Tuesday, February 10, 2009

Pinagtawanan ang Pagiging Ama ni Paolo Ballesteros

Magandang araw para sa aking mga readers na kahit ngayon lang ako naging active sa site na ito ay medyo may ilan na ring sumusubaybay at sumusuporta sa akin. Sana nga ay dumami pa kayo dahil kayo ang ginagawa kong inspirasyon. Pero lilinawin ko lang na hindi ako isang writer sa kahit anumang newspaper o tabloid in the Philippines pero nagkaroon lang ako ng tsansa to work with the media. That was long before. Kung anuman ang mga isinusulat ko dito ay mga naririnig ko rin lang from my friends in the media at mangilan-ilan na experience with some of them.

Gusto ko rin sana na mag-iwan kayo ng mga comment ninyo sa bawat sinusulat ko para naman malaman ko ang inyong mga reaksiyon. You are free to do it.

Since mainit na usapan ngayon ang pagkakaroon ng anak ni Paolo Ballesteros, siya naman ang ating isusunod na paksa sa post na ito. I am very fortunate to have known a good friend who was in Paolo's company before he joined showbiz. Actually, nagsisimula pa lang noon ang binatang pinagdududahan ang kasarian sa kanyang pangarap na makapag-artista noong kasa-kasama na niya ang aking friend.

Kung napansin rin ninyo sa aking plugging sa may second column ng aking blog, binanggit ko dyan na si Paolo ang isa sa mga gagawan ko ng article pero hindi pa ito ang first part ng kuwentong iyan. If I start writing what I have heard about him, siguro I gonna write it in installment basis or meron siyang part 1,2 and so on. Marami kasi ako gustong maisulat na hindi pa niyo siguro nababasa kahit saang magazine kaya abangan po ninyo iyan.

Yung picture na iyan ay ang baby ni Paolo at ang kanyang dating kasintahan na si Katrina Nevada. Katrina comes from the famous Nevada clan of Baguio City. The family owns bussineses in the Summer Capital of the Philippines and one of these is the famous Nevada Square - a hang out built in the ruins of the Nevada Hotel that was destroyed during the 1990 Killer Earthquake.

Kaklase noon ni Paolo si Katrina sa Saint Louis University. Pareho silang Mass Communications sa school kung saan din nagtapos si Rustom Padilla (mas kilala na ngayon bilang BB Gandanghari) at Robin Padilla.

Ayon sa aking friend, nagtawanan lang daw ang mga kaibigan ni Paolo na dati rin niyang schoolmates sa balitang nagkaroon nga ng anak ito kay Katrina. Pero dahil na rin isa na itong artista ay pinili na rin daw nilang tumahimik para hindi masyado maapektuhan ang iniingatang reputasyon.

May nagdayalog daw ng, "Balita ko ay may anak ka na Paolo? Ano naman daw ito?" Wala daw naging sagot si Paolo kaya sinalo na lang daw siya ng iba pa nilang kaibigan. Sabi daw ng mga ito, "Pabayaan mo na lang iyang si _____. Wala lang iyan magawang maganda sa buhay" Kasabay nito ay nagtawanan na lang silang lahat.

Kung biruan lang ito dahil madalas kwestyunin ang kasarian ni Paolo, sila na lang ang makakakumpirma sa bagay na iyan. Ganyan naman ang mga magkakaibigan o magkakakilala. Dahil comfortable na kayo sa bawat isa ay pwede ninyong gawing biruan ultimo pinaka-sensitive na issue sa iyo sa mga private gatherings ninyo whether personally or virtually.

I want to hear your reactions by leaving a message at the comment form. If you have something to tell, I am happy to entertain them.

READ MORE >>

Alfred Vargas and Mart Escudero - Nag-Deny; Jewel Mische Nagsalita Na


I just realized that the title of my post is a little naughty. Pwede kasi iba ang kahulugan nito para sa iba kong readers lalo na kapag it is being taken out of context. Pero hindi ko masisisi kung sakali man iba ang maisip ninyo dahil may double meaning talaga ito habang binabasa mo.

Pwede natin isiping Alfred Vargas and Mart Escudero are both being rumoured as gays na mayroon lihim na relasyon. At si Jewel Mische naman ang star witness at umamin nga that  the two hunks have a special relationship.

Pwede, di ba? O baka naman ako lang ang may malisyang pag-iisip? Pwede rin. LOL.

Pwede rin bigyan ng meaning na halimbawa magkaribal ang dalawang binata para sa pag-ibig ni Jewel. At kailangan mamili ng dalaga sa dalawa kaya siya ay nagsalita na. 

Di ba, marami talaga senaryo ang pwedeng gawin para sa isang taong may malikot na imahinasyon? Pero mukhang magandang plot yung huli at mukha namang may kilig factor ang tatlo kung sakali mang magkaroon sila ng project na sila ang mga bida.

Paging GMA 7 management.

Aba, naligaw na tayo sa tunay kong paksa para sa post na ito. Ang tatlong nabanggit na aktor ay ang mga subjects ko sa last entries ko at nakapagtataka na mainit sila ngayon sa mga entertainment sections ng mga showbiz newspapers.

Isang fan ang nag-email sa akin sa mga links ng pag-deny ni Mart na hiwalay na sila  ni Jennica at ang pag-deny din ni Alfred na isa na siyang binatang ama. Samantala si Jewel naman daw ay nagsalita na raw tungkol sa isyung pilit ipinupukol sa kanya.

Ayon sa aking nabasa, ayon kay Mart, hindi raw totoo na naghiwalay na sila ni Jennica. Buo pa raw ang relasyon nila. Lumabas na rin na ang babae na aking tinukoy sa unang kong post ay anak ng may-ari ng bahay na ginagamit nila sa shooting ng Dear Friends, palabas nila sa Kapuso Network. Mart denied that he courted the said lady.

Pero isa pa rin palaisipan kung bakit ayaw pa rin basagin ni Jennica ang kanyang katahimikan at hinahayaan lang si Mart ang nagsasalita sa media.

Tungkol naman kay Alfred Vargas na parehas yata ang isyu sa kanila ni Mart, nagulat daw siya ng malaman niyang umamin na raw siyang isang binatang ama dahil ang totoo daw ay certified bachelor pa rin daw siya. Matagal na ang isyung ito sa apat na sulok ng showbiz pero wala tayo magagawa kung gustong protektahan ni Alfred ang kanyang image bilang pinagpapantasyahan at hinahabol-habol ng mga babae't bakla. Baka ang ending ay parang kwento rin ito ni Dennis Trillo na noong una ay nag-deny din sa pagkakaroon niya ng anak kay Carlene Aguilar.

Samantala, nagsalita na rin daw si Jewel sa Showbiz Central, pang-Linggong showbiz talkshow ng GMA 7 about sa demolition job sa kanya ng ABS-CBN. Napangalanan na rin ang isang bayarang writer na pilit hinihila ang dalaga sa personal na usaping ito. Sabagay, kahit sino naman siguro nagbabasa ng diyaryo sa Pinas ay malalaman na ito ay pakana ni Jobert Sucaldito, isang reporter ng Channel 2 na napatunayang walang kredibilidad.

Hindi ko pa napapanood ang nasabing show dahil sa aking trabaho pero agad ko siyang papanoorin kapag magkaroon ako ng time.

Sinabi nga raw ng dalaga na never siyang nagkaroon ng checking account at naayos na raw ng kanyang ina ang bagay na iyon.

Naku naman, Jobert Sucaldito!! Hindi ka ba nagkaroon ng leksiyon mula sa nangyari sa nanay-nanayan mong si Cristy Fermin na naghihirap na raw sa ngayon?

READ MORE >>

Monday, February 9, 2009

Third Party sa Mart Escudero at Jennica Garcia Break Up

Nawalan ng ingay ang mga pangalan ng magkasintahang (real and reel life) Mart Escudero at Jennica Garcia nitong nakaraang taon pero unti-unti sila nagkakaroon ng media mileage dahil sa napapabalitang break up nilang dalawa.

Third party raw ang dahilan ng hiwalayan at ito'y sa panig ni Mart. Chickboy talaga yata ang mga Escudero. Nahuli daw ni Jennica ang lahat dahil sa cellphone na naiwan ni Mart. Isang babae ang tumawag at dahil wala ang binata ay napilitan itong sagutin ng anak ni Jean Garcia at Jigo Garcia. Nalaman daw ng pobreng Jennica na kasintahan din ni Mart ang babae sa telepono. Pero nang kumprontahin ni Jennica si Mart ay nag-deny daw ang Kapuso talent na produkto ng Starstruck: The Next Level.

Dahil dito ay napilitan daw si Jennica na tanungin ang babaing caller at dito nga raw niya nalaman na sila ay pinagsabay. Si Jennica na raw mismo ang nakipaghiwalay.

Napakalungkot naman kung ito nga ang tunay na nangyari dahil halatang mas nagmahal si Jennica. Ano na lang kaya ang masasabi ng ina ni Jennica na si Jean Garcia na hayagan noon ang pagkagusto sa binata para sa kanyang anak.

Pero kung sakali man na ito'y ginawa nga ni Mart ay hindi na nakakagulat. Bata pa kasi ang aktor at marami pang alam na kalokohan. Isa sa naalala ko sa kanya ay ang kwentong kapilyuhan na kanyang ginawa sa isang bakla sa loob ng toilet. Umiihi daw ang nasabing bakla nang ito ay video-han ng aktor gamit ang kanyang cellphone.

Meron talaga pagkatuso itong si Mart pero para sa akin ay natural lang iyan sa kanyang edad. Nasa stage kasi siya na hyper at laging curious sa lahat ng bagay. Ganyan din ako noong nasa ganyan akong age. Sige lang ng sige tapos magsisisi sa bandang huli kapag may pagkakamali.

Sana nga maging mature na agad si Mart na Mart Enrico Cruz Escudero sa totoong buhay. Actually, Mark Butler siya dahil ang ama niya ay isang Amerikano at ang ina naman ay isang Filipina.

Kung nakakatawa naman ang paksa, naalala ko ang minsang puna ni Alfie Lorenzo. Si Mark daw ay lumalaki ang butas ng ilong habang nagdadrama bagay na hindi ko naman pa napapansin.

Mapapanood si Mart sa kasalukuyang umaaribang pangatlong tambalan ng pinakamainit na love team sa ngayon - ang Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

READ MORE >>

Alfred Vargas ay Isang Binatang Ama

Hindi ito kumpirmasyon na totoong may anak na si Alfred Vargas sa pagkabinata pero ito'y pagpapatunay sa matagal ng alingasngas tungkol sa sikretong pagiging ama ng isa sa mga aktor sa ngayon na may pinakagwapong mukha.

Si Alfred Vargas - handa na kayang umamin na meron na siyang anak na matagal na ring inililihim sa publiko?

Ano ang magiging epekto nito sa kanyang career? Mas lalo kaya siya pananabikan ng kanyang taga-hanga o sila'y mawawalan ng gana?

Inaamin ko na isa si Alfred sa mga artista natin sa ngayon ang tunay kong pinagnanasaan dahil sa kanyang kayumangging kulay at appeal na tunay na lalake. Hindi siya katulad ng ibang mga matinee idols na kitang-kita na nga ang kabadingan ay pilit pa rin nagpapakalalake. Pasensya na kung sino man ang matamaan.

Matagal ko na rin naririnig sa ilang mga kaibigan sa media tungkol dito pero nagkaroon yata ng news blackout. Pero darating din ang araw na puputok itong balitang ito sa dating nobya ni LJ Reyes dahil dumarami na rin ang nagkakainteres na maisulat nito kagaya ko.

Kung sakali man umaming isa nang binata si Alfred ay lalo ko siyang mamahalin. O di ba? Para namang mamahalin din daw niya ako? Hindi ako mawawalan ng gana sa binata kundi lalo ko pa siyang pagnanasaan.

Pero sana naman ay hindi makaapekto ito sa kanyang career. Lalo sana siyang maging successful kapag lumabas ang kanyang kumpirmasyon.

READ MORE >>

Saturday, February 7, 2009

Demolition Job ng ABS-CBN kay Jewel Mische

Isa si Jewel Mische sa mga talent ng GMA Channel 7 ang may pinakamagandang mukha sa mga nagsusulputang mga bagong artista. Malakas ang appeal ni Jewle lalo na sa mga kalalakihan at meorn siyang potential na maging premyadong aktres kung mabigyan siya ng tamang push mula sa kanyang mother studio.

Jewel is indeed a jewel.

Dahil sa kadahilanang ito, hindi lingid sa kaalaman ng ABS-CBN ang bagay na ito na matagal nang binabalak i-pirate ang dalaga mula sa Bulacan. Pero dahil ang Ultimate Sweetheart ng Starstruck 4 ay may kontrata pa sa Channel 7 na nagbibigay pa sa kanya ng mas maraming taon sa Kapuso channel, nawalan ng pag-asa ang Kapamilya network na makuha ang dalaga.

At dahil na rin isa si Jewel sa mga ipu-push ng GMA para sumikat ngayong taon, naalarma daw ngayon ang kabila knowing that Jewel has the capacity to make it big in the entertainment industry.

Ngayon, Jewel is in the midst of a controversy - isang issue na pilit pinapalaki ng ilang manunulat ng ABS-CBN to discredit KC Concepcion's look-alike. Mas maganda nga lang si Jewel ng kaunti.

Sinasabi ng ilan sa Kapamilya na nagtatago si Jewel sa atraso nitong talbog na tseke. Pilit nilang inilalarawan ang bata bilang estapadora o mangungutang ng hindi nagbabayad. Iyan daw si Jewel na napakabata pa sa edad na 18.

Hindi maiiwasang makilala ang ABS-CBN sa ilan nitong "marumi" taktika para muling makuha ang pinakamalaking porsiyento ng mga manood sa Kamaynilaan na pinanghahawakan sa ngayon ng karibal nitong istasyon ng halos 5 taon na.

So, ang pagpapalaki sa "isyu" ni Jewel ay isa na namang malinaw na "demolition job" ng ilang manunulat na sobrang loyal sa Channel 2. Maaga pa lang ay sinisira na nila ang kredibilidad ng bata para wala itong tsansang sumikat. Meron silang demolition job kay Marian Rivera at accomplice dito si Boy Abunda ayon sa aking kakilala sa showbiz. Nag-imbento na rin sila ng mga false witnesses para kunyari paratangan ang GMA na tina-tamper ang ratings sa Bacolod - isang bagay na ibinasura na ng korte. Kung isa-isahin natin ang mga ito ay aabutin tayo ng isang dekada sa pagsusulat kaya mas mabuti na lang babanggitin natin ito habang tumatagal ang site natin.

Balikan natin si Jewel Mische.

Pinabulaanan na ng dalaga na nag-issue siya ng tsekeng tumalbog dahil ayon sa kanya ay never pa raw siyang nagkaroon ng checking account sa kahit anong bangko. Inamin niya na ang nanay niya ang may kasong ganito pero ayon sa kanya ay hindi raw nila tinatakbuhan ang bagay na ito. Nangyari lamang daw ito ng hindi sinasadya at talagang dumarating ito sa buhay ng kahit sino. Pero nabayaran na raw ng lola ni Jewel ang taong pinag-isyuhan nila ng tseke.

Kawawang Jewel dahil pilit siyang hinihila ng ilan sa Kapamilya sa isyung ito kahit malinaw pa sa sikat ng araw na walang kinalaman ang bata sa kaso.

Bilang pagsarado ko sa post kong ito, sasabihin kong gumagana na naman ang kaswapangan ng ilang manunulat sa Channel 2.

READ MORE >>

Saturday, October 4, 2008

A Petition to OUST Cristy Fermin

THIS IS AN OPEN LETTER TO ABS-CBN, PSN AND DZMM. I decided to write the letter in Tagalog. I make it simple.

Dear Sir/Madam:

Gusto po naming iparating sa inyong kinauukulan ang isang bagay na parang hindi natin napapansin tungkol kay Cristy Fermin.
Iisa po ang tinig ng mga tumatangkilik ng iyong mga palabas sa telebisyon at pahayagan. Ito ay ang katotohanan na lahat po kami ay hindi na nasisiyahan pa sa ginagawa ni Fermin. Malinaw po sa amin na ginagamit niya lamang ang mga pribelihiyong inyong ipinagkaloob sa kanya para sirain ang isang taong walang kalaban-laban.

Maganda sanang basahin ang mga column o panoorin ang mga palabas ni Fermin kung itong ay kapupulutan ng isang aral sa buhay or kung ito sana ay pawang katotohanan lamang. Pero dahil sa mga nangyayari, malinaw po sa amin ang gusto ni Fermin na gamitin ang kanyang mga programa para banatan at ilugmok ang isang taong pilit na nagsusumikap na hindi maiskandalo.

Ang kanyang mga pahayag ay punum-puno ng kayabangan, kasinungalingan, poot, paghihiganti at paninira sa kanyang kapwa - isang bagay na hindi dapat katangian ng isang responsableng mamamahayag kung maituturing ba nating mamamahayag talaga itong si Cristy.

Isang halimbawa dito ay ang pagbibigay niya ng kanyang napaka-brutal na pahayag laban kay Nadia Montenegro. Ang kanyang pandadamay sa isang batang paslit sa isang usapin o away ay napaka-irresponsable. Meron pa siyang ganang ipangalandakan sa mundo na dapat tinatakpan na lang sa ilong ang isang sanggol para mahugutan ng hininga. Hindi man ito ang eksaktong salita ni Cristy pero malinaw sa amin na iyan ang gusto niyang mensaheng ipalabas.

Isinisigaw naming walang kredibilidad si Cristy at ang kanyang mga ginagawa ay dapat nang maputol. Dapat na siyang mabigyan ng leksiyon. Dapat na siyang patawan ng isang karapat-dapat ng parusa.

Iisa lang po ang gusto namin, TANGGALIN si CRISTY FERMIN sa ABS-CBN, PSN at DZMM at sa lahat ng mga pahayagan kanyang pinagsusulatan.

Kami po ay magpapatanggal muna ng aming subscription sa TFC; hindi bibili ng PSN or makikinig sa DZMM hanggang hindi namin nababalitaang hindi pa tinatanggal si Cristy Fermin.

Ako po ang boses ng mga milyon-milyong Pilipino na nakakalat sa mundo na ang gusto lamang ay maituwid ang isang tao sa paraang mabigyan siya ng kaukulang parusa. Ito po ang aming panawagan para magising sa isang mulat na katotohanan na si Cristy Fermin ay hindi dapat pamarisan.

Gumagalang,

Makisig


P.S.

Sa mga gustong makatulong sa kapwa sa paraang dapat ginigising ang isang mapanirang tao, paki-forward na lang ang iyong pangalan at lokasyon sa pamamagitan ng comment at every other day ay aking titipunin ito para ma-ipublish sa aking blog. Pakiforward na rin ito sa mga kaibigan ninyo. Your comment will do.

Ang blog na ito ay para sana sa mga personal kong pananaw sa mga pinapanood ko sa ABS-CBN at GMA pero dahil sa sobarang inis na ako kay Cristy ay pansamantal ko rin itong gagamitin para maiparating sa ating lahat na kailangan nating magkaisa para kalampagin ang konsensiya ni Cristy Fermin.

Sisikapin kong mai-forward ito sa kinauukulan sa tulong ng mga kaibigang nagtatrabaho sa mga istasyong pinaglilingkuran din ng ating paksa.

Makisig

READ MORE >>

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO