Wednesday, March 25, 2009

Pinoy ang Isa sa Finalist ng Australia's Got Talent; Suportahan ang Earth Hour

Bigyan daan natin ang mga kababayan natin sa iba't ibang bansa na humihingi ng tulong at suporta ng mga Filipino sa buong mundo.

Isang e-mail ang natanggap namin at humihingi ng tulong na kung pwede rin daw ba ilagay sa blog natin ang panawagan ng isang Fil-Am sa mga Pinoy na naka-base sa USA. Ang Fil-Am ay si Rich Kiamco (Si Warren Kiamco ang naalala ko.) na nangangailangan ng online votes para manalo sa Big Gay Sketch Show ng MTV/Logo Channel. Pagkatapos ninyo bumoto sa ating Goddess of Philippine TV pwede rin niyo puntahan ang site ni Rich na nasa ibaba para bumoto.
“I am writing to ask for some o“I am a Fil-AM actor/writer/comic/theater artist and you or your friends or relatives may have seen me perform or speak at several Filipino/Asian Student conferences around the USA, or at the Just For Laughs Studio Theater -- Montreal or at UP-Davao, Butuan City, or Xavier University @ CDO in the Philippines. You may have also seen my appearance on Queer Eye For The Straight Guy.

“Currently I am in this comedy contest for MTV/Logo channel and I’ve been reaching out to Fil-Am groups to ask for their daily online voter support.

“You can vote DAILY at this link and see my videos of my work.

http://www.VOTEforRICH.com.

***********
At para naman sa mga kababayan natin na based sa Land Down Under o Australia, mapalad po na nakapasok si Jal Joshua Lebumfacil, isang batang Pinoy na 12 years old na rin, sa Finals ng Australia's Got Talent. Binisita siya sa kanyang bahay ng host ng show na si Grant Denyer upang sabihin na ibinoto siya ng publiko para isa sa mga finalists o isa sa Final 8 na magpe-perform sa Final night.

Hindi ko alam kung tapos na ang talent search dahil nahuli na yata ako sa pagsulat ng topic na ito. Pero kung sakaling hindi pa ay pwede niyo pa rin siyang iboto para maging grand winner ang proud Pinoy na si Jal.

Napanood ko ang audition piece ni Jal, para sa isang 12 year old ay magaling siya, natural na singer, pero marami pa rin dapat i-improve para lalo siyang gumaling sa larangan ng musika. Medyo mababa ang boses ni Jal sa mga matataas na nota.Hindi kaya epekto ito ng pagbibinata niya? Nasa age kasi siya ng tinatawag na puberty.

Hindi ba may isa rin Pinay na kasama sa show na ito? Mukhang wala akong makitang balita kung ano na ang nangyari kay Chelsea Castillo na pwedeng sumunod sa yapak ni Charice Pempengco. Maganda rin at mataas ang boses ng 10 year old na si Chelsea. Mukhang hindi masuwerteng napasama si Chelsea sa Final Top 8?

**********
"Join me in Earth Hour 2009. It's a date for us on 28 March 2009 at 8:30 pm.  We will turn "OFF" whatever that is "ON" for 60 minutes only."

Iyan naman ang natanggap kong mensahe mula sa isang kaibigan na isang environmentalist. Ang Earth Hour ay isang attempt para aksiyunan ang lumalalang problema ng global warming. Ang layunin nito ay para mabawasan ang carbon emission na siyang major cause ng global warming.

Kaya hinihiling namin ang mga mambabasa ng Siete Contra Dos na pahalagaan ang panawagan na ito para na rin sa mundo. Kaya asahan ko na ZERO ang magiging traffic ng blog namin sa oras na iyon. Pero hwag niyong kalimutan bumalik dito ha! LOL

2,398 cities, towns at municipalities mula sa 83 countries ng nagbigay ng commitment sa proyektong ito.
Get free website for your blog

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO