Sunday, April 5, 2009

Annabel Rama, Sa Lady Executive naman ng Dos Nagbigay ng Regalo

Ano itong aming nabalitaan na isang lady executive naman ng Dos ang binigyan ng regalo ni Annabel Rama. At hindi lang iyan, patuloy din daw ang paninira niya sa lady boss ng entertainment group ng GMA 7 na si Wilma Galvante sa kabila ng pagkakaroon ng demanda ng huli sa una?

Isa sa hinihiling ni Wilma sa korte ay ang pigilan si Annabel sa pagsira sa kanyang reputasyon pero hindi natitinag ang kontrobersiyal bold star noong araw. Sa mga executives naman daw ng Dos sumisipsip ngayon itong si Annabel.
Naku, kailangan maging alert ang mga big bosses na ito sa motibo ni Annabel.

Alam naman natin na ang ibig sabihin ng regalo kay Annabel ay bribe kaya sana itong executive na ito ng Dos ay matuto sa nangyayari ngayon kay Wilma. Mahirap maging kaibigan si Annabel na walang pagpapahalaga sa pinagsamahan dahil laging nangingibabaw ang kanyang interes. Isa siyang kiss and tell at kapag nagalit sa iyo ay sisiraan ka niya sa publiko ng walang pakundangan.

Kung hindi mag-iingat ang Dos, maaring tuklawin din sila nito kapag dumating din ang araw na hindi na siya napapagbigyan. History will repeat itself kapag bumigay ang ABS CBN at tuluyan ng tanggapin si Bisaya and entourage.

Isa sa espekulasyon sa showbiz ngayon ay posibleng ilipat na lahat ni Annabel ang kanyang alaga sa Dos dahil sa hidwaang namagitan sa kanya at sa executive ng Siete. Nagpapalipad hangin na raw ngayon ito sa kabila. Mahirap nga naman ang magtrabaho sa isang kumpanya na hindi mo kasundo ang mga tao.

Ang tanong lang namin dito sa Siete Contra Dos, bakit patuloy na kinakalaban ni Annabel si Wilma sa kabila ng nagawa ng huli sa career at income ng Gutierrez family? Alam naman natin na si Wilma ang isa sa instrumento kung bakit nakilala si Richard Gutierrez. Alam din natin na si Wilma rin ay isa sa dahilan kung bakit nabigyan ng trabaho ang halos lahat na yata ng anak at asawa ni Annabel, isama mo na rito ang kanyang mga alaga.

Nakinabang si Annabel sa kay Wilma at sa Siete pero ano itong isinusukli niya sa mga blessings na kanyang natanggap? Ang tao, mahirap talagang ma-please at mapagkatiwalaan. Sana lang ay wala ng susunod pang Annabel sa mundo at kapulutan sana ng aral ito ng karamihan.

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO