Monday, April 6, 2009

Brad Pitt at Angelina Jolie, Hindi Matutuloy ang Bakasyon sa Boracay?; Rose Flaminiano, Nagdemanda

Naulinigan niyo naman na siguro ang tsismis na darating daw sa bansa sina Brad Pitt, Angelina Jolie at si George Clooney bilang sagot sa imbitasyon sa kanila sa pagbubukas ng Shang-ri La Hotel sa Boracay.

Nalaman ito dahil may nakakita daw sa kanilang mga pangalan sa reservation's list. Ang bilis naman ng balita. Ang mga Pinoy nga naman, oh. Reservation pa lang at hindi pa dumarating ang mga celebrities na nabanggit pero kalat na sa Pilipinas.

Sa aking palagay, tinatakot natin sila na tumuloy sa ating bayang magiliw dahil sikat na mga celebrities ang mga ito. Concern nila ang kanilang kaligtasan at sigurado ako na as much as possible ay gusto nilang tahimik na lumapag sa ating lupa.

Kung totoo man na may booking na sila, malaki ang posibilidad na hindi na nila itutuloy pa ang pagbisita sa sikat na Boracay lalo pa at umaalingawngaw na naman sa buong mundo ang ginawang pagdukot ng Abu Sayaff ng mga Red Cross workers.
**********
Naalala niyo pa ba ang sobrang taray na si Mommy Rose o Rose Flaminiano? Naku, bumabalik po siya sa eksena. Nagiging eksenadora na naman siya.

Nagsampa siya ng kasong libelo sa columnist/host na si Aster Amoyo dahil sa isinulat ng huli tungkol sa kaso niya kina Aubrey Miles at Ara Mina. May kaugnayan ito sa mga bahay na binili ng mga artistang ito pero never na naipatayo.

Ayaw kong isipin na nakiki-ride on si Rose sa mga demandahang naglulutangan ngayon sa showbiz.

Nagulat daw si Aster dahil hindi raw niya nabalitaan ito at nasabi na lang daw sa kanya ng isang kilala. Hindi pa pinapadalhan sila ng sub-poena kapag ang isang tao ay nademanda?

Sino kaya ang susunod na mabalitaan natin na magdedemanda maliban sa Gutierrez family?

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO