Showing posts with label Survivor Philippines 2. Show all posts
Showing posts with label Survivor Philippines 2. Show all posts

Tuesday, March 24, 2009

Jade Goody Expires; Renee Lascuna, Nag-audition sa Survivor Philippines?

FOLLOW UP NEWS: Ang bilis ng mga pangyayari. Parang kapahapon lang ay kinaiinisan natin si jade Goody pero ngayon ay patay na siya.

Nalulungkot kami dahil pumanaw na ang kontrobersiyal na British personality na si Jade Goody sa sakit na cervical cancer. Inakusahan siya na racist at maldita. Kinilala siya dahil sa istorya ng kanyang buhay. Dati siyang mahirap na yumaman dahil nakilala sa telebisyon.

Kung noon ay nagagalit ako sa kanya dahil sa naging asal niya sa Big Brother UK, ngayon ay kalungkutan naman ang aming nadarama dito sa Siete Contra Dos dahil napakabata niya para mamatay sa edad na 27. May dalawa siyang anak na maliliit na naiwanan. Inulila niya ang kanyang ina at asawang si Jack Tweed na bagong kasal lang sa kanya noong nakaraang buwan habang alam na nila na terminal na ang kanyang sakit.

She died in her sleep on 22 March 2009. You may rest in peace. 

***********
Hindi kami magtataka kung napakarami ang nagagalit sa fashion designer na si Boyet Fajardo dahil sa pang-iinsulto niya sa isang cashier ng Duty Free Philippines.

Marami ang mga OFW na katulad namin ang nainsulto sa kanyang ginawa. Hindi namin nagustuhan ang kanyang tingin sa mga ordinaryong tao na may maliliit lang na trabaho katulad namin. Talo pa niya ang mga ibang lahi kung umasta sa mga maliliit na tao.

Isa kami sa nananawagan na mabigyan ito ng kaukulang leksiyon, Ipagpatuloy na hwag tangkilikin ang mga gawa niya at sana i-pull out ang mga shops niya sa Landmark at Robinson's.

Pumirma pa rin kayo sa petition against this abusive mean person.

**********
Hati rin ang naging reaksiyon ng mga tao sa gulong kinasangkutan ni Bayani Agbayani sa Pier One sa The Fort. Marami rin ang pumapanig sa komedyante dahil naging bastos din sa kanya ang isang sa sakay ng nabangga niyang sasakyan. Aminado kasi si Bayani sa naging kasalanan niya at inayos ito kahit sobrang lasing na siya kaya marami rin ang nakikisimpatiya sa kanya kahit naringgan natin siya ng pagmumura at pang-iinsulto.

Pero kahit ganun pa man ay hindi namin tino-tolerate ang ginawa ni Bayani na pananakot at paghamon ng away. aba, sino naman daw kami sa buhay ng aktor at kung makapagsalita ay para close naman daw, huh? Sekreto na namin iyon. LOL

**********
May bagong twist sa drama ng paglilipat ni Manny Pacquiao sa coverage ng laban niya dahil umamin nga siya na tinuruan lamang siya ng sasabihin sa interview niya sa TV Patrol World.

May katanungan ang aking partner dito sa Siete Contra Dos tungkol sa isinulat ko dito. 

Mukha yata napahiya kami pero maghihintay kami ng bagong pahayag ng Dos. Pansamantala ay magtatakip muna kami ng mukha sa harap ni Karl at baka hindi namin makayanan ang tingin niya. LOL.

Ito naman kasi ABS CBN, hindi masyado plinantsa ang lahat bago nagpalabas ng video. Na-overwhelmed sila masyado at na-excite. Kaya nga marami ang inaatake sa sex. Ayyyyy! Censored iyan. Pasensiyahan na lang niyo ako dahil na-excite din ako. Hehe

**********
Ayon sa aming Pusang Gala (Ayaw ko sa Palakang Kokak, Karl, na tawag natin sa mga spy o informant natin. Mas magandang pakinggan ang Pusang Gala) ay nag-audition daw si Renee Lascuna sa Survivor Philippines Season 2 nang magkaroon ito ng national audition sa Davao City.

Sino siya?

Si Renee ay produkto ng Starstruck 4 at kasabayan niya sina Jewel Mishe, Rich Asuncion at Kris Bernal. Isa siya sa mga nakapasok sa Final 14 pero siya ang kauna-unahan na natanggal sa mga babae. Isa siya sa bet ko noon at hindi ko in-expect na siya ang unang magpaalam sa nasabing talent search.

Pursigido pa rin si Renee na makilala siya showbiz at saludo ako sa iyong pangarap. Go for the gold, Renee. Pero hindi ito spoiler dahil wala siya sa final cast.
Get free website for your blog

READ MORE >>

Saturday, March 21, 2009

Speculations for Survivor Philippines Season 2

Ang inyong mababasa ay hindi spoiler kundi purely speculations lamang tungkol sa sikat na reality show na Survivor Philippines Season 2.

Nagsisimula na namang umingay ang sikat na Survivor Philippines dahil sa kasalukuyang ginaganap na national auditions sa iba't ibang key cities in the Philippines. How about auditions outside the Philippines, Kapuso, dahil siguradong isa ako sa mangunguna sa pila kapag ito'y nagkatotoo. Sobrang dami daw ang mga gustong sumali at mas marami raw interesting personalities ang pagpipilian sa ngayon. Paano kaya pipiliin ng Siyete yung right formula o right personality?

Kumakalat ang bulung-bulungan na baka sa China daw gagawin ang second season. Pero naniniwala rin kami na posible rin na sa Malaysia lang dahil mas malapit ito at sa bansang ito rin ginanap ang unang version ng Survivor US.

Isa ako sa hindi masyado nagandahan sa unang season ng Survivor Philippines dahil lahat ng mga challenges na ginawa doon ay nakita ko na sa mga past seasons ng Survivor US. Wala man lang akong nakitang original Filipino concept. Pero may paliwanag naman daw ang mga nasa likod ng programa. Kaya naman daw recycled lahat ng mga challenges dahil first time lang itong hawakan sa Pilipinas. Usually daw kasi, ang may-ari ng reality show na ito ay hindi masyado bilib sa mga unang version ng Survivor ng bawat bansa kaya kailangan daw mga tested challenges na o nakita na sa telebisyon ang dapat gawin upang mapanatili ang world class ng programang ito.

Pero nangangako na raw ang GMA na marami ng original na tasks ang ipapakita sa second season ng Survivor Philippines dahil napabilib na raw nila ang mga tao sa likod ng show na ito.

Ayon din sa bulung-bulungan, kung hindi raw natin nakita ang tinatawag na Exile Island at Hidden Idols sa Season 1 ay makikita na raw natin ito sa Second Season. Interesting kung ganon.

Pero isa lang ang hindi ko nagustuhan sa Survivor Philippines, masyadong boring o dragging ito dahil daily ang kanyang format. Nawawala ang excitement at mabagal ma-build up ang suspense. Bakit kaya hindi rin gumawa ng weekly show ng Survivor Philippines, one episode per week at ipalabas naman ito sa QTV  o di kaya sa Siete rin. Sa gayon, dalawa ang choices ng mga manonood. At least para doon sa hindi nakakasubaybay araw-araw ay may chance na manood sa weekend. Baka ang worry lang  ng production ay bumaba ang ratings nito sa daily part kung may weekend show pa nga ito. Delikado nga naman.

Pero sobrang nagandahan ako sa background music na ginamit nila sa first season lalo na noong sinusunog na nila yung mga torches o sulo ng mga castaways na na-eliminate na. Hindi ko alam yung kanta kaya kung meron nakakaalam sa inyo, baka pwede naman bigyan kami ng kasagutan. 

Yung burning of the torches of those fallen' comrades ang isa sa most touching part ng show para sa akin kaya may payo ako sa GMA. Sana next time, kapag sinusunog yung torch ng taong natanggal ay hayaan na magsalita mismo yung natanggal at hindi yung wish ng natira ang ipapakita. Mas maganda pa rin yung ginagawa sa US version na nagpapakita sila ng clip ng taong na-vote out habang sila ay nagsasalita.

***********
Natutuwa rin ako sa aming nabasa na apat na franchise ng Survivor ang nainggit sa Koh Lanta o Survivor France noong mag-shooting ito sa Gota Beach sa Camarines Sur. Kasalukuyan daw nagso-shooting ang Survivor Israel ngayon sa naturang beach at susunod naman daw ang Survivor Turkey at Survivor Bulgaria. Under negotiation na rin daw ang filming naman ng original Survivor, ang Survivor Sweden or Expedition: Robinson.

Kailan din kaya ang Survivor US? Kasi naman puro lang sa mga bansang nakapalibot sa Pilipinas ang pinupuntahan nila katulad ng Malaysia, Thailand, China, Palau, Cook Islands, Australia, Fiji at Marquesas.

Wish ko lang na sana mag-shoot na rin sila sa Pinas.
Get free website for your blog

READ MORE >>

Friday, February 27, 2009

Annabel Rama, Minaliit Si Marvin Agustin; Anong Balita sa Amazing Race Asia 4?

GPTV Updates: Magtatapos na mamayang gabi sa ganap na 11:59 sa Pilipinas ang pangalawang face off ng 20 female young stars ng Kapuso at Kapamilya networks.ng ating search for the Goddess of Philippine TV. Kasalakuyang nangunguna si Angel Locsin tulad ng inakala namin. Hindi maikakaila na malawak pa rin ang fan base ng actress at ayon sa aming statistics ay kalat sila sa buong mundo.

Mahina lang ang reception ng mga fans sa linggong ito. Lahat ng boto at pageviews na natanggap namin para sa ating search ay wala pa sa kalahati kumpara last week nang isalang sina Marian Rivera, Laarni Lozada, Aicelle Santos, Jonalyn Viray, etc.

Mamayang alas-dose rin o midnight, magsisimula ang botohan para sa Batch 3 na kinabibilangan nina Heart Evangelista, Kris Bernal, Jennylyn Mercado, Glaiza de Castro, Angelica Panganiban, Bea Alonzo, Maja Salvador at iba pa.

Hangad namin na suportahan niyo pa rin ang aming poll.

***********

Nagsimula na pala kahapon sa Dagupan City ang unang araw ng audition for Survivor Philippines Season 2. Naku, sumugod na kayong mga nasa Pilipinas dahil baka kayo na ang hinahanap. Hwag sayangin ang mga pagkakataon na ganito dahil sinisiguro ko sa inyong kakaibang experience at exposure ang inyong mararanasan. Baka mamaya ay kayo pa ang manalo ng 3 milyon pesos. Maging totoo lang kayo kasi hinahanap nila yung may mga outstanding behaviours.

***********

Speaking of reality shows, ano na kaya ang nangyari sa Amazing Race Asia? Magkakaroon pa rin ba ng season 4 para sa naturang palabas? Matatandaan na sa ganitong buwan sa mga nagdaang seasons ay ina-announce na ng AXN, ang home network ng show, ang auditions. Pero sasapit na ang Marso ay wala pa rin tayong nababalitaan. Apektado rin kaya sila ng global crisis? Pero nabanggit naman daw ng producer na si Micheal McKay noong kasagsagan ng Season 3 na pinagpaplanuhan na nila ang Season 4. Nakakapagtaka nga lang na tahimik sila ngayon. Paano na lang ang mga fans na hilig mang-away sa mga forums kung hindi matutuloy? Last Season, sina Geoff Rodriguez at Tisha Silang ang pumangalawa sa race na ito.

***********

May bago na namang press release ang sobrang nega sa publiko na si Annabel Rama tungkol sa away niya sa GMA network. Nagsalita siya tungkol sa legal letter na natanggap ni JC de Vera from GMA legal department dahil sa pagtanggi nilang hwag gawin ang Obra.

Nagdadakdak si Bisaya na one sided daw ang mga kontratang pinirmahan nila para sa GMA. Wala daw sila bang karapatan na mamili ng projects at tanggihan ang mga actors na makakasama ng talent niya sa isang show?

Mukhang kulang na yata si Bisaya sa tamang pag-iisip dahil bakit pinirmahan niya ang kontrata kung talagang tama ang idinadaing niya. Malinaw ba na hindi niya binabasa ang kanyang pinipirmahan?

At paano niya sasabihing wala silang karapatan umayaw sa makakasamang actor ng talents niya kung sa bibig niya mismo nanggaling na tinanggihan niya si Marvin Agustin na maging boyfriend ni KC Concepcion at pagseselosan ni Richard Gutierrez sa pelikulang When I Met You? Ang role ay napunta kay Alfred Vargas.

At nilait pa ni Bisaya si Marvin Agustin by insinuating na si Marvin daw ba ang dapat pagselosan ni Richard? Naku, hindi lang matapobre si Bisaya kundi mapanlait pa. Sobrang bilib niya talaga na sobrang gwapo ang anak niyang si Richard. Kailangan na iuntog si Bisaya.

"Sabi ko sa kanila, sino ba naman ang maniniwalang mai-in-love si KC sa kagaya ni Marvin at pagseselosan pa ni Chard?" wika ni Bisaya.

Hindi lang iyan, nagmayabang pa si Bisaya na ipinakita raw niya sa mga kaibigan niyang judges at justices ang mga contracts niya sa mga talent niya. O di ba, mayabang talaga siya? Kailangan daw magpasaring na may kilala siya sa legislative department ng gobyerno natin? So, ibig bang sabihin noong nanalo siya sa libel case niya against Cristy Fermin ay iginapang niya ito?

Nasa legal na pag-uusap na kasi lahat kaya parang sinisilaban na si Annabel sa puwit at naghahanap ng pwedeng lusutan. Hindi ako magtataka kung bukas sa kangkungan pupulutin ang managerial job nito.

READ MORE >>

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO