Showing posts with label Jericho Rosales. Show all posts
Showing posts with label Jericho Rosales. Show all posts

Saturday, April 11, 2009

Iwa Moto, Nasa Depression din; Jericho Rosales at Diether Ocampo, Nagkagalitan?

May bago na bang programang naka-line up para kay Iwa Moto? Parang wala kaming alam dito sa Siete Contra Dos. Kaya naman pala lately ay ang dalaga ang latest na biktima ng aming nabanggit dati tungkol sa depression na madalas maranasan ng mga artista kapag natatapos ang kanilang programa sa telebisyon.

Nangyayari ang depression na ito habang naghihintay ang isang artista ng susunod na show. Nandyan  sa stage na iyan itong si Iwa ngayon na lalo pang pinalala ng pagkamatay ng kanyang ama na hindi man lang niya nakita kahit sa libing niya.

Unang nakitaan si Iwa ng "karamdaman" na ito sa kanyang account sa Facebook dahil sa pagsusulat ng mga "emo" messages sa kanyang shout outs. At dahil sa depression, umabot pa sa punto na dinelete na niya ang account.

Mas matindi raw ang depression ni Iwa sa ngayon ayon sa aming Pusang Gala dahil sa pagpanaw ng kanyang ama noong March 8 ng taong ito. Ang hindi niya pagkakapunta sa Japan para bisitahin ito sa huling sandali ang mabigat na sanhi ng kanyang hinanakit. Nagu-guilty ba si Iwa? Bakit kasi hindi siya lumipad na lang papuntang Japan pansamantala. Hindi ko ito maintindihan, huh. May problema ba sa visa?

**********
Nabanggit na rin lang natin ang Facebook, naalala niyo ba ang balita namin tungkol kay Jericho Rosales?

Nag-follow up ang aming Pusang Gala sa status ng Facebook ni Jericho at sinabi niyang tila ninanamnam masyado ng aktor ang kanyang naging pahayag na "he's on the process of healing".

May isa pa nga raw kaibigan ng aktor na nag-comment sa shout out na ito in particular. Tanong daw ng kaibigan kung ano ang nangyari dahil siya ay nasugatan din daw niya ang kanyang kamay. Sumagot daw si Jericho na ang "healing" na tinutukoy niya ay hindi physical.

Kung ano yung nasulat namin dito ay siyang huling update ni Jericho. May duda ang aming Pusang Gala na gusto lang sigurong masigurado ni Echo na mabasa ito ng kanyang pinapatungkulan, kung meron nga. Halos 3 weeks na raw niya itong isinulat pero hindi pa rin niya pinapalitan.

Dagdag tsika pa niya na ngayon lang daw naging magkaibigan sina Echo at Diether Ocampo sa Facebook. Si Diether daw ang nag-imbita kay Echo na maging friends sila na tinanggap naman ng huli.

Gustong intrigahin ng aming kausap ang tsikang ito dahil may isa silang denominator at si Kristine Hermosa iyon na naging pagmamay-ari ng mga puso nila sa magkaibang panahon.

Nagkagalit daw ba sina Diether at Jericho dahil kay Kristine?

Sagot namin, "wala kaming alam."

READ MORE >>

Monday, March 23, 2009

Jericho Rosales, Nasasaktan pa rin kay Heart Evangelista; Panliligaw kay Karylle - Gimik lang

Nauuso ngayon ang pagpapalabas ng mga artista natin ng kanilang nararamdaman sa social-networking na Facebook. Ginagawa nila ito sa shout-out ng profile nila at open itong nababasa ng sino man ang nasa list of friends nila.

Nalaman ng publiko na namatay ang tatay ni Iwa Moto dahil sa Facebook at ganundin ang pananatili ni JC de Vera sa Siete dahil agad niya itong isinulat sa nabanggit na site. Nabasa niyo na rin siguro yung kay Rafael Rosell na nagpahayag din ng sama ng loob sa kanyang account.

Dahil dito ay natuklasan din ng Siete Contra Dos mula sa aming Palakang Kokak na ang bali-balitang nanliligaw umano si Jericho Rosales kay Karylle ay isang gimik lamang dahil sa naging statements ni Jericho sa facebook account niya.

Talong oras lang ang nakakaraan ay nag-post siya ng "Jericho: is still in the process of healing" Malinaw sa mga sumunod na mensahe na ang tinutukoy ng gwapong Mr. Pogi grand winner ay ang nangyaring hiwalayan nila ni Heart Evangelista.

Pagkatapos lang ng ilang segundo ay sinundan niya ito by posting a youtube video of Jed Madela's Healing. Tapos ay nagsulat siya ng mensahe na "I'm almost there."

Of course, nababasa din ito ni Heart dahil nasa network ng binata ang dating kasintahan.

First time ko napakinggan ang awit na ito ni Jed at parang naramdaman ko nga ang lungkot na nararanasan ngayon ni Echo. Mukhang natatagalan ang paglimot ng binata kay Heart at hanggang ngayon ay vulnerable pa rin siya. Sa totoo lang ay kinikilig ako for Echo. Parang ang sarap naman niyang mahalin at magmahal. Kailan niya rin kaya ako mapapansin, huh?

Napaka-swerte naman nitong si Heart at talagang nabighani niya ng husto ang morenong aktor na kahit sa Malaysia ay pinapagpantasyahan. Ano kaya ang ipinakain ni Heart dito at magayuma ko rin siya? Pero para kay Heart ay wala na talaga ang nangyari dahil mukhang umamin na ito na nagkaroon na rin siya ng bagong kasintahan pagkatapos si Echo.

Hay, pag-ibig na makapangyarihan, sabi nga ni Francisco Balagtas. Kaya kung meron mang effort ang ABS CBN na pagtambalin o gawing loveteam ang Jericho-Karylle, siguradong hindi maniniwala ang publiko dahil sa ginawa ng pag-ibig kay Jericho Rosales. Let Jericho heals first because he's almost there!
Get free website for your blog

READ MORE >>

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO