Sunday, February 15, 2009

Ang Lalaking Third Party sa Hiwalayang Rafael Rossel at Malaya Lewandowsky?


Alam na nating lahat ang eksenang ginawa ni Rafael Rossel sa presscon ng kanyang pelikula with Ruffa Mae Quinto na Status:Single noong last week ng January. Hindi nahiya ang Swedish-Filipino actor na mapaluha sa harap ng press dahil sa pakikipaghiwalay ng kanyang dating nobyang si Malaya Lewandowsky.

Dahil sa isang tip ng isang kaibigan, nabasa namin ang report sa Pep na nag-open na raw si Rafael sa tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay dahil isang reader umano ang nagpadala sa kanila ng mga detalye ng pag-oopen up ni Rafael in public sa pamamagitan ng social networking na Facebook.

Isa ako sa nakasaksi kung paano ipahayag ng binata ang kanyang poot o nararamdaman sa kanyang Facebook account. Isa rin ako sa mga "strangers" na nagbigay ng mga words of encouragement. Nangyari ang lahat nang magsimula siyang mag-open up noong 27 January hanggang 30 January. Pero pagdating ng 31 January ay isang bagong Rafael na ang nakita namin - isang mas matatag at kalmado na.

Nakita namin kung paano nasaktan si Rafael. Masasabi naming nagmahal talaga siya ng tunay. Sabi nga namin na napakahaba naman ng buhok ng Malayang ito at isang gwapong lalaki ang talaga namang durog na durog ang puso ang nagsusumamo. Isa si Rafael sa gusto naming artista ngayon na may maamong mukha kaya kami rin ay nakaramdam ng awa sa kanya habang siya ay nasasaktan.

Pahapyaw ang pagkakabanggit ni Rafael sa lalaking inakusahan niyang third party sa hiwalayan nila ni Malaya. Nasabi lang niya na isa itong instructor sa isang gym. Pero nabanggit din niya kalaunan na ang lalaki ay nagtatrabaho sa Planet Infinite, ang dating gym kung saan nagwo-work out dati ang dating magkasintahan.

Isang pahulaan ang ginawa ni Rafael sa Facebook para tukuyin ang lalake. Sabi niya, "Riddle me this, riddle me that, who is that false prophet in a planet so infinite wearing red and black? ;)." Malinaw na ang lalaking nagsusuot ng red and black sa Planet Infinite gym ang kanyang tinukoy.

Pero noong 31 January at 6 pm nga ay nagbago ang ihip ng hangin at na-realize nga ni Rafael na walang third party na namagitan kaya muli siya nagpahayag na kanyang apology sa Facebook pa rin: "Rafael feels ashamed.I apologize for the 3rd party accusation.There was an act of interruption,but she said nothing happened. I believe u,and i ask for ur forgiveness.."

Napakadakila naman ang ginawang iyan ng Kapamilya talent at alam niya talaga ang magpatawad sa gitna ng personal niyang krisis. At sa mga sumunod niyang mensahe about Malaya, lagi niya idinidiin na hindi kumaliwa ang dating nobya.

"No we're not back together. We're moving on. I forgive both her and that guy who interrupted. She didn't cheat.." pahayag ni Rafael on Malaya sa Facebook pa rin.

Pero iba ang interpretasyon ng isa kong kaibigan na saksi rin sa scene na ito. Sabi niya sa akin, "nandun ka rin at nakita ang mga palitan ng words from Rafael and us, his friends, let's just give it to Rafael na wala nga third party kasi napagtanto niyang kailangan nga niya protektahan din ang image ni Malaya considering that she's dreaming of stardom also. Alam kong nabasa mo ang mga payong iyan."

"So nasa iyo na ang panghuhusga kung ang gym instructor nga ba ay third party sa hiwalayan nila or hindi!"

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO