Angel Locsin, Unti-unti nang Nakakabangon
Maraming salamat muna sa isang fan na nagpadala ng pictures ni Angel Locsin sa amin.
Angel is undeniably one of our female young actresses who has the most beautiful faces. Her edge on the other equally beautiful personalities is her Filipina looks amidst a sea of mestizas.
Gandang-ganda ako kay Angel lalo na sa kayumanggi niyang kulay. Hindi rin nagpapahuli ang kanyang figures dahil isa siya sa may pinaka-sexy na katawan.
Bagay sa isang telenobela ang buhay ng dalaga. Makulay ang naging simula niya sa GMA 7 kung saan siya nagsimula at nakilala pero sa gitna ng kanyang kasikatan, isang pagkakamali ang nagbigay sa kanya ng pinakamalungkot na parte ng kanyang buhay bilang isang artista. Dito siya natuto ng leksiyon at kung paano lumaban sa mga pagsubok.
Angel will always be remembered as the popular young actress who mutinied and joined the opposing force. Ang tinutukoy ko ay bago niyang tahanan sa ABS-CBN.
Nasa kasikatan noon si Angel sa Kapuso bilang pinakasikat ng talent nila. Kaliwa't kanan ang kanyang trabaho bagay na kinainggitan ng marami. Isa siya sa inalagaan ng husto ng Kapuso network pero dahil sa isyu ng pera ay nagdesisyon sila ng kanyang manager na tumawid ng ibang bakod.
Sa pangyayaring iyon bumagsak ang career ni Angel. Aminin man natin o hindi, napunta sa bingit na kamatayan ang career niya dahil sa naging hakbang nila ng kanyang manager. Hindi maayos ang kanilang pagpapaalam and they burned bridges.
Pero natutuwa kami na ngayon ay unti-unti nang nakakabangon ang dalaga. Ang tibay ng loob niya ang kanyang naging sandata sa lahat ng pagsubok na ito. Inaasam namin na sana nga ay tuluyan na niyang mabawi ang lumamlam na career dahil isa siya sa magandang pangyayari sa history ng Philippine TV.
Kung naging honest sana si Angel sa Kapuso executives tungkol sa plano nilang paglipat, the negative effect on her career could have been lesser pero meron din nagawang mabuti ito sa dalaga dahil natutunan niyang maging matatag. The experience humbled her and it made her stronger.
Hindi rin natin maikakaila na ang nangyaring ito kay Angel ay naging aral sa lahat ng artista na lumilipat ng istasyon. Simula nangyari ito, most of the actors who jumped fences made the right move by not burning bridges. Tama ba ako dito Ara Mina, Angelika dela Cruz, , etc.?
Sabi nga sa kasabihan sa ating wika, matuto tayong lumingon sa ating pinanggalingan. Tama lang ito dahil maliit lang ang mundo. Hangad namin na makatrabaho pa rin si Angel sa Siyete kung sakali man darating ang panahon na pilihin niyang maging isang freelancer o di kaya hindi na siya pwede itali sa iisang network lamang.
Isa pala si Angel sa 20 artistang babae na feature natin ngayon sa ating search for the Goddess of Philippine TV. Meron kayong tsansang iboto siya hanggang 27 February. Kung palarin siya makapasok sa Top 10 this week sa second elimination, she will move on to Top 50. pero kung hindi naman ay mae-eliminate siya. Sad to say na mahina ang boto para kay Angel kahit siya ang inaasahan naming manguna ngayon linggo. Nasa third column lamang blog namin ang botohan and after that hanapin niyo sa Menu Tab ang Vote for GPTV. Bumoto rin kayo doon sa Mister Poll namin kung gusto ninyo ang dalaga.