GPTV Batch 2 Elimination, Sino ang Pasok sa Top 10?

Isang obserbasyon ng kasamahan namin dito sa blog na ang nangunguna ngayong actress para sa Dos ay mga galing ng GMA. Si Rachelle ay produkto ng isang singing competition ng Siyete samantala nakilala at nagkapangalan si Angel sa Siyete. Si Toni naman ay nakilala sa Eat Bulaga at iba pang programa ng Siyete.
Si Rhian Ramos ang may pinakamataas ng pwesto sa hanay ng mga Kapuso artists. Siya ang nasa ikatlong pwesto pagkatapos manguna ng halos limang araw. Si Diana Zubiri ang pumuno sa Top 5.
Ang ilan pang nasa Top 10 na umabante para sa Top 50 ay sina Jennica Garcia, Lovi Poe, Gee Ann Abraham, Roxanne Guinoo at Katrina Halili.
Hindi naman pinalad sina Bianca Gonzales, Maggie Wilson, Iwa Moto, Arci Munoz, LJ Reyes, Kaye Abad, Lauren Young, Cassandra Ponti, Karel Marquez at Irish Fullerton na makapasok sa Top 10 na naging dahilan ng tuluyan na nilang pagkakatanggal sa ating search. Wala na silang pagkakataon pa na maging Goddess of Philippine TV para sa taong ito.
Kumpara sa figures ng mga boto para sa mga artistang kasali sa first batch of elimination, hindi masyado successful ang batch na ito dahil mas konti ang mga suportang fans. Kung nakatanggap kami ng halos 23,000 na boto last week, ngayon ay wala pa sa kalahati dahil ito ay nasa 4,580 lamang. Kung may halos 45,000 pageviews para sa boto lang last week, ngayon ay nasa 7,816 lamang.
At dahil Siete contra Dos ang pangalan ng ating blog, ngayong linggo ay Dos naman ang nanalo kahit parehas na tiga-lima ng Kapuso at Kapamilya artists sa Top 10. Mas marami kasi ang mga Kapamilya ang may mas mataas n pwesto.
At dahil Siete contra Dos ang pangalan ng ating blog, ngayong linggo ay Dos naman ang nanalo kahit parehas na tiga-lima ng Kapuso at Kapamilya artists sa Top 10. Mas marami kasi ang mga Kapamilya ang may mas mataas n pwesto.
Samantala, nag-umpisa na ang botohan para sa Batch 3 at isa sa mga prominent names dito ay sina Heart Evangelista, Jennylyn Mercado, Bea Alonzo, Maja Salvador, Angelica Panganiban, Kris Bernal, Camille Pratts, Jodi Santamaria at Glaiza de Castro.
Hiling pa rin namin na suportahan natin lahat sila. Kaya bumoto na muli.
