Saturday, February 21, 2009

Nagtapos din ang Pinoy Fear Factor

Nagtapos na rin ang palabas na Pinoy Fear Factor pagkatapos itong "piliting" maipalabas sa loob ng halos tatlong buwan at kalahati. Bakit ko binanggit ang salitang "pilitin"? Kasi naman, halatang pinahaba talaga ito at binitin-bitin ang mga manonood magtagal lamang ito ng one season o katumbas ng tatlong buwan. Kung tutuusin ay pwede mapanood lang ng isang buwan ang naturang reality show kung tatanggalin ang mga unnecessary spiels and footage na isinaksak nila sa show.

Hindi lang ang paulit-ulit na spiels ng host na si Ryan Agoncillo ang nakakairita kundi ang advertisement pa bawat linggo tungkol sa mga ordinaryong tao na hinahamon din sa isang nakakadiring task. Ito yung hosted by the those eliminated contestants. Isama mo na rin iyan yung mga interview sa mga tao ng kung anu-anong katanungan.

Naiba na talaga ang concept ng Fear Factor version na ito kumpara sa original na show. Masyado madaldal kumbaga ang Pinoy Fear Factor. Yung 30-45 minutes nitong show araw-araw ay kasya lang sa loob ng limang minuto kung ito ay edited ng maayos. Masyadong ginawang commercialized.

Sigurado hindi nalugi ang Kapamilya sa mga advertisement na pumasok dahil sa tagal nito sa ere kahit nagmukha na itong cheap.

Siya nga pala, hindi totoo yung naisulat ko dito na si Janna Dominguez ang nanalo. Siya ang tinanghal na runner up ni Jommy Teotico, isang model at kinainisan ng mga babae noong nagsisimula sila sa Argentina dahil sa pagiging alaskador nito at pagiging matabil. Isang publicity lang pala iyon.

Ano kaya ang masasabi ni Phoemela Baranda na halatang kinamuhian ang binata dahil ang tingin niya dito ay isang maingay na tao pero wala naman napapatunayan? Kumbaga ay isang latang maingay sa labas dahil wala namang laman.

Ngayong si Jommy nga ang nanalo, nagbago kaya ang pananaw ni Phoemela na dating pinaka-in demand na female model some 5 years ago?

Kumusta na rin kaya iyong kumakalat na petisyon dati to stop this show dahil sa hindi makatarungang pagtrato sa mga hayop na ginamit sa show? Batid ko na marami ang nagalit dahil binalatan nila yung mga daga at iba pang hayop para lang ipakain sa mga contestants. Isa iyan noon sa mga punto ng mga animal rights groups na ginamit para makalikom ng boto around the world to stop Pinoy Fear Factor. Ang tanong, meron pa kaya itong Season 2?

Pero in fairness sa show, maganda naman ito kung naging fast-faced lang katulad noon sa US version nito. At hanga ako kay Ryan Agoncillo sa galing niyang mag-host. Mukhang natural siya sa kanyang hosting style dito although medyo nangapa pa siya noong una. Ayaw ko lang yung naging treatment nila sa mga animals at ang mga alyas ng bawat contestant na ginawa nilang publicity like Supermanuel or El Gato de Parola, etc.

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO