Sunday, April 5, 2009

Ipinakikilala ang Third Batch ng GPTV Second Face Off

Kasabay ng Semana Santa ay ang eliminasyon ng pangatlong grupo ng mga artista nating babae sa ngayon kung saan pipilitin nilang makapasok sa Top 25 ng Top Female Young Stars of the Philippines at kung saan  manggagaling din ang sole title na Goddess of Philippine TV.

Pagpatak ng alas-siete ng gabi ng Lunes Santo (6 April 2009) ay ang pagsisimula ng botohan upang alamin kung sino kina Marian Rivera, Toni Gonzaga, Jewel Mische, Maja Salvador, Jennylyn Mercado, Iza Calzado, Erich Gonzales, Katrina Halili, Ryza Cenon at Ehra Madrigal ang papasok sa prestigious Top 25.
Magtatapos ang isang linggong botohan na ito sa ganap na alas-siete uli ng gabi sa susunod na Lunes, 13 April 2009. Sa oras na ito malalaman natin kung sino ang lima sa kanila ang mapalad na aabante sa ating search at kung sino naman ang lima na hindi na mabibigyan pa ng pagkakataong maging Goddess of Philippine TV sa taong ito.

Kaya hwag ninyo silang kalimutan iboto lalo na kung kayo ay isang fan o supporter ng kahit sinong artistang nabanggit sa itaas. Mahalaga ang botohan ngayon linggo na ito dahil dito natin malalaman kung sino sa mga artistang ito ang hindi masasayang ang boto nila sa Poll Daddy.

Kung sino rin ang papasok sa Top 25 ay magbabalik sa 29 April 2009 para naman sa Top 10.

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO