Malapit na palang ganapin ang coronotion ng Binibining Pilipinas 2009 sa 7 March 2009 sa Araneta Coliseum. Napanood ko ang video ng press presentation nila in swimsuit at talaga naman agree ako sa sinabi ni Madame Stella Marquez-Araneta na ang batch na ito ay marami ang magaganda. Si Madame Stella ang siyang Chairwoman ng Binibining Pilipinas.
Ang larawan sa inyong kaliwa ay hiniram ko sa isang beauty pageant website. Tatlong lamang sila sa 24 na maglalaban-laban sa 3 korona. Ang candidate number 10 ay si Priscila Navidad ng Dos.
Sa totoo lang ang daming masasayang na beauties kapag napili na ang tatlong winners - Bb. Pilipinas International, Bb. Pilipinas Universe at ang Bb. Pilipinas World. Wish ko lang na ang mga hindi papalarin na makakuha ng title ay sumali pa rin hanggang hindi sila inaabutan ng age limit dahil naniniwala ako na mas malaki ang tsansa ng Pilipinas na magkaroon uli ng international crowns kung may maraming candidates na beterana na sa ating national pageant.
Take the case of Precious Lara Quigaman na 2 beses nag-join sa Binibining Pilipinas bago na-represent ang bansa sa Miss International noong 2005. Ang ending, wagi siya ng bonggang-bongga.Nandyan din na halimbawa sina Maricar Balagtas na 3 beses nag-join sa Binibini hanggang mapili siyang kinatawan ng bansa natin sa Miss Universe sa Quito Ecuador noong 2004. Ganito rin si Abbygale Williamson Arenas noong 1997.
At sa line up ngayong taon, dalawa sa kanila ang second timer at sila'y mga frontrunners ngayon. Sila ay sina Mary Ann Umali na hawig ni Francine Prieto at si Abbygale Lesly Cruz na dyowa ni Paolo Bediones at isa rin sa mga hosts.
Ang dalawa ay inaasahan kong makakapasok sa Top 10. Pero kung sakali man na makakuha si Abbygale ng title ngayong taon na ito, asahan na ninyong magsusulputan ang mga usap-usapan na lutong makaw or unfair ang contest dahil sa affiliation nito kay Bediones. Si Mary Ann naman ay napakaganda at swak na swak siya sa title na Miss International. Kung sakaling mapanalunan niya ang title, malakas ang paniniwala ko na siya ang magiging pang-limang Pilipinang mag-uuwi ng korona sa Miss International. Mark these words from me!
RICH ASUNCION AND PRISCILA NAVIDADAt siyempre dahil Siete Contra Dos itong blog natin, nagkataon naman na may artista ng dalawang mahal nating TV networks na nasa listahan. For GMA 7, nandyan si Rich Asuncion or Rich Angalut na siya niyang tunay na pangalan at si Priscilla Navidad ng Pinoy Big Brother Teen Edition Season 2. Si Abbygale ay GMA 7 artists din na nagbida sa Lupin ni Richard Gutierrez.
Noong time ni Rich sa Starstruck, napansin ko na talaga ang beauty niya. Sabi ko nga noon na ang mukha niya ang matatawag na classic beauty lalo na kapag naayusan. Sobrang ganda niya kapag may maayos siyang make up. Lalo siyang gumaganda at nagiging classy ang beauty niya. I wished nga before na sumali siya ng Binibini and true enough narito na nga siya ngayong taon.
Hawig si Rich kay Imee Marcos pero mas may dating ang beauty ni Rich. Matalino siya at matangkad kaya kapag hindi siya nanalo ngayong taon ay dapat sumali pa rin siya. Gusto ko siya manalo pero dapat hindi muna ngayon. Dapat sa susunod niya pagsali after a year para lalo pa siyang ma-develop. Pero gulat ako ha nang makita ko siyang rumampa. Talagang nag-aral siya although kailangan pang i-polish. Bagay sa Miss Universe ang dalaga mula sa Bohol at ang husky voice niya ay maihahalintulad natin sa mga Indian beauties. For sure, sanay na siyang humarap sa tao because of her experience on TV at iyan ang pinaka-importante sa pageant - confidence. It will really bring you far if you have the right amount of confidence.
Maganda rin si Priscila Navidad na artist ng Dos. Siya ang sentimental favourite ko dahil sa kanyang kalagayan. Bingi ang dalaga at nagre-read lips lamang siya. Napakadakila at sino naman ang hindi hahanga sa kanya na despite of all her setbacks ay nandyan siyang nagpapakita ng tapang at determination? Not everybody can do it kaya hanga ako kay Priscila. I'm so proud of her.
Kaya lang may kulang sa kanyang catwalk skills. At mukhang hindi siya confident habang nasa stage base na rin sa video na napanood ko. Dahil ba dito sa kanyang situation? Pero kung sakaling manalo siya sigurado ako na mapapansin siya sa kahit anong internatinal pageants na pagpapadalhan sa kanya. Pwede niyang i-tap ang kanyang kalagayan to her advantage at siguradong pasok siya sa finals. Pero hindi ko nararamdaman na handa na siya ngayong taon na ito.
Gusto ko ang dalaga na magsuot ng Philippine sash kaya kung hindi siya palarin ngayon, sana hwag siyang ma-disappoint at lalo magpursige na i-improve ang kanyang craft para next time she joins ay sure winner na siya.
Kaya to Rich and Priscila, keep it up and do your best. Take a lesson from your co-candidates, Mary Ann Umali and Abbygale Cruz na hindi nahiyang sumali sa pangalawang pagkakataon. That's the attitude of a winner.
STRATEGY OR JUST A MISTAKE?Isa rin sa hindi ko makakalimutan na nangyari sa press presentation ay si Gizelle Jasmin Rivamonte, candidate 4. Siya ang kandidatang may pinakamaigsing buhok sa kompetisyon. Pakiwari ko ay nag-deviate siya ng rule kung saan dapat rumampa. Hindi ko lang alam kung nagkamali siya o baka sinadya.
Ang choreography kasi, pagkatapos rumampa sa stage at magpakilala sa mikropono, bababa sila ng stage at iikot sa likod ng mga judges. Pagkatpos iyon ay babalik sila ng backstage. Imbes na sa likod dumaan si Gizelle ay sa harap siya ng mga judges rumampa with flying colours. O di ba? Ang bongga?
Sa mga beauty pageants kasi na ganito, dapat meron na meron kang gagawin na kailangan mapansin ka. Kasi sa dami ng mga magaganda na kasama mo, kailangan mag-stand out ka. Kaya posibleng strategy ito Gizelle.
Ilan sa mga napabalitang strategy ng mga candidates natin sa mga international pageants ay nakatulong sa kanila. Si Precious Lara Quigaman noong 2005 ay talagang she encouraged all the Asian beauties na kapag may pictorials ay kailangan lagi sila sa harap. Si Miriam Quiambao sa Trinidad and Tobago noong 1999 habang sakay sa isang float kasama ang sobrang popular na host candidate at ang Miss Venezuela ay hindi pinapansin. Ang ginawa niya ay sumayaw daw siya ala-Caribbean ng bonggang-bongga at hayun siya na ang pinansin dahil hindi nila akalain na ang isang Asian ay marunong sa sayaw nila.
Si Gemma Cruz naman sa Miss International noong 1965 ay nagsuot ng Filipiniana costume habang ang event na iyon ay ipapakilala sila in bathing suit sa tabi ng dagat. Hayun ang dami niyang pictures na naka-Filipiniana habang ang lahat ay naka-bathing suit sa tabi niya.
Si Gloria Diaz naman daw noong 1969 ay laging tumatabi sa mga matatangkad at mapuputing candidates kapag pictorials para daw mapansin ang kanyang oriental beauty. Oo nga naman. Kumbaga sa isang coupon bond, si Gloria yung nag-iisang tuldok sa gitna. Isang araw din daw, they were asked to wear their swimsuits at pinaglakad daw sila sa isang Miami beach na naka-high heels. Kaya hirap na hirap daw yung mga kandidata. Ang ginawa niya, tinanggal niya ang kanyang shoes ang walang pakiaalam na naglakad. Of course, hinabol siya ng mga photographers.
Noon namang 1972 Miss Universe sa Puerto Rico, napasama ang kandidate natin na si Armi Barbara Crespo sa Top 10. Sa evening gown competition, lumabas ng stage ang Armi na nakasuot ng mahabang French coat at nakahalukipkip pa. Of course, nagtataka ang audience dahil evening gown competition iyon. Iyon pala, nakatago ang pagkaganda-ganda niyang evening gown sa coat na iyon. Noong maglakad na siya, hinubad niya ang kanyang coat to the delight of the audience.
Mukhang napakwento na yata ako ng mahaba dito. Ang punto ko dapat na mapansin ka ng mga judges sa mga beauty pageants at kailangan tatatak talaga sa utak nila na nag-e-exist ka sa kompetisyon para magkaroon ka ng mas malaking chance na manalo.
CRAB MENTALITY AND RACISMAt para naman sa mga fanatic ng mga beauty pageants na makakabasa nito, hinihiling ko na sana maging civil tayo kapag sumasali sa mga internet forums and discussions. Sobrang sama na ang image ng Pilipinas dahil din sa ating kagagawan. Tayo ang paboritong target ng racism at sobrang pang-iinsulto ang natatanggap ng mga candidates natin from almost all nationalities and sad to say mga kapwa rin Pinoy na may ugaling crab mentality.
Kanya-kanyang kampo kasi iyan sa mga kandidata na kasali sa Binibining Pilipinas. Kapag hindi nanalo ang kampo nila ay sobrang atake ang ginagawa nila sa nanalo. Nandyan na siraan at tawagin ng kung ano-ano. Kahit nasa international contest na iyong nananalong kandidata ay hindi pa rin nila tinatantanan na nababasa ng iba pang fanatic from other countries.
Magkaisa tayo mga kaibigan. Ang pagha-hype sa isang gusto natin kesehodang lait-laitin mo na ang mga ibang kandidata ay hindi nakakatulong sa chance natin para sa crown. Purihin mo lang yung kandidata mo at hwag mo banggitin yung mga kalaban. At hwag naman sobra ang gagawin pagpuri dahil sensitibong topic ang pagiging nationalistic ng isang tao sa mga forums na ganito.
Hwag na hwag tayong mang-aaway sa mga ibang kandidata dahil nagre-reflect iyan sa atin. Isa sa dahilan kung bakit tayo hindi pinapansin sa mga international pageants ay dahil sa ugali natin sa mga beauty forums. Of course, nalalaman iyan ng mga future judges at nagiging bias sila sa kanilang decision. Social-game pa rin ang mga beauty pageants kaya tayong mga fans ay dapat maging civil kapag sumasali sa mga usapang ganito sa internet.
READ MORE >>