Showing posts with label Jolina Magdangal. Show all posts
Showing posts with label Jolina Magdangal. Show all posts

Friday, March 27, 2009

Sino ang nasa Unahan sa Botohan sa Poll Daddy??

GPTV Updates: Kahanga-hanga ang suportang ipinapakita ng bawat fans sa kanilang idolo na kasalakuyang nasa listahan ng Top 50 Female Young Stars of the Philippines. Apat na araw pa lang ang nakakalipas nang ito ay amin buksan sa publiko pero sa ngayon ay meron na tayong nakalap na 410, 096 sa humigit kumulang na 15,000 na fans na nakakalat sa iba't ibang panig ng mundo.

Isang daang libong boto ang average ng pumapasok araw-araw at may average 4,000 unique visitors naman ang bumoboto bawat araw ayon sa aming statistics na nakalap ng Statcounter.

Wala rin malinaw na nangunguna sa ating botohan sa Poll Daddy dahil bawat araw ay iba-ibang artista ang nakikita namin sa unahan ng botohan. Minsan ay nanguna sina Aicelle Santos, Maricris Garcia at Rachelle Ann Go. Pero sa ngayon ay nasa unahan naman si Laarni Lozada.

Narito ang listahan ng Top 19 sa Poll Daddy.


Ang mga sumunod sa listahan ay sina:

Bea Alonzo - 3336
Kristine Hermosa 2708
Nadine Samonte 2455
Lovi Poe 2359
Sheena Halili 2268
Jennica Garcia 2072
Julia Clarete 2048
Yasmin Kurdi 1787
Kris Bernal 1681
Nikki Dacullo 1583
Maxene Magalona 1566
Heart Evangelista 1489
Rhian Ramos 1318
Sunshine Dizon 1145
Angelu de Leon 1142
Bianca King 1078
Isabel Oli 909
Angelica Panganiban 877
Erich Gonzales 709
Glaiza de Castro 688
Roxanne Guinoo 666
Pauleen Luna 601
Carlene Aguilar 560
Francine Prieto 548
Carla Abellana 406
Stef Prescott 305
Riza Santos 273
Chynna Ortaleza 203
Ehra Madrigal 192
Diana Zubiri 178
Rich Asuncion 148

Isa sa napansin namin ay ang mataas na boto ni Jolina Magdangal pero nanganganib siya na matanggal ngayon linggo sa ating weekly elimination dahil kasalukuyan siyang nasa ilalim ng listahan. Sayang naman ang boto niya dito sa Poll Daddy kung siya ay ma-eliminate na ng tuluyan. Pero hindi rin dapat nagpapabaya ang mga artista na nasa Top 5 ng week na ito.

Inuulit namin na ang botohan na ito ay 15% lamang sa magiging final score ng sinuman ang makakasama sa prestigious Final Top 10.

Gusto rin namin ipaalam na kasalukuyan pa namin hinahanapan ng mga magagandang larawan ang mga artista natin na hindi umabante sa Top 50. Sila yung mga naunang natanggal sa First Face Off. Sa susunod na linggo ay ipapakilala namin kung ano ang exact position nila sa Top 51-100. Tapos na po namin bilangin ang mga boto na natanggap nila mula sa publiko.

Samantala, na-finalize na rin namin ang counterpart ng Goddess of Philippine TV na ang Adonis Award. Hahanapin naman natin kung sino sa mga artista nating lalaki ang pinaka-popular at pinaka-desirable sa kanila ngayon.

Lahat ng ito ay sa susunod na linggo. Maraming salamat uli sa inyong lahat. Tulad ng lagi namin sinasabi, taos po iyan sa puso namin.
Get free website for your blog

READ MORE >>

Thursday, March 26, 2009

Kilalanin ang mga Early Favourites sa Second Face Off ngayong Linggo

GPTV Updates: Nakikitaan namin ng mas matinding pagnanais ang mga taga-hanga ng bawat artistang kasali sa ating Goddess of Philippine TV na mailagay sa unahan ng botohan ang kanilang idolo sa pagpasok ng Second Face Off/Elimination na nagsimula noong Lunes sa ganap na 7 pm.

Kritikal ang weekly elimination natin sa ngayon dahil unti-unti na lumilinaw kung sino talaga sa mga artista natin ang may tinatawag na solid fan base dahil Top 25 Female Young Stars na ang kanilang pinaglalabanan. Mula sa original na 100, nabawasan ng 50 female young stars ang ating listahan sa pagtatapos ng First Face Off noong 20 March. Ngayon 50 na lamang silang natitira, kalahati uli sa kanila ang malalaglag para sa susunod na round of elimination.

Sa unang dalawang araw ng eliminasyon ngayong linggo, nagpakita kaagad ng pwersa ang mga Kapamilya fans at nagawa nilang iluklok sa unahan ang mga Kapamilya artists. Nahirapan silang habulin ng mga fans ng Kapuso.

Nag-iba ang ihip ng hangin ngayon araw na ito dahil unti-unti na muli nagpapakita ng determinasyon ang mga Kapuso para mailagay sa top positions ang mga Siete talents. Pero sa kabila nito ay nanatili pa rin matatag ang depensa ng Dos kahit nasa bottom 5 na ang isa sa mga talent nila na si Shaina Magdayao na sa loob ng dalawang araw ay nasa Top 5.

Katulad ni Shaina, si Jolina Magdangal lamang ang artista ng Siete na hindi natinag sa Top 5 sa nagdaang araw pero mukhang nagpahinga ang kanyang mga taga-hanga dahil siya na ngayon ang nasa panghuling pwesto. Makakabawi pa kaya si Jolina? Iyan ang ating abangan.

Walang dudang si Laarni Lozada ang isa sa ating mga artista ang may maswerteng mga taga-hanga na sobra ang kanilang dedikasyon. Hindi lahat ng artista natin ay may mga ganyang klaseng mga fans, huh. Ang mang-aawit ang nasa unahan ng botohan at mukhang secured na siya sa kanyang pwesto.

As of 6:30 pm ngayon, nanganganib mawala sa Top 25 sina Jolina, Shaina, Diana Zubiri, Pauleen Luna at Stef Prescott.

Posibleng umabante naman sina Laarni, Jakie Rice, Bea Alonzo, Sunshine Dizon at Lovi Poe. Pero hindi dapat magpabaya ang mga fans nila dahil marami pa ang pwedeng mangyari sa loob ng apat na araw na siyang pagtatapos ng weekly elimination na ito.

Magtatapos ito sa Lunes, 30 March 2009 sa oras na 7pm PST. Makikita sa second column ng ating blog ang updated result ng botohan araw-araw.
Get free website for your blog

READ MORE >>

Tuesday, March 24, 2009

Introducing the First Batch of our Second Face Off


One IP address, One vote. 

Iyan na ngayon ang bago nating botohan para sa mga weekly face off or elimination natin. Dati-rati ay pwede tayo bumoto ng maramihan sa nakaraang unang face off noong hosted pa ito ng POLLSB. Ngayon, dito sa bago nating VIZU, isang boto na lang bawat computer. Mas mahigpit na sa ngayon dahil Top 25 na ang pinaglalabanan. Sampung artista na lang ang nakasalang bawat linggo. Mas marami dati sa bilang na 20.

Pero sa isang botohan ay pwede kayo pumili ng hanggang sampu o pwede niyo sila pilihin lahat.Pero kung gusto ninyo na isa lang ang iboboto para mas malaki ang chance ng paborito niyo na makapasok sa Top 5 this week, ay walang problema.

Ang Top 5 ngayong linggo ang masuwerteng aabante sa Top 25 kung saan kukunin ang Final Top 10 at saka ang Goddess of Philippine TV na siyang Grand title ng pinakasikat o popular na artistang babae natin sa ngayon.

Muli namin ipinakikilala ang mga sampung artista na humihiling sa inyong mga boto. Sila ay sina Laarni Lozada, Shaina Magdayao at Bea Alonzo ng Dos. Ang mga kinatawan naman ng Siete ay sina Sunshine Dizon, Pauleen Luna, Jolina Magdangal, Stef Prescott, Jackie Rice, Diana Zubiri at Lovi Poe.

Sina Laarni, Sunshine, Pauleen at Jackie ay nanalo sa first batch ng first face off. Sina Diana at Lovi ay umabante naman sa second batch ng first elimination. Si Bea ang nag-iisa mula sa third batch at si Shaina naman ang galing lang sa fourth batch ng unang face off. Samantala, sina Jolina at Stef naman ang kinatawan ng fifth batch ng unang face off.

Nagsimula kahapon ng gabi sa Pilipinas ang botohan sa linggong ito at meron lang kayo hanggang 7 pm ng gabi (Pacific Time) sa March 30 upang iligtas ang mga artista na gusto ninyong mapunta sa Top ng linggo na ito.

Hiling lang namin na bago kayo bumoto sa Poll Daddy, yung pumalit sa Mister Poll, na matatagpuan sa right column ng blog namin ay kailangan maisalba niyo muna ang ibinoboto niyo dito sa weekly elimination ng second face off para sa Top 25. Kung hindi sila makapasok sa Top 5 every week ay masasayang lang ang mga boto nila sa Poll Daddy.

Gusto rin namin linawin na ang mga botong itinala ninyo sa Mister Poll ay carry over sa makukuha nilang boto sa Poll Daddy. Ito ay magagamit sa Final Top 10 kapag pinalad na mapasama sa elusive rank na ito ang paborito ninyo.

Maraming salamat sa patuloy ninyong suporta. Taos-puso po iyan.

READ MORE >>

Monday, March 16, 2009

Jewel Mische, Nagunguna sa Botohan; Nasaan ang mga Fans nina Judy Ann Santos at Claudine Barreto?

GPTV Updates: Simula nang ilunsad ang fifth and final batch of our Top 100 Female Young Stars in the Philippines para sa prestigious na Top 50 noong Sabado sa ganap na 12 AM, nanguna na sa botohan ang Kapuso artist na si Jewel Mische. Kahapon habang isa-isa kong pinag-aaralan ang mga links o websites kung saan nanggagaling ang mga boto sa linggong ito, napansin ko na si Jewel ang subject ng karamihan sa mga threads or discussions. The fans of Jewel are trying to pair her up with almost all the Kapuso male stars. Kaya hindi nakakagulat kung manguna man si Jewel ngayong linggo na ito sa ating search. Isang bagay lang ang nakakagulat, mukhang pinababayaan siya ng kanyang home network. Hindi nila ito nama-maximize.

Maliban kay Jewel Mische, walo pang Kapuso artists ang nasa Top 10 as of 3pm kanina. Tanging si KC Concepcion lamang ang Kapamilya ang nakapasok. Ang tanong namin, kailan kaya magiging masipag sa pagboto ang mga fans nina Judy Ann Santos, Claudine Barreto, Nikki Gil at Rica Peralejo na inaasahan naming manguna ngayong linggo?

Tanging si Stef Prescott lamang ang Kapuso artist na nasa bottom 10. Ang tanong namin ay kung kakayanin kaya ng mga loyalists o fans ng Siete na gawing landslide victory para sa kanila ang linggong ito. Pero papayag din kaya ang mga Kapamilya fans na matalo sila?

Ang mga nasa Top 10, maliban kay Jewel, ay sina Jolina Magdangal, Julia Clarete (puro J ang mga nanguna, huh!), Yasmin Kurdi, Sheena Halili, Ryza Cenon, Carla Abellana, Ehra Madrigal, KC Concepcion at si Francine Prieto.

Ipinapaalala namin na magtatapos ang botohan sa eliminasyon na ito sa Biyernes sa ganap na 11:59 PM. Kaya sa mga Kapamilya, marami pang oras para isalba natin ang ating mga paboritong artista.
Get free website for your blog

READ MORE >>

Friday, March 13, 2009

Nasaan si Laarni Lozada? Jolina Magdangal, Judge sa 2nd Asian Idol

SHOWBIZ TIDBITS: Over the past few weeks ay nakatanggap kami ng mga e-mails from fans na nagtatanong sa ilan nating mga artista na hindi masyado nakikita sa ngayon sa telebisyon. Pinilit din namin i-forward ang mga e-mails na ito sa mga kakilala namin na pwedeng makapagbigay ng information o pwede makapaghatid sa tamang kinauukulan pero hindi pa kami nakakatanggap ng mga sagot. Busy siguro sila.

Isa dito ay si Laarni Lozada, ang magaling na singer na nanalo sa Pinoy Dream Academy. Nagtatanong sila kung ano ang nangyari sa dalaga dahil wala na raw siya sa listahan ng mga magiging guests sa concert ni Gary Valenciano. Hindi na rin daw siya nakikita sa telebisyon.

Batid namin na marami ang nagbabasa sa amin na taga-hanga ni Laarni at ang ilan sa inyo ay may direct communication sa kanya. Posible ninyo kami balitaan para malaman naman ng mga ibang fans na gustong makibalita.

Pero ayon sa isa naming kaibigan, may personal lang daw na inaasikaso si Laarni at isa na rito ang kanyang pag-aaral. Meron daw siyang kontrata na pinirmahan sa ABS-CBN at Star Records noong isang taon lang kaya asahan daw natin na makikita natin siya sa mga susunod na araw.

Very colourful ang pinagdaanan ni Laarni sa buhay bago nakilala ang husay niya sa pag-awit. Nag-aral siya ng Music pero kinailangan niyang magbago ng kurso dahil sa katayuan ng kanyang buhay. Napanood din natin ang kanyang struggle sa loob ng PDA. Wish lang namin na sana tuluyan na siyang makilala dahil malaki ang kanyang potensyal.

*******
Marami rin ang nagtatanong kung ano na ang nangyari kay Jayann Bautista at ang iba pang nanalo sa first Pinoy Idol ng Siete. Pagkatapos kasi nilang manalo ay hindi na sila nakita pa o naringgan sa kahit anong programa ng Kapuso. At hindi rin alam kung magkakaroon pa ba ng susunod na season ng Pinoy Idol.

Kami rin ay nagtataka kung ano ang balak ng Kapuso kina Jayann at Gretchen Espina. Kung sa ibang bansa na may franchise ng sikat ng singing competition na Idol, instant hit agad ang mga winners o siguradong nagkakaroon ng career. Pero mukhang kabaligtaran ata dito sa atin.

Ayon sa kakilala namin, busy daw sa pag-aaral ang dalawa sa University of the Philippines at binubuo pa lang daw ang kanilang launching albums. Sa kasalukuyan daw ay busy din silang nagwo-workshop para lalong mapaganda ang kanilang boses.

Si Gretchen daw ay baka malapit na i-launch ang first album sa Mayo at siguradong ipapadala daw siya sa susunod na Asian Idol competition sa December. Sa karagdagang balita si Jolina Magdangal daw ang magiging judge from the Philippines. Naniniwala daw sila na mananalo dito si Gretchen.

Nagpahayag naman ang TV5 na kapag hindi na raw interesado ang GMA na ituloy ang Pinoy Idol ay gusto raw nilang kunin ang franchise at ipagpatuloy ang nasimulan na Philippine Idol.

Get free website for your blog

READ MORE >>

Thursday, March 12, 2009

Ipinakikilala ang Huling Batch para sa Goddess of Philippine TV

Sa Sabado (14 March 2009) sa oras na 12 midnight - 12:10 am (Philippine time) magsisimula pa ang fifth and last week of elimination for the Top 50 of our search for the Goddess of Philippine TV pero maaga pa lang ay ipinapakilala namin muli ang mga 20 female young stars na maglalaban-laban sa grupong ito.

Tatakbo ang huling linggo ng eliminasyon para sa Top 50 mula sa Sabado hanggang sa susunod ng Biyernes, 20 March 2009, sa ganap na 11:59 ng gabi (Philippine time). Pagdating ng Biyernes, ang Top 10 sa grupong ito ang bubuo sa Top 50 ng ating Top Female Young Stars of the Philippines na kung saan manggagaling ang nag-iisang Goddess of Philippine TV. Tuluyan ng magpapaalam ang mga mapupunta sa lowest 10.
Ang mga artista ng Kapamilya na kasali sa huling batch na ito ay sina Alessandra de Rossi, Beatriz Saw, Dimples Romana, Eda Nolan, Wendy Valdez, Claudine Barreto, Judy Ann Santos, KC Concepcion, Nikki Gil at Rica Peralejo.

Ang mga Kapuso artists naman na kasali ay sina Carla Abellana, Julia Clarete, Stef Prescott, Ehra Madrigal, Yasmin Kurdi, Francine Prieto, Jewel Mische, Jolina Magdangal, Ryza Cenon at Sheena Halili.

Mukhang napakalakas ang line up ng mga Kapamilya ngayon at inaasahan naming mangingibabaw sila sa susunod na linggo. Inaasahan namin na mangunguna dito sina Judy Ann Santos, Claudine Barreto, KC Concepcion, Nikki Gil at Rica Peralejo. Pero malaki rin ang laban nina Jolina Magdangal, Jewel Mische, Yasmin Kurdi, Francine Prieto at Ryza Cenon. Malalaman natin ang lahat na ito - kung sino ang mas maraming boto - simula sa Sabado.

Maaga uli namin sila ipinapakilala upang magkaroon kayo ng pagkakataon na ibalita ito sa iba pang mga fans. You can start campaigning for them.

Sa March 21 ay malalaman na natin kung sino ang Top 50 Female Young Stars of the Philippines.

Maraming salamat sa inyo at hiling namin ang patuloy ninyong suporta.

Get free website for your blog

READ MORE >>

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO