Showing posts with label horror movie The Echo. Show all posts
Showing posts with label horror movie The Echo. Show all posts

Monday, March 23, 2009

Jericho Rosales, Nasasaktan pa rin kay Heart Evangelista; Panliligaw kay Karylle - Gimik lang

Nauuso ngayon ang pagpapalabas ng mga artista natin ng kanilang nararamdaman sa social-networking na Facebook. Ginagawa nila ito sa shout-out ng profile nila at open itong nababasa ng sino man ang nasa list of friends nila.

Nalaman ng publiko na namatay ang tatay ni Iwa Moto dahil sa Facebook at ganundin ang pananatili ni JC de Vera sa Siete dahil agad niya itong isinulat sa nabanggit na site. Nabasa niyo na rin siguro yung kay Rafael Rosell na nagpahayag din ng sama ng loob sa kanyang account.

Dahil dito ay natuklasan din ng Siete Contra Dos mula sa aming Palakang Kokak na ang bali-balitang nanliligaw umano si Jericho Rosales kay Karylle ay isang gimik lamang dahil sa naging statements ni Jericho sa facebook account niya.

Talong oras lang ang nakakaraan ay nag-post siya ng "Jericho: is still in the process of healing" Malinaw sa mga sumunod na mensahe na ang tinutukoy ng gwapong Mr. Pogi grand winner ay ang nangyaring hiwalayan nila ni Heart Evangelista.

Pagkatapos lang ng ilang segundo ay sinundan niya ito by posting a youtube video of Jed Madela's Healing. Tapos ay nagsulat siya ng mensahe na "I'm almost there."

Of course, nababasa din ito ni Heart dahil nasa network ng binata ang dating kasintahan.

First time ko napakinggan ang awit na ito ni Jed at parang naramdaman ko nga ang lungkot na nararanasan ngayon ni Echo. Mukhang natatagalan ang paglimot ng binata kay Heart at hanggang ngayon ay vulnerable pa rin siya. Sa totoo lang ay kinikilig ako for Echo. Parang ang sarap naman niyang mahalin at magmahal. Kailan niya rin kaya ako mapapansin, huh?

Napaka-swerte naman nitong si Heart at talagang nabighani niya ng husto ang morenong aktor na kahit sa Malaysia ay pinapagpantasyahan. Ano kaya ang ipinakain ni Heart dito at magayuma ko rin siya? Pero para kay Heart ay wala na talaga ang nangyari dahil mukhang umamin na ito na nagkaroon na rin siya ng bagong kasintahan pagkatapos si Echo.

Hay, pag-ibig na makapangyarihan, sabi nga ni Francisco Balagtas. Kaya kung meron mang effort ang ABS CBN na pagtambalin o gawing loveteam ang Jericho-Karylle, siguradong hindi maniniwala ang publiko dahil sa ginawa ng pag-ibig kay Jericho Rosales. Let Jericho heals first because he's almost there!
Get free website for your blog

READ MORE >>

Tuesday, March 3, 2009

Ano na ang Nangyari sa The Echo na Pelikula nina Iza Calzado at Yam Laranas?

Marami ang nagtatanong kung ano na ang nangyari sa The Echo, ang Hollywood movie na remake ng Sigaw, ang horror film nina Angel Locsin at Richard Gutierrez para sa Regal noong 2003. Ginawan ito ng isang remake sa Hollywood at ang original director pa rin na si Yam Laranas ang nagdirek. Kasama pa rin ang original cast na si Iza Calzado.

Matagal nang natapos ang shooting ng pelikula. Sa katunayan noong isang taon pa yata ito. Iisa ang pangamba ng mga nag-aabang na fans nina Iza at Direk Yam. Baka tuluyan nang hindi maipalabas ito sa mga sinehan sa US. Baka tuluyan nang maglaho ang pangarap nina Iza at Yam na ma-penetrate ng tuluyan ang Hollywood.


Nakakalungkot naman kung ganun nga ang mangyari. Sa katunayan very promising naman ang pelikula although puna ng iba na very amateur daw ang cinematography dahil kulang ang special effects ng ginamit. Actually, ang description pa nga ay "halos walang special effects." Ang ginawa ni Yam ay ginamit niya ang kanyang mastery sa lighting o ilaw para magmukhang nakakatakot nga kapag nakita ito sa screen pero talaga naman nakakatakot daw.

Actually maliban sa cinematography, marami ang pumupuri sa pelikula. Marami na akong nabasang magagandang reviews nito. Sabi nga "kung sa tingin niyo raw ay napanood niyo na lahat ng pwedeng makita sa isang horror film, nagkakamali daw kayo kapag mapanood ninyo ang The Echo "

Ang gumawa ng remake nito ay ang film outfit din na gumawa sa The Ring at The Grudge na Vertigo Entertainment.

Nag-try akong mag-research tungkol sa pelikula at nalaman ko na ipinalbas na rin pala ito last year sa mga film festivals like Cannes Film Festival in France noong 25 May 2008. Ipinalabas din ito sa Fantasia Film Festival ng Canada noong 17 July 2008. Nakatakda naman itong ipalabas sa Russia sa 23 April 2009.

Hindi nga lang namin sigurado kung tama ang nabasa namin na sa 19 March 2009 na ito ipapalabas sa mga sinehan sa US.

READ MORE >>

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO