Wednesday, February 25, 2009

Baron Geisler, Lasing na Sumipot sa Taping ng Midnight DJ


Talagang napakalaking problema para kay Baron Geisler ay ang pagkagumon sa alak. Dahil sa bisyo niyang ito ay muli na naman siyang laman ng mga blind items at mga tsismisan sa loob at labas ng showbiz. Siyempre, kasama na rin kami dyan.

Desperate case na yata ito dahil marami naman na daw paraan ang ginawa kay Baron para malunasan ang "sakit" niyang ito pero mas malakas daw talaga ang tawag ni Ginebra San Miguel. Pero kahit papaano ay happy na rin ako kung naiisip ko na buti na lang hindi siya sa prohibited drugs nalulong. Between two evils, may pipiliin ko na ang alak na less evil kaysa sa bawal na gamot.

Dumating na naman daw kasi si Baron na lasing sa shooting ng kanyang programa para sa TV5 o ang lumang ABC 5 na Midnight DJ. Hindi naman daw regular ang aktor dito kundi may guest role lang siya for some weeks. Ang role daw niya ay isang lasenggo nga raw.

Biruan nga raw sa set na sobra namang mag-internalize daw ang aktor sa kanyang role at talagang isinabuhay na rin niya. Magaling daw kung magaling na aktor si Baron dahil sa katunayan ay may Best Actor award naman na siya pero problema naman daw siyang kontrolin kapag lasing na at madalas naman daw siyang ganito na dumarating sa mga taping.

Dahil daw dito, ang balak ng TV5 na gawin siyang regular sa Midnight DJ ay mukhang hindi na itutuloy dahil sa pangyayari. Masyado raw naabala ang mga tao sa set ng show.

Naku, Baron, walang nangyayari sa buhay ng mga taong lulong sa alak. Walang makakatulong din sa iyo kundi sarili mo lang. Mahirap man umpisahan at pangatawanan pero kailangan mong lumaban. Baka mamaya huli na ang lahat kapag nasangkot ka na sa isang aksidente dahil sa sobrang kalasingan.

Bakit kaya hindi mo gayahin ang kapatid mo na si Donald na disiplina ang naging puhunan para makarating sa Olympics ng ilang beses at makipaglaban para sa ating bandila. Ano kaya kung sa iyo ihampas ni Donald ang mga powerful kicks niya? Matauhan ka kaya? Joke lang po iyon ha.

BLOGGER NOTE: Kung nagugustuhan ninyo or may ayaw kayo sa mga isinusulat namin, be kind enough to let us know them. Padalhan niyo lang po kami ng message gamit ang form sa baba ng blog namin but make sure to include your correct e-mail address para makapag-reply kami. Subscribe na rin kayo sa feeds namin para mabasa niyo na rin sa e-mails ninyo lahat ng mga pio-post niyo. Try it mga kaibigan at maraming salamat sa inyong lahat.

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO