GMA 7 Conspiracy Theory
Kasabay ng pag-init ng tag-araw ay ang pag-init din ng hidwaang namamagitan sa isang talent manager at isang executive ng isang malaking network. Hindi ito blind item dahil siguro kahit mawalan kayo ng memorya o amnesia ay siguradong alam ninyo na sina Annabel Rama at Wilma Galvante ang ating tinutukoy. Sino ba naman ang hindi napupurga sa mga balita tungkol sa kanila? Pero wala naman ibang malalaking balita sa showbiz ngayon kundi ang drama na ito.
Habang lumulubog unti-unti ang reputasyon ng GMA sa away na ito, wala naman kaalam-alam ang kalaban na ABS CBN na sila ang nagbebenepisyo kahit wala silang participation sa nasabing gulo. Bakit namin ito nasabi? Simple lang. Habang nakikita ng tao ang gulong namamagitan sa mga identified sa Kapuso nakikita naman nila na mas payapa ang Kapamilya. Bilang natural na reaksiyon, mapapa-isip ang publiko kung alin talaga sa dalawa ang mas maayos o peaceful. Alam niyo naman na tayo ay naghahangad lagi ng katahimikan. Natural na iyan sa tao.
Bilang audience sa dramang ito, tayo iyon mga kaibigan, naiipit din tayo kung kanino tayo papanig. Natural din iyan sa atin. Nagkakaroon tayo ng sari-sariling pananaw at hatol at kung sino sa tingin natin ang tama ay siya natin pinapanigan. Ilan sa inyo ang naniniwala kay Wilma at ilan din sa inyo ang nasa bakod ni Annabel na hindi namin masasabi dito sa Siete Contra Dos dahil simula pa lang ng gulo na ito ay nagbigay na kami ng aming paninindigan.
Sa aming pakikipag-usap sa isang kaibigan, naringgan namin siya ng isang interesting yet provoking idea sa gulong ito. And this involves politics - the usual dirty politics.
Hindi namin sinasabi na totoo ito pero mapapa-isip ka nga naman kapag marinig mo na. Bibigyan lang namin kayo ng ibang anggulo maliban na sa mga usual na natin nababasa na name calling o hurling of insults sa bawat panig.
Naniniwala ba kayo na posibleng may conspiracy sa gulong ito at tawagin nating iyan na GMA 7 Conspiracy. Ang target ay si Wilma bilang Senior Vice-President ng GMA. Ang mastermind ay ang mga Gozons sa pangunguna ni Annette Gozon-Abrogar. Accomplice dito si Annabel at JC de Vera.
Opps! Bago ninyo paniwalaan ito, uulitin lang namin na isang pananaw o sariling interpretasyon lamang ito ng Siete Contra Dos mula sa isang kaibigan.
Bakit hindi natin pwedeng ibasura ang anggulo na iyan? Ilang beses na bang narinig natin mula sa bibig ni Annabel na kaibigan niya ang mga Gozons? Hindi ba lagi raw ang pamilya Gutierrez sa bahay ng mga Gozons?
Heto ang tsika, ang gulong ito ay isang planadong series of events para tanggalin si Wilma na SVP of GMA. Maaring gusto rin daw ng Siete na mailuklok sa pwestong ito si Annette Gozon na kasalukuyan presidente ng GMA Films. Pangarap daw ito ni Annette at pangarap din daw niya magkaroon ng kanyang sariling TV show na ala-Charo Santos-Concio.
Ang naganap na pag-uusap ni Atty. Felipe Gozon at Annabel sa kasagsagan ng gulo ay tungkol dito kaya may dahilan para hindi makialam kunyari ang GMA sa mga usaping demandahan. Kaya kung sinuman daw ang nagtulak kay Wilma na magdemanda ay nagawa rin niya ang kanyang trabaho bilang accomplice.
Dahil unti-unti nang nasisira ang reputasyon ni Wilma, magkakaroon na ng dahilan para siya patalsikin sa TV station na pinaghirapan din niyang pasikatin. Ang kung sakali man na mawala nga i Wilma ay siya namang pagpasok ni Annette sa kanyang pwesto habang nakatawa hanggang tenga. Kawawang Wilma kung ganun.
O di ba? Para itong pulitika. Parang isang pelikula. Posible kaya ang anggulong ito?