Saturday, March 21, 2009

Mga Opinyon sa Paglipat ni Manny Pacquiao ng Coverage ng Laban niya sa Dos

Mainit na pinag-uusapan sa mga quasi-media (television, radyo, newspaper at internet) ang naging desisyon ni Manny Pacquiao na ilipat ang coverage ng kanyang laban sa ABS CBN sa kabila ng pagkakaroon ng kontrata niya through his MP Production at ang Solar Sports na magtatapos pa lang sa 2011. Nagdesisyon din si Manny na magpakita sa screen ng Dos kahit may kontrata siya sa GMA 7 na hindi siya pwede lumabas sa kahit anong TV shows except sa shows ng Siete.

Tama ka Kuh Chara (What a pseudonym?) na nagkulang ang ABS CBN sa pagpapaalala kay Manny. Kahit business pa rin ito, hindi ako naniniwala na walang ideya ang Dos sa mga kontrata na ito ni Manny. Para sa aking punto de vista, malinaw na minaliit nila ang mga kontratang ito sa Solar Sports at GMA.

Nangalap ako ng mga comments ng ilang kaibigan at ito ang kanilang sinabi. Basahin ninyo isa-isa at nakakatawa dahil iba't ibang anggulo sila tumingin. Bawat isa ay may punto nga naman.

1. Matalino daw si Pacquiao dahil pera pa rin daw ang nasa isip niya. Talagang gusto niya ng maraming pera na mapupunta sa kanya through pay per view. Dahil alam daw ni Manny ang kontrata niya sa Solar Sports, alam din daw niya na maghahabol ito kapag ilipat niya ang coverage sa iba. Ang mangyayari ay magkakaroon ng temporary restraining order sa Dos upang hindi ipalabas ang laban sa free TV. Kapag iyon ang mangyari, mapipilitan ang mga tao na mag-subscribe ng pay per view.

2. Business-minded talaga ang Dos at ang mahalaga lang daw sa kanila ay ang pera na maiaakyat ng laban ni Manny. Hindi raw importante kung manalo at matalo si Manny basta ang mahalaga ay makinabang sila dito.

3. Wala daw isang salita si Manny at paano siya iboboto ng mga tao kung isang simpleng kontrata ay hindi siya marunong tumupad. Wala daw siyang kredibilidad. Kahit tulungan din daw siya ng ABS CBN sa kampanya niya hindi rin daw iboboto ng tao si Manny dahil ang Dos din ay may problema sa credibility.

4. May problema daw sa GMA 7 at bakit lagi na raw silang nilalayasan ng mga talent nila. Hindi lang si Manny daw ang gumawa nito kaya kailangan pag-aralan ito ng maayos ng management at masolusyunan na agad bago pa lumala at maging sanhi ng pagbagsak nila.

5. Ang paglipat daw ni Manny ay nangangahulugan na mas malawak ang coverage ng Dos kaysa sa Siete. Mas sikat pa rin daw ang Kapamilya kaysa sa Kapuso.

6. Politically-motivated talaga ang naging pasya ni Manny dahil pinangakuan siya ng Dos na ikampanya siya. Pero paano daw gagawin ng Dos ito kung bawal silang mangampanya ng isang kandidato ayon sa Omnibus Election Code? Handa raw ba sirain ng Dos ang reputasyon nila uli para lang sa perang dadalhin ni Manny o pagkatapos ng laban ni Manny ay wala na daw silang pakialam pa sa kanya?

Bawat sinabi nga naman diyan ay may punto na hindi pwedeng hindi na lang pansinin. Meron ba kayo pwede idagdag dito? Just let us hear those comments.
Get free website for your blog

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO