Speculations for Survivor Philippines Season 2
Ang inyong mababasa ay hindi spoiler kundi purely speculations lamang tungkol sa sikat na reality show na Survivor Philippines Season 2.
Nagsisimula na namang umingay ang sikat na Survivor Philippines dahil sa kasalukuyang ginaganap na national auditions sa iba't ibang key cities in the Philippines. How about auditions outside the Philippines, Kapuso, dahil siguradong isa ako sa mangunguna sa pila kapag ito'y nagkatotoo. Sobrang dami daw ang mga gustong sumali at mas marami raw interesting personalities ang pagpipilian sa ngayon. Paano kaya pipiliin ng Siyete yung right formula o right personality?
Kumakalat ang bulung-bulungan na baka sa China daw gagawin ang second season. Pero naniniwala rin kami na posible rin na sa Malaysia lang dahil mas malapit ito at sa bansang ito rin ginanap ang unang version ng Survivor US.
Isa ako sa hindi masyado nagandahan sa unang season ng Survivor Philippines dahil lahat ng mga challenges na ginawa doon ay nakita ko na sa mga past seasons ng Survivor US. Wala man lang akong nakitang original Filipino concept. Pero may paliwanag naman daw ang mga nasa likod ng programa. Kaya naman daw recycled lahat ng mga challenges dahil first time lang itong hawakan sa Pilipinas. Usually daw kasi, ang may-ari ng reality show na ito ay hindi masyado bilib sa mga unang version ng Survivor ng bawat bansa kaya kailangan daw mga tested challenges na o nakita na sa telebisyon ang dapat gawin upang mapanatili ang world class ng programang ito.
Pero nangangako na raw ang GMA na marami ng original na tasks ang ipapakita sa second season ng Survivor Philippines dahil napabilib na raw nila ang mga tao sa likod ng show na ito.
Ayon din sa bulung-bulungan, kung hindi raw natin nakita ang tinatawag na Exile Island at Hidden Idols sa Season 1 ay makikita na raw natin ito sa Second Season. Interesting kung ganon.
Pero isa lang ang hindi ko nagustuhan sa Survivor Philippines, masyadong boring o dragging ito dahil daily ang kanyang format. Nawawala ang excitement at mabagal ma-build up ang suspense. Bakit kaya hindi rin gumawa ng weekly show ng Survivor Philippines, one episode per week at ipalabas naman ito sa QTV o di kaya sa Siete rin. Sa gayon, dalawa ang choices ng mga manonood. At least para doon sa hindi nakakasubaybay araw-araw ay may chance na manood sa weekend. Baka ang worry lang ng production ay bumaba ang ratings nito sa daily part kung may weekend show pa nga ito. Delikado nga naman.
Pero sobrang nagandahan ako sa background music na ginamit nila sa first season lalo na noong sinusunog na nila yung mga torches o sulo ng mga castaways na na-eliminate na. Hindi ko alam yung kanta kaya kung meron nakakaalam sa inyo, baka pwede naman bigyan kami ng kasagutan.
Yung burning of the torches of those fallen' comrades ang isa sa most touching part ng show para sa akin kaya may payo ako sa GMA. Sana next time, kapag sinusunog yung torch ng taong natanggal ay hayaan na magsalita mismo yung natanggal at hindi yung wish ng natira ang ipapakita. Mas maganda pa rin yung ginagawa sa US version na nagpapakita sila ng clip ng taong na-vote out habang sila ay nagsasalita.
***********
Natutuwa rin ako sa aming nabasa na apat na franchise ng Survivor ang nainggit sa Koh Lanta o Survivor France noong mag-shooting ito sa Gota Beach sa Camarines Sur. Kasalukuyan daw nagso-shooting ang Survivor Israel ngayon sa naturang beach at susunod naman daw ang Survivor Turkey at Survivor Bulgaria. Under negotiation na rin daw ang filming naman ng original Survivor, ang Survivor Sweden or Expedition: Robinson.
Kailan din kaya ang Survivor US? Kasi naman puro lang sa mga bansang nakapalibot sa Pilipinas ang pinupuntahan nila katulad ng Malaysia, Thailand, China, Palau, Cook Islands, Australia, Fiji at Marquesas.
Wish ko lang na sana mag-shoot na rin sila sa Pinas.