Dyan Castillejos, Nasa Likod ng Desisyon ni Manny Pacquiao na Lumipat sa Dos?
Nadurog ang aking puso at matinding awa ang naramdaman para kay Dyan Castillejos nang mabalitaan namin ang nangyari sa Wild Card Gym sa San Francisco, California kung saan sumubok siya na kapanayamin si Manny Pacquiao.
Kahit binanggit namin dito na sobra ang pagiging agresibo ni Dyan na makunan ng interview si Manny sa eroplano - kahit naka-istorbo na sa ibang mga pasahero - nandun pa rin ang paghanga namin sa determinasyon niya na gampanan ang kanyang trabaho.
Hindi ko napanood sa telebisyon ang pagtangka ni Dyan na kunan ng pahayag si Manny pero ayon sa kuwento, nang dumating si Manny sa gym ay nagbitaw siya ng pangako na magpapa-unlak siya kay Dyan pagkatapos ng sparring o training niya. Naghintay ang lady host ng Sports Unlimited hanggang natapos ang training ni Manny pero nang lapitan na siya ni Dyan ay ipinagtabuyan na siya ng mga Amerikanong security escorts ng boksingero.
Habang pilit daw na tinatakpan ng mga bodyguards ang mga camera ng Dos, nakunan si Manny na napatingin sa kinaroroonan ni Dyan at nakitaan ng emosyon sa kanyang mga mata na parang gustong kausapin na lang ang reporter.
Hay, parang eksena sa pelikula. Sigurado ako na mabigat ang loob ni Manny na hindi napagbigyan si Dyan ng isang interview pagkatapos nitong mangako. Kaibigan ni Manny si Dyan kaya nasaktan siya sa nangyari. Ganundin ang naramdaman ni Dyan, sigurado ako dyan, dahil dumaan din kami sa ganyang trabaho. Hindi ka lang manliliit at mahihiya sa sarili pero siguradong mangangalaiti ka sa galit lalo na at nasayang ang iyong oras at pagod.
Pero sa sitwasyon na ito, parehas man na nasaktan sina Dyan at Manny, mas madaling maka-recover ang reporter sa tingin dahil na-mind set na siya na parte iyon ng kanyang trabaho. Mas mabigat ito sa parte ng boxing champion dahil nasa kanya naman ang kontrol kung magpa-unlak siya o hindi.
Pero hindi rin natin masisisi si Manny sa aspetong ito dahil posibleng kailangan niyang hindi magbigay ng anumang interview, lalo na at naharap siya sa isang kontrobersiya. Posibleng ang mga kontrata rin niya na ngayon lang niya na-realize ang nagtulak sa kanya para hindi na magsalita pa. Partikular na tinutukoy ko ang exclusive rights ng Siete na sa GMA shows lang pwede magpakita o magpa-interview si Manny.
Sa panig naman ni Dyan,hindi lang pagkapahiya ang naramdaman niya pero nandun din ang pressure mula sa mga bosses sa News and Current Affairs ng istasyon na pinagta-trabahuan niya. Naiintindihan ko kahit papaano ang minsan kailangan mo nang sumalungat sa mga social norms upang makuha mo lang ang hinihingi ng iyong pinaglilingkuran. Afterall, trabaho mo ang nakasalalay kaya kailangan mo ibigay ang expectations nila o hinihingi ng inyong trabaho.
Dahil pinag-uusapan na rin natin si Dyan, alam ba ninyo na paksa siya sa ngayon na posibleng siya ang naging medium o tulay ng ABS CBN para makausap si Manny? Si Dyan kasi ang isa sa pinakamalapit na kaibigan ni Manny sa Dos.