Sunday, February 22, 2009

Marvin Agustin, Paborito ng Siyete; Kulang ang GMA 7 ng Diskarte to Push Their Homegrown Talents

Marami na ang mga nagtatanong o nagtataka sa bagiging bankable ni Marvin Agustin sa Siyete simula ng siya ay lumipat ng istasyon mula Dos. Isa sa ipinagtataka ng mga kasamahan niya sa bago niyang tahanan ay hindi siya nababakante ng mga projects simula nang lumipat siya. Kapag nagtapos ang isa ay meron na namang susunod. Kaya tuloy nagtatanong na ang mga iba pang Kapuso talents kung gaano ba siya kalakas sa management. Kaso nga lang ay wala pa ni isang nag-o-open up sa kasong ito sa mga executives.

Oo nga naman, kahit siguro ako ay magtataka rin lalo na kung ako ay home grown talent. Tila mas pinapaboran pa ng network ang mga artistang lumipat lang sa kanila or yung mga artistang hindi hawak ng GMA Artist Centre. Just take the case of Heart Evangelista, JC de Vera, Jennylyn Mercado (kahit nagsimula siya sa Starstruck ay hawak pa rin siya ni Becky Aguila), Paolo Contis, Alfred Vargas, Dennis Trillo, etc.

Paano naman ang mga loyal sa GMA na meron naman potensiyal like Aljur Abrenica, Kris Bernal, Jewel Mische, Paulo Avelino, Steff Prescott, etc?

Sa aking palagay, ito ang magiging problema ng Channel 7 kung hindi nila ito mapapansin. Sige sila sa pagbi-build up ng talent pero kapag sumikat naman ay nagkakaroon na ng demands o di kaya lumilipat sa kabila. Hindi lang iyan, problema rin nila ang mga managers ng mga artistang ito lalo na kung may masamang pag-uugali katulad ni Annabel Rama. Ano ba ang ibinigay din sa kanila ni Becky Aguila dati?

It's high time for GMA to wake up na kulang sila sa strategy or planning ba to build up their own talents. Ang focus sana nila is how to market those talents whose contract is with GMAAC. Sumisikat ang batang si Gino dela Pena so I guess GMA has to tap that opportunity. Habang maaga ay isama si Gino sa mga soap operas ninyo at bigyan ng markadong papel. Then tuloy-tuloy na iyang mapapansin. Gino is just one of the many examples na pwede kong sabihin.

Sa kabilang banda naman, isa ito sa mga bagay na maganda sa ABS-CBN. They try to test the popularity ng mga bini-build up nilang artista at kapag nakitaan ng magandang feedback ay lalo nila binibigyan ng magandang projects. Take the case of Kim Chiu and Gerald Anderson.

Isa pa, they try to defend their actors sa mga negative publicities nila. Nakita niyo ba kung paano nila dinepensahan sina Piolo Pascual and Sam Milby against their gay issues?

Noong si Marian Rivera ang nasa gitna ng black propaganda mukhang nagkulang ang pagtatanggol dito ng GMA. Late na sila ng kausapin si Lolit Solis na maging publicist ng dalaga. Naapektuhan na ng mga bad publicities ang pinaka-popular nilang batang actress.

Mukhang nalayo tayo ng husto sa usapin nating si Marvin Agustin. Pero okay lang iyon dahil itong blog naman natin is more on our opinions sa mga bagay-bagay sa showbiz.

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO