Friday, February 27, 2009

Renata Sone, Miss Dominican Republic 2005 will judge Binibining Pilipinas?

Totoo kaya ang bali-balitang magiging isang judge sa gaganaping coronation night ng Binibining Pilipinas 2009 si Renata Sone, ang matangkad na Miss Dominican Republic Universe 2005? Si Renata ay may taas na 6'0" at siya ay second runner-up noong Miss Universe 2005 sa Thailand kung saan nanalo si Natalie Glebova.

Si Renata ay nag-asawa na noong 2006 at mayroon na siyang isang anak na lalaki sa taong ding iyon.

Kung totoo nga na magiging isa siya sa mga judges, makakatulong kaya siya para mapili ang karapat-dapat na manalo? Dapat ganito lahat yung mga judges sa mga beauty contest, yung may alam talaga or experience sa modelling or pageant mismo at hindi lang yung mga ambassadors o mga young stars na wala pakialam sa mga ganitong events.

Ilan pa sa mga napapabalitang uupong judges ay sina Charlene Gonzales, Anthony Lee ng Honda Motors, Jolina Magdangal, Pitoy Moreno, Vicki Belo, Gregory Downs na manager ng Manhattan Homes, James Tan ng Smart Telecommunication at Michael Lopez Fitzgerald ng John Robert Powers.

Sana payagan ng Binibining Pilipinas Organization at pumayag si Vicki Belo na maging libre lahat ng mga services ng clinic niya para mapaganda ang mga kandidata natin na ipapadala sa mga international pageants.

Isa pa sa gusto ko na mangyari ay hayaan natin na sumagot ang ating mga candidates in Filipino at magkaroon ng translator sa international pageants kapag nagkataon. Kapag ganito kasi ay marami pa ang sasali na walang lakas ng loob. Marami ang mga sobrang magaganda dyan na hindi comfortable sa English nila. Afterall, ang misyon naman natin is to bring the best out from our representatives. By letting her speak in the language she's comfortable with the most is also helping her to be in her best. Hindi kawalan sa atin kung ang isang kandidata ay hindi marunong mag-English dahil never na batayan iyan sa katalinuhan ng isang tao. Agree ba kayo dito?

Samantala, ang candidate number 11 na si Regina Hahn, nasa picture sa kaliwa, ay anak pala ni Chiqui Brosas na kinatawan ng bansa natin sa Miss Universe 1975 sa El Salvador. Tinanghal siya na fourth runner-up.

Bale half-Filipina half-German si Regina dahil ang tatay niya na asawa ni Chiqui ay isang German national.

Papalarin kaya si Regina na makakuha ng titulo? Hindi kaya siya ang magiging Binibining Pilinas - Universe dahil hindi na siya pwede sa Miss World at Miss International dahil siya ay 26 years old na. Sayang naman kung hindi siya manalo dahil bakit kasi ngayon lang siya nag-join?

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO