Showing posts with label Survivor Philippines. Show all posts
Showing posts with label Survivor Philippines. Show all posts

Monday, May 4, 2009

Janina San Miguel is out of Survivor Philippines 2

Sayang naman kung tama ang balitang aming nasagap na hindi raw nakapasok sa final list ng mga castaways para sa second season ng Survivor Philippines itong controversial beauty queen na si Janina San Miguel.

Ang tsika ng aming Pusang Gala ay hindi raw sumipot si Janina sa mandatory medical and psychological test na isinagawa ng production ng Survivor Philippines para sa mga aplikante. Ang rason daw ng beauty queen ay dahil may sakit siya.

Pero ayon sa aming informant, posibleng nagbago ang isip ng dalaga at ayaw na raw niyang magpagutom at maghirap pa sa isla ng isang buwan. Balita daw kasi na meron siyang offer sa Dos para sa isang show na malapit ng magsimula. Mas mabuti na raw na tanggapin niya agad ito.

Pero hindi rin biro ang pinagdaanan ni Janina para makapag-audition lang sa nasabing show ni Paolo Bediones. Nag-effort pa ang dalaga na pumunta sa Baguio City para doon mag-audition kahit na-late na siya sa kanyang programa sa TV5 kung saan binawasan siya ng exposure.

Ngunit iba rin ang version ng isa pa naming Pusang Gala. Janina will still be joining Survivor Philippines but not in this upcoming season. Allegedly, GMA 7, the franchise owner, intends to cast her on their celebrity edition of the said show. Being a Youtube sensation, it is perfect to see Janina with equally controversial celebrities and personalities in one hilarious show.

After her infamous stint in the Binibining Pilipinas 2008 where she faltered in the question and answer portion, her resignation as Miss Philippines-World 2008 and being linked to Gretchen Barreto's live in partner - Tony Boy Cojuangco, she is becoming a hot property again this time around.

So, let's watch out for Janina San Miguel.

READ MORE >>

Thursday, April 9, 2009

Survivor Philippines - Celebrity Edition, Magkakaroon Na!

Hindi ko alam kung matutuwa o madi-disappoint ang mga Survivor fanatics na sagad-to-the-bones ang kanilang pag-ayaw sa mga mactors o model/actors na sumasali sa mga reality shows like Amazing Race and Survivor. Ang chika, isang celebrity edition ng Survivor Philippines ang kasalukuyang nasa planning stage at mabigat na kinu-consider ng GMA network na siyang may-ari ng franchise dito sa Pilipinas ang ideyang ito.

Hindi nga lang malinaw kung kailan uumpisahan ang celebrity edition na ito dahil kasalukuyan pa lang nagpapa-audition para sa cast ng second season. Pero ang host na si Paolo Bediones ay umamin na raw sa isang interview ng Philippine Daily Inquirer na kasalakuyan ngang nilalaro ng mga executives ng Siete ang ideyang ito.

Pero kung pagbabasehan natin ang matagal ng sentiments ng mga proclaimed reality show addicts na umaalingawngaw sa lahat ng forums or discussion boards about these shows, mukhang mangangalaiti sila at handang pakawalan na naman ang kamandag ng kanilang dila para atakehin lamang ang posibilidad na ito.

Ang banat ng mga fans na ito ay ang reality show raw ay programang ginawa para daw sa mga ordinaryong tao na hindi marunong umarte sa harap ng camera. Hindi raw karapat-dapat ang mga artista dahil ang ipapakita lang nila sa isla ay arte lamang at hindi tunay nilang nararamdaman.

Pero nakalimutan yata ng mga fans na ito na ang mga shows na ito ay ginawa para na rin sa pera o advertisements. Sa kabilang banda, hindi rin nga naman papatok ang isang show kung hindi dahil sa mga manonood na katulad nila o natin.

Matatanggap kaya ng buong madla ang ideya na ang susunod na Survivor Philippines o baka ang season 3 ay puno ng mga artista natin?

Ayon kay Bediones, maganda raw makasama sa show ang mga tulad nina Annabel Rama, Willie Revillame, Kris Aquino, Joey Marquez, Jolina Magdangal, Mike Enriquez, Katrina Halili, Arnold Clavio, Marian Rivera, Angel Locsin, Karylle, Dingdong Dantes at ilan pang mga artista.

Pero para sa aming lang dito sa Siete Contra Dos, mukhang exciting kung ang mga nabanggit na mga personalities ay magiging castaways nga sa isang season ng Survivor Philippines. Paano kaya kung mag-away sina Kris at Annabel? Paano kung maakit si Willie kay Katrina? Ang paano rin si Mike kung siya maubo? LOL.

Ano sa palagay ninyo?

READ MORE >>

Saturday, March 28, 2009

JC Tiuseco is Still In Love With his Lawyer Girlfriend, Hindi Totoo ang Nabalitang Cool Off

Marami ang natuwa na mga kababaihan or at least mga nagpapantasya kay JC Tiuseco, ang unang winner ng Survivor Philippines, nang mabalitaan sa mga showbiz talkshows ang kanyang pag-amin na nasa cool off stage sila ng kanyang abogadang kasintahan na si Alu. Nakita natin si Alu sa telebisyon nang siya ang maging bisita ni JC sa isang challenge sa ginanap na first season ng Survivor Philippines.

Pero iba ang nasagap naming balita mula sa aming Pusang Gala dahil hindi raw totoo na nasa cool off stage sina JC at Alu. Very much in love ang description niya sa dalawa at ang announcement ni JC na iyon ay isang career move lamang na madalas namang mangyari sa mga baguhan sa showbiz na meron determinasyon na makilala ng lubusan.

Hindi mahirap paniwalaan ang aming Pusang Gala dahil sa nakita nating footage sa Survivor Philippines, sobra ang affection na ipinakita nina JC at Alu. Kung maalala ninyo, may isang eksena sa Koh Tarutao na bigla na lamang sumulat si JC malapit sa tree mail para sa girlfriend pagkatapos ng mahabang araw na hindi nakikita ang mga mahal sa buhay. In fact, ang una nga na pumasok sa isip namin that time ay talagang mahal na mahal ng binata si Alu dahil siya ang sinulatan at hindi ang pamilya nito.

Ngayon na marami ang kinikilig kay JC na mga kababaihan, mahihirapan nga naman i-build up siya ng isang loveteam with any actress kung ang alam ng publiko ay may ibang minamahal talaga itong si JC. At dahil matindi ang pagnanais ng binata na makilala sa showbiz, kailangan niyang magsakripisyo at ito nga iyong palabasin na wala na sila ng kanyang girlfriend at malaya na uli siyang umibig sa ibang babae.

Pwedeng-pwede kasing gawing isang matinee idol ang unang Sole Survivor at kahit paano ay mayroon na rin siyang fan base na mga kababaihan. Sayang nga naman kung hindi ito ma-exploit ng maayos.

Sitsit ng aming aming Pusang Gala, madalas magkita sina Alu at JC, palihim nga lamang tulad na rin ng naipangako nila sa isa't isa at sa utos na rin ng mga namamahala sa career ng dating basketball player na iniwanan ang hardcourt para sa limelight ng camera.

*******
Lalo pa yata iinit ang usapang Manny Pacquiao at ABS CBN-Solar Sports-GMA dahil sa naging pahayag ng dalawang sangkot sa isyu ngayon-ngayon lamang - si Manny mismo at si Gabby Lopez na may-ari ng Dos.

Pinaninindigan ni Gabby na si Pacquiao ang lumapit sa kanila upang ilipat sana ang coverage ng laban niya kay Ricky Hatton.

Samantala, nabanggit na nga ang pangalan ni Dyan Castillejos na siyang naging daan umano ng ABS CBN upang makumbinsi si Manny na lumipat sa kanila. Nabanggit nga namin ang anggulong ito sa blog entry naming ito.

Pinaninindigan din ni Manny na ang ABS CBN ang siyang unang lumapit sa kanya upang kumbinsihin siya sa pamamagitan nga ng pagbubulong daw ni Dyan sa kanya. Matigas pa rin siya sa pagsasabi na ang naging pahayag niya sa TV Patrol ay ginawa lang ng mga abogado ng Dos.

Asahan natin na isang araw ay magsasalita si Dyan on air at inaasahan ko rin na pabor ito sa Dos dahil ito nga naman ang kanyang bread and butter.

In fairness, tulad ng nabanggit ng aming Pusang Gala dito, lumalabas na unti-unti ang kanyang sinabi dahil naibalita na rin na binalak nga ng ABS CBN at si Manny na i-buy out ang kontrata ng boksingero sa Solar Sports kung papayag dito ang Solar mismo.

Sa totoo lang, kami na mismo dito sa Siete Contra Dos ang nababahala para kay Manny. Ayaw namin na makita siya na tinatalo ni Hatton sa lona pagdating ng May 2 dahil isang karangalan pa rin kung maipanalo ni Manny ang laban na ito. Pero dahil sa mental at emotional distress na nangyayari sa boksingero, naiisip tuloy namin na posibleng matalo siya. Tulad ng sinabi namin noon sa una naming entry tungkol sa isyung ito, baka magaya siya kay Erik Morales na sumampa ng boxing arena habang gulong-gulo ang isip, kaya siya natalo kay Pacquiao.

Ipagdasal na lang natin si Manny na sana ay ma-overcome niya ang lahat ng ito.
Get free website for your blog

READ MORE >>

Saturday, March 21, 2009

Speculations for Survivor Philippines Season 2

Ang inyong mababasa ay hindi spoiler kundi purely speculations lamang tungkol sa sikat na reality show na Survivor Philippines Season 2.

Nagsisimula na namang umingay ang sikat na Survivor Philippines dahil sa kasalukuyang ginaganap na national auditions sa iba't ibang key cities in the Philippines. How about auditions outside the Philippines, Kapuso, dahil siguradong isa ako sa mangunguna sa pila kapag ito'y nagkatotoo. Sobrang dami daw ang mga gustong sumali at mas marami raw interesting personalities ang pagpipilian sa ngayon. Paano kaya pipiliin ng Siyete yung right formula o right personality?

Kumakalat ang bulung-bulungan na baka sa China daw gagawin ang second season. Pero naniniwala rin kami na posible rin na sa Malaysia lang dahil mas malapit ito at sa bansang ito rin ginanap ang unang version ng Survivor US.

Isa ako sa hindi masyado nagandahan sa unang season ng Survivor Philippines dahil lahat ng mga challenges na ginawa doon ay nakita ko na sa mga past seasons ng Survivor US. Wala man lang akong nakitang original Filipino concept. Pero may paliwanag naman daw ang mga nasa likod ng programa. Kaya naman daw recycled lahat ng mga challenges dahil first time lang itong hawakan sa Pilipinas. Usually daw kasi, ang may-ari ng reality show na ito ay hindi masyado bilib sa mga unang version ng Survivor ng bawat bansa kaya kailangan daw mga tested challenges na o nakita na sa telebisyon ang dapat gawin upang mapanatili ang world class ng programang ito.

Pero nangangako na raw ang GMA na marami ng original na tasks ang ipapakita sa second season ng Survivor Philippines dahil napabilib na raw nila ang mga tao sa likod ng show na ito.

Ayon din sa bulung-bulungan, kung hindi raw natin nakita ang tinatawag na Exile Island at Hidden Idols sa Season 1 ay makikita na raw natin ito sa Second Season. Interesting kung ganon.

Pero isa lang ang hindi ko nagustuhan sa Survivor Philippines, masyadong boring o dragging ito dahil daily ang kanyang format. Nawawala ang excitement at mabagal ma-build up ang suspense. Bakit kaya hindi rin gumawa ng weekly show ng Survivor Philippines, one episode per week at ipalabas naman ito sa QTV  o di kaya sa Siete rin. Sa gayon, dalawa ang choices ng mga manonood. At least para doon sa hindi nakakasubaybay araw-araw ay may chance na manood sa weekend. Baka ang worry lang  ng production ay bumaba ang ratings nito sa daily part kung may weekend show pa nga ito. Delikado nga naman.

Pero sobrang nagandahan ako sa background music na ginamit nila sa first season lalo na noong sinusunog na nila yung mga torches o sulo ng mga castaways na na-eliminate na. Hindi ko alam yung kanta kaya kung meron nakakaalam sa inyo, baka pwede naman bigyan kami ng kasagutan. 

Yung burning of the torches of those fallen' comrades ang isa sa most touching part ng show para sa akin kaya may payo ako sa GMA. Sana next time, kapag sinusunog yung torch ng taong natanggal ay hayaan na magsalita mismo yung natanggal at hindi yung wish ng natira ang ipapakita. Mas maganda pa rin yung ginagawa sa US version na nagpapakita sila ng clip ng taong na-vote out habang sila ay nagsasalita.

***********
Natutuwa rin ako sa aming nabasa na apat na franchise ng Survivor ang nainggit sa Koh Lanta o Survivor France noong mag-shooting ito sa Gota Beach sa Camarines Sur. Kasalukuyan daw nagso-shooting ang Survivor Israel ngayon sa naturang beach at susunod naman daw ang Survivor Turkey at Survivor Bulgaria. Under negotiation na rin daw ang filming naman ng original Survivor, ang Survivor Sweden or Expedition: Robinson.

Kailan din kaya ang Survivor US? Kasi naman puro lang sa mga bansang nakapalibot sa Pilipinas ang pinupuntahan nila katulad ng Malaysia, Thailand, China, Palau, Cook Islands, Australia, Fiji at Marquesas.

Wish ko lang na sana mag-shoot na rin sila sa Pinas.
Get free website for your blog

READ MORE >>

Tuesday, February 17, 2009

Survivor Philippines Season 2 Auditions

Isang magandang balita ito sa mga fans ng Survivor Philippines dahil hindi apektado ang naturang show sa global economic crisis. Magpapatuloy ang show sa kanyang second season.

Hwag ninyo sayangin itong opportunity na ito para sa mga kababayan natin na nasa Pilipinas. Hindi natin alam at baka ito na ang huling season ng sikat na reality show sa atin.

Kung kayo ay mahilig sa adventure, handang magutom sa loob ng isang buwan, mamuhay na parang mahirap at walang kapera-pera at makisalamuha sa mga di kakilala, pumunta na kayo sa mga audition venues at baka heto na ang inyong pinakahihintay na chance of your lifetime.

kung kayo ay mapipili siguradong makakapunta kayo sa labas ng Pilipinas ng libre, baka sa Malaysia naman ito, at may exposure pa sa TV.

Narito ang schedule ng auditions ng naturang show:

All free-spirited individuals, Survivor fanatics, thrill-seekers and adventure enthusiasts from all walks of life, 18 years old and above, physically and mentally fit, and can last in unfamiliar terrain for 39 days, may join.

Audition dates:

CSI, the City Mall Lucao in Dagupan - February 26 and 27, 2009
SM City Baguio - March 3 and 4
LCC Mall in Naga - March 9 and 10
SM Iloilo - March 12 to 13
SM City Cebu - March 15 and 16
SM Davao - March 18 to 19
SM Lipa in Batangas - March 23 to 24
SM North EDSA in Manila - March 27 to 28
SM Mall of Asia - March 29 to 30

Applicants are encouraged to show off their distinct survivor personality.

READ MORE >>

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO