First Elimination ng GPTV, Nagsimula na: Laarni Lozada Nangunguna sa First 2 Hours
Nagsimula na ang unang bugso ng elimination para sa contest nating Goddess of Philippine TV. Inilunsad ito kaninang 12 am (14 February) sa time zone ng Pilipinas. Isang rebelasyon ang pangunguna ni Laarni Lozada sa unang 2 oras ng kontes.
Ang mga front-runners na inaasahang magdadala sa Channel 7 ay sina Marian Rivera, Pauleen Luna, Sunshine Dizon at Bianca King kung dami ng palabas sa telebisyon ang pag-uusapan.
Sa side naman ng Channel 2 ay mukhang mas marami ang malalakas nilang pambato. Nandyan sina Anne Curtis, Kim Chiu, Cristine Reyes, Mariel Rodriguez at Karylle. Tulad ng nasabi ko na nangunguna si Laarni Lozada - walang takot na tinatalo ang mga inaasahang mangunguna sa labanang ito. Isa lang ang ibig sabihin nito, meron din malawakang fan base ang dalagang meron isang magandang boses at nanalo sa Pinoy Dream Academy. Her recent stint at PDA is definitely helping her.
Tulad ng inaasahan, nangunguna sa ngayon si Marian Rivera sa panig ng Kapuso na pumapangalawa kay Laarni Lozada sa overall votes. Pero malayo pa ang lalakbayin ng ating contest dahil 'tong resultang aking binanggit ay sa first 2 hours lang pagkatapos buksan ang poll sa mga readers ng Siete Contra Dos. Marami pa ang pwede magbago pero malalaman natin sa 20 February kung sino ang magpapatuloy sa Top 50.
Uulitin ko na meron lang tayong isang linggo, 14-20 February para bumoto sa batch na ito. Sa 21 February, sampu sa kanila ang magpapaalam at mawawalan na ng pagkakataong manalo sa titulong Goddess of Philippine TV for 2009.
Maganda rin ang mga feedbacks na aming natanggap mula sa mga voters from other countries na hindi mga Filipino. Tama po kayo sa inyong nabasa dahil binuksan din namin ang poll na ito sa kahit anong nationalities. Sila yung mga may account sa website na nagho-host ng ating poll. Meron from Canada, Spain, Taiwan at pinakamarami sa USA.
Ilan sa magandang comment ay galing sa isang Amerikano at isang Canadian.
"This is tough. I don't know who to choose. They're so beautiful. Where is Pauleen Luna now? Hands down to Cristine Reyes," sabi ng isang Amerikano.
"They're all beautiful,"naibulalas naman ng isang Canadian.
Marami ang nagagawa ng mga popularity contest tulad nito sa career ng isang artista. Isang batayan sa kasikatan ng isang tao ang volume or comments na natatanggap niya mula sa mga forums or internet, radyo o pahayagan. A friend of mine is trying to write an article about this at inaasahan ko siyang magiging kasama natin dito sa site natin sa mga susunod na araw.
Ipagpatuloy lamang po ang pagboto at pag-endorse sa ating contest. Utang namin sa inyo ang success nito kaya ngayong Valentines Day ay binabati namin kayo. Sana ay maging masaya lahat tayo sa araw na ito.