Showing posts with label Stef Prescott. Show all posts
Showing posts with label Stef Prescott. Show all posts

Thursday, March 26, 2009

Kilalanin ang mga Early Favourites sa Second Face Off ngayong Linggo

GPTV Updates: Nakikitaan namin ng mas matinding pagnanais ang mga taga-hanga ng bawat artistang kasali sa ating Goddess of Philippine TV na mailagay sa unahan ng botohan ang kanilang idolo sa pagpasok ng Second Face Off/Elimination na nagsimula noong Lunes sa ganap na 7 pm.

Kritikal ang weekly elimination natin sa ngayon dahil unti-unti na lumilinaw kung sino talaga sa mga artista natin ang may tinatawag na solid fan base dahil Top 25 Female Young Stars na ang kanilang pinaglalabanan. Mula sa original na 100, nabawasan ng 50 female young stars ang ating listahan sa pagtatapos ng First Face Off noong 20 March. Ngayon 50 na lamang silang natitira, kalahati uli sa kanila ang malalaglag para sa susunod na round of elimination.

Sa unang dalawang araw ng eliminasyon ngayong linggo, nagpakita kaagad ng pwersa ang mga Kapamilya fans at nagawa nilang iluklok sa unahan ang mga Kapamilya artists. Nahirapan silang habulin ng mga fans ng Kapuso.

Nag-iba ang ihip ng hangin ngayon araw na ito dahil unti-unti na muli nagpapakita ng determinasyon ang mga Kapuso para mailagay sa top positions ang mga Siete talents. Pero sa kabila nito ay nanatili pa rin matatag ang depensa ng Dos kahit nasa bottom 5 na ang isa sa mga talent nila na si Shaina Magdayao na sa loob ng dalawang araw ay nasa Top 5.

Katulad ni Shaina, si Jolina Magdangal lamang ang artista ng Siete na hindi natinag sa Top 5 sa nagdaang araw pero mukhang nagpahinga ang kanyang mga taga-hanga dahil siya na ngayon ang nasa panghuling pwesto. Makakabawi pa kaya si Jolina? Iyan ang ating abangan.

Walang dudang si Laarni Lozada ang isa sa ating mga artista ang may maswerteng mga taga-hanga na sobra ang kanilang dedikasyon. Hindi lahat ng artista natin ay may mga ganyang klaseng mga fans, huh. Ang mang-aawit ang nasa unahan ng botohan at mukhang secured na siya sa kanyang pwesto.

As of 6:30 pm ngayon, nanganganib mawala sa Top 25 sina Jolina, Shaina, Diana Zubiri, Pauleen Luna at Stef Prescott.

Posibleng umabante naman sina Laarni, Jakie Rice, Bea Alonzo, Sunshine Dizon at Lovi Poe. Pero hindi dapat magpabaya ang mga fans nila dahil marami pa ang pwedeng mangyari sa loob ng apat na araw na siyang pagtatapos ng weekly elimination na ito.

Magtatapos ito sa Lunes, 30 March 2009 sa oras na 7pm PST. Makikita sa second column ng ating blog ang updated result ng botohan araw-araw.
Get free website for your blog

READ MORE >>

Tuesday, March 24, 2009

Introducing the First Batch of our Second Face Off


One IP address, One vote. 

Iyan na ngayon ang bago nating botohan para sa mga weekly face off or elimination natin. Dati-rati ay pwede tayo bumoto ng maramihan sa nakaraang unang face off noong hosted pa ito ng POLLSB. Ngayon, dito sa bago nating VIZU, isang boto na lang bawat computer. Mas mahigpit na sa ngayon dahil Top 25 na ang pinaglalabanan. Sampung artista na lang ang nakasalang bawat linggo. Mas marami dati sa bilang na 20.

Pero sa isang botohan ay pwede kayo pumili ng hanggang sampu o pwede niyo sila pilihin lahat.Pero kung gusto ninyo na isa lang ang iboboto para mas malaki ang chance ng paborito niyo na makapasok sa Top 5 this week, ay walang problema.

Ang Top 5 ngayong linggo ang masuwerteng aabante sa Top 25 kung saan kukunin ang Final Top 10 at saka ang Goddess of Philippine TV na siyang Grand title ng pinakasikat o popular na artistang babae natin sa ngayon.

Muli namin ipinakikilala ang mga sampung artista na humihiling sa inyong mga boto. Sila ay sina Laarni Lozada, Shaina Magdayao at Bea Alonzo ng Dos. Ang mga kinatawan naman ng Siete ay sina Sunshine Dizon, Pauleen Luna, Jolina Magdangal, Stef Prescott, Jackie Rice, Diana Zubiri at Lovi Poe.

Sina Laarni, Sunshine, Pauleen at Jackie ay nanalo sa first batch ng first face off. Sina Diana at Lovi ay umabante naman sa second batch ng first elimination. Si Bea ang nag-iisa mula sa third batch at si Shaina naman ang galing lang sa fourth batch ng unang face off. Samantala, sina Jolina at Stef naman ang kinatawan ng fifth batch ng unang face off.

Nagsimula kahapon ng gabi sa Pilipinas ang botohan sa linggong ito at meron lang kayo hanggang 7 pm ng gabi (Pacific Time) sa March 30 upang iligtas ang mga artista na gusto ninyong mapunta sa Top ng linggo na ito.

Hiling lang namin na bago kayo bumoto sa Poll Daddy, yung pumalit sa Mister Poll, na matatagpuan sa right column ng blog namin ay kailangan maisalba niyo muna ang ibinoboto niyo dito sa weekly elimination ng second face off para sa Top 25. Kung hindi sila makapasok sa Top 5 every week ay masasayang lang ang mga boto nila sa Poll Daddy.

Gusto rin namin linawin na ang mga botong itinala ninyo sa Mister Poll ay carry over sa makukuha nilang boto sa Poll Daddy. Ito ay magagamit sa Final Top 10 kapag pinalad na mapasama sa elusive rank na ito ang paborito ninyo.

Maraming salamat sa patuloy ninyong suporta. Taos-puso po iyan.

READ MORE >>

Thursday, March 12, 2009

Ipinakikilala ang Huling Batch para sa Goddess of Philippine TV

Sa Sabado (14 March 2009) sa oras na 12 midnight - 12:10 am (Philippine time) magsisimula pa ang fifth and last week of elimination for the Top 50 of our search for the Goddess of Philippine TV pero maaga pa lang ay ipinapakilala namin muli ang mga 20 female young stars na maglalaban-laban sa grupong ito.

Tatakbo ang huling linggo ng eliminasyon para sa Top 50 mula sa Sabado hanggang sa susunod ng Biyernes, 20 March 2009, sa ganap na 11:59 ng gabi (Philippine time). Pagdating ng Biyernes, ang Top 10 sa grupong ito ang bubuo sa Top 50 ng ating Top Female Young Stars of the Philippines na kung saan manggagaling ang nag-iisang Goddess of Philippine TV. Tuluyan ng magpapaalam ang mga mapupunta sa lowest 10.
Ang mga artista ng Kapamilya na kasali sa huling batch na ito ay sina Alessandra de Rossi, Beatriz Saw, Dimples Romana, Eda Nolan, Wendy Valdez, Claudine Barreto, Judy Ann Santos, KC Concepcion, Nikki Gil at Rica Peralejo.

Ang mga Kapuso artists naman na kasali ay sina Carla Abellana, Julia Clarete, Stef Prescott, Ehra Madrigal, Yasmin Kurdi, Francine Prieto, Jewel Mische, Jolina Magdangal, Ryza Cenon at Sheena Halili.

Mukhang napakalakas ang line up ng mga Kapamilya ngayon at inaasahan naming mangingibabaw sila sa susunod na linggo. Inaasahan namin na mangunguna dito sina Judy Ann Santos, Claudine Barreto, KC Concepcion, Nikki Gil at Rica Peralejo. Pero malaki rin ang laban nina Jolina Magdangal, Jewel Mische, Yasmin Kurdi, Francine Prieto at Ryza Cenon. Malalaman natin ang lahat na ito - kung sino ang mas maraming boto - simula sa Sabado.

Maaga uli namin sila ipinapakilala upang magkaroon kayo ng pagkakataon na ibalita ito sa iba pang mga fans. You can start campaigning for them.

Sa March 21 ay malalaman na natin kung sino ang Top 50 Female Young Stars of the Philippines.

Maraming salamat sa inyo at hiling namin ang patuloy ninyong suporta.

Get free website for your blog

READ MORE >>

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO