Monday, February 9, 2009

Alfred Vargas ay Isang Binatang Ama

Hindi ito kumpirmasyon na totoong may anak na si Alfred Vargas sa pagkabinata pero ito'y pagpapatunay sa matagal ng alingasngas tungkol sa sikretong pagiging ama ng isa sa mga aktor sa ngayon na may pinakagwapong mukha.

Si Alfred Vargas - handa na kayang umamin na meron na siyang anak na matagal na ring inililihim sa publiko?

Ano ang magiging epekto nito sa kanyang career? Mas lalo kaya siya pananabikan ng kanyang taga-hanga o sila'y mawawalan ng gana?

Inaamin ko na isa si Alfred sa mga artista natin sa ngayon ang tunay kong pinagnanasaan dahil sa kanyang kayumangging kulay at appeal na tunay na lalake. Hindi siya katulad ng ibang mga matinee idols na kitang-kita na nga ang kabadingan ay pilit pa rin nagpapakalalake. Pasensya na kung sino man ang matamaan.

Matagal ko na rin naririnig sa ilang mga kaibigan sa media tungkol dito pero nagkaroon yata ng news blackout. Pero darating din ang araw na puputok itong balitang ito sa dating nobya ni LJ Reyes dahil dumarami na rin ang nagkakainteres na maisulat nito kagaya ko.

Kung sakali man umaming isa nang binata si Alfred ay lalo ko siyang mamahalin. O di ba? Para namang mamahalin din daw niya ako? Hindi ako mawawalan ng gana sa binata kundi lalo ko pa siyang pagnanasaan.

Pero sana naman ay hindi makaapekto ito sa kanyang career. Lalo sana siyang maging successful kapag lumabas ang kanyang kumpirmasyon.

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO