DON'T READ: Posibleng Rason Kung Bakit Ganun na lang Mura-murahin ni Annabel Rama si Wilma Galvante; Ano si Annabel sa Career ni Heart Evangelista?
Since mainit pa ang mga issues tungkol kay Annabel Rama at sa mga talents nito, makikisawsaw muna ako kasi nangangati akong mag-comment sa bagong development ng kaso ni Heart Evangelista.
Nakipag-usap na nga raw ang parents ni Heart ng personal sa presidente at CEO ng GMA network na si Atty. Felipe Gozon. Hiniling daw nila ang meeting para ayusin ang mga gulong kinasasangkutan ni Heart. Sa huli ay naayos daw ang lahat at ang dalawang partido ay parehong masaya sa kinalabasan ng kanilang pag-uusap.
Aba, nararapat lamang na umaksiyon na ang kampo ni Heart bago pa hilahin ang kanyang bagong-buhay na career ng mga negative reactions from the viewers. Ang hindi nila alam ay malakas sa mga internet discussions ang pagkadismaya nila kay Heart dahil sa pagtanggi sa isang pang-hapong palabas. Isa na ako dyan.
At mula sa naging pag-uusap nila lalong nadiin na ang lahat ng ito ay kagagawan ni Bisaya. Tuloy, nahubaran siya sa publiko na posibleng gumagawa lamang siya ng istorya para makapag-power play maisiksik lang ang gusto niya. Si Bisaya kasi ay malakas ang paniniwala na what Annabel wants is what Annabel gets. Opinyon ko lang naman pero iyan ang nakikita kong karakter niya. Agree ba kayo dito?
Isa-isahin natin ang mga salient points sa records of the minutes ng pag-uusap between Heart's parents and the big boss of GMA.
1. It is clear that the meeting was requested by the parents of Heart Evangelista. Ibig sabihin ay mayroon dapat ayusin from their side kasi sila na mismo ang lumapit.
2. Mr. and Mrs. Ongpauco (Heart's parents) apologized to the president for the mess that is happening now between Heart and the network. This is self-explanatory. You don't ask apology if you did no good. Take note on the word - BASURA. Sino kaya ang tinutukoy dyan? Hmmm.
3. Mr. Rey Ongpauco also stands as her primary manager. So, what is Annabel's role in Heart's career? Bakit hindi muna kinunsulta ni Bisaya ang parents ng dalaga bago sinagot ang letter ng legal team ng GMA kay Heart? Hindi raw alam ng mga magulang ni Heart ang mga nangyari dahil nasa abroad sila at kakarating lang nila ng Pilipinas.
4. The parents of Heart had nothing to do with the legal letter sent to GMA by Rivera Santos and Maranan Law Offices. Tahasang panasinungalingan. Ibig sabihin agad na nag-utos si Annabel na sagutin yung letter without consulting Heart's parents.
5. Sabi ng GMA, personal concerns from talents should ALWAYS be discussed and adjustments are made accordingly. Iyon naman pala eh. Nakalagay iyan sa kontrata ni Heart. Eh bakit kasi hindi humingi rin si Bisaya ng oras with GMA where she could have been aired her grievances? Bakit pinipili pa rin niyang magdadakdak at magmumura? For Annabel's information, iba na ang panahon ngayon, hindi katulad noong panahon ng Kastila na nakukuha lahat sa takutan. We are living in a civilized world now.
6. The network (GMA) is willing to compromise but not to the extent of violating those contracts. Mahalaga ang contract sa isang negosyo at iyan ang SOP sa lahat ng transactions kahit saan ka pumunta. Dito sa ibang bansa ay ino-observe talaga ang bawat kontrata. Ibig sabihin ay ura-urada si Annabel na sumagot sa legal team without studying the contract. Hayan, nagpadala na naman kasi siya sa bugso ng kanyang damdamin na madaling mag-react sa mga bagay-bagay. Talo pa yata kasi ang bilis ng isang cheetah kapag umaakyat ang galit sa ulo niya.
7. Mr. Rey Ongpauco expressed to Atty Gozon that Heart is too willing to work because acting is really her passion. Both parents understood that it is the network's decision where and in what timeslot to air the programs assigned to their talents. Iyon naman pala, eh. Gusto pala ni Heart mag-work so ibig sabihin si Bisaya lang talaga ang may ayaw na sa panghapon siya ilagay. So, gumawa siya ng kwento para ma-justify na hwag lang siya sa hapon lalabas. These are all in the expense of Heart. Pobreng bata na nabigyan na ng image na nag-iinarte.
Oh, 7 salient points yan ha at swak na swak para sa Kapuso network.
Well ngayong okay na ang parents ni Heart at ang GMA, ano kaya ang mangyayari rin between Annabel and Heart's camp? Will they move on with their separate lives now? Hindi kaya publicist lang si Annabel sa buhay ni Heart?
Heto ang opinyon ko kung bakit pangil at maskara ang ipinapakita ni Annabel Rama sa GMA network lalong-lalo na kay Wilma Galvante na minumura-mura lang niya. Masyadong lumaki at umakyat na sa ulo ni Bisaya ang confidence. Iniisip niya siguro na sila ang bumuhay sa GMA network dahil sa anak niyang si Richard Gutierrez.
Nagkataon kasi na noong magsimulang sumikat ang GMA si Richard at Angel Locsin ang top actors nila. Di ba, usap-usapan noon na inoperan ng Dos si Richard bago at after Mulawin na lumipat sa kanila at "name your prize" ang alok? Since Richard was (yes, that's past tense) the prime actor of GMA then, posibleng ginawa lahat ni Wilma bilang presidente ng entertainment division para manatili lang si Richard sa Kapuso. Posibleng nagmakaawa pa si Wilma kay Bisaya.
Hindi nga natuloy si Richard sa Dos at ang kabayaran nito ay lahat ng hilingin ng kampo niya ay dapat ibigay sa kanya katulad ng klase ng palabas niya, anong timeslot, hanggang anong oras ng taping and talent fee. Malinaw na lahat ng hilingin nila noon sa GMA ay ibinibigay.
Dahil siguro dito ay lumaki ang ulo ni Bisaya at nakatatak sa isip niya na kahit anong sabihin niya ay ibibigay sa kanya. Since feeling niya na hawak niya ang tagumpay ng GMA, dapat masunod ang lahat ng gustuhin niya kaya ganun na lang ang trato niya kay Wilma. Kaya ganun na lang siya magmura dahil akala niya she is the Goddess of Philippine TV. Hahaha. Maisingit lang ang search namin. Bumoto kayo araw-araw ha.
This I have to say to Annabel, unsolicited advice from nobody lamang po. Hindi na katulad ang panahon ngayon sa panahon noon. You have to wake up in your bad dreams that Richard is still the greatest asset of GMA. Palaos na po si Richard. Masakit man aminin para sa inang katulad niyo pero iyan ang unti-unti nangyayari. Kumbaga, he has already reached the zenith of his career and there's no more way to move on but to go down. Nasa stage na po si Richard na bumababa. And do you know who caused him all these? It's sad to say but it's the mother and that is YOU. Dahil sa bad attitude mong ipinakita mo sa publiko at sa sobrang aggresiveness mo, pinalayo mo ang damdamin ng manonood para kay Richard. If you don't stop now, you will realize it is too late when the iron is too hot to handle. That's why while the kitchen is not yet too hot, get out and take a deep breath outside.
Payo lang iyan ng isang estrangherong gusto lang mapanumbalik ang kasikatan ni Richard dahil sayang siya. Gwapo pa naman niya. Just take a look at our poll at the second column of our blog. We ask who the people think the hottest actor is. Richard is near the bottom of the totem pole. Kaya, Annabel, you need to open your eyes and get out of your world of fantasies.
Pero nagbabalak daw si Annabel na magkaroon ng press conference at meron daw siyang pasasabugin bomba. I could only wish that doesn't mean literally. Hehehe. Sasagutin daw niya lahat ang mga isyu sa kanya.
I have to tell you this again. If the press loves you, the people don't. I guess 95% of all messages about you in almost all internet forums contains negative reactions from the public. Kaya suicidal ang gagawin mo sa press conference mo. That could be the end of everything for you. Have you not learned from Cristy Fermin when she thought she could ruin Nadia Montenegro's life by fabricating stories on national television? Posible pong mangyari rin sa iyo iyan.
Well, to close this, I wish you luck.
Eto na yata ang pinakamahaba kong isinulat. Nagulat din ako sa haba niya. I would love to get your comments my dear readers on this post. Leave them here and I try also to learn from them. Thanks.
Eto na yata ang pinakamahaba kong isinulat. Nagulat din ako sa haba niya. I would love to get your comments my dear readers on this post. Leave them here and I try also to learn from them. Thanks.