Boy Abunda vs Vicki Belo; Annabel Rama vs GMA 7
Maraming maiinit na isyu sa ngayon ang pinag-uusapan sa loob ng showbiz kaya sisikapin din namin na ihatid sa inyo ang mga developments nito kahit ang purpose lang namin noong una is to give our opinionated story on some issues. Since we are not really that busy these days kakayanin pa namin magsulat ng kahit anong isyu or kontrobersiya.
Lalong nangangamoy gimik lang ang isyu kina Boy Abunda at Vicki Belo para panoorin ang bagong show nina Boy at Kris Aquino na Showbiz News Ngayon. Mangiyak-iyak pa nga raw na sinagot ni Boy sa kanyang bagong programa ang itinuring na foul joke ni Vicki tungkol sa kanya bilang endorser ng Calayan Surgicentre.
Sabi daw ni Boy na "wala siyang ginagawang masama" kay Vicki para ganunin daw siya. Nasaktan daw siya dahil nagtatanong na rin daw ang kanyang nanay.
Nakakapagtaka lang na hindi na hinintay pa ni Boy ang Linggo para sa The Buzz sana siya magbigay ng reaksiyon. At hindi ganyan ang tunay na Boy ayon na rin sa kanyang interviews. Ilang beses ko sasabihin na nasa record na natin ang paulit-ulit na sinasabi ng host na hindi siya agad-agad pumapatol sa mga isyu laban sa kanya.
Sa sinabi na rin ni Boy sa sagot niya, matagal na niyang kaibigan si Vicki so bakit kailangan pa niyang sagutin ito sa SNN kung si Vicki ay nagtatawag naman pala sa mga common friends nila to explain na na-misunderstood lang siya sa kanyang biro.
At nakikisawsaw naman daw si Manny Calayan sa isyung ito sa pagbibigay ng kanyang panig o pagkampi sa kanilang endorser. Natural lang na gagawin mo kahit sino man sa kaibigan ang ginawa ni Manny pero sa puntong ito, naghintay muna dapat siya ng tamang oras kapag hindi na agresibo ang lahat na involved.
Aminin natin na lahat ng ito ay swak na swak na publicity para sa mga shows or businesses nila.
0-0-0
Sinagot na rin ng GMA 7 ang sulat at reklamo ni Heart Evangelista at ang kanyang manager sa pamamagitan ng kanilang mga lawyers. Na-established naman ng todo ng GMA legal team na walang basis ang dahilan nina Annabel Rama at Heart na tanggihan ang remake ng Muling Buksan ang Puso. Lalo tuloy nadidiin na ayaw lang ng manager ni Heart na sa panghapong teleserye ilagay ito.
Ayon sa sitsit, gusto raw ni Bisaya na primetime lang ang magiging show ni Heart at ipinaglalaban daw na ang dalaga ang gaganap na lead actress para sa remake ng GMA sa koreanovelang Full House.
Ang naging rason nila para tanggihan ang Muling Buksan ang Puso (MBAP) ay makakasira daw sa wholesome image ni Heart ang naturang soap. Ang sabi ng GMA, bakit daw nag-conclude agad sina Bisaya na makakasira sa image nito ang show kung wala pang script na nasisimulan? Alam daw ng GMA na hindi sila gagawa ng mga eksena na bastos dahil sumusunod sila sa guidelines ng MTRCB. Yung bedscene at halikan para MBAP ay nagawa na raw ni Heart sa Codename: Asero so ano ang dapat pang ipagbawal? At ang mga kissing at bedscenes na iyon sa Asero ay hindi naman daw nakasira sa image ni Heart dahil after Asero na tinangkilik ng manonood ay lalo pa siyang tinangkilik sa Luna Mystika. Kung naapektuhan daw ang image ni Heart dapat hindi na nag-rate ang show niya na Luna Mystika.
Tama nga naman ang Siyete tungkol dito. Maliwanag na nag-conclude agad si Bisaya. Ang galing talaga ng rebuttal ng abugado ng Siyete at sigurado sapok na sapok ang mukha ni Annabel dito. Ano pa kaya ang susunod niyang iimbentuhing rason?
Speaking of this, unti-unti na nga inililihis ni Bisaya ang isyu dahil kasama sa sagot nila sa GMA ay ang hinaing naman daw nila na hindi raw tinutupad ng GMA ang kasunduan nilang hanggang 3 am lang ng umaga pwede mag-taping si Heart at kailangan bayaran daw siya sa mga overtime na ito.
Ang tanong, bakit ngayon lang nagdadakdak itong si Bisaya eh noon pang kapanahunan ng Mulawin na soap opera ng anak niyang si Richard Gutierrez na alam niyang inaabot ng hanggang umaga ang mga taping ng mga soap operas. Nagreklamo ba siya noon sa anak niya? Si Heart pa kaya na alaga lang niya. At bakit ngayon lang siya nagsasalita ng ganito? Dahil ba sa wala na siyang ibang maisip na dahilan?
Annabel, you are playing dirty again by making some issues. It's like making a mountain out of a hill.