Thursday, February 26, 2009

Showbiz Updates: Wowowee Inirereklamo na Naman

Napansin ba ninyo na parami ng parami ang mga written interviews ni Boy Abunda about sa biro ni Vicki Belo sa kanya? Napapadalas na rin siyang magbigay ng kanyang saloobin sa isyu sa kanyang bagong programang Showbiz News Ngayon. Gusto lang niyang sabihin nasaktan daw siya. Iyon lang. Promong-promo, di ba?

********
Bakit ang noontime show ng Dos na Wowowee ay hindi tinitigilan ng reklamo at kontrobersiya? May isang winner na naman ng house and lot ang nagrereklamo na nahirapan siyang i-claim ang napanalunan. Parang dumaan siya sa butas ng karayom para makuha lang ang bahay na hindi pala brand new kundi bahay lang na naremata at sira na. Ano ang ginagawa ng DTI? Di ba napatunayan nga nila na nandaya sila Wowowilinaryo? Nagtataka ako kung bakit hindi pa ito sinususpendi.

Personally, hindi ko gusto ang Wowowee dahil puro nagsisigawan ang mga host doon at ginagawa ni Willie na katatawanan ang mga pobreng tao sa studio. Para sa akin napaka-cheap ng form of entertainment ito.

Meron akong kaibigan na dati hinawakan ang segment ng Pera o Bayong noong time pa ng MTB at marami nga siyang kuwento noon about how they manipulated the results. Kaya hindi ako naniniwala na malinis ang Wowowee.

********
Kumusta na rin kaya si JC de Vera tungkol sa away ng kampo niya at ang mother studio niya? Marami ang nagsasabi na si JC lang ang makapagsasabi kung ano ang tunay na nangyari. Pero I doubt kung magsasalita siya kasi takot na takot siya sa manager niyang si Annabel Rama at sobrang hiya naman niya sa GMA na itinuturing niyang nagpasikat sa kanya. Kawawang JC.

Hindi raw matawagan si JC after this incident at walang nakakausap sa kanya lately. Apektado talaga si lover boy dahil sa kagagawan ni Annabel.

If I were you JC, since naiipit ka sa dalawang higanteng parehas na matimbang sa iyong puso, kausapin mo ng maayos ang manager mo at sabihin mo sa kanya ang dapat mong gusto. Pero kung kailangan ka mamili ng isa, mabigat talaga iyan. Pero kung ako sa iyo, magpahawak na lang ako sa GMA Artist Centre.

*******
Speaking of Annabel Rama na manager ni JC, pinabulaanan niyang nag-sorry daw ang mga magulang ni Heart nang makipagkita sila sa Presidente ng Channel 7 na si Atty. Felipe Gozon. See, Annabel thinks she knows all. Kahit wala siya sa meeting ay "alam" niya na hindi nag-sorry ang mga magulang ni Heart. Does she have bionic ears? Or tabas lang talaga ng dila niya?

*******
Speaking of TV network's executives, kumusta na rin kaya si Ms. Charo Santos-Concio na naimbitahan sa red carpet ng Oscar Award ilang araw na ang nakakaraan? I've seen parts of the show pero hindi ko nasilayan ang beauty niya. Ito rin ang sinasabi ng iba na tumutok sa show. Well, naimbitahan lang kaya we don't expect to see her walking on the red carpet kasi kung gagawin lahat yan sa mga imbitado, sigurado aabutin ng isang araw yung show.

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO