Wednesday, March 18, 2009

Katrina Halili, Matindi ang Depression dahil kay Hayden Kho

Nakakaawa naman ang "depression" na nararamdaman sa ngayon ni Katrina Halili ayon sa ibinulong sa amin ng isang kaibigan dahil sa kontrobersiyang kinasangkutan nito noong mga nagdaang buwan. Isa si Katrina sa mga third parties sa hiwalayan nina Dr. Vicki Belo at Hayden Kho. Ang pinakamasakit siguro na nagawa ni Katrina ay ang pagpatol sa nobyo ng taong itinuring siyang malapit na kaibigan at paboritong endorser. Nasaktan niya si Vicki. Naging tanga si Katrina sa pag-ibig at inamin naman niya ito.

Sobra daw kinamumuhian sa ngayon ni Katrina si Hayden dahil sinira nito ang kanyang pagkatao sa publiko. Ito daw ang matagal nang kinatatakutan ng dalaga. Ang pag-amin ni Hayden na naging sila ni Katrina habang may nobya siya ang nagtulak sa mga tao para kamuhian siya. Malinaw na hindi nagustuhan ng mga tao ang pagpatol ni Katrina sa isang lalaki na pag-mamay-ari na ng iba.

Pinipilit daw tanggapin ni Katrina na unti-unti na siyang lumulubog bilang isang TV and movie actress.  Kumbaga, nasa dapit-hapon ang kanyang career. Aminado raw siyang nasayang ang effort niya at ang GMA na gawin siyang malaking pangalan. Kung kailan kasi nagsisimulang maging bida na siya sa mga palabas ay doon pa pumutok ang iskandalo kung saan siya ang pinaka-apektado sa laht ng involved.

Para kay Katrina, sana naman daw kasi ay prinotekhan din siya ni Hayden. Alam naman daw ni Hayden na may pangalan siyang inaalagaan at parehas naman daw silang nagkamali kaya sana naman daw ay hindi na binanggit pa ang kanyang pangalan sa telebisyon. Kung hindi daw kasi binanggit ni Hayden ang kanyang pangalan. posible sanang nasalba daw siya dahil hindi naman daw nagsasalita si Vicki kung sino ang mga babaing naging dahilan ng hiwalayan nila.

Ito ang daw ang hindi matanggap ni Katrina dahil ipinahamak siya ng lalaking minahal naman daw niya. Dahil sa kagustuhan daw ni Hayden na mapa-ibig muli si Vicki ay bakit kailangan pa raw siyang kaladkarin. Hindi man lang daw inisip ni Hayden ang kanyang status sa showbiz.

Dito sa Siete Contra Dos, aminado kaming nagkasala talaga si Katrina. Mali ang kanyang ginawa na pagpatol sa isang taong alam naman niyang may dyowa ng iba. Pumayag siyang maging other woman.Walang tama doon. Aminado diyan si Katrina. Nagsisisi daw siya pero sana naman ay maging aral talaga ito sa kanya at hwag ng gawin pa sa hinaharap.

Pero meron pa rin naman kaming concern kay Katrina kahit nagkasala siya. Sasang-ayunan namin na sana hindi na lang binanggit pa ni Hayden ang pangalan ng dalaga. Alam naman siguro ni Hayden na masisira talaga ang celebrity status ni Katrina kapag nalalaman ng publiko na nanloko ang isang tao sa kapwa. Sana ay pinag-usapan na lang nilang pribado ang lahat ng ito.

Dahil dito ay napatunayan namin ang obserbasyon ng marami sa showbiz na nalunog sa isang baso ng tubig si Hayden. Masyado siyang nasilaw sa konting kasikatan dahil sa pagkapasok niya sa showbiz. Masyado siyang naging bilib sa kanyang sarili at inakalang siya na yata ang pinaka-gwapong lalaki sa mundo.

Dahil sa mentalidad na iyan na na-develop ni Hayden sa sarili, sumubok siyang magpa-ibig ng maraming  sikat na babae sa kabila ng pagkakaroon niya ng kasintahan. Nang naging okay ang una niyang pagsubok ay lalo siyang naging hyper at nagpursige na ituloy ito. Nahibang ang loko. Pero huli na nang siya ay mapaso.

Bakit hindi pwedeng sabihin na hindi nalunod si Hayden sa konting kasikatan? Dahil noong nagpasya siyang kitilin ang kanyang buhay, nagulat daw siya kung bakit hindi pa raw lumalabas sa mga balita ang kanyang ginawang pagpapakamatay. Dismayado daw siya kinabukasan nang gabing mag- overdose siya ng gamot dahil nalaman na hindi pa raw napa-publish ang kanyang ginawang paglaklak ng gamot. Sinubukan talagang maging artista ni Hayden, huh.

Well, classic example si Hayden ng mga taong nangarap at biglang nakalimot pero bigla din bumulusok pababa para maturuan ng leksiyon. Sana naging aral ito para sa kanya at sana maging better person siya dahil sa nangyaring ito. Mahirap kung wala siyang mapulot na aral dito.

At para kay Katrina, kung sakali man na makabangon siya, matuto na rin sana siyang magpahalaga ng mga munting bagay tulad ng pag-respeto sa isang relasyon. Hwag mo ng masyado sisihin si Hayden dahil parehas kayong may mali. Habang sinisisi mo siya ay lalo lamang nagiging mabigat sa dibdib mo. Tanggapin mo na lang na iyan ang consequence ng pagkakamali ninyo.
Get free website for your blog

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO