Showing posts with label Sarah Geronimo. Show all posts
Showing posts with label Sarah Geronimo. Show all posts

Sunday, March 22, 2009

Kilalanin Ang Last Batch ng Ating Top 50 Female young Stars of the Philippines

Landslide victory para sa mga dedicated na fans ng Kapuso network ang nangyari sa ating panlima at huling batch ng mga female young stars para sa ating search for the Goddess of Philippine TV.

Sampung artista ng Siete ang pumasok sa Top 10 at sampu naman ang artista ng Dos ang nasa lowest 10. Ibig sabihin nito ay pasok lahat ang mga Siete talents at laglag naman ang mga Dos talents.

Noong una ay akala namin na mas masisipag sa pagboto at may passion ang mga fans ng Kapamilya dahil mas matagal na sa showbiz ang nasa line up nila katulad nina Judy Ann Santos, Claudine Baretto, Rica Peralejo, Nikki Gil at KC Concepcion. Inakala ng Siete Contra Dos na sila ang mga mangunguna pero mukhang kampante ang mga fans ng mga nasabing artista tungkol sa kasikatan ng kanilang idolo.

Kasalukuyan namin pinag-aaralan ang mga behaviours ng mga fans na bumoto at para na rin ma-explain namin ang hangarin ng aming poll.

Ang mga pumasok sa Top 10 at bubuo sa Top 50 Female Young Stars of the Philippines ay sina Jewel Mische, Jolina Magdangal, Julia Clarete, Ryza Cenon, Yasmin Kurdi, Sheena Halili, Stef Prescott, Francine Prieto, Carla Abellana at Ehra Madrigal.

Ang mga iba pa sa mga natanggal maliban sa mga nabanggit sa itaas ay sina Alessandra de Rossi, Wendy Valdez, Dimples Romana, Beatriz Saw at Eda Nolan.

Magpapatuloy ang second face off para sa nanalo sa Top 50 sa Lunes ng gabi (Philippine time) upang malaman kung sino ang mga papasok sa Top 25.

On the other hand, the Lowest 50 Female Young Stars will be ranked by our judges and the votes they have accumulated to determine their positions from 51st to 100th. Simula this week ay ia-announce namin sila sa mga blog entries namin, limang position per day at magsisimula sa bottom rank.

Samantala, pansamantala rin nagsara ang ating botohan sa Mister Poll dahil grabe ang mga votes na natanggap namin. Kailangan namin tanggalin na ang mga lowest 50.

Ang mga fans na sobra ang dedication at pagmamahal sa mga idols nila ay mga fans nina Rachelle Ann Go, Laarni Lozada, Marian Rivera, Aicelle Santos, Maricris Garcia, Jonalyn Viray, Bea Alonzo, Angel Locsin, Toni Gonzaga, Gee Ann Abraham, Sarah Geronimo, etc.

Nais lang namin iparating ang taos-puso naming pasasalamat sa inyong lahat na bumoto at sa effort ninyo na suportahan kami. Utang namin ang lahat ng aming natatamasang success ng aming blog sa inyong lahat. Mula po sa puso namin iyan.
Get free website for your blog

READ MORE >>

Thursday, March 19, 2009

Sarah Geronimo, Kinukumbinseng Mag-endorse ng mga Presidentiables

Kinumpirma ng aming kaibigan na nakabase sa Pilipinas kung sino ang tinukoy ni Salve Asis sa kanyang column sa isang pahayagan. Tuwang-tuwa ang kaibigan naming ito na nagsilbing isa na sa aming Palakang Kokak dahil isa siyang diehard fan ni Sarah Geronimo. Siguro sa lahat ng humahanga o nagmamahal kay Sarah ay wala ng tatalo pa dito sa kaibigan kong ito.

Si Sarah kasi ay hinahabol sa ngayon, hindi ng mga pulis huh, pero ng dalawang presidentiables na gusto siyang ikampanya sa darating na national election. Ayon kay Salve ay "sky is the limit" daw ang offer pero ayon naman sa aming Palakang Kokak, hindi naman daw ganun pero talagang malulula ka sa taas ng presyo na inilalatag. Wala nga raw dahilan para tanggihan ang tumataginting na salapi pero natatakot daw ang Viva Artist Agency na baka maka-apekto ito sa kasikatan ng dalaga na talaga namang hindi maikakaila na kumita ng husto ang kanyang sunod na dalawang pelikula.

Ang worry lang daw ng Viva ay baka bumaba ang paghanga ng publiko kay Sarah lalo na kung matalo ang dalawang presidentiables. Dagdag pa ni Palakang Kokak, ito daw kasi ang isa sa mga dahilan ng pagbaba ng ratings ng isang network sa Kamaynilaan dahil nangahas silang mag-endorse noon ng isang presidentiable bagay na nakaapekto sa kanilang kredibilidad.

Tunay na ngang sikat si Sarah sa ngayon pero hindi rin biro ang kanyang pinagdaanan. Matagal din bago niya nakamit kung ano man ang kanyang tinatamasa sa ngayon. Halos 6 na taon din ang kanyang hinintay bago tuluyang nakilala parehas sa singing and movie scenes. Hindi nga nagkamali ang Viva na itali siya sa kanila ng mahabang panahon. Matatandaan kasi na noong manalo si Sarah sa Star for a Night, naging kontrobersiyal ang haba ng taon kung hanggang kailan siya ima-manage ng Viva. Sabi nga nila ay iyon na yata ang pinakamatagal na kontrata sa history ng Philippine showbiz. Hindi ko na maalala kung ilang taon pero kung hindi ako nagkakamali ay 20 years ito. Pwede niyo ako i-correct sa bagay na ito.

Naalala ko noong magsimulang mapansin ng publiko si Sarah dahil nasubaybayan ko rin siya at ito ay dahil na rin kay Palakang Kokak. Bilib na bilib kami noon sa taas ng kanyang boses considering na siya ay 14 years old lang noon. Tapos talagang na-carried away kami sa kahirapan na kanyang pinagdaanan bago siya manalo sa singing competition na iyon. Una namin siyang nakita sa IBC 13 tapos sa GMA 7 at tuluyan na ngang pumirmi sa ABS CBN nang gawin niya ang afternoon soap noon na Sarah: The Teen Princess.

Sabi nga ng kaibigan ko, napaka-humble daw kasi si Sarah at graceful ang kanyang mga galaw kaya sino naman daw ang hindi hahanga sa kanya. Naantig kami noon sa kwento niyang pinalalayas na sila ng apartment nila sa Maynila dahil hindi na sila nakakabayad pa. Mabuti na lamang at kumatok ang swerte sa kanya noong manalo siya. Isang halimbawa si Sarah ng mga classic Pinoy stories na kinagigiliwan natin kaya walang dudang sumikat siya. From rags to riches kumbaga ang drama kaya hindi siya mahirap mahalin.

Naalala ko rin na halos dalawang buwan din yata pinanood araw-araw ni Palakang Kokak ang concert ni Sarah sa VCD kung saan nadapa siya sa stage at ala-Miriam Quiambao na tumayo at nagpatuloy sa pagkanta. Kaya kapag nakakabasa ako ng paghanga kay Sarah, nakikita ko sa kanila ang aking kaibigan. Wala yata siyang pinalampas na album ng mang-aawit kaya siguro puro platinum ang nakuhang award ng karamihan nitong kanta.

Nasa kasikatan ngayon si Sarah at kung patuloy na malinis ang kanyang imahe sa publiko, with her talents, siguradong magtatagal pa siya sa industriyang ito.
Get free website for your blog

READ MORE >>

Saturday, March 14, 2009

Kilalanin ang mga Pasok sa 4th Batch ng Goddess of Philippine TV


Pagkatapos ng pagpasok ng 3,279 votes at 5,591 pageviews on the poll alone sa loob ng isang linggo mula 7 March hanggang 13 March, sampung pinakasikat na artistang babae natin sa ngayon ang muling naidagdag sa ating Top 50 ng ating Top Female Young Stars of the Philippines na siyang maglalaban-laban para sa solong titulo na Goddess of Philippine TV.

Pitong Kapuso artists at tatlo namang Kapamilya ang napabilang sa ating Top 10 sa linggong ito. Kahit mas marami ang artista ng Siete ang nakasama ngayon, itong grupong ito lang nanguna sa botohan ang isang artista ng Siete sa katauhan ni Maricris Garcia na walang sawang sinuportahan ng mga taga-hanga ng La Diva, ang grupo ng mga mang-aawit na kinabibilangan ni Maricris. Para sa kaalaman ng lahat, sa nagdaang tatlong linggo ng eliminasyon, pawang mga Kapamilya ang nanguna sa botohan. Si Laarni Lozada noong unang linggo, si Angel Locsin naman sa pangalawa at si Bea Alonzo naman sa pangatlong linggo.

Maliban kay Maricris, ang siyam pang nakapasok sa Top 10 sa linggo na ito ay sina Sarah Geronimo, Iza Calzado, Nadine Samonte, Maxene Magalona, Isabel Oli, Nikki Dacullo, Angelu de Leon, Kristine Hermosa at Shaina Magdayao.

Sina Sarah, Kristine at Shaina ang mga tatlong Kapamilya na nakapasok at Kapuso na ang iba. Muntik nang hindi makalusot si Shaina sa grupong ito dahil sa huling oras ng botohan ay hinabol siya ng mga fans ni Ruffa Mae Quinto pero masuwerteng nalamangan ni Shaina ng 2 boto lamang ang komedyana. Matatandaan din sa unang araw ng botohan ay nangunguna si Kristine pero nagpabaya ang kanyang taga-hanga kaya siya nalagay sa pang-siyam na puwesto. Kabaligtaran naman ang nangyari kay Sarah Geronimo na sa umpisa ay nasa bottom 10 pero sa mga sumunod na araw ay hindi na nagpabaya pa ang kanyang mga fans.

Ang mga siyam na artistang babae na kasama ni Ruffa Mae na hindi pinalad makapasok sa Top 10 ngayong linggo at tuluyan ng na-eliminate sa ating competition for the sole title of Goddess of Philippine TV ay sina Angelika dela Cruz, Iya Villania, Nina Jose, Valerie Concepcion, Say Alonzo, Jamila Obispo, Desiree del Valle, Kristel Moreno at Neri Naig.

Samantala, nakasalang na ang huling batch ng ating mga artistang naglalaban-laban para malaman natin kung sino ang bubuo sa Top 50. Nagsimula ang botohan noong Sabado at magtatapos sa Biyernes sa ganap na 11:59 pm. Hinihiling uli namin na suportahan ninyo uli sila at maraming salamat sa inyong pagtangkilik.
Get free website for your blog

READ MORE >>

Thursday, March 12, 2009

GPTV Updates: Bumalik si Nadine sa Top 10; Kapamilya Stars Unti-unting Bumababa; Singers, Ayaw Magpatalo

GPTV Updates: Interesting ang nangyayari sa ating second to the last weekly elimination ng ating search for the Goddess of Philippine TV na magtatapos bukas sa ganap na 11:59 ng gabi. Mas aktibo ang mga fans ng Siete dahil mas maraming Kapuso female artists ang umakyat ng pwesto. Sa mga biggest movers ay puro Kapuso rin at sila ay sina Nadine Samonte, Maxene Magalona, Nikki Dacullo, Angelu de Leon, Maricris Garcia, Isabel Oli at Iza Calzado. Ten times ang taas ng boto nila kumpara sa itinaas ng mga boto ng mga Kapamilya female stars.

Naalarma siguro ang mga fans ni Nadine Samonte at sinipag sila kahapon para ibalik ang dalaga sa Top 10 pagkatapos siyang ilaglag ni Sarah Geronimo. Kabaligtaran naman ang nangyari kay Sarah na imbes na umakyat at talunin si Maricris ay nagpabaya ang mga fans niya. Naabutan siya tuloy ni Maxene Magalona na siya na ngayong number 2. Number 3 na lamang si Sarah.

Habang tumataas ang mga boto nina Nikki, Angelu, Isabel at Iza pababa ng pababa naman ang dating ng suporta nina Shaina Magdayao at Kristine Hermosa. Kung magpapatuloy ang trend na ito ay posibleng mawala sa Top 10 sina Shaina at Kristine sa pagtatapos ng botohan bukas. Kapag mangyari iyon ay mawawalan na ng chance ang dalawang magandang dalaga na contract stars ng Dos na mapabilang sa Top 50 at sa solong titulo na Goddess of Philippine TV sa taong ito.

Sa kabilang banda naman, sa separate poll natin sa Mister Poll, muling sumigla ang mga taga-hanga ni Laarni Lozada dahil naibalik nila sa pagiging Primera ng mang-aawit sa listahan ng mga nangunguna.

Nakakatuwa rin ang mabilis na paghahabol ng mga fans ni Rachelle Ann Go at tinatakot na niya na ilaglag si Marian Rivera sa number 2 spots.

Mukhang ang mga may solid votes sa ating botohan ay ang grupo ng mga mang-aawit na kinabibilangan nina Laarni, Aicelle, Rachell Ann, Maricris, Jonalyn at Sarah. Si Marian lang ang hindi mang-aawit ng may solid votes din. Pinapatunayan nito ang matagal na nating alam na ang mga Pilipino ay talagang likas na mahilig sa kanta at pagkanta. Sabi nila, we are natural born singers and lovers of music. Ang tanong, pwede kaya magsama-sama ang mga mang-aawit na nabanggit sa isang concert? Sigurado ako yayanig ang Pilipinas kapag mangyari iyan.

Paging to all producers who are interested. Bring Laarni, Aicelle, Rachell Ann, Maricris, Jonalyn and Sarah in one concert. Agree ba kayo?

READ MORE >>

Wednesday, March 11, 2009

GPTV Updates: Nadine Samonte, Nalaglag sa Top 10 dahil sa Pagpasok ni Sarah Geronimo

GPTV Updates: Aba, mukha yatang natauhan ang mga fans ni Sarah Geronimo sa title ng aking post kahapon, "GPTV Updates: Sarah Geronimo at Ruffa Mae Quinto, Nalaglag na sa Top 10". Simula kahapon ay dumagsa ang boto para sa dalagang mang-aawit at hindi lang nakapasok sa Top 10 kundi pumuwesto kaagad siya sa number 2 spot. Ngayon ang popularidad ni Sarah ay nakikita na sa kanyang boto sa poll natin for the Goddess of Philippine TV pero mapantayan kaya ng sipag ng fans ni Sarah ang dedikasyon ng mga fans ng isang pang mang-aawit na si Maricris Garcia na siyang nangunguna sa ngayon? Tignan natin dahil 3 araw na lang ang natitira sa weekly elimination na ito.

Sa pagpasok ni Sarah sa Top 10 ay nagsaripisyo naman si Nadine Samonte dahil nahulog na siya sa Lowest 10. Maibabalik kaya ng mga fans ni Nadine ang aktres?

Mataas din ang bilang ng mga boto nina Iza Calzado at Shaina Magdayao kahapon. Naungusan ni Iza si Kristine Hermosa na bumaba ng pwesto dahil humina ang suporta ng mga fans ng dating asawa ni Diether Ocampo.

Sa kabilang poll naman sa Mister Poll, naalarma yata ang mga fans ni Laarni Lozada at bigla uli dumagsa ang boto ng dalaga. Konti na lang uli ang agwat sa boto ng kasalukuyang nangungunang si Marian Rivera. Pero magpapatalo kaya ang mga solid Marian fans? Pero sa dedikasyon ng mga Laarnians, nakita na natin noong unang linggo ng elimination natin na hindi imposibleng manguna uli si Laarni.

Uulitin namin na kapag naiboto na ang Top 50 sa Top 100 Female Young Stars of the Philippines para Goddess of Philippine TV, lilinisin namin ang Mister Poll para tanggalin na ang mga Lowest 50. Ang mga Lowest 50 naman ay ira-rank namin from 51st - 100th positions at ia-announce namin dito ng limang pwesto kada isang araw.

Kaya hiling namin na magpadala kayo ng pinakagusto ninyo photo ng mga idols ninyo at iyon ang gagamitin namin sa aming blog entry. Kung masyado maraming photo ang aming matatanggap para sa isang artista, pipiliin namin ang sa tingin namin na pinakamaganda.

Salamat muli sa suporta at bumoto lang kayo. Bisitahin niyo kami sa blog namin araw-araw for the updates.

READ MORE >>

Tuesday, March 10, 2009

GPTV Updates: Sarah Geronimo at Ruffa Mae Quinto, Nalaglag na sa Top 10

GPTV Updates: Hindi mapigilan ang pag-arangkada ni Maricris Garcia. Nalaglag sina Sarah Geronimo at Ruffa Mae Quinto sa Top 10 sa eliminasyon ng linggong ito at nanganganib na tuluyan nang hindi sila makakapasok sa Top 50 kapag patuloy ang hindi pagdating ng kanilang mga boto. Maxene Magalona, patuloy ang pagtaas ng kanyang pwesto.

Iyan ang mga signifant changes sa ating weekly elimination sa ating search for the Goddess of Philippine TV. Ipinapaalala namin na magtatapos ang elimination ng batch na ito sa ganap na 11:59 pm (Philippine time) sa Sabado. Ang Top 10 ay papasok sa Top 50 at ang Lowest 10 ay tuluyan ng mawawalan ng pag-asa para sa solong titulo ng Goddess of Philippine TV sa taong ito.

Ang mga kasalukuyang nasa Top 10 ay sina Maricris Garcia, Kristine Hermosa, Iza Calzado, Maxene Magalona, Isabel Oli, Angelika dela Cruz, Shaina Magdayao, Nikki Dacullo, Angelu de Leon at Nadine Samonte.

Ang mga nanganganib ma-eliminate ay sina Ruffa Mae Quinto, Sarah Geronimo, Iya Villania, Nina Jose, Valerie Concepcion, Say Alonzo, Jamila Obispo, Desiree del Valle, Neri Naig at Kristel Moreno.

Sa kabilang poll naman sa Mister Poll, nangunguna na uli si Marian Rivera pagkatapos mag-reyna ng ilang araw din ni Laarni Lozada.

Gusto lang namin na ipaalam na ang botohan sa Mister Poll ay independent sa weekly elimination natin na makikita sa third column ng ating blog. Ang botohan sa Mister Poll ay magagamit lamang sa Final Top 10. Kung sino man na artistang babae ang makakapasok sa Final Top 10 ang magiging valid ang votes nila sa separate poll na ito. 15% ng kanilang final score ay manggagaling sa Mister Poll.

Ang current Top 10 ay sina (in order) Marian Rivera - 4,375 votes, Laarni Lozada - 3,774 votes, Rachelle Ann Go - 2,463 votes, Aicelle Santos - 1,113 votes, Gee Ann Abraham - 1,100 votes, Jewel Mische - 601 votes, Angel Locsin - 593 votes, Kim Chiu - 512 votes, Maricris Garcia - 432 votes at Toni Gonzaga - 189 votes.

Dahil hindi nakalusot sa weekly elimination si Kim Chiu na nasa Top 10, ang 12th placer na si Riza Santos ang magiging 10th placer technically dahil nakapasok siya sa Top 50 last week. Ang 11th placer sa Mister Poll na si Anne Curtis - 157 votes, ay eliminated din katulad ni Kim Chiu na hindi nakalusot sa kanilang weekly elimination.

Asahan ninyo na sa 21 March 2009 ay aayusin namin ang Mister Poll para tanggalin na ang mga eliminated female youngstars at itira lamang ang Top 50.

Sa araw din na iyon ay aming huhusgahan ang mga na-eliminate o Lowest 50 sa listahan natin ng 100 Top Female Young Stars. Ia-announce namin ang pwesto kung saan sila sa 51st - 100th positions batay sa number ng votes na nakuha nila during their elimination week combined with their votes at Mister Poll. Abangan po ninyo iyan.

READ MORE >>

Sunday, March 8, 2009

GPTV Updates: Malakas ang Hatak ng Grupong La Diva

GPTV Updates: Pagkatapos ng halos dalawang araw na botohan para sa elimination week ng 4th batch ng ating search for the Goddess of Philippine TV, malinaw na nagpakita ng impresibong performance ang mga pinakasikat na artistang babae sa grupong ito. Pero mas kahanga-hanga ang ipinapakita ng mga taga-hanga ng very powerful La Diva kung saan kabilang si Maricris Garcia na siyang kasalukuyang nangunguna.

Hindi matatawaran ang kasipagan at pagkakaisa ng mga fans ng grupong La Diva dahil muli na naman nilang ipinapakita ang kanilang maramihang boto sa ating search sa pamamagitan ni Maricris. Noong unang linggo kung saan nakasalang ang dalawa pang miyembro ng grupong ito na sina Aicelle Santos at Jonalyn Viray, una nilang ipinamalas ang kanilang remarkable voting power nang ilagay sa top positions ang dalawang nabanggit na dalaga.

Dahil dito, naniniwala ang Siete Contra Dos na napakagaling na hakbang ang ginawa ng GMA management nang pagsamahin ang tatlong babaing produkto ng Pinoy Pop Superstar bilang iisang grupo. Nagsama-sama ang mga fans ng tatlong mang-aawit na ang kinalabasan ay isang napakalaking fan base not only in the Philippines but all over the world as vindicated by our available statistics.

Sa kabilang banda naman, sa kabila ng intriga at pagbaba ng kanyang status bilang isa sa mga primetime queens, nananatili pa rin na malakas ang hatak ni Kristine Hermosa sa kanyang mga fans. Hindi maikakaila na marami pa rin ang sumusubaybay sa magandang dalaga dahil isa siya sa nangunguna sa grupong ito.

Ang rebelasyon ngayong linggo ay ang dalagang Cebuana na sinubok ang kapalaran sa showbiz sa pamamagitan ng sikat na reality show na Survivor Philippines. Si Nikki Dacullo ay baguhan laman kung ikukumpara sa mga ibang artistang kabilang sa batch na ito pero nakakapagtakang napasok niya ang Top 10. Sa katunayan ay nakikita lamang si Nikki sa isang pang-umagang show na kung tutuusin ay konti lamang ang viewers pero mukhang nagbabadya ang katotohanang pwede siyang maging ganap na sikat kapag siya ay mabigyan pa ng mas maraming exposure.

Si Sarah Geronimo naman is undoubtedly one of the most popular singers/actresses we have today pero mukhang hindi pa nagpi-pick up ang kanyang boto. Sa katunayan, si Sarah ang bidang babae sa mga dalawang blockbuster na pelikula ng Star Cinema na nagpapatunay na sikat siya. Ngunit inaasahan pa rin namin na ang kasikatang ito ay magiging mataas na boto para sa dalaga sa mga susunod na araw.

Ang partial results ay matatagpuan sa kanang bahagi ng entry na ito - nasa gitnang column ng ating blog. Makikita ninyo doon ang nasa Top 10 at Lowest 10 as of 8 pm ngayong araw na ito.

Hinihiling namin na ipagpatuloy ninyo ang inyong suporta sa ating search for the Goddess of Philippine TV.

READ MORE >>

Friday, March 6, 2009

GPTV Updates: Ipinapakilala ang Batch 4 ng Goddess of Philippine TV Search

Minuto na lamang ang nalalabi ay matatapos na naman ang elimination ng Batch 3 ng ating search for Goddess of Philippine TV. Sampu na namang young female artists ng Siete at Dos ang madadagdag sa Top 50 samantala ang iba pang sampu ay tuluyan ng magpapaalam at mawawalan na ng tsansa pang makuha ang solong titulo ng Goddess of Philippine TV.

Ganap na 11:59 ngayong gabi ay isasara na natin ang botohan at ang resulta ay ia-announce namin bukas sa isa naming blog entry. At sa ganap naman na alas-dose, 7 March 2009, ay uumpisahan na naming buksan sa publiko ang pang-apat na batch ng mga artista natin para sa elimination this week.
At dahil dito ay muli namin ipinapakilala ang mga 20 Kapuso and Kapamilya artists na humihiling ng inyong suporta para sa linggong ito. Kailangan mapasama sila sa Top 10 sa pagtatapos ng botohan ng batch na ito sa March 13 upang sa gayon ay mapasama sila sa Top 50.

Ang mga artista ng Siete sa linggong ito ay sina Angelika dela Cruz, Angelu de Leon, Isabel Oli, Iza Calzado, Maricris Garcia, Maxene Magalona, Nadine Samonte, Nikki Dacullo, Ruffa Mae Quinto at say Alonzo.

Kung mapapansin ninyo ay kasama dito si Maxene na anak na yumaong si Francis Magalona. Isa ako sa nalungkot sa maagang pagpanaw ni Francis. Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa.

Sa hanay naman ng Kapamilya, ang mga artistang kasali ay sina Desiree del Valle, Iya Villania, Jamila Obispo, Kristel Moreno, Neri Naig, Kristine Hermosa, Nina Jose, Sarah Geronimo, Shaina Magdayao at Valerie Concepcion.

Ang mga inaasahan naming malakas sa batch na ito ay sina Iza Calzado, Maricris Garcia, Nadine Samonte, Iya Villania, Sarah Geronimo, Kristine Hermosa, Shaina Magdayao at Valerie Concepcion.

Sa nagdaang dalawang batch ng elimination, hindi ito kasama ang batch na magtatapos mamayang gabi, 14 Kapuso artists na ang pasok sa Top 50 samantala 6 pa lang ang mga Kapamilya artists. Pero nakakatawa na ang mga nasa number one spots sa elimination na ito ay mga Kapamilya kahit mas marami ang mga Kapuso na nakapasok.

Suportahan natin ang ating mga artista sa linggong ito. Maraming salamat.

READ MORE >>

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO