Ano ba ang ibinigay din sa kanila ni Becky Aguila dati?

It's high time for GMA to wake up na kulang sila sa strategy or planning ba to build up their own talents. Ang focus sana nila is how to market those talents whose contract is with GMAAC. Sumisikat ang batang si Gino dela Pena so I guess GMA has to tap that opportunity. Habang maaga ay isama si Gino sa mga soap operas ninyo at bigyan ng markadong papel. Then tuloy-tuloy na iyang mapapansin. Gino is just one of the many examples na pwede kong sabihin.

Sa kabilang banda naman, isa ito sa mga bagay na maganda sa ABS-CBN. They try to test the popularity ng mga bini-build up nilang artista at kapag nakitaan ng magandang feedback ay lalo nila binibigyan ng magandang projects. Take the case of Kim Chiu and Gerald Anderson.

Isa pa, they try to defend their actors sa mga negative publicities nila. Nakita niyo ba kung paano nila dinepensahan sina Piolo Pascual and Sam Milby against their gay issues?

Noong si Marian Rivera ang nasa gitna ng black propaganda mukhang nagkulang ang pagtatanggol dito ng GMA. Late na sila ng kausapin si Lolit Solis na maging publicist ng dalaga. Naapektuhan na ng mga bad publicities ang pinaka-popular nilang batang actress.

Mukhang nalayo tayo ng husto sa usapin nating si Marvin Agustin. Pero okay lang iyon dahil itong blog naman natin is more on our opinions sa mga bagay-bagay sa showbiz.

READ MORE >>

Wednesday, February 11, 2009

GODDESS OF PHILIPPINE TV is launched.


Siete Contra Dos is launching the search for the GODDESS OF PHILIPPINE TV.

This is our way of honoring the best female young star of our generation. When we say Goddess of Philippine TV, she must be the most successful, beautiful and popular young star of today. Aside from these qualifications, she should also be the best in acting category. In other words, she should be the creme-de-la-creme. She should also be a role model.

HOW TO DETERMINE THE WINNER:

1. Public votes - you, the readers, fans and supporters
2. Scores from 10 judges - 3 judges are Kapuso addicts and another 3 are Kapamilya addicts; 4 are swing viewers

The 10 judges determine the Top 100 Female Young Stars we have today in our entertainment industry. To make the battle for both leading networks even, 50 female stars come from Kapuso and the other 50 are Kapamilya talents. The top 50 young stars on each channel will be evaluated based on Beauty (20%), Sexiness (20%), Popularity (30%), Acting /Singing Ability (15%) and Bankability (15%).

PROCESS OF ELIMINATION:

Every week, 10 Kapuso talents will be fitted against another 10 Kapamilya talents. These talents will be chosen randomly from the list of the Top 50 of each network the judges initially determined for us. So, there will be 20 talents competing for your votes every week for 5 weeks.

Each week, the top 10 will go on for the Top 50 Female Young Stars.

The remaining 50 female stars will again enter the second phase of elimination through public votes. Each week, 10 young stars will again try to win your votes. They will be chosen randomly. The top 5 on each week for 5 weeks will make the Top 25 Female Young Stars.

On the third phase of elimination, all the remaining 25 young stars will be fitted against each other for the Top 10 final slots. The 10 judges come back here to score the remaining 25 female stars. Their judgement makes 25% of the overall score of each female star and the remaining 75% comes from the public votes.

For the Final 10 Female Young Stars, the votes they garnered from day one until the proclamation of the Final 10 will make 15% of their overall scores. The other 75% comes from the votes they will gather from the from the day they were proclaimed Top 10 until the end of the search. We call that stage the Voting Marathon.
The 10 Female Young Stars with the highest accumulated points go on to compete for the title of GODDESS OF PHILIPPINE TV. They will be judge purely by the public at this time.

Here is the timeline:

Week 1-5: 10 Kapuso and 10 Kapamilya talents compete through public votes. The Top 10 will move on for the second elimination. TOP 50 are determined

Week 6-10: 10 talents chosen randomly from the Top 50 compete through public votes. The Top 5 will move on for the third round of elimination. TOP 25 are determined.

Week 11-14: All remaining 25 talents will be scrutinized by our 10 judges. The judges' scores make up 25% of the overall score of each talent. The public continues to vote during these weeks. The public vote in these weeks will be measured as 75% of the overall score. The accumulated votes the talents garnered since the first day of the competition will be added here so don't stop voting for your idols. A separate thread will be made for this. TOP 10 are determined.

Week 15-22: The remaining Top 10 Female Young Stars compete for the public votes.


Week 23: Announcement of the GODDESS OF PHILIPPINE TV. The winner of the Siete Contra Dos will also be determined.

This search is expected to run from February 14, on Valentines Day, to July 31 of this year.We are doing this to determine which channel has the best female young stars today.

So let's have fun and support your idols and this contest.

Thank you.

READ MORE >>

Saturday, February 7, 2009

Demolition Job ng ABS-CBN kay Jewel Mische

Isa si Jewel Mische sa mga talent ng GMA Channel 7 ang may pinakamagandang mukha sa mga nagsusulputang mga bagong artista. Malakas ang appeal ni Jewle lalo na sa mga kalalakihan at meorn siyang potential na maging premyadong aktres kung mabigyan siya ng tamang push mula sa kanyang mother studio.

Jewel is indeed a jewel.

Dahil sa kadahilanang ito, hindi lingid sa kaalaman ng ABS-CBN ang bagay na ito na matagal nang binabalak i-pirate ang dalaga mula sa Bulacan. Pero dahil ang Ultimate Sweetheart ng Starstruck 4 ay may kontrata pa sa Channel 7 na nagbibigay pa sa kanya ng mas maraming taon sa Kapuso channel, nawalan ng pag-asa ang Kapamilya network na makuha ang dalaga.

At dahil na rin isa si Jewel sa mga ipu-push ng GMA para sumikat ngayong taon, naalarma daw ngayon ang kabila knowing that Jewel has the capacity to make it big in the entertainment industry.

Ngayon, Jewel is in the midst of a controversy - isang issue na pilit pinapalaki ng ilang manunulat ng ABS-CBN to discredit KC Concepcion's look-alike. Mas maganda nga lang si Jewel ng kaunti.

Sinasabi ng ilan sa Kapamilya na nagtatago si Jewel sa atraso nitong talbog na tseke. Pilit nilang inilalarawan ang bata bilang estapadora o mangungutang ng hindi nagbabayad. Iyan daw si Jewel na napakabata pa sa edad na 18.

Hindi maiiwasang makilala ang ABS-CBN sa ilan nitong "marumi" taktika para muling makuha ang pinakamalaking porsiyento ng mga manood sa Kamaynilaan na pinanghahawakan sa ngayon ng karibal nitong istasyon ng halos 5 taon na.

So, ang pagpapalaki sa "isyu" ni Jewel ay isa na namang malinaw na "demolition job" ng ilang manunulat na sobrang loyal sa Channel 2. Maaga pa lang ay sinisira na nila ang kredibilidad ng bata para wala itong tsansang sumikat. Meron silang demolition job kay Marian Rivera at accomplice dito si Boy Abunda ayon sa aking kakilala sa showbiz. Nag-imbento na rin sila ng mga false witnesses para kunyari paratangan ang GMA na tina-tamper ang ratings sa Bacolod - isang bagay na ibinasura na ng korte. Kung isa-isahin natin ang mga ito ay aabutin tayo ng isang dekada sa pagsusulat kaya mas mabuti na lang babanggitin natin ito habang tumatagal ang site natin.

Balikan natin si Jewel Mische.

Pinabulaanan na ng dalaga na nag-issue siya ng tsekeng tumalbog dahil ayon sa kanya ay never pa raw siyang nagkaroon ng checking account sa kahit anong bangko. Inamin niya na ang nanay niya ang may kasong ganito pero ayon sa kanya ay hindi raw nila tinatakbuhan ang bagay na ito. Nangyari lamang daw ito ng hindi sinasadya at talagang dumarating ito sa buhay ng kahit sino. Pero nabayaran na raw ng lola ni Jewel ang taong pinag-isyuhan nila ng tseke.

Kawawang Jewel dahil pilit siyang hinihila ng ilan sa Kapamilya sa isyung ito kahit malinaw pa sa sikat ng araw na walang kinalaman ang bata sa kaso.

Bilang pagsarado ko sa post kong ito, sasabihin kong gumagana na naman ang kaswapangan ng ilang manunulat sa Channel 2.

READ MORE >>

Saturday, October 4, 2008

A Petition to OUST Cristy Fermin

THIS IS AN OPEN LETTER TO ABS-CBN, PSN AND DZMM. I decided to write the letter in Tagalog. I make it simple.

Dear Sir/Madam:

Gusto po naming iparating sa inyong kinauukulan ang isang bagay na parang hindi natin napapansin tungkol kay Cristy Fermin.
Iisa po ang tinig ng mga tumatangkilik ng iyong mga palabas sa telebisyon at pahayagan. Ito ay ang katotohanan na lahat po kami ay hindi na nasisiyahan pa sa ginagawa ni Fermin. Malinaw po sa amin na ginagamit niya lamang ang mga pribelihiyong inyong ipinagkaloob sa kanya para sirain ang isang taong walang kalaban-laban.

Maganda sanang basahin ang mga column o panoorin ang mga palabas ni Fermin kung itong ay kapupulutan ng isang aral sa buhay or kung ito sana ay pawang katotohanan lamang. Pero dahil sa mga nangyayari, malinaw po sa amin ang gusto ni Fermin na gamitin ang kanyang mga programa para banatan at ilugmok ang isang taong pilit na nagsusumikap na hindi maiskandalo.

Ang kanyang mga pahayag ay punum-puno ng kayabangan, kasinungalingan, poot, paghihiganti at paninira sa kanyang kapwa - isang bagay na hindi dapat katangian ng isang responsableng mamamahayag kung maituturing ba nating mamamahayag talaga itong si Cristy.

Isang halimbawa dito ay ang pagbibigay niya ng kanyang napaka-brutal na pahayag laban kay Nadia Montenegro. Ang kanyang pandadamay sa isang batang paslit sa isang usapin o away ay napaka-irresponsable. Meron pa siyang ganang ipangalandakan sa mundo na dapat tinatakpan na lang sa ilong ang isang sanggol para mahugutan ng hininga. Hindi man ito ang eksaktong salita ni Cristy pero malinaw sa amin na iyan ang gusto niyang mensaheng ipalabas.

Isinisigaw naming walang kredibilidad si Cristy at ang kanyang mga ginagawa ay dapat nang maputol. Dapat na siyang mabigyan ng leksiyon. Dapat na siyang patawan ng isang karapat-dapat ng parusa.

Iisa lang po ang gusto namin, TANGGALIN si CRISTY FERMIN sa ABS-CBN, PSN at DZMM at sa lahat ng mga pahayagan kanyang pinagsusulatan.

Kami po ay magpapatanggal muna ng aming subscription sa TFC; hindi bibili ng PSN or makikinig sa DZMM hanggang hindi namin nababalitaang hindi pa tinatanggal si Cristy Fermin.

Ako po ang boses ng mga milyon-milyong Pilipino na nakakalat sa mundo na ang gusto lamang ay maituwid ang isang tao sa paraang mabigyan siya ng kaukulang parusa. Ito po ang aming panawagan para magising sa isang mulat na katotohanan na si Cristy Fermin ay hindi dapat pamarisan.

Gumagalang,

Makisig


P.S.

Sa mga gustong makatulong sa kapwa sa paraang dapat ginigising ang isang mapanirang tao, paki-forward na lang ang iyong pangalan at lokasyon sa pamamagitan ng comment at every other day ay aking titipunin ito para ma-ipublish sa aking blog. Pakiforward na rin ito sa mga kaibigan ninyo. Your comment will do.

Ang blog na ito ay para sana sa mga personal kong pananaw sa mga pinapanood ko sa ABS-CBN at GMA pero dahil sa sobarang inis na ako kay Cristy ay pansamantal ko rin itong gagamitin para maiparating sa ating lahat na kailangan nating magkaisa para kalampagin ang konsensiya ni Cristy Fermin.

Sisikapin kong mai-forward ito sa kinauukulan sa tulong ng mga kaibigang nagtatrabaho sa mga istasyong pinaglilingkuran din ng ating paksa.

Makisig

READ MORE >>

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO