Wednesday, February 11, 2009

Drug Test Para kay Mark Herras

Napakalaking issue ang nangyaring pagkakahuli ng mga drug pushers mula sa mga mayayamang angkan sa Pilipinas at kalaunan ay palayain sila. Oo, nga naman. Nasaan ang hustisya? Naku, lalo ako tumatanda kapag ito ang naalala ko.

Sa showbiz ay para na rin itong sumpa sa lahat ng mga artista natin. Marami na tayong nasaksihan na bumagsak ang mga career dahil sa bawal na gamot. Wala kaya sila natutunan sa pelikula ng Seiko films noon na pinagbidahan nina Romnick Sarmienta at Aiko Melendez?

Hindi rin sikreto sa akin na talagang malapit ka sa tukso ng droga kapag ikaw ay nasa showbiz. Ang isa sa mga target kasi ng mg drug pushers ay iyong mga may pera at isa na dito yung mga artists natin. Kumbaga mas malakas ang tukso sa mundong ito kaysa sa mundo ng mga ordinary citizens na kapos din sa pambili. Tapos yung kondisyon din ng mga artista na laging depressed kapag walang projects or kailangan laging gising ay nakakapag-push din sa isang tao para tumikim dito.

Pero sandali, hwag niyo isipin na ako ang may experience nito ha. May kakilala lang kasi ako na dumaan din sa ganitong pagsubok. Promise, sa buong buhay ko ay never ako nakatikim niyan.

Isa si Mark Herras sa mga inaakusahan simula pa nang tumuntong siya sa showbiz dahil sa kapayatan nito. At dahil na rin sa isang panukalang naglalayon na ipasailalim ang lahat ng mga estudyante sa drug test na ito ng DILG, isa na si Mark sa may matapang na loob para itoý pangunahan. Walang takot ang alaga ni Lolit Solis dahil meron itong patunayan sa kanyang mga detractors. Hindi si Mark Anthony Fernandez ito ha.

Ang GMA Artists Center ang may idea nito na i-boluntaryo ang mga Kapuso talents for this project. Wala akong nakikitang masama at bilib nga ako sa initiative na ito ng Channel 7. Dapat lang na alam ng publiko na malinis ang mga iniidolo nila para lalo pa sila pamarisan at maging inspirasyon sa lahat ng mga taga-hanga na karamihan ay mga bata. Well, ito lang naman ay sa aking pananaw.

Sana ang Kapamilya talents din ay pamarisan ang ginawa na ito ng kanilang kalaban na istasyon upang sa ganun ay mas marami pang artista ang makakahikayat sa mga kabataan.

Hindi lang si Mark ang magpapadrug test dahil kasama rin niya sina Rainier Castillo, Prince Estefan, Ryza Cenon at Katrina Halili. Bakit wala yata representative ng Starstruck 3?

Ang head ng DILG na si Reynaldo Puno ang mismong aalalay sa mga artistang nabanggit para sa kanilang kampanya against forbidden drugs.

Ibig ba sabihin nito yung mga ayaw sumailalaim sa test ay guilty? Naku, sige na nga magpa-drug test na rin ako! LOL

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO