Showing posts with label Jade Goody. Show all posts
Showing posts with label Jade Goody. Show all posts

Tuesday, March 24, 2009

Jade Goody Expires; Renee Lascuna, Nag-audition sa Survivor Philippines?

FOLLOW UP NEWS: Ang bilis ng mga pangyayari. Parang kapahapon lang ay kinaiinisan natin si jade Goody pero ngayon ay patay na siya.

Nalulungkot kami dahil pumanaw na ang kontrobersiyal na British personality na si Jade Goody sa sakit na cervical cancer. Inakusahan siya na racist at maldita. Kinilala siya dahil sa istorya ng kanyang buhay. Dati siyang mahirap na yumaman dahil nakilala sa telebisyon.

Kung noon ay nagagalit ako sa kanya dahil sa naging asal niya sa Big Brother UK, ngayon ay kalungkutan naman ang aming nadarama dito sa Siete Contra Dos dahil napakabata niya para mamatay sa edad na 27. May dalawa siyang anak na maliliit na naiwanan. Inulila niya ang kanyang ina at asawang si Jack Tweed na bagong kasal lang sa kanya noong nakaraang buwan habang alam na nila na terminal na ang kanyang sakit.

She died in her sleep on 22 March 2009. You may rest in peace. 

***********
Hindi kami magtataka kung napakarami ang nagagalit sa fashion designer na si Boyet Fajardo dahil sa pang-iinsulto niya sa isang cashier ng Duty Free Philippines.

Marami ang mga OFW na katulad namin ang nainsulto sa kanyang ginawa. Hindi namin nagustuhan ang kanyang tingin sa mga ordinaryong tao na may maliliit lang na trabaho katulad namin. Talo pa niya ang mga ibang lahi kung umasta sa mga maliliit na tao.

Isa kami sa nananawagan na mabigyan ito ng kaukulang leksiyon, Ipagpatuloy na hwag tangkilikin ang mga gawa niya at sana i-pull out ang mga shops niya sa Landmark at Robinson's.

Pumirma pa rin kayo sa petition against this abusive mean person.

**********
Hati rin ang naging reaksiyon ng mga tao sa gulong kinasangkutan ni Bayani Agbayani sa Pier One sa The Fort. Marami rin ang pumapanig sa komedyante dahil naging bastos din sa kanya ang isang sa sakay ng nabangga niyang sasakyan. Aminado kasi si Bayani sa naging kasalanan niya at inayos ito kahit sobrang lasing na siya kaya marami rin ang nakikisimpatiya sa kanya kahit naringgan natin siya ng pagmumura at pang-iinsulto.

Pero kahit ganun pa man ay hindi namin tino-tolerate ang ginawa ni Bayani na pananakot at paghamon ng away. aba, sino naman daw kami sa buhay ng aktor at kung makapagsalita ay para close naman daw, huh? Sekreto na namin iyon. LOL

**********
May bagong twist sa drama ng paglilipat ni Manny Pacquiao sa coverage ng laban niya dahil umamin nga siya na tinuruan lamang siya ng sasabihin sa interview niya sa TV Patrol World.

May katanungan ang aking partner dito sa Siete Contra Dos tungkol sa isinulat ko dito. 

Mukha yata napahiya kami pero maghihintay kami ng bagong pahayag ng Dos. Pansamantala ay magtatakip muna kami ng mukha sa harap ni Karl at baka hindi namin makayanan ang tingin niya. LOL.

Ito naman kasi ABS CBN, hindi masyado plinantsa ang lahat bago nagpalabas ng video. Na-overwhelmed sila masyado at na-excite. Kaya nga marami ang inaatake sa sex. Ayyyyy! Censored iyan. Pasensiyahan na lang niyo ako dahil na-excite din ako. Hehe

**********
Ayon sa aming Pusang Gala (Ayaw ko sa Palakang Kokak, Karl, na tawag natin sa mga spy o informant natin. Mas magandang pakinggan ang Pusang Gala) ay nag-audition daw si Renee Lascuna sa Survivor Philippines Season 2 nang magkaroon ito ng national audition sa Davao City.

Sino siya?

Si Renee ay produkto ng Starstruck 4 at kasabayan niya sina Jewel Mishe, Rich Asuncion at Kris Bernal. Isa siya sa mga nakapasok sa Final 14 pero siya ang kauna-unahan na natanggal sa mga babae. Isa siya sa bet ko noon at hindi ko in-expect na siya ang unang magpaalam sa nasabing talent search.

Pursigido pa rin si Renee na makilala siya showbiz at saludo ako sa iyong pangarap. Go for the gold, Renee. Pero hindi ito spoiler dahil wala siya sa final cast.
Get free website for your blog

READ MORE >>

Friday, February 20, 2009

British Reality Star, Oras na lang ang Binibilang sa Mundo

Ang nasa larawan ay ang controversial na British reality star na si Jade Goody.

Nabigla ako ng mabalitaan kong hinihintay na lang pala ni Jade ang kanyang kamatayan. Nakakalungkot di ba lalo na kung alam mong bilang na ang oras mo? Last Valentines Day, idineklara ng mga doktor na terminal na ang cervical cancer nito at mamamatay siya within a week. Sa ngayon, 6 na araw na ang nakakalipas.

Sino siya? Kung kayo ay mahilig sa mga reality shows, posibleng nakilala niyo na siya sa UK Big Brother. Naging sentro siya ng kontrobersiya noong 2007 dahil sa kanyang mga racist remarks sa isang Indian actress na kasama niya sa Celebrity Edition ng show. Si Shilpa Shetty ang tinutukoy natin.

Una siyang sumali sa Big Brother noong 2002, nagkaroon ng mga shows after her eviction, then she returned in the house in 2007.

Kasama ang dalawa pang housemates na kinabibilangan ng isang beauty queen, pinaiyak nila si Shilpa dahil sa mga remarks nila. Tinawag siyang "Shilpa fuckawhiler" at ininsulto ang paraan ng pag-iihaw niya on national television.

Sobrang big deal ang pangyayaring ito noon hindi lang sa Britain kundi sa ilang bahagi ng mundo lalo na sa India na pinagmulan ni Shilpa. Binantaan ang kanyang buhay at nakatanggap ang television network kung saan ipinapalabas ang Big Brother ng mga letters of protests.

Napagtanto ni Jade ang kanyang pagkakamali at binisita niya that year din ang India to appease the people. Pumasok din siya sa Indian version ng Big Brother na Bigg Boss para ipakita ang kanyang sincerity. Doon na niya mismo nalaman sa loob ng bahay about her cancer.

Kung noon ay medyo nagalit din ako sa naging aksiyon ni Jade sa UK Big Brother, ngayon ay napalitan ng pagkaawa. Ang mahalaga ay na-realize ni Jade ang kanyang pagkakamali at pinilit niya itong ituwid. Pero mukhang hindi pa rin siya napapatawad ng mga ibang Indians na nagsasabi na bad karma daw ang nangyari sa kanya dahil sa pag-iinsulto sa lahi nila.

Si Jade ay 27 lamang at may dalawang anak na maiiwan. Meron siyang boyfriend at sila'y nagpakasal agad bago siya mamatay.

Naku, napaka-iksi ang buhay kaya maging mabait na rin tayo sa kapwa. Kung meron tayong mga pagkakamali, sikapin na rin sana nating ituwid habang may buhay pa. Hindi natin alam kung ano ang pwedeng mangyari sa atin.

READ MORE >>

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO