Sunday, April 5, 2009

Dingdong Dantes - Hottest Male Actor; Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang - Pinakamagandang Teleserye

Si Dingdong Dantes at ang soap operang Ang Babaeng Hinugot sa aking Tadyang ang piniling Hottest Male Actor of Today at Pinakamagandang Teleserye ayon sa pagkasunod-sunod ng mga botante sa ating mini poll na naka-post lang sa right side ng ating blog bago ito pinull out ngayong araw na ito.

Mula sa kabuuang boto na 5,641 simula 09 February 2009 hanggang ngayon, 5 April, 2,861 dito ang na-cast sa Pinakamagandang Teleserye at 2,780 naman ang napunta sa Hottest Male Actor.

Tinalo ni Dingdong ang siyam pang aktor natin sa ngayon. 38% o 1,071 ang botong natanggap ng isa sa GMA's leading artists para pangunahan ang poll. Malayo ang kanyang agwat sa pumangalawa lamang sa botohan na si Piolo Pascual na nakakuha lamang ng 15% o 428 boto.
Malayo na talaga ang narating ni Dingdong simula na makilala siya sa programang TGIS noong 1995. Naalala ko ng sila ay ipakilala sa Startalk kasama ang ibang kasamahan niya sa natigbak ng youth-oriented show. Sobrang bata pa niya noon at boy-next-door ang kanyang packaging. Pero bago nito ay isa ng dancer si Dingdong sa dance group na Abztract.

Sa pagdaloy ng panahon, unti-unting nakawala si Dingdong sa image na ganito hanggang makilala na siya ngayong sex symbol at leading product endorser. Sinubok rin niya ang TV directing at hosting pero mas nakilala siya ng mga tao bilang gumagaling na aktor nang siya ay i-partner kay Marian Rivera sa Mexican soap na Marimar.

Hindi maikakailang sikat na ang binata dahil may posibilidad na dahil na rin sa kanya ay pinili rin ng tao ang kanyang soap opera na Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang bilang Pinakamagandang Teleserye sa kasalukuyan.

43% o 1,250 na boto ang nakuha ng ABHSAT upang pangunahan ang botohan. Malayo rin ang kanyang agwat sa pumangalawang Tayong Dalawa nina Kim Chiu, Gerald Anderson at Jake Cuenca. 24% lamang o 708 na boto ang nakuha ng TD.

Ang ABSHAT ang pangatlo at posibleng pang-huling soap opera na kung saan sina Dingdong at Marian ang mga bida. Ipapahinga muna ang kanilang loveteam. Habang tumatagal ay lalong naging kapana-panabik ang mga pangyayari sa soap na ito. Mature ang kanyang tema at halaw sa kwento sa komiks ni Direk Carlo Caparas.

Heto ang ranking ng Hottest Male Actors natin sa ngayon: 1- Dingdong Dantes, 2- Piolo Pascual, 3- John Lloyd Cruz na may 14% o 404 votes, 4- Gerald Anderson na may 11% o 307 votes 5- Sam Milby na may 5% o 166 votes, 6- Richard Gutierrez na may 5% o 155 votes, 7- Mark Herras na may 3% o 89 votes, 8- Dennis Trillo na may 2% o 60 votes, 9- JC de Vera na may 2% o 57 at si 10- Jake Cuenca na may 1% o 43 votes.

Heto naman ang kabuuang ranking ng ang Pinakamagandang Teleserye: 1- Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang, 2-Tayong Dalawa, 3- May Bukas Pa na may 21% o 612 votes, 4- I Love Betty La Fea na may 16% o 468 votes, 5- Luna Mystika na may 4% o 136 votes, 6- La Lola na may 3% o 94 votes, 7- Saan Darating ang Umaga na may 3% o 92 votes, 8.5- Pieta at Eva Fonda na may 2% o 77 votes, at 10- Gagambino na may 1% o 33 votes.

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO