Showing posts with label Jennica Garcia. Show all posts
Showing posts with label Jennica Garcia. Show all posts

Monday, April 20, 2009

Gee Ann Abraham Takes Top Position in this Week's Elimination of GPTV

After garnering a total votes of 25,360, Gee Ann Abraham emerged victoriously in this week's elimination of the Second Face-off of the Goddess of Philippine TV search after placing on top of the ranking. Abraham defied all odds as her fans worked day and night to contest her closest rival, another Kapamilya star, Angel Locsin who settled second in the ranking.

Locsin accumulated 22,161 votes, just 3,199 points away from Abraham's votes. Earlier before the elimination, Locsin was touted to be the leading force in this batch of 10 female young stars who fitted against each other on this week's race to Top 5.

Locsin and Abraham just qualified to take their slots in the Final Top 25 of our 100 Top Female Young Stars of the Philippines where the Goddess of Philippine TV will come from.

Interestingly, the two artists are the only Kapamilya talents in this batch. The other seven are all Kapuso talents. Both of them managed to stay on top for most of the days in their elimination week.

Joining them on Top 5 are Jennica Garcia, Maxene Magalona and Nadine Samonte. All ladies are now also part of the prestigious Final Top 25.

Garcia is the leader of the Kapuso artists in this batch after placing third with 9,462 votes. Magalona came in fourth with 9,433 votes. Samonte was lucky enough with her 9,425 votes to snatch fifth place.
All of them will be back on April 29 for another round of elimination. They will try their luck again as they will race to the Final Top 10.

The five female stars who didn't make the cut this week are Julia Clarete with 9,406 votes, Yasmin Kurdi with 8,187 votes, Nikki Leona Dacullo with 7,882 votes, Aicelle Santos with 1,451 and Carlene Aguilar who got 1,372 votes only.

They are now eliminated.

READ MORE >>

Friday, April 10, 2009

Coffe Prince ng Siete, Hindi na Matutuloy Pa

A writer or a columnist for Fox News was fired Tuesday after writing a review of the hacked movie, X-men Origins: Wolverine. The said movie is scheduled for release at the end week of April but it was available for viewing through file-sharing websites last week when an almost edited copy was stolen.

Roger Friedman, the writer, in his review, admitted he downloaded the file and watched it. Little did he know this would be the cause of his job termination although he praised the film. That's the prize for being too honest.

I am glad I am not writing for any publication nowadays or else I would have experienced how to be "fried" also for writing about this here. Unlike Friedman, I did not download the said file and never watched it online.

***********
Alam namin na marami ang excited at nag-aabang sa Pinoy adaptation ng Siete sa sikat na Koreanovelang Coffee Prince. Batid din namin na maraming online petitions ng mga fans kung sino sa mga artista ng Siete ang gusto nilang gumanap na bida sa soap na ito.

Nandyan ang mga pangalan nina Jewel Mische, Jennica Garcia, Marian Rivera, Lovi Poe, Katrina Halili, Chynna Ortaleza at ilan pa.

Pero sad news ito sa mga fans na nag-aabang dahil hindi na raw pala gagawin ng Siete ang naturang Koreanovela. Ayon sa kumpirmasyon ni Kuya German Moreno sa kanyang column sa PSN, hindi na raw interesado ang Siete na gawan ito ng version.

Matatandaan din na bago ang balitang ito, sina Jennica Garcia at Dennis Trillo sana ang gaganap na mga bida pero hindi na ito matutupad pa.

Siguradong may problema sa soap opera na ito kaya hindi na lang gagawin. Imposible namang basta ayaw na lang ng management ng Siete ng ganun na lang. Posibleng hindi nagkasundo sa budget o nahihirapan sila sa pagkuha ng rights. Posibleng may problema sa mga transaksiyon o sa mga artistang gaganap sana. Maraming posibilidad pero hindi pa natin alam kung ano talaga ang tunay na dahilan. Hanggat hindi nasasagot ito, hahaba ang listahan ng posibilidad.

READ MORE >>

Monday, March 30, 2009

Aminan sa Showbiz - Jennica Garcia at ang Aktor na Umaming Pumapatol sa mga Bading

Kahit maraming kasinungalingan o pagtatakip ang nangyayari sa showbiz, may mga artista pa rin na umamin just lately sa mga issue na kinasangkutan nila. Isa na rito sina Jennica Garcia at ang dating member ng male group na Viva Hot Men na si Cedric Javier.

Matagal din na naging palaisipan sa mga taga-hanga nina Jennica at Mart Escudero sa mga bali-balita at blind items na naisulat din namin dito tungkol sa nangyaring hiwalayan nila bilang real lovers.

Noong isang linggo pa umamin ang dalagang anak ni Impaktita (pelikulang pinagbidahan ni Jean Garcia kasama si Richard Gomez.) Inamin na nga niya na hiwalay na sila ng kanyang boyfriend na si Mart. Sabi pa niya na "she's finally moving on".

Marami ang nagduda kasi kung nangyari nga ba hiwalayan dahil noong kasagsagan ng balitang ito, laging nagde-deny si Mart na wala na sila ni Jennica. Pero dahil tahimik ang dalaga, marami pa rin ang hindi nakumbinsi ng binata.

Totoo ang third party na naging sanhi ng hiwalayan nila ayon na rin sa aming Pusang Gala. Ang tanong ngayon ng Siete Contra Dos, paano na lang ang career ng dalawa lalo na si Mart?

Sayang, as in Sayang na Sayang ni Manilyn Reynes, ang hirap ng kanilang mother studio para ma-build up ang loveteam ng dalawa. Kung kailan sila tinatanggap ng mga kabataan na manonood ng telebisyon, saka naman nangyari ito, himutol ng isang taong malapit sa kanila.

Sa aming palagay, madali lang maka-recover si Jennica dahil anak na siya ng isang artista pero hindi namin masasabi ito para kay Mart, lalo na siya ang lalaki. Tama ba kami, Wowie de Guzman?

Hindi na rin siya pwedeng itambal uli kay Kris Bernal na siyang partner niya sa Starstruck 4 bilang Ultimate Sweethearts dahil si Kris ay binakuran na ng fast- rising star na si Aljur Abrenica.

This should serve you a lesson sweetie Mark.

**********
Wala nang excitement o pagtataka sa mga ilang tao na nasa close perimeter ng showbiz nang umamin ang dating miyembro ng Viva Hotmen na si Cedric Javier na pumapatol nga siya sa mga bading para sa pera.

Si Cedric din yung nasa kumalat noon na isang sex video.

Matagal ng blind item ito at usap-usapan sa mga forums o discussion boards dahil na rin sa mga kiss-and-tell na naging client ni Cedric. Maliban sa pagpatol sa third gender, na-tsismis din na isa rin siyang bugaw dahil nire-recruit niya ang kanyang mga kasamahan sa showbiz.

Sa parteng ito nag-deny ang gwapong binata. Ayon sa kanya, referral program lang daw ang nangyari, meaning - naging tulay lang siya sa mga aktor na gusto rin mai-kama ng mga naging kliyente niya. Kumbaga naging The Messenger lang ang kanyang drama at bahala na yung mga aktor na ito kung papayag sila o hindi.

Hindi na bago ito sa showbiz dahil marami sa kanila ang gumagawa na nito. Yung mga iba nga diyan ay nagkapangalan dahil na rin sa pagpatol sa mga baklang maiimpluwensiya.

Pero hanga kami kay Cedric, huh, hindi dahil nalibugan at type din namin siya kundi sa tapang niya na aminin ito. Of course, napapanood ito ng kanyang pamilya at mga kamag-anak. At paano na rin kung siya lay umagay na sa tahimik? Baka ayawan na siya ng babaing minamahal niya. Lahat ba ng mga babae ay ayaw sa mga lalaking pumatol sa mga bading? Pakisagot nga ito mga mahal naming mambabasa.

Pero mas gusto ko na lang na naging pahada si Cedric kaysa naman naging mandurugas, isnatser o magnanakaw. At least, nagbibigay pa siya ng kaligayahan sa ilan at sarili niyang katawan ang inaagrabyado kaysa naman mambiktima siya ng mga inosente. Naku kung lahat sana ng mga mamamatay-tao, sindikato at ilang pang uri ng mga magnanakaw ay naging pahada na lang, sigurado ako na mas tahimik sana ang mahal nating Pilipinas. Payag kaya ang mga kabadingan dito? LOL.

Kahanga-hanga rin ang binata dahil hindi niya pinabayaan na walang patutunguhan ang kanyang ginagawa. Dahil sa ginawa niyang ito, nakapag-ipon daw siya at nakakuha ng isang negosyo.
Get free website for your blog

READ MORE >>

Saturday, February 28, 2009

GPTV Batch 2 Elimination, Sino ang Pasok sa Top 10?

Isang linggo na naman ng elimination para sa ating search for the Goddess of Philippine TV ang natapos kagabi sa ganap na 11:59 pm. Nanguna dito ang pambato ng Kapamilya network na si Angel Locsin na sinundan ng isang pang Kapamilya talent na si Rachelle Ann Go. Isa pang Kapamilya na nasa Top 4 ay si Toni Gonzaga.

Isang obserbasyon ng kasamahan namin dito sa blog na ang nangunguna ngayong actress para sa Dos ay mga galing ng GMA. Si Rachelle ay produkto ng isang singing competition ng Siyete samantala nakilala at nagkapangalan si Angel sa Siyete. Si Toni naman ay nakilala sa Eat Bulaga at iba pang programa ng Siyete.

Si Rhian Ramos ang may pinakamataas ng pwesto sa hanay ng mga Kapuso artists. Siya ang nasa ikatlong pwesto pagkatapos manguna ng halos limang araw. Si Diana Zubiri ang pumuno sa Top 5.

Ang ilan pang nasa Top 10 na umabante para sa Top 50 ay sina Jennica Garcia, Lovi Poe, Gee Ann Abraham, Roxanne Guinoo at Katrina Halili.

Hindi naman pinalad sina Bianca Gonzales, Maggie Wilson, Iwa Moto, Arci Munoz, LJ Reyes, Kaye Abad, Lauren Young, Cassandra Ponti, Karel Marquez at Irish Fullerton na makapasok sa Top 10 na naging dahilan ng tuluyan na nilang pagkakatanggal sa ating search. Wala na silang pagkakataon pa na maging Goddess of Philippine TV para sa taong ito.

Kumpara sa figures ng mga boto para sa mga artistang kasali sa first batch of elimination, hindi masyado successful ang batch na ito dahil mas konti ang mga suportang fans. Kung nakatanggap kami ng halos 23,000 na boto last week, ngayon ay wala pa sa kalahati dahil ito ay nasa 4,580 lamang. Kung may halos 45,000 pageviews para sa boto lang last week, ngayon ay nasa 7,816 lamang.

At dahil Siete contra Dos ang pangalan ng ating blog, ngayong linggo ay Dos naman ang nanalo kahit parehas na tiga-lima ng Kapuso at Kapamilya artists sa Top 10. Mas marami kasi ang mga Kapamilya ang may mas mataas n pwesto.

Samantala, nag-umpisa na ang botohan para sa Batch 3 at isa sa mga prominent names dito ay sina Heart Evangelista, Jennylyn Mercado, Bea Alonzo, Maja Salvador, Angelica Panganiban, Kris Bernal, Camille Pratts, Jodi Santamaria at Glaiza de Castro.

Hiling pa rin namin na suportahan natin lahat sila. Kaya bumoto na muli.

READ MORE >>

Wednesday, February 25, 2009

GPTV UPDATES: Angel Locsin is Our New Leader

GPTV UPDATES: Tulad nga ng una naming inakala, naging number one na si Angel Locsin sa ating poll this week para sa Goddess of Philippine TV. May 87 votes (as of 4 pm of 25 February 2009 Philippine time) na lamang na siya sa dating number one na si Rhian Ramos na nasa pangalawang pwesto naman.

Mukhang na-challenge yata ang mga Angel fans at mga loyal viewers ng Kapamilya network dahil puro artista uli nila ang mga nagpakita ng tremendous improvements sa bilang ng mga boto.

Triple ang boto ng mga Kapamilya kumpara sa mga Kapuso ngayong araw na ito. Tatlong Kapamilya artists na ang pasok sa Top 10 pero kung patuloy naman na hindi kikibo ang mga Kapuso loyal viewers ay malamang mas dadami pa ang mga taga-Dos na makapasok sa Top 10 sa pagtatapos ng botohan para sa batch na ito.

Maganda rin ang ipinakitang suporta ng mga taga-hanga ni Toni Gonzaga dahil mula sa pangsampung puwesto ay umakyat siya sa panlima. Ganundin ang nangyari kay Rachelle Ann Go na nasa pampitong puwesto na pagkatapos nasa lowest 10 simula umpisa ng botohan.

Medyo dumarami na ang mga Kapamilya avid fans ang nagpapakita ng kanilang suporta sa mga artista nilang kasali sa search for the Goddess of Philippine TV pero parang kabaligtaran naman ito sa sitwasyon ng mga Kapuso. Mukhang hindi yata pwede magsabay ang dalawang pinakamalaking fan bases ng mga TV networks, huh. Kapag active yung isa dapat yung isa ay passive naman and vice versa yata ang drama. Nagtataka ako?

Para sa mga Kapuso artists, nalaglag na si Arci Munoz sa Top 10 at nanganganib ma-eliminate comes Saturday night. Ang pang-sampung position ni Iwa Moto ay delikado rin dahil malapit na rin itong maagaw ni Roxannae Guinoo.

Tandaan na meron na lang kayong 2 araw para bumoto sa batch na ito. Kaya kung gusto ninyo magpatuloy sa laban ang iyong paboritong artista kailangan mailagay ninyo sila sa Top 10 this week. Sa 11:59 pm ng Sabado (Philippine time) o 27 February, malalaman na natin kung sino ang mga sampung maswerteng aabante sa Top 50 at ang mga hindi papalarin.

Ang kumpletong listahan ay nasa second column ng ating blog o site. Ang last update para sa linggong ito ay bukas na lang. Kaya ipagpatuloy ang pagsuporta sa inyong mga artista.

READ MORE >>

Monday, February 23, 2009

GPTV Updates: Rhian Ramos Nangunguna

Mahina ang suporta sa mga female artists natin na naglalaban-laban para sa second elimination ng search for our Goddess of Philippine TV kumpara last week o noong first elimination.

As of 3 pm kahapon (22 February 2009) nakatanggap lang kami ng 981 votes at 1927 pageviews para sa poll natin sa second elimination alone. Hindi kasama dito yung poll natin sa Mister Poll. Ang figures na ito ay wala pa sa kalahati ng natanggap nating result for last week sa ganito rin time frame.

Si Angel Locsin ang inaasahan naming mangunguna dito pero tinatalo siya ni Rhian Ramos. Para sa amin, nakakapagtaka ito dahil isa si Rhian sa hindi tinatantanan ng mga bad publicities dati at mga hate messages pero mukhang nalampasan na yata ito ng dalaga simula nang magbida sa La Lola. Sa kasalukuyan si Rhian ang leading sa lahat ng 20 female young stars natin na kasali sa poll.

Sa ngayon, muling nagpapakita ng pagiging solid ng mga Kapuso fans dahil walo sa Top 10 ay puro Kapuso stars. Ang tanging Kapamilya stars na nasa Top 10 ay sina Angel Locsin at Toni Gonzaga. Nakakatuwa pa dahil sina Angel at Toni ay nakilala sa Channel 7 na lumipat ng bakod.

Ang tanging dalawang Kapuso stars na wala sa Top 10 ay sina Arci Munoz at Karel Marquez.

Kung magpapatuloy ang trend na ito at hindi magpakita ng solid votes ang mga Kapamilya fans tulad ng ipinakita ng mag Laarnians, posibleng majority of the Kapamilya stars ay mae-eliminate muli sa second face off.

Pero malayo pa naman ang araw bago magsara itong poll natin for this week. Inaasahan namin na magpakita rin ng concern ang mga loyal Kapamilya fans at iboto ang kanilang mga talents.

READ MORE >>

Friday, February 20, 2009

Second Elimination ng Goddess of Philippine TV: Angel Locsin, Isa sa Inaasahang Mangunguna

Magsisimula na ang second elimination ng ating search for the Goddess of Philippine TV mamaya na pagkatapos ng 7 hours and 15 minutes (Philippine time). Iyan ay sa ganap na alas-dose mamayang hating-gabi. Panibagong 20 na female young stars uli mula GMA at ABS-CBN ang mananawagan sa inyong mga boto sa loob ng isang linggo. Ito ay magtatapos sa 27 February.

Kasabay nito ay ang pagsarado naman sa botohan ng first batch ng 20 female young stars from both Kapuso and Kapamilya networks. Mamaya 11:59 ngayong gabi ay isasara na natin ang unang face off at malalaman na natin ang mga sampung talents na aabante sa Top 50. Pero 10 rin sa kanila ang magpapaalam na. Nakakalungkot, ano?

Bukas na rin ng hapon sa Pilipinas namin ia-announce kung sino ang mga unang sampung papasok sa Top 50. Sinadya namin hwag i-update ang poll counts namin kahapon at ngayon para may konti naman suspense.

Balik tayo dito sa Second Face Off for this week. Ang inaasahan na mangunguna dito ay sina Angel Locsin, Toni Gonzaga, Rhian Ramos, Roxanne Guinoo, Bianca Gonzales, Katrina Halili, Diana Zubiri, Iwa Moto at Lovi Poe.

Ang iba pang Kapamilya talents ay sina Kaye Abad, Cassandra Ponti, Gee-ann Abraham, Rachelle Ann Go, Irish Fullerton at Lauren Young.

Ang mga ibang Kapuso naman ay sina LJ Reyes, Jennica Garcia, Maggie Wilson, Arci Munoz at karel Marquez.

Kung silang mga nabanggit na artista ay iyong idolo, gustong manalo, o dahil sinusuportahan ninyo ang network nila, bumoto uli kayo bukas dito sa second elimination. Pwede rin ninyo sila ikampanya tulad ng ginawa ng mga fans ng mga artistang kasali sa unang batch. Ilan dito ay ang mga masisipag na fans nina Laarni Lozada, Aicelle Santos, Marian Rivera at Jonalyn Viray.

READ MORE >>

Tuesday, February 10, 2009

Alfred Vargas and Mart Escudero - Nag-Deny; Jewel Mische Nagsalita Na


I just realized that the title of my post is a little naughty. Pwede kasi iba ang kahulugan nito para sa iba kong readers lalo na kapag it is being taken out of context. Pero hindi ko masisisi kung sakali man iba ang maisip ninyo dahil may double meaning talaga ito habang binabasa mo.

Pwede natin isiping Alfred Vargas and Mart Escudero are both being rumoured as gays na mayroon lihim na relasyon. At si Jewel Mische naman ang star witness at umamin nga that  the two hunks have a special relationship.

Pwede, di ba? O baka naman ako lang ang may malisyang pag-iisip? Pwede rin. LOL.

Pwede rin bigyan ng meaning na halimbawa magkaribal ang dalawang binata para sa pag-ibig ni Jewel. At kailangan mamili ng dalaga sa dalawa kaya siya ay nagsalita na. 

Di ba, marami talaga senaryo ang pwedeng gawin para sa isang taong may malikot na imahinasyon? Pero mukhang magandang plot yung huli at mukha namang may kilig factor ang tatlo kung sakali mang magkaroon sila ng project na sila ang mga bida.

Paging GMA 7 management.

Aba, naligaw na tayo sa tunay kong paksa para sa post na ito. Ang tatlong nabanggit na aktor ay ang mga subjects ko sa last entries ko at nakapagtataka na mainit sila ngayon sa mga entertainment sections ng mga showbiz newspapers.

Isang fan ang nag-email sa akin sa mga links ng pag-deny ni Mart na hiwalay na sila  ni Jennica at ang pag-deny din ni Alfred na isa na siyang binatang ama. Samantala si Jewel naman daw ay nagsalita na raw tungkol sa isyung pilit ipinupukol sa kanya.

Ayon sa aking nabasa, ayon kay Mart, hindi raw totoo na naghiwalay na sila ni Jennica. Buo pa raw ang relasyon nila. Lumabas na rin na ang babae na aking tinukoy sa unang kong post ay anak ng may-ari ng bahay na ginagamit nila sa shooting ng Dear Friends, palabas nila sa Kapuso Network. Mart denied that he courted the said lady.

Pero isa pa rin palaisipan kung bakit ayaw pa rin basagin ni Jennica ang kanyang katahimikan at hinahayaan lang si Mart ang nagsasalita sa media.

Tungkol naman kay Alfred Vargas na parehas yata ang isyu sa kanila ni Mart, nagulat daw siya ng malaman niyang umamin na raw siyang isang binatang ama dahil ang totoo daw ay certified bachelor pa rin daw siya. Matagal na ang isyung ito sa apat na sulok ng showbiz pero wala tayo magagawa kung gustong protektahan ni Alfred ang kanyang image bilang pinagpapantasyahan at hinahabol-habol ng mga babae't bakla. Baka ang ending ay parang kwento rin ito ni Dennis Trillo na noong una ay nag-deny din sa pagkakaroon niya ng anak kay Carlene Aguilar.

Samantala, nagsalita na rin daw si Jewel sa Showbiz Central, pang-Linggong showbiz talkshow ng GMA 7 about sa demolition job sa kanya ng ABS-CBN. Napangalanan na rin ang isang bayarang writer na pilit hinihila ang dalaga sa personal na usaping ito. Sabagay, kahit sino naman siguro nagbabasa ng diyaryo sa Pinas ay malalaman na ito ay pakana ni Jobert Sucaldito, isang reporter ng Channel 2 na napatunayang walang kredibilidad.

Hindi ko pa napapanood ang nasabing show dahil sa aking trabaho pero agad ko siyang papanoorin kapag magkaroon ako ng time.

Sinabi nga raw ng dalaga na never siyang nagkaroon ng checking account at naayos na raw ng kanyang ina ang bagay na iyon.

Naku naman, Jobert Sucaldito!! Hindi ka ba nagkaroon ng leksiyon mula sa nangyari sa nanay-nanayan mong si Cristy Fermin na naghihirap na raw sa ngayon?

READ MORE >>

Monday, February 9, 2009

Third Party sa Mart Escudero at Jennica Garcia Break Up

Nawalan ng ingay ang mga pangalan ng magkasintahang (real and reel life) Mart Escudero at Jennica Garcia nitong nakaraang taon pero unti-unti sila nagkakaroon ng media mileage dahil sa napapabalitang break up nilang dalawa.

Third party raw ang dahilan ng hiwalayan at ito'y sa panig ni Mart. Chickboy talaga yata ang mga Escudero. Nahuli daw ni Jennica ang lahat dahil sa cellphone na naiwan ni Mart. Isang babae ang tumawag at dahil wala ang binata ay napilitan itong sagutin ng anak ni Jean Garcia at Jigo Garcia. Nalaman daw ng pobreng Jennica na kasintahan din ni Mart ang babae sa telepono. Pero nang kumprontahin ni Jennica si Mart ay nag-deny daw ang Kapuso talent na produkto ng Starstruck: The Next Level.

Dahil dito ay napilitan daw si Jennica na tanungin ang babaing caller at dito nga raw niya nalaman na sila ay pinagsabay. Si Jennica na raw mismo ang nakipaghiwalay.

Napakalungkot naman kung ito nga ang tunay na nangyari dahil halatang mas nagmahal si Jennica. Ano na lang kaya ang masasabi ng ina ni Jennica na si Jean Garcia na hayagan noon ang pagkagusto sa binata para sa kanyang anak.

Pero kung sakali man na ito'y ginawa nga ni Mart ay hindi na nakakagulat. Bata pa kasi ang aktor at marami pang alam na kalokohan. Isa sa naalala ko sa kanya ay ang kwentong kapilyuhan na kanyang ginawa sa isang bakla sa loob ng toilet. Umiihi daw ang nasabing bakla nang ito ay video-han ng aktor gamit ang kanyang cellphone.

Meron talaga pagkatuso itong si Mart pero para sa akin ay natural lang iyan sa kanyang edad. Nasa stage kasi siya na hyper at laging curious sa lahat ng bagay. Ganyan din ako noong nasa ganyan akong age. Sige lang ng sige tapos magsisisi sa bandang huli kapag may pagkakamali.

Sana nga maging mature na agad si Mart na Mart Enrico Cruz Escudero sa totoong buhay. Actually, Mark Butler siya dahil ang ama niya ay isang Amerikano at ang ina naman ay isang Filipina.

Kung nakakatawa naman ang paksa, naalala ko ang minsang puna ni Alfie Lorenzo. Si Mark daw ay lumalaki ang butas ng ilong habang nagdadrama bagay na hindi ko naman pa napapansin.

Mapapanood si Mart sa kasalukuyang umaaribang pangatlong tambalan ng pinakamainit na love team sa ngayon - ang Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

READ MORE >>

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO