Aicelle Santos Currently Leads GPTV
Maligayang Araw ng mga Puso para sa inyong regular readers ng aming blog.
Sa unang oras ng Siete Contra Dos para sa unang elimination ng Goddess of Philippine TV, nagpakita agad ng puwersa ang Kapamilya network nang gawing leader si Laarni Lozada out of 20 female stars. Pero ilang oras lang ang nakalipas, nakaungos ang Kapuso.
Sa partial result ng aming poll as of 6 pm Philippine time, 5 Kapuso ang pasok sa Top 6. Si Laarni lamang ang nag-iisang Kapamilya. Pero unpredictable ang ating resulta dahil sa bottom 4 ay puro rin Kapuso.
Ano ang ibig sabihin nito? Extreme ang mga Kapuso fans. Merong mga talents from their network na malawak talaga ang fan base at meron ding konti lang. Samantala sa Kapamilya naman ay halos pantay ang distribution. Marami ang mga posibleng dahilan pero unti-unti natin sila mababanggit as we go along with this contest.
Kasalukuyan nangunguna ngayon si Aicelle Santos ng Kapuso with 416 votes. 44 votes ang lamang nito kay Marian Rivera na pumangalawa lamang. Mukhang mga singers ang nagbibigay ng sorpresa sa batch na ito. Pagkatapos umariba si Laarni ay si Aicelle naman ang nanguna. For sure, hindi magpapatalo dito ang mga fans ni Marian dahil malayo pa naman ang laban.
Aside from Aicelle, Marian and Laarni sa Top 10, kasama rin nila sina Jonalyn Viray, Jackie Rice, Bianca King, Kim Chiu, Anne Curtis, Karylle Tatlonghari at Melissa Ricks.
Nanganganib naman mawala sa listahan at tuluyan nang ma-eliminate sina Chynna Ortaleza, Gaby dela Merced, Cristine Reyes, Cathy Gonzaga, Sheryn Regis, Mariel Rodriguez, Carlene Aguilar, Krissa Mae Arrieta, Pauleen Luna at Sunshine Dizon dahil sila ang nasa bottom 10 so far.
Nakakagulat na hindi masyado lumalaban sina Pauleen Luna, Sunshine Dizon, Cristine Reyes at Mariel Rodriguez dahil isa sila sa mga kino-consider na front runners.
Natutuwa kami dahil successful ang aming Search for Goddess of Philippine TV. Wala pa itong 24 hours simula ilunsad namin ay nakapag-generate na kami ng more 2 thousand votes from all parts of the world. Africa at South America na lang yata ang hindi pa represented sa aming poll. LOL.
Anyways, keep on voting guys at sabihin niyo rin sa mga iba pang fans to support their idols. Narito ang partial result ng ating contest as of 6 pm ng February 14, 2009 (Philippine time)
Aicelle Santos - 416
Marian Rivera - 372
Jonalyn Viray - 367
Laarni Lozada - 149
Jackie Rice - 141
Bianca King - 95
Kim Chiu - 93
Anne Curtis - 78
Karylle Tatlonghari - 54
Melissa Ricks - 40
Marian Rivera - 372
Jonalyn Viray - 367
Laarni Lozada - 149
Jackie Rice - 141
Bianca King - 95
Kim Chiu - 93
Anne Curtis - 78
Karylle Tatlonghari - 54
Melissa Ricks - 40
Chynna Ortaleza - 29
Gaby dela Merced 27
Cristine Reyes - 27
Cathy Gonzaga - 20
Sheryn Regis - 17
Mariel Rodriguez - 17
Carlene Aguilar - 16
Krissa Mae Arrieta - 11
Pauleen Luna - 9
Sunshine Dizon - 5
Gaby dela Merced 27
Cristine Reyes - 27
Cathy Gonzaga - 20
Sheryn Regis - 17
Mariel Rodriguez - 17
Carlene Aguilar - 16
Krissa Mae Arrieta - 11
Pauleen Luna - 9
Sunshine Dizon - 5
Nabanggit namin sa mechanics ng contest na aside from weekly voting para sa face off or elimination process, pwede rin kayo bumoto by clicking the icon at the menu tab - Vote for GPTV. Kung sakali yung idol niyo ay makapasok sa Final Top 10, yung score niya from that separate poll makes 15% of her total scores in the final stage.
Kung naguguluhan kayo, feel free to leave a comment at sasagutin namin sa lahat ng makakaya namin.
Bukas, hintayin niyo rin ang post ng isa kong co-author sa blog na ito. He made a survey sa mga non-Pinoys, mostly British and Americans, about the stars they would like to date ngayong Valentines if they are given the chance. Of course ang mga choices ay ang mga Top 100 Female Stars natin dito.
Abangan niyo iyan dahil masaya ito. Ang susunod naman na update ng GPTV (Goddess of Philipppine TV) ay after 2 days - Monday.