Saturday, April 4, 2009

Wolverine movie leaked online

Apat na araw na yata nang ako ay magising sa tawag ng isang kaibigan sa aking cellphone. Natataranta siya na ibinalita na puntahan ko raw yung isang website kung saan siya regular na nanonood ng movies online.

"Bilisan mo," utos niya sa amin. "Puntahan mo yung site na ito at panoorin mo agad iyong Wolverine. Iyon yung pelikula ni Hugh Jackman. Sa tingin ko ay na-hack lang ito at na-upload kaagad kasi makikita mo na may tatlong scenes na naka-harness pa si Hugh. Ang linaw ng copy. Kumpleto yung istorya except nga sa tatlong scene na hindi pa nae-edit. Meron doon na lumilipad siyang naka-harness at kunyari sa baba niya ay mga islands pero yung mga islands na iyon ay mga silver na props pa lang!"

"Tumahimik ka nga. Of course, kilala ko si Hugh at ang pelikulang ginagawa niya na Wolverine," sagot ko naman.

Hindi ko binigyan ng importansiya ang tawag niya dahil sa alam ko ay ipapalabas na ang pelikulang X-Men Origins: Wolverine. Late na nang malaman ko na hindi pa pala tapos ang editing ng movie na ito at scheduled for release pa lang sa US ngayong May kaya naman bigla ko binisita ang site. As expected, na-pull out na ito at grabe naman itong kaibigan ko dahil napanood na niya ang movie na hindi pa naipapalabas.

Pero linawin ko lang na hindi namin pino-promote ang piracy or hacking.

Isa ako sa mga sumusubaybay sa X-men series. Naalala ko nga na umiyak pa ako noong 2006 nang ipalabas ito dahil sa pagkamatay ni Jean Grey. Ang tanong namin, gaano kaya ang lalim ng epekto ng leakage na ito sa kikitain ng pelikula? Sigurado na marami na ang nag-download sa pelikula. Paano kaya ito na-hack? Sobra na ngayon sa internet. Talagang hindi ka na secured. Nakakatakot talaga.

Kinumpirma na nga ng producer na may leakage na nangyari at kasalukuyan na itong iniimbestigahan ng FBI sa US.

Ayon sa press release ng 20th Century Fox na siyang producer ng pelikula, ang nakaratign daw sa kanila ay na-upload nga ang movie na hindi pa edited, walang sound o music at wala pang final special effects. Pero ayon naman sa napanood ng kaibigan, kumpleto na raw except doon sa tatlong scene.

O, sige na. Hwag niyo na ako pilitin dahil pati istorya ay ikinuwento na rin sa akin.

**********
Marami kaming natanggap na mga comments sa aming mga blog entries. Inaprubahan lang namin muna yung mga comments na walang foul words. Paumanhin po na hindi muna namin masasagot ngayong araw kasi nagmamadali kami. Babalik kami bukas o di kaya sa Lunes para sagutin lahat sila. Salamat.

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO