Monday, March 23, 2009

Bayani Agbayani, Lasing na Lasing na Nanghamon ng Away Pagkatapos Makabangga

Nakunan ng video ang pagwawala ni Bayani Agbayani sa Pier One - kasama dito ang  mga malulutong niyang pagmumura at pananakot na magbabasag daw ng mukha - habang lasing na lasing.

Ang video na naka-post sa youtube ay madilim at hindi maaninag ang mga mukha ng sangkot kasama na si Bayani pero sa boses pa lang ay halatang-halata na siya ang komedyante.

Sa umpisa ng video ay maririnig mo na nakabangga ng sasakyan si Bayani na may plakang AGB 118. Disappointed ako kay Bayani dahil nakitaan at naringgan siya ng pagmumura at pananakot habang lasing na lasing. Pero sa telebisyon ay akala mo sobrang bait nitong si Bayani, huh.

Nangingibabaw ang boses ng aktor/host na ise-settle daw niya ang problema pero puro naman siya hamon ng hamon ng away.

Nagwala si Bayani dahil nabastos siya ng isa sa nakasakay sa nabanggang sasakyan pero hindi malinaw kung paano siya binastos. Pero, in fairness naman to Bayani, ay na-settle naman niya ang problema pero sobrang madi-disappoint ka nga lang sa mga lumabas sa kanyang bibig.

May isang scene kung saan ako natawa. Sabi ni Bayani na walang problema sa kanya ang pera dahil may pera daw siyang pambayad. Mura lang ang sinisingil ng may-ari ng sasakyan na nabangga dahil surplus lang daw ang kotse - around 6 thousand lamang or more - pero natawa ako ng sabihin niya na "Ang mahal naman!"

Pero sa hulihan ng video ay maririnig mo nga na ang hinahamon at minumura ni Bayani ay nagmumura din at pinapatulan ang lasing na komedyante. Tinawag pa siya ni Bayani na bakla at sinabing tsupain daw ang kanyang t--i. Naku, Bayani, parang gusto ko maniwala, ha. LOL

Narito ang url ng video: http://www.youtube.com/watch?v=qBTTYTwbxOs at http://www.youtube.com/watch?v=IQGPJWgf478&feature=related
Get free website for your blog

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO