Tuesday, February 24, 2009

2009 OSCAR Awards: Best Foreign Language Film is From Japan

Balitang Hollywood muna tayo mga kabarkada sa buong mundo. Hayaan ko muna kay Karl ang mga issues sa Pilipinas at sikapin ko naman kayong i-update sa mga pangyayari sa labas ng bansa.

Naidaos na noong 22 February ang Oscars at sa ngayon ay halos lahat tayo ay alam na natin na ang pelikulang Slumdog Millionaire ang siyang nagtamo ng may pinakamaraming awards. Walong awards ang nakuha nito mula sa 10 nominations.

Ang pelikula ay hindi Indian movie tulad ng pagkakaalam ng iba at kini-claim ng mga Indians. Itoý British film na ang setting ay sa India at ang mga main actors ay mga Indians. Itoý ay produced ni Christian Colson at directed by Danny Boyle, both are British men. Pero itoý halaw naman sa isang nobela ng isang Indian.

Alam ba ninyo na ang budget lang ng pelikulang ito ay halos US $15 million lang at ang kinita na nito ay umaabot na sa US $159,227? Napakalaki na ng kinita nito at siguradong tuwang-tuwa ang producer dahil tubong-lugaw nga naman siya. Napakaliit na budget ito kumpara sa budget ng mga pelikulang kasabayan niya.

Best Picture ang isa sa napanalunan ng Slumdog Millionaire pero wala ni isa sa mga actors nito ang nakakuha ng acting awards. Lahat ng awards nito ay sa production side lang.

Isa rin sa nanalo ng award that night ay ang Spanish actress na si Penelope Cruz bilang Best Performance by an Actress in a Supporting Role para sa pelikulang Vicky Cristina Barcelona. Pero marami ang tumaas ang kilay sa kanyang pagkakapanalo at kinukwestiyon ito sa ngayon ng mga ibang writers at movie aficionados.

Okuribito (Departures) 2009 OSCAR Best Foreign Language Film

At sa katergorya naman kung saan hindi pinalad mapasama ang Ploning ni Judy Ann Santos despite a massive effort from the actress herself, mula sa bansang Japan ang nanalo.

Marami ang nagulat nang maging Best Foreign Language Film of the Year ang Okuribito or Departures over the most favoured Waltz With Bashir ng bansang Israel. Mukhang year ito ha ng mga pelikulang may Asian touch or connection. Nakakalungkot nga lang dahil wala man lang ang Pilipinas, ang mahal nating bayan.

Bukod sa Departures at Waltz With Bashir, ang 3 pang pelikula na kasama sa Final 5 ng Best Foreigh Language Film category mula sa 67 entries (isa na rito ang Ploning), ay ang The Baader Meinhof Complex ng Germany, The Class ng France at ang Revanche ng Austria.

Kailan kaya tayo mabibigyan ng recognition mula Oscars. Sana naman ay makagawa na tayo ng isang pelikula na pwedeng ipagmalaki. Lagi natin sinasabi na magagaling tayong mga Pinoy sa paggawa ng pelikula at malikhain tayo sa mga kwento pero nasaan na ang ebidensiya? Patunayan natin ito dahil kailangan na kailangan natin.

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO